Secret lovers

By Markshin

1.4M 22.5K 2.1K

Zia Hernandez knows how to handle her perfect life. She's an A-list. A good daughter, A very good student, A... More

Secret lover
Chapter 1: Partner in crime
Chapter 2: Sweet morning
Chapter 3: The beginning
Chapter 4: A few inches away from you
Chapter 5: Let's get study
Kindly read!!!!!
Chapter 6: Let's dance
Chapter 7: CLOSE
Chapter 8: You are not good for me
Chapter 9: Let's forget each other
Chapter 10: I HATE HIM
Chapter 11: So close
Chapter 12: Alam nya ba
Chapter 13: Zia VS Trixie
Chapter 14: She knows
Chapter 15: Big news
Chapter 16: Breaking the rules
Chapter 17: Tao sila hindi bagay.
Chapter 18: Separate ways
Chapter 20: We can't be
Chapter 21: The engagement
Chapter 22: Everything's gonna be alright
Chapter 23: Official Lovers (Ikalawang yugto)
Chapter 24: Living together
Chapter 25: Dalawa tayo
Chapter 26: Two weeks relationship
Chapter 27: Tampuhan
Chapter 28: Masaya kana?
Chapter 29: Wag mo akong iwan
Chapter 30 : Pagod na.
Chapter 31: Updated.
Chapter 31: Isip at puso
Chapter 32: Si Imelda
Chpater 33: Alipin at master
Chapter 34: The compromise
Chapter 35: Daddy
Chapter 36: Thank you
Chapter 37: Seloso
Chapter 38: My Yuan
Chapter 39: Separated Lovers (Ikatlong Yugto)
Chapter 40: Moving on
Chapter 41: I love you so
Chapter 42: Zia
Chapter 43: It's just a dream
Chapter 44: Mahabang panaginip
Chapter 45: Para kaming hangin sa isa't isa
Chapter 46: Because he loves me so much
Chapter 47: My weakness
Chapter 48 : Marry your daughter
Chapter 50: Last goodbye
Epilogue

Chapter 19: I don't care about her

20.8K 347 34
By Markshin

Yuan

Isang linggo na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ayoko naman sanang isipin pero minsan sumasagi pa rin sa akin yung mga nangyari. Umiling ako. Para lang sa isang babae, nag kakaganito ako. Para akong tanga alam ko, kaya titigilan ko na ang kahibangan ko.

Pinarada ko sa isang gas station ang sasakyan ko dahil hindi kayang makapasok sa makipot na daan. Maliit lang ang bahay nila Meanne. Ang totoo, squatters area na nga ang lugar nila. Noong una akong pumunta sa kanila, pinag titinginan ako ng mga tao. Alam kong gwapo ako kaya normal lang na pag tinginan ako.

“Nadyan na pala yung mayaman at gwapong boypren ni Mehh-ann.” Bulong ng isang ginang habang nasa isang lamesita at nag lalaro ng mahjong kasama ang nanay ni Meanne.

“Oyy ikaw pala Yowan!  Si Mehh-ann ba hinahanap mo? Nasa loob puntahan mo nalang!” Haragan na wika sa akin ng nanay ni Meanne. Mukha na syang pinag lipasan ng panahon sa suot nyang daster habang panay ang hithit ng yosi.

“Sige po, aling Pasita. Pasok lang ako sa loob.” Wika ko. Papasok na sana ako ng mag salita sya kaya napahinto ako sa pag lalakad.

“Yowan! Pwede bang makihiram ng pera dyan kahit isang libo lang. Wala na kasi akong pantaya eh.” Wika nya. Dumukot ako ng isang libo sa bulsa ko at binigay sa kanya.

“Eto po.” Wika ko. Nag liwanag ang mukha nya saka mabilis na kinuha ang pera sa palad ko.

“Oy! Salamat ah! Sige pasok kana sa loob!” Taboy nya sa akin. Pumasok ako sa maliit na bahay nila. Hindi ko alam kung paano sila nakakatagal sa ganito kaliit na bahay. Umupo ako sa sofa para hintayin si Meanne.

“Kuya Yuan! Nasa taas sa ate Meanne puntahan mo nalang.” Wika ng kapatid ni Meanne na halos ka edad lang ni Zam. Naka-uniform na sya at papasok na rin.

“Anong year mo na? Mae?” Tanong ko.

“4th year highschool na po.” Sagot nya. Hindi sila mag kamukha ni Meanne.  Ang alam ko kasi mag kaiba sila ng tatay. Nag labas ako ng limang daan at inabot sa kanya.

“Baon mo.” Wika ko.

“Nako salamat kuya Yuan! Ang bait mo talaga, sana ikaw na ang mapangasawa ni Ate Meanne.” Masaya nyang wika. Ngumiti lang ako.

“Sige na. Pumasok kana.” Taboy ko sa kanya. Tumango sya at masayang umalis ng bahay. Alam kong minsan lang sya makahawak ng ganun pera dahil kapos sila sa buhay.

Sa isang linggo na kasama ko si Meanne saka ko lang nakita ang kabilang side ng  buhay: Ang kahirapan. Umakyat ako sa makipot na hagdaan. Dahil maliit lang ang bahay ay nakita ko agad si Meanne na nag susuklay sa kama.

“Kanina ka pa?” Tanong nya. Tumayo sya at sinunggaban ako ng halik sa labi. Hinila nya ako pahiga sa kama at pumatong sa akin.

“Kakarating ko lang din…” Bulong ko habang hinakalikan nya ang leeg ko. She bit my lower lip and slid her tongue inside my mouth. I roam my hands around her waist. Kapag nag sosolo kami ng ganito, walang pinapalampas si Meanne.

“Isang round tayo?” Bulong nya sa tenga ko. Nakapikit ako habang nilalasap ang mabagal na pag himas nya sa umbok ng pantalon ko.

“Hindi pwede eh. May practice kami ngayon, isasama nga kita diba.” Nahihirapan kong wika.  Muntik ko ng makalimutan yun dahil sa ginagawa ni Meanne sa katawan ko.

“Hindi ba pwede kahit isa lang?” PIlit nya. Inalis ko sya sa ibabaw ko at inupo sa kama.

“Hindi talaga pwede. Pag katapos nalang ng practice namin.” Wika ko. Nalukot ang mukha nya at tumalikod sa akin. Umiling ako. Alam kong nag tatampo sya. Niyakap ko sya mula sa likod.

“Wag ka ng mag tampo. Promise. Pag katapos ng game namin we will have all the time to have sex.” Pangako ko. Tumingin sya sa akin.

“Promise huh.” Parang bata nyang wika. Tumango ako.

“Promise. Let’s go.” Pangko ko. Hinila ko sya patayo at lumabas ng bahay. Nag lakad pa kami ng limang minuto bago nakarating sa kotse.

“Meanne, boypren mo pala may-ari ng magarang kotse na yan.” Wika ng isang gasoline boy. Ngumiti lang si Meanne saka pumasok sa kotse.

“Sino yun?” Tanong ko habang nasa daan na kami.

“Kapit bahay lang namin. Simula ng makita ka ng mga tao sa amin parati na nila akong kinakausap. Alam ko naman na kaya lang nila ginagawa yun, kasi alam nilang mayaman ka, at kung tayo ang mag kakatuluyan, feeling nila maaambunan sila.” Naiinis na wika ni Meanne. Hinawakan ko ang isang kamay nya.

“Hayaan mo na.” Balewala kong sagot.

Nakarating kami sa school at mag kahawak kamay na nag lalakad.  Nakatingin ang mga tao sa amin. Alam ko kung anong iniisip nila. Kakahiwalay ko lang kay Trixie tapos may bagong babae na naman akong kasama.

“Yuan, parang hindi ata ako masasanay na palaging may nakatingin sa akin.”Naiilang nyang bulong sa akin. Inakbayan ko sya at hinalikan sa noo.

“Hayaan mo lang sila. Wala silang magagawa kung ikaw ang gustong kong makasama.” Wika ko.

“Ang sweet-sweet mo talaga.” Kinikilig na wika nya. 

Pag dating namin sa gym nakaupo na sa bench sila Rico at Mico. Tumingin sila sa akin at tinaguan ako. Umupo ako sa tabi nila habang nasa kabilang side naman si Meanne.

“Asan si Atom?” Tanong ko. Hindi pa nag uumpisa ang practice.

“Nag papalit na ng uniform.” Wika ni Mico.

“Mag palit kana rin.” Dagdag ni Rico. Tumangon ako at nag paalam na rin kay Meanne na mag papalit na ng uniform.

“Hoy! Kayo muna bahala sa girlfriend ko huh.” Bilin ko sa dalawa.

“Ano yan, batang maliit na kailangan bantayan?” Bara ni Mico. Binatukan ko sya dahil baka marinig ni Meanne ang sinabi nya.

“Geh na! mag palit kana doon!” Singhal sa akin ni Rico. Tumayo na ako at iniwan sila.

Hindi sila pabor sa pakikipag relasyon ko dahil alam nila kung sino daw talaga ang gusto ko. Tang-ina naman kasi eh. Sino bang gusto ko? ang isa pang problema ko ay hindi nila gusto si Meanne kaya hindi nila masyadong pinapansin.

Sa buong durasyon ng practice game, nakaupo lang si Meanne at nanunuod sa practice namin. Hindi lang naman sya ang nag iisang babae doon dahil may ilang babae rin na girlfriend ng mga ka teammates ko.

Kakatapos lang namin mag shower at nag lalakad na pabalik ng gym ng tanungin ako ng mga kaibigan ko.

“Pare, seryoso ka na dyan sa Meanne na yan?” Tanong ni Mico.

“Oo seryoso ako sa kanya.” Sagot ko.

“Tang-ina! Anong bang nangyari? Bakit biglang ganyan na?” Naguguluhan na tanong ni Atom. Sya ang may pinaka-ayaw kay Meanne.

“Paano na si Zia?” Singit ni Rico. Humigpit ang hawak ko sa varsity bag na dala ko.  Biglang bumalik ang galit sa dibdib ko.

“Wala na akong pakialam sa kanya.” Malamig kong wika.

“Talaga? Seryoso ka ba talaga dyan sa mga sinasabi mo?” Paninigurado ni Mico.

“Baka mamaya parang asong ulol ka na naman na hahabol-habol kay Zia?” Dagdag ni Rico.

“Mas gusto ko si Zia kaysa sa jejemon mong girlfriend ngayon!” Asik ni Atom. Binatukan ko sya dahil sa sinabi nya.  Wala talagang filter ang bunganga.

“Wag mo yang sasabihin sa harap nya kundi lagot ka sa akin!” Banta ko.

“Yeah right! As if kaya mo akong utusan!” Singhal ni Atom.

“Engaged na si Zia at Prez?!” Gulat na wika ni Mico. Gusto kong  suntukin ang bibig nya dahil sa masamang lumalabas doon.

“Patingin nga!” Kinuha ni Rico ang cellphone kay Mico. Binasa nilang tatlo ang balita sa FB. Napakabilis talaga ng balita. Ako nga live ko pa nasaksihan.

“Eto ba ang dahilan kaya nag dadrama ka na wala ka ng pakialam kay Zia?” Tanong ni Mico. Kung mag salita kasi sila akala nila simpleng bagay lang ang lahat eh.

“Wag na nga natin syang pag usapan!” Iwas ko ng sagot.

“Ang tanga mo!” Sigaw sa akin ni Atom. Biglang nag init ang ulo at hinatak ko sya sa kwelyo.

“Anong sabi mo!”

“Ang tanga mo, kasi imbes na gumawa ka ng paraan para makuha mo si Zia, anong ginawa mo? Nakipag relasyon ka sa isang jejemon na kung saan mo lang pinulot!”

“Wala kang alam! Kaya wag kang mag salita na akala mo madali lang ang lahat!” Sigaw ko saka ko sya sinuntok sa pisngi.

“Madali lang naman ang lahat! Ikaw lang ang nag papahirap!” Sigaw ni Atom saka ako sinuntok sa mukha. Nanunuod lang sila Rico at Mico sa away namin.

“Kung madali lang ang lahat, bakit hirap na hirap ako?!” Sigaw ko saka sya sinuntok ulit.

“It’s because you’re stupid not to admit to yourself that you are head over heels in love with Zia! Tangna ka!” Sigaw ni Atom sa akin saka ako sinuntok ng mag kasunod. Hindi ako lumaban hanggang sa mapahiga ako sa sahig.

Nayanig ako sa sinabi nya pero hindi ko parin maintindihan kung paanong nangyari na mamahalin ko si Zia. I’m addicted to her and I can’t get her out of my system, but that’s not enough reason to say that I’m in love with her.

“Atom, tama na yan!” Awat ni Mico saka kinuha si Atom.

“Ano? Natauhan ka na ba?” Tanong ni Rico saka ako inalalayan patayo. Tinulak ko si Rico at pinuntahan si Meanne.

“Yuan! Anong nangyari sa mukha mo? Bakit dumudugo ang labi mo?” Hysterical na wika ni Meanne.  Hinawakan nya ang mukha ko pero umiwas lang ako.

“Let’s go.” Wika ko saka sya hinatak palabas ng gym.

Natigilan ako ng makita ko ang pinsan kong si Mimi kasama ang mga kaibigan nya.

“Nice make up!” Asar sa akin ni Mimi. Lumapit sya at hinawakan nag baba ko para tingin ang putok na labi ko.

“What happened?” Tanong ni Zia. Saglit nag tama ang mga mata namin.

“Nag kainitan lang.” Sagot ko.

“Sino to?” Duro ni Mimi sa katabi kong babae. Inakbayan ko si Meanne.

“Girlfriend ko.” Kaswal kong sagot.

“Oww…Bago.” Tumango-tango pa si Mimi na parang alam nya na hindi rin naman yun mag tatagal. Tumingin ako kay Zia pero wala akong mabasa sa mukha nya. Her face is blank. Hinwakan ko si Meanne sa kamay at hinila paalis sa lugar na yun.

Bakit ba sa tuwing umaayaw na ako, palagi nalang may isang pag kakataon na bigla nalang syang mag papakita sa akin.  Isa pa tong mga kaibigan ko eh. Imbes suportahan ako, binugbog pa ako.

 ---------------------

Grabe! natuwa ako sa mga comments nyo! lalo na dun sa mahahaba, sobrang kinikilig ako habang binabasa ko at nakikita ko yung laman ng comments nila. Nakakatuwa kasi may mga napupulot din akong lesson XDD

Dahil nakakatuwa ang response nyo ayan UD agad XDD

 Meanne sa left side --->

Please be an actve reader. Your comments motivates me to update faster as I could.

Continue Reading

You'll Also Like

26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
91.1K 1.4K 29
(Finished) Hindi mo malalaman ang halaga ng buhay hanggang sa minuto na lang ang matira sa iyo. Paano pag nalaman mong may taning na ang buhay mo? H...
98.1K 3.1K 44
Dalha Mae Gregorio Cace Sarmiento