DIARY.

By straytasy

54.8K 2.2K 524

❛❛ hoy, ibalik mo yung diary ko! ❜❜ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #8 More

Diary
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
🍓
#HappyBangChanDay
25k Special

43

731 28 5
By straytasy

Claire

"Claire!"

Nagitla ako ng bigla nalang may tumawag sa akin. Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko si Chan. Ng makalapit na sya sa akin ay naupo sya sa tabi ko.

"Hey."

"Ba't mo ako pinuntahan dito?"

Tanong ko at napakamot naman sya sa ulo nya. Napabuntong hininga nalang ako at naisipan na itanong sa kanya kung nasan si Jeongin.

"Chan, nakita mo ba si Jeongin?"

Tanong ko. Kanina ko pa kasi sya hinihintay dito at hanggang ngayon hindi pa rin sya sumusulpot. Huminga muna ng malalim si Chan bago magsalita.

"Ano kasi, nagchat sya sa akin kanina. Nagka-emergency daw sa bahay nila at kailangan nya daw umuwi. Kaya sinabi nya sa akin na puntahan kita."

Paliwanag nya at napahinga nalang ako ng malalim. Siguro sa susunod ko nalang sasabihin sa kanya yung nararamdaman ko..

"At tsaka sabi nya sorry daw."

Dagdag nya at tumango-tango nalang ako. Napatingin nalang ako sa sahig at maya-maya ay naramdaman kong hinawakan nya tong balikat ko.

"Hey, ok ka lang?"

Tanong nya. Muli akong napahinga ng malalim tsaka tumango nalang ulit.

"Oo naman."

"Wag ka mag-alala. Pwede mo pa naman sabihin yang nararamdaman mo sa kanya sa susunod eh."

Sabi nya at pilit naman akong napangiti. Binitawan nya na rin balikat ko at tumayo.

"Tara, kumain nalang tayo."

"Saan?"

Tanong ko at napatingala sa kanya. Ngumiti naman sya at di ko akalain na may dimples rin sya katulad ni Jeongin. Di ko alam bakit biglang bumilis tong tibok ng puso ko.

"Parang gusto kong mag-kwek kwek eh. May alam ka ba kung san meron?"

Tanong nya sa akin at saglit naman akong nag-isip. Pagtapos ay ngumiti ako tsaka tumayo na rin.

"Tara, may alam ako."

"Yownnnnn!"

Sabi nya at di ko naman maiwasan matawa dahil mukha syang bata ngayon. Sabay na kami naglakad papunta dun sa bilihan ng mga kwek-kwek.

• • •

Pumunta kami ni Chan sa bilihan ng mga kwek-kwek, isaw at barbeque na malapit lang sa school. Naalala ko na lagi akong nagpupunta dito tuwing uwian para mag-meryenda. Syempre ako lang mag-isa.

"Salamat, ate~"

Sabi ni Chan dun sa ate girl na nagbebenta ng kwek-kwek. Pinagmasdan ko lang si Chan na tuwang-tuwa sa kwek-kwek na binili nya.

"Yay!"

"Teka–"

Pipigilan ko na sana sya pero mabilis nyang kinagat yung kwek-kwek at pinagmasdan ko yung reaksyon nya. Nanlaki naman mata nya at dali-dali niluwa yung kwek-kwek dun sa plastic cup. Di ko naman mapigilan matawa sa kanya.

"P-puta ang init pala!"

"Hahaha sabi ko sayo na hipan mo muna eh!"

Natatawa kong sabi. Humarap sya sa akin at nag-pout na parang batang nalugi.

"Hmp."

Sabi nya at sinimulan ng hipan yung kwek-kwek pagtapos ay kinain na muli iyon niluwan nya. Napailing-iling nalang ako sa kanya tsaka kinain na yung isaw na binili ko.

Habang kumakain kami ay pinagmasdan ko lang yung paligid. Meron rin mga tao dito na bumibili at kumakain pero di masyado marami. Maya-maya ay natauhan ako ng marinig kong magsalita si Chan.

"Uy, may playground dun! Tara laro tayo dun!"

"Teka l–"

Di ko na natapos sasabihin ko ng bigla nyang hawakan tong kamay ko. Napakurap naman ako kasabay nun ang biglaang pagbilis nitong tibok ng puso ko. Bakit ang warm ng palad nya? Namalayan ko nalang na hinila ako ni Chan papunta dun sa playground na sinasabi nya. Pagtapos ay binitawan na ni Chan tong kamay ko at di ko alam bakit lumamig bigla tong kamay ko.

Napatingin ako kay Chan na sobrang tuwa habang pinagmamasdan yung playground. Kung iba siguro makakita sa kanya, baka isipin pa nila na isip bata tong lalaking to. Tumakbo si Chan papunta dun sa may slide.

"Wheeee!"

Sabi nya ng makababa na sya dun sa slide. Di ko naman maiwasan mapangiti habang pinapanood sya. Mukha syang isip bata ngayon pero, bakit ang cute nya?

"Tara Claire! Magslide ka rin!"

Sabi nya at agad naman ako umiling.

"Ayoko. Ikaw nalang."

"Aw. Sige na! Wala naman makakakita sa atin eh!"

Sabi nya at nag-slide muli. Napatingin ako sa paligid at tama nga si Chan na walang ibang makakakita sa amin dito dahil medyo tago tong playground na to. Muli kong ibinalik tong tingin ko kay Chan. Tagal ko na rin di nakakalaro sa mga ganto. Tsaka minsan lang to no.

Napahinga nalang ako ng malalim at naglakad papunta sa slide. Narinig ko nanaman sumigaw si Chan.

"YEHEY!"

Umakyat ako papunta dun sa slide at naupo. Napangiti ako at nagslide pababa. Tumakbo ulit ako paakyat tsaka nag-slide. Grabe, nakakamiss rin pala maglaro sa ganto.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 30.6K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
247K 361 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
60.8K 2.5K 194
lee heeseung a straight "a" student, from law department will meet the most dedicated, competitive, straight "a", and aspiring attorney from the same...