Saving the Fallen Constellati...

De red_miyaka

6K 171 162

Maxzille Heydie Peralta can't get over her ex boyfriend even though she's still young. She believes that she'... Mai multe

Disclaimer
Constellation
Panimula
Una.
Pangalawa.
Pangatlo.
Pang-apat.
Panlima.
Pang-anim.
Pang-pito.
Pang-walo.
Pang-siyam.
Pang-sampu.
Pang labing-isa.
Pang-labindalawa.
Pang labing-tatlo.
Pang labing-apat.
Pang labing-lima.
Pang labing-anim.
Pang labing-pito.
Pang labing-walo.
Pang-dalawampu.
Pang dalawampu't-isa.
Pang dalawampu't-dalawa.
Pang dalawampu't-tatlo
Pang dalawampu't-apat
Pang dalawampu't-lima
Pang dalawampu't-anim
Pang dalawampu't-pito
Pang dalawampu't-walo
Pang dalawampu't-siyam
Pang-tatlumpu
Panghuli.
Playlist

Pang labing-siyam.

83 6 1
De red_miyaka

Ika labing-siyam na Kabanata

Fries at Smart C




Kabado-bente ako nang bitawan ako ni Off at naglakad palayo sa'kin. Naka-tulala lang ako sa pwesto namin habang pinoproseso ang nangyari. Hindi naman ako gaanong nailang sa pwesto namin dahil gano'n ang pagkahawak niya sa'kin kagabi sa prom. Nagulat lang talaga ako dahil sa biglaang pagseseryoso at pagkakairita niya. Gano'n ba kalala ang nagawa ko?

Nang bumalik ako sa huwisyo ay agad akong sumunod sa kanya na naglalakad sa pool. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya kaya agad siyang natigil sa paglalakad.

"Sorry. Galit ka ba?" Tanong ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa sarili kong tanong. Halata naman na galit siya, Zil, tinanong mo pa?

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa pulsuhan niya kaya agad akong bumitaw roon. Bumuntong-hininga siya at seryosong tumingin sa akin.

"Hindi ako galit, Liz." Seryoso niyang sabi.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang... takutin ka." Nakatungong sabi ko. Kinurot ko ang braso ko gamit ang isang kamay ko. Si Off, Zil, matatakot?

"Muntik na akong malunod dati dahil diyan. 'Wag mo na uulitin 'yon." Sabi niya na lang at lumangoy palayo. Naiwan na naman ako roon. Nagulat ako sa sinabi niya at agad akong nainis sa sarili ko. Kinurot ko ang braso ko at nang itaas ko ito sa tubig, nakita ko ang mga marka ng kuko ko rito. Pumikit ako at bumuntong-hininga para kalmahin ang sarili ko. Zil, hindi mo naman alam na gano'n pala. 'Wag mo na saktan ang sarili mo.

--_

Panay kulitan at usapan lang ang ginawa namin kahapon sa swimming. Doon na sila sa hotel room namin kumain at nagpapasalamat akong hindi sila ganoon kaingay. Naligo naman sila roon sa CR na may shower malapit sa pool kaya tuyo na kami pagdating sa room namin. Sumabay na rin sila sa amin pag-uwi, ibang kotse nga lang.

Hindi na kami gaanong nagpansinan ni Off. Hindi ko naman kasing inakala na ganoon magiging reaksyon niya at ganu'n pala ang dahilan niya. Gusto ko mag-sorry ng paulit-ulit pero baka makulitan siya sa akin at mainis lalo. Kung kailan ako nagkaroon ng pakeelam sa kanya at sa nararamdaman niya ay hindi ko alam, baka na-guilty lang ako ng sobra.

Lunch break namin ngayon at ngayon ko lang napansin 'yon. Wala na si Bianca sa tabi ko pero hindi ko na pinansin iyon, baka kasama niya si Germain. Sina Maxine naman ay baka bumaba na at iniwan na lang ako rito dahil tulala na naman ako.

Kinuha ko ang wallet at cellphone ko at lumabas na ako ng classroom. Dumeretso akong canteen at bumili lang ng fries at smart c, kumain na kasi ako ng kanin noong unang break dahil gutom na gutom ako. Kumaway ako kina Maxine na nakaupo sa gitnang table sa canteen. Kasama nila si Alexia, iyong isa pa naming kaibigan na kaklase ni Achlys. Wala rin doon si Bianca kaya panigurado na akong kasama niya si Germain. Hindi na ako nakiupo roon sa kanila dahil hindi ko ramdam, parang gusto kong mapag-isa.

Lumabas ako ng building namin at pumunta sa likod no'n. May narinig akong tumutugtog ng gitara nang papunta ako roon kaya tumigil muna ako sa may poste at nagtago.

Sumilip ako ng kaunti at nakita si Off na nakaupo, kunot ang noo, may hawak na gitara at nagstustrum nito. Acoustic na gitara ang tinutugtog niya, hindi iyon ang kadalasang ginagamit niya dahil electric guitar ang tinutugtog niya sa banda.
Maya-maya'y nagkaroon na ng tono ang tinutugtog niya at napapakanta na rin siya. Napangiti ako at mahinang sumabay sa pagkanta niya.

~Siya na ang mayaman
Siya na ang may auto, siya na
Siya na ang meron ng lahat
Ng bagay na wala ako
'Di mo man sabihin
Aking napapansin

Kapag nalagay ka sa alanganin
Heto na naman tayo~

Napasandal ako sa poste habang nakatingin pa rin sa kanya. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi siya kumakain dahil unang break niya kinakain ang lunch niya at kakaunti lang ang kinakain niya kapag lunch time mismo. Ang boses niya'y malalim at ang sarap sa tenga. Wala na akong pakeelam kung makita niya pa ako, gusto ko lang mapakinggan ng maayos ang boses niya.

~Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan~

Nakapikit na siya ngayon habang kumakanta at mukhang damang-dama niya ito. May pinagdadaanan?

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya at umupo ako sa malayong tabi niya. Mukhang hindi niya naramdaman ang pagtabi ko sa kanya dahil nakapikit pa rin siya at patuloy sa pagkanta.

~Bakit ba sa akin na lang
Palagi ang takbo
Sa tuwing kayo ay may away
Ako ang lagi mong karamay
'Di naman tayo, hindi
'Di ba't hindi~

Sinabayan ko siya sa chorus ng kanta kaya napadilat siya at napatingin sa'kin. Napatigil siya sa pagtugtog kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Tuloy mo, isa 'yan sa mga paborito ko!" Utos ko sa kanya. Nag-alinlangan pa siya saglit pero tinuloy lang hanggang sa matapos iyon. Walang laban ang boses ko sa boses niyang tunog anghel kapag kumakanta, hindi naman kasi maganda ang boses ko. Normal lang kumbaga.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa'kin. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng gitara niya at sinandal niya ang baba niya roon, tapos ay humarap sa akin. Nakaupo kami sa may lalagyan ng halaman na may kaunting espasyo para maupuan. Naka-dekwatro siya ng upo.

"Gusto ko lang sana mapag-isa, e nakita kita rito. Lumapit na lang ako tapos nakikanta." Nagkibit-balikat ako at sumubo ng fries habang nakatingin pa rin sa kanya. Umiling na lang siya.

"Edi aalis na lang ako." Akmang tatayo siya pero agad kong hinawakan ang braso niya.

"Huwag. Tugtog ka pa, galing mo eh. Ganda pa boses." Sabi ko naman at sumimsim sa smart c ko. Ngumisi siya at pinasadahan ng kamay niya ang buhok niya. Inosente lang akong nakatingin sa kanya.

"Ano bang gusto mo-" Pinutol ko siya.

"Sorry talaga sa kahapon. Sorry, hindi ko alam. Sorry hindi ako nag-iisip. Sorry." Mabilis at dere-deretso kong sabi. Lumapit siya sa'kin at ngumiti naman siya.

"Okay lang. Sorry din sa ginawa kong paghila rin sa paa mo." Sabi niya. Napangiti ako at napainom ulit sa smart c, tapos sumubo ng fries.

"Okay lang din. Tugtog ka na lang." Sabi ko habang puno ng fries ang bibig ko. Natawa siya ng mahina.

"Anong kanta?" Tanong niya sa'kin habang nakatingin sa gitara niya.

"Personal ng The Vamps. Alam mo ba 'yon?"

"Hmm. Medyo." Sabi niya at nagsimulang tumugtog.

~Don't take it personal
But personally, I think you'd be better with somebody like me
But worse of all, you don't even see (you don't even see)~

Tumingin siya sa'kin kaya ganoon din ako. Ang kulay chico niyang mga mata ay madilim at halos walang emosyon. Nakakalunod ang mga titig niya na para bang ayaw mo nang bumitaw rito.

~I think it's time I let my heart out on the line
I think it's time to say what's playing on my mind
I see you out with him and I say that I'm fine
Happens every time (every time)

I'm sick and tired of playing games
I'm sick and tired of being second place
And I know if I never try
I'll be sick and tired of being sick and tired~

Hindi siya nagpatinag sa pakikipagtitigan sa'kin habang kumakanta at tumutugtog. Seryoso lamang siya sa ginagawa niya kaya namangha ako roon. Paano niya nagagawang tumugtog at kumanta habang nakatingin sa'kin? Sanay na sanay na siguro. Obvious naman, Zil.

Ako na lang ang nag-iwas ng tingin dahil parang hindi na ako makakaalis doon kapag hindi ko naagapan. Para akong nakakulong sa mga titig niya. Para akong kinukulong ng mga titig niya.

Nang kantahin niya ang chorus ay napangiti ako at napapikit habang nagsw-sway pa ang ulo. Tinaas ko ang kanang kamay ko at bahagyang winagayway ito habang kumakanta siya. Narinig ko ang marahang pagtawa niya kaya napadilat ako at nakitang nakangiti siya habang nakatingin sa gitara niya. Tumawa ako at nilapag ang pagkain ko sa inuupuan ko tapos tumayo. Chorus na noong babae kaya ako naman ang kumanta.

~You know how much I love it when you call me out
You see it in my eyes, the way they follow you around
'Cause yeah, I like the way you dance
You know I do, yeah I do
'Cause that's just you

I'm sick and tired of being friends
I'm sick and tired of being there
And I know if I never tried
I'll be sick and tired of being sick and tired~

Para akong tangang sumasayaw habang nakapikit. Alam kong sanay siyang makita ako sumasayaw dahil palagi naman talaga akong nagpeperform sa school kaya ok lang sa'kin. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong naging kumportableng kasama siya, parang noon lang kasi ay iritang-irita ako sa presensya niya at magka-away pa kami. Ngayon ay kung maka-asta kami pareho ay parang hindi kami magka-away dati at normal lang kaming magkaibigan.

Dumilat ako at nakitang naiiling at nangingiti siya habang nakatingin sa'kin. Tumawa na lang ako dahil narealize ko ang mga kakulitan ko.  Hinila ko ang isang kamay niya patayo kaya napatigil siya sa paggitara at naiiling na nilapag iyon sa inuupuan niya.

~Girl, don't take it personal
But personally, I think you'd be better with somebody like me
But worse of all, you don't even see (you don't even see)
Girl, don't take it personal
But personally, I think you'd be better with somebody like me
But worse of all, you don't even see (you don't even see)

So, let's make it personal
Tell me what you like
Let's make it personal
'Cause I know that you want to try to get personal
Tell me what you like
Let's make it personal (personal)~

Hawak ko ang kamay niya habang pinipilit ko siyang sumayaw at gumalaw-galaw. Sabay pa rin kaming kumakanta at iwinawasiwas ko ang kamay niya. Nangingiti kami pareho dahil sa kabaliwan naming dalawa. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya at nilagay niya naman ang kanya sa bewang ko. Kumakanta pa rin kaming dalawa ng huling chorus habang magkatinginan. Biglang naging mabagal at seryoso ang pagkanta namin.

~So, don't take it personal
But personally, I think you'd be better with somebody like me
But worse of all, you don't even see (you don't even see)
Don't take it personal
But personally, I think you'd be better with somebody like me
But worse of all, you don't even see (you don't even see)
Girl, don't take it personal
But personally, I think you'd be better with somebody like me
But worse of all, you don't even see (you don't even see)~

Dinikit ni Off ang noo niya sa'kin, nakayuko dahil mas matangkad siya sa'kin, pagbanggit niya ng huling linya. Sobrang lapit na ng mga mukha namin at 'yung mga kamay ko ay nakasiklop na sa likod ng leeg niya. Nararamdaman ko ang paghinga niya sa mukha ko na mismo at ganoon din siya. Nakatingin siya ng deretso sa mga mata ko at malalim ang tinging iyon. Napadpad ang tingin niya sa labi ko pero agad din iyong bumalik sa mata ko.

~Girl, don't take it personal
But personally, I think you'd be better with somebody like me
But worse of all, you don't even see (you don't even see)~

Inulit niya ang huling linya pero mas naging malalim at husky ang boses niya. Napalunok ako habang nakatingin sa mga mata niya lalo na noong banggitin niya ang huling linya. Mariin ang pagkabigkas niya roon na para ba siyang may ipinapahiwatig. Mas naging mapungay pa ang mga mata niya dahil doon at hindi ko maiwasang mamangha sa mga mata niya. Kahit ilang beses na kaming nagtitigan ay hindi pa rin nababawasan ang pagka-aliw ko sa mga bilugan niyang mga mata na nakakalunod at nakakakulong. Para kang hinihigop ng buong-buo nito, iyong tipong hindi ka na makaka-alis. Hindi ka na makakabangon. Mamamalayan mo na lang na nahulog ka na.

"Kiss Kiss Fall in Love!"

Napalingon kami pareho sa likod dahilan para mapabitaw kami sa isa't-isa. Kumunot ang noo ko at sumilip doon sa poste na tinataguan ko kanina para tignan kung may tao, at hindi nga ako nagkakamali. Nakita ko si Achlys at Cax na tumatakbo na papasok sa building namin habang nagtatawanan.

"Achlys Hecate!" Sigaw ko at tumakbo papasok sa building. Nang makita ko sila ni Cax na umakyat na sa malayong hagdan ay tumigil na ako. Hindi ko na maaabutan 'yon dahil paniguradong ni-lock nila ang pintuan ng classroom nila at tinaguan na ako. Ano na naman kasi ang ginagawa ng dalawang iyon doon?!

Maglalakad na sana ako paakyat nang maalala ko ang fries at smart c ko na naiwan ko roon likod ng building. Napabuntong-hininga ako at tumalikod para sana bumalik doon pero naabutan ko na naman ang mukha ni Off na malapit sa akin. Umirap na lang ako at hindi na nagulat dahil pang-ilang beses niya na iyong ginawa.

"Oh." Inabot niya sa'kin ang fries kong kakaunting piraso na lamang ang laman at smart c na kalahati pa. Nakalagay na sa case iyong gitara niya at nakasabit sa likod niya.

"Salamat." Sabi ko at kinuha iyon. Tinignan ko ang relo ko at nanlaki ang mata ko nang makita na isang minuto na lang ang natitira sa lunch break namin.

"Malapit na mag-time!" Sigaw ko pero wala na roon si Off. Tumatakbo na siya sa hagdan kaya agad akong sumunod sa kanya.

"Lauon!" Sigaw ko nang umabot kami sa floor namin habang nagpapaunahan pa rin kami parating sa classroom.








Songs used:

Pansamantala by Callalily

Personal by The Vamps



Continuă lectura

O să-ți placă și

20.5K 445 54
Description: [Saudade] How I long wanted to be yours and for you to be mine. How I long wanted for the time to pass by so we don't have to wait. How...
29.7K 1.4K 35
Martin Thaddeus Marquinez is sick in his career. Unending issues and lots of pressure, that's what he gets as the vocalist of Genesis, one of the cou...
36K 1.5K 34
Typical Hearts Series #2 (2/3) Marrying someone you barely even know is probably one of the worst things that could happen in a person's life. Daezel...
380K 25.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...