Second Best 「 Choi Soobin 」✓

Par -chypher

33.9K 2K 1.2K

"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw... Plus

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Author's Note
51
52
53
54
55

28

552 35 9
Par -chypher


Suri;

Namamaga na yung mata ko kakaiyak kagabi. Sabado ngayon. Wala kaming pasok tapos day off ko pa. Kung kailan kailangan ko ng distractions saka pa ako libre.

Bumangon na ako sa kama at nagdesisyong maligo. Binuksan ko yung cabinet ko para kumuha ng bagong towel nung nakita ko yung pink na tuwalya. Ito yung tuwalyang ginamit ni Soobin nung una siyang natulog dito.

Siya na naman yung naalala ko. Nawalan ako ng ganang maligo dahil sa pink na tuwalya. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa dining area. Nadatnan ko si Sura na nakaupo habang naglalaro ng cellphone. May nakaipit na pandesal sa bibig niya.

Nagtimpla ako ng gatas at umupo rin. Kumuha ako ng pandesal at kinagat yun. Napatingin ako sa suot ni Sura na spongebob designed pajama. Yan yung isinuot ni Soobin dati.

"Sura..."

Tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Bakit mo suot yan? Ang tanda tanda mo na nagsusuot ka pa rin ng spongebob designed na pajama."

"Alam mo ate napaka ano mo. Sinuot rin naman to ni Soobin pero hindi ka naman naging ganyan."

Ani niya. Nag-iba ang timpla ng mukha ko nung binanggit niya ang pangalang yun. Nainis ako bigla. Yung lalaking yun. Aware naman siguro sila na nagmomove on ako diba? Malamang hindi kasi di ka sumagot nung tinanong ka nila kagabi.

Kumuha ako ng pandesal at uminom ng gatas. Dumating naman si papa na may dalang nakahanger na tuxedo at white polo.

"Suri, diba kay Soobin tong mga damit na to?"

Napatingin ako kay papa. Bakit ba paulit ulit akong binabagabag ng pangalang yan? Tumango ako.

"Nae."

Walang gana kong sagot.

"Ihatid mo to sa kanila mamaya. Baka makalimutan pa to at di na maibalik."

"Pero appa, bakit ako? Pwede namang si Sura."

"Malamang kasi jowa mo yun. Tsaka ikaw lang ang may alam kung saan siya nakatira."

Ani ni Papa.

"Di ko po siya jowa."

Sabi ko. Kumunot yung noo ni Papa.

"Ano?"

"Hindi ko po jowa si Soobin."

Dumikit naman si Sura sakin.

"Bakit ate? Naghiwalay na kayo?"

Tanong niya. Wala ngang kami eh hayuf!

"Oo, ako ang nakipagbreak sa kanya."

Pagsisinungaling ko.

"Weh? Di kapani-paniwala. Sa tindi ba naman ng iyak mo kagabi sigurado akong hiniwalayan ka ni Soobin."

Komento ni Sura. I glared at him.

"Waw no? Porket nagsenti ako kagabi ako na agad yung hiniwalayan? Diba pwedeng umiyak ako kasi nasaktan din ako? Porket ako yung nakipagbreak hindi na pwedeng umiyak? Bawal? Nasa batas?"

"Nae."

Sagot niya. Agad ko siyang binatukan. Napahawak naman siya dun sa sakit.

"Bat ka ba nambabatok?"

Tanong niya.

"Magkapatid tayo pero iba yung pinapanigan mo."

"Eh sa totoo naman. Kasalanan ba niyang masyado siyang gwapo para sayo? Sa tingin ko hiniwalayan ka niya kasi ang panget panget mo. Wala ka pang dede."

"Abugh! Namemersonal ka na ha."

Piningot ko yung tenga niya.

"Tama na yan. Basta Suri, ihatid mo tong mga damit ni Soobin ha. Sige, aalis na ako. Baka malate pa ako sa trabaho."

Sabi ni Papa. Hinalikan niya kami ni Sura sa ulo at pumunta siya sa kusina para magpaalam kay mama. Binelatan ako ni Sura. Inirapan ko siya. Walang kwentang kapatid. Sarap itapon sa basurahan.

---------------------------------------------

Nasa harap ako ng bahay ni Soobin. Nagbike ako mula sa bahay namin papunta dito sa bahay nila. Krisis ngayon kaya kailangan kong magtipid.

Kinakabahan ako. Bakit ba ako kinakabahan? Like hello? Ibibigay mo lang yung damit teh wag kang ano. Pinindot ko yung doorbell. Ilang sandali pa may lumabas na isang katulong. Binuksan niya yung gate.

"Ano pong kailangan nila?"

Tanong nung maid.

"Ate, damit po to ni Soobin. Inihatid ko lang."

Ibinigay ko sa kanya yung damit.

"Ikaw ba yung dalagitang bumisita dito nung nakaraan?"

Ngumiti ako awkwardly.

"Opo hehe."

"Pasok ka muna. Si Sir Seulbin lang ang nandito, kakalabas lang niya sa ospital kagabi. Sasabihin kong nandito ka."

Ani niya. Agad ko siyang pinigilan.

"Wag na po, aalis na rin po ako. Pakisabi na lang po kay Seulbin oppa na ipagdadasal ko ang pag galing niya."

"Hmm sige. Salamat sa paghatid dito."

"Sige po."

Pumasok na si Manang maid sa loob. Naglakad na rin ako paalis dala ang bike ko. Sa di kalayuan may naaninag akong lalaki na naka earphone. Nakapang jogging attire siya. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko. Nung papalapit na siya sakin dun ko lang naaninag yung mukha niya.

Si Soobin. Gagu! Si Soobin. Agad kong tinakpan yung mukha ko gamit ang kamay ko. Hayuf! Bakit ba ako nagtatago? Ganito na lang, kunyare may sira yung bike tapos aakto ako na di ko siya nakita.

Umupo ako at kunware tinitignan yung components ng bike. I let my hair covered my face. Buti na lang di nakatali yung buhok ko. Malapit na siya sakin. Minutes later, naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likod ko.

"Suri?"

Mariin akong napapikit. Hindi ako nagkakamali, boses niya yun. Nag-angat ako ng tingin at lumingon sa kanya. Hayuf!!! Basang basa yung buhok niya dahil sa pawis. Ang hot niyang tignan sa itsura niya ngayon.

Nasampal ko yung sarili ko mentally. Gaga Suri! Hater ka ni Soobin. Wag kang mag fangirl jan hayup ka!

"Oi haha."

Energetic kuno kong sabi pero yung totoo pinipilit ko lang yung sarili kong ngumiti. Ok kuul! Parang gusto ko na lang magteleport papunta sa bahay namin.

Kinuha niya yung earphone niya sa tenga. He brushed his hair. Napalunok ako. Sige Suri, kaya mo yan. He looked at me.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong niya. Napakamot ako sa batok ko.

"Ahm ano, hinatid ko lang dito yung tuxedo at polo mo. Naiwan mo kasi sa bahay. Sige, aalis na ako."

Akmang aalis nung hinawakan niya ang braso ko. Para akong nakuryente nung dumampi ang kamay niya sa balat ko. Napatingin ako sa kanya.

"Uh do you want to have breakfast with me? I mean in our house."

Ani niya. Yumuko siya. Teka, nahihiya ba siya? So weird.

"Nag-agahan na ako kanina sa bahay. Hmm salamat na lang."

"Oh? Okay..."

Nagtama ang mga mata namin. Nagtitigan kami. Wait! Parang di niya ata gets. Mukhang kailangan ko atang sabihin.

"Yung kamay mo."

Napatingin naman siya sa kamay niya na nakahawak sakin.

"Oh sorry."

Paumanhin niya. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.

"Sige, uuwi na ako."

Ani ko at sumakay sa bike. Di ko napansin na may bato pala sa harap kaya na out balance ako. Agad namang rumesponde si Soobin.

"Are you okay? You should be careful."

Puno ng pag-alala niyang sabi. Inalalayan niya ako. Dali-dali akong tumayo.

"Hindi, okay lang ako."

Ani ko. He looked at my knees.

"No, you're not. May sugat ka."

"Hindi, okay lang talaga ako."

Hinawakan niya yung braso ko.

"No. You are not okay. Come with me let me clean your wounds."

Hinila niya ako pero iwinaksi ko yung braso ko. Nagulat siya.

"Okay lang ako okay? Okay lang ako kaya wag mong sasabihin na hindi ako okay kasi okay lang talaga ako."

Pumatak ang luha sa mga mata ko. Alam niya naman palang hindi ako okay. Sana aware din siya na hindi ako okay kagabi diba? Na may sugat rin ang puso ko dahil sa ginawa niya.

"Suri..."

Pinahid ko yung luha ko.

"Kailangan ko ng umalis. Baka kailangan na ako ni mama sa bahay."

Sabi ko at tinalikuran siya. Naglakad na ako paalis. I almost break down buti na lang na kontrol ko agad ang sarili ko. Kasi kung hindi, who knows? Baka umiiyak na ako ngayon sa harap niya at nagmamakaawa na manatili siya sakin kesa kay Lia.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.2K 280 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
114K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
83.2K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...