Fake World

By Kyutie_Kat

14K 617 178

What if you fell in love with the person you hate the most? What if in a world you don't want to? Felicity Ch... More

FAKE WORLD
CHARACTERS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
SageLeen
JisLy
ClySa
LuRise
TaeJi
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Author's Note

19

265 12 2
By Kyutie_Kat



HAkDogNisM

Taeyeonie

Mag off lang ako, nandito na kami e. Busy ako e. Text niyo nalang ako basta di ako makapag on pa.

Cerise

sige besshywap! Mwuaaaps ingat!

Taeyeonie

Mwuaaaps too!

Yeolyeol

boring dito! Puro lang daldalan sila mommy.

Keiji

sus! E may chixx ka nga HAHAH

Taeyeonie

Yeol asan ka ba?

Yeolyeol

tagaytay yeon.

Taeyeonie

E nasa tagaytay din ako e!

LisaMpu

awts mag meet up na kayo.

Taeyeonie

@Yeolyeol gusto mo?

Yeolyeol

sige mga 4 ready na ko.

Keiji

tangnanyo.

Taeyeonie

Sige sa starbucks ha? 4 ha?

Keiji left the group.

Taeyeonie

Lah? anyare nagselos? HAHAHAHAHAHA

Sage

seloso hahahah.

Yeolyeol

HAHAHA

Taeyeonie

HAHAHAHA bye na.


-


4 PM

Yeol

Nakaupo na ko dito eyeon.

Taeyeonie

San?

Yeol

Sa taas.

Taeyeonie

San ka dito daming pipol :)


-

Wait, bakit nandito si Lee? Umalis siya kanina sa bahay pero hindi ko siya naabutan dahil nagpahinga ako sa kwarto. Pero bakit nandito din siya? May kikitain ba siyang babae o kaibigan? Ay basta bahala siya diyan!

-


Yeol

Nakacheckered na black 'n white.

Taeyeonie

Lee?


-

Lumapit na'ko agad bago tingnan ang reply niya. Hindi ako makapaniwala na tama yung iniisip ko kanina. Ngayon, ngayon ko lang din nalaman kung anong ugali ni Yeol sa internet at personal. Ibang iba pala talaga siya. Ang jolly niya at hindi naman siya mukhang seryoso pero nung una kaming magkita ay hindi ko na nagustuhan ang awra niya. Noong pinapakita niya pa lang ang pag-uugali niya kasama ang mga magulang niya ay hindi ko na nagustuhan.

-


"Taeyeonie?" Takang tanong niya. Tumango muna ako at umupo sa upuan na nasa harap niya. "Wait, how? Grabe hindi ako makapaniwala. " Natatawa siya na para bang may halong hiya. Dahil na rin siguro sa nangyari kanina


"I don't know." I shrugged. "Pero naghinala ako na isa ka sa mga member sa gc namin. You know why? Kasi nung on the way pa lang tayo nagbi-beep yung phone mo tuwing nagchachat sila sa gc."


"I'm sorry kanina ha? Ganon lang talaga ako." His cheek was a little red. "Tsaka siguro narinig mong pinag-uusapan ka namin kanina. Kaya na rin nakutuban ka?"


"Yes." I nod. "Nakita ka ni Cerise kanina sa school, but wala pa akong idea no'n at 'di ka niya naabutan kasi paalis ka na " Nakakatuwa naman na si Yeol pala 'tong si Lee. "By the way, yung kausap mo kanina sa phone...."


"Kung si Keiji ba yun? Siya nga yun." Tawang tawa niyang sabi.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung maiinis ba ako o ano man. Bakit ba kasi ngayon ko lang nalama? Ang sabi ko kanina hindi ko kakausapin ang lalaking 'yon.


"What? Omy. I need a favor, wag mong sasabihin sa kanila na yung nakwento mo sa gc ay ako." I requested. Hindi naman sa gusto kong itago sa kanila. Ayaw ko lang na malaman muna ni Keiji dahil hindi pa okay sa akin yung nangyari. Alam ko kasing matutuwa lang 'yon na nakausap ako kapag nalaman niya. "Ang makakaalam lang nito ay ikaw, ako, at si Cerise ha? Pag nag meet up na tayong lahat tsaka ko na lang sasabihin para maguluhan sila."


"Okay sige, para na rin ma-surprise si Keiji sa kagandahan mo." He laughed so hard. Nagagandahan ba talaga 'to sa akin o binobola lang ako? "Promise nagandahan ako sayo. Crush kita 'diba?"


"Ewan ko sayo, nambola ka pa. Mag-order na tayo."


Nagtawanan lang kami atsaka nag-order na agad. Nung nakuha na namin yung order namin, nagkwentuhan lang ulit kami. About sa mga parents namin pati na rin sa rpw. Si Yeol o mas kilalang Lee sa real world yung tipo ng taong hindi agad nagpapadala sa nakakasama niya. Hard to get kumbaga, napaka-cold, at para bang walang pake sa paligid niya kapag hindi niya kilala ang mga tao. Iba din naman siya kapag komportable na sa tao at kilala niya, sobrang masayahin, masarap kasama dahil maraming kwento kahit na minsan isip bata.


"Bakit Lee yung pangalan mo?" Bakit naman 'yon yung naisip kong tanong? "Alam mo ba nung nainis ako sayo inaasar kita sa isip ko na Lee bag." tumawa ako ng slight lang para hindi siya ma-offend.


"Grabe ka naman." Nag-pout pa siya. Pa cute amp. Hampasin ko siya eh, kung di lang siya gwapo nahampas ko na yan. "Kasi diba Lyka si Mom at Zenky si Dad. Ang buo ko kasing pangalan ay Zarel Lee. That's why they used the first letter of their name sa name namin ng kapatid ko."


"Daming sinabi ha? Pero sabagay ang talino ng magulang mo." Oo nga ano? Gano'n din naman sa amin ni Kuya. "Ano ba pangalan ng kapatid mo? Girl ba siya or boy?" Tanong ko. Bakit ba ako nagtatanong about sa family niya? Mukhang interesadong interesado ako.


"Babae, first year highschool pa lang. Zailah Louise ang name. Nag rp na din 'yon. Mga five months lang, siguro nabigo sa pag-ibig kaya tinigil." Tumawa ulit siya. Tawa ng tawa parang baliw. "Napakabata pa ang landi na." siguro kung andito lang ang kapatid nito sinabunutan na siya.


Lahat naman may karapatang magmahal pero nasa tamang panahon at oras dapat. Napakabata pa ng kapatid ni Yeol para masaktan.


"Ay, ganon? Iiwas mo na alng muna sa internet dahil ang bata pa pala. Talagang mahirap magkaroon ng karelasyon sa rpw 'no? Hindi mo alam kung totoo ba siya sayo. Kung parehas ba talaga kayo ng nararamdaman lalo na't tago yung pagkatao niyo. Yo'n yung ayaw ko sa rpw kaya natatakot din ako."


"May hugot ha? Buti nga magkakilala pala yung parents natin eh. Para naman minsan may gala tayo. Ikaw, si Cerise, si Keji, atsaka ako. Yung tayo lang muna magkakalapit."


"Oo nga." Natutuwa kong sabi. "Mamamasyal pa ba tayo o uuwi na?" Tanong ko dahil ubos na rin ang kinakain namin.


Tumingin siya sa wrist watch niya. "I-tour mo muna ako dito, matagal ka ng nandito eh. Five palang naman. Ako na lang ang magtetext kila Mommy."


"Oh sige ba! Basta i-enjoy mo bawat destination na pupuntahan natin ha?"


-


8:30 PM

Naglalakad na kami ngayon pauwi. Mas magandang naglalakad dahil malamig ang simoy ng hangin. Wala namang masyadong sasakyan dito banda sa amin eh.

"So, bakit kayo laging nagbabakasyon dito?" Tanong niya habang umiinom ng slurpee na binili namin sa convinience store kanina.


"Yung bahay kasi na pinagbabakasyunan namin dito ay dating bahay ng lolo at lola ko. Dahil nga wala na ring nakatira simula nung mawala sila, ginawa na lang naming bakasyunan." Sambit ko.


"Ahh okay." he said when I answered his question.


"Eh bakit pala kayo napadalaw kay mama?" Tanong ko. Ngayon ko lang sila nakilala.


"Narinig ko kila Mom and Dad na kukuha daw sila ng bahay sa malapit sa inyo. I think pati ata sila Keiji e." Nakangiting sambit nito sa akin, paraan ng pang-aasar niya.


"Anong nginingiti ngiti mo dyan? Tsaka bakit pati sila?"


"Nag-offer si Mommy sa mommy niya. Remember we're bestfriend. So, close yung mommy namin, and pumayag naman si Tita Daniela sa offer ni Mommy."


"So,Daniela pangalan ng mommy niya? Hmmm...sounds beautiful." I praised. "Siguro mabait yun ano? Si Keiji ba?" Bakit ko ba tinatanong? Hindi pa ba obvious? "Bakit ko itatanong eh napakasama ng ugali no'n. Remember nagpuyat ako sa kanya kagabi at wala siyang binigay na magandang reason sa'kin. Mukha akong tanga kagabi kakaantay na halos ipikit ko mata ko pero pinipigilan ko lang!" Inis kong sabi. Tahimik lang sa tabi ko si Yeol habang ako sumasabog sa galit, alam kong natatawa na siya sa loob-looban.


"Oo, mabait si Tita Daniela. Sorry na din sa ginawa ni Keiji, minsan talaga may saltik yun eh." Sabay tawa niya. "Pero may dahilan 'yan kung bakit."


"Ano naman?" tanong ko.


"Oh? Close na kayo agad?" Tanong ni Tito Zenky kaya naman hindi na nasagot ni Yeol ang tanong ko.

Nasa tapat na pala kami ng bahay at nasa labas din sila. Hindi ko din namalayan na nakarating na pala kami dito. Sa dami ba naman ng pinag-usapan namin simula kanina.


"I'm glad, you're now friends." Tita Lyka said happily.


"Mag-friends po kasi kami sa rpw. Ngayon ko lang din po nalaman." Sambit ko.


"Rpw?" Nagtatakang tanong nila.


"Mom and Dad, it's a world for roleplayers. Sa social media po siya." Pagpapaliwanag ni Lee.


"Okay, basta mag-iingat kayo sa social media mga anak." Sabi ni Mama. "Napakaswerte niyo at kayo yung nagkakilala. Tara na mag night swimming na tayo." Excited na sambit ni Mama.


Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng swim wear. Rush guard lang ang sinuot dahil malamig na rin. Balaka ko na nga lang mag t-shirt pero dahil nga malamig ang hangin dito iyon na lang ang naisipan kong suotin. Hindi rin naman ang magtatagal sa tubig.

Agad kaming nag-sipuntahan sa pool area at dinala ang mga niluto nilang pagkain. Mga inihaw na ulam at mga snacks ang nakahanda. Parang fiesta lang at masaya.


"Kumain lang kayo kung gusto niyo ha? Magsi-swimming na kami." Dali-daling pumunta si Mama sa pool kasama sila Tita Lyka.


"Ano ba naman yan si Mama, ang tanda na sabik parin magswimming." Natatawa kong sabi kay Lee habang kumakain kami ng inihaw na hotdog.


"Hayaan mo na, ganyan talaga dahil ngayon na lang sila ulit nagkita-kita eh."


"Sabagay, ganyan din naman ako kapag sobrang namiss ko mga kaklase ko."


"Oh, ano? Swimming na rin tayo? Marami pa tayong pag-uusapan. Talk with Yeol gwapo." He smirked. Wow, confident yarn?


Nagkwentuhan lang kami magdamag ni Yeol. Mas sanay pa rin ako na tinatawag siya sa pangalan niya sa rpw. Napag-usapan namin kung kailan niya na-discover yung rpw. Kailan sila nagkakilala ni Keiji. Bakit niya ko nagustuhan nung time na andaming nagpo-post sa timeline ko.


Ang sabi niya may nagpost daw ng op's pic ko at binura agad para hindi ko makita. Hindi ko alam kung anong pakay ng gumawa no'n at hindi ko rin siya kilala. Alam naman namin kung anong ang golden rule kaya hindi ko iyon magagawa.


Tinanong ko siya kung nakita niya ba yung picture ko. Ang sabi niya ay hindi daw pero naikwento daw sa kanya ng ilan. Nung after na may mga nakikita no'n nagtrend daw sa rp at sinasabing ang ganda ko daw. Hindi ko rin alam kung bakit hindi nakaabot sa akin ang picture at mabilis nilang naitago.


"Sa tingin ko kaya hindi na nila pinakalat dahil nakabalik ka na. Paniguradong may binabalak yung mga 'yon. Mag-ingat ka na lang, ngayon lang din ako naka-encounter ng ganito sa rpw sa tagal ko. Alam niya na kung sino ka."


"Pinapaalalahanan mo ba ako o tinatakot?"


"Syempre concern ako sa'yo. Founder ka ng hakdognism kaya naman poprotektahan ka namin." He smiled, to release my fear. "Sa totoo lang, hindi naman talaga kita gusto nung mga time na 'yon dahil hindi ko nga nakita ang picture mo."


"Ha? Eh bakit ka nagkakalat sa timeline ko? Ang hirap kaya maglinis, bwiset ka!" hinampas ko siya sa braso but he just laughed and laughed and laughed.


"Kasi syempre babae ka, maraming aaway sa'yo. Nakaramdam lang ako ng awa, hindi naman sa awa. Parang alam mo 'yon, gusto mo lang tumulong sa tao. Hindi para sa jowain ka para nga protektahan, 'yon talaga yung purpose ng pagsali ko sa hakdognism."


I don't know what to say, but that touches me with what he said. Hindi rin ako nagkamaling piliin siya bilang bahagi ng hakdognism.


"Pero nung nag tagal parang nahuhulog na ata ako sa'yo." pang-aasar niya.


"Ewan ko sa'yo! Puro ka kamo biro." tinabuyan ko siya ng tubig.


Hindi rin daw nakita ni Keiji 'yon kaya nung time na yun binash niya ako. Sino ba namang nagkalat ng op ko na 'yon? Grabe naman, paano niya ko nakilala? Kung admirer ko siya, sana naman tinago niya na lang at hindi na ipinagkalat pa. Andaming nang bash sa'kin, na bakit ko daw inilalabas yung op ko. Labag daw yun sa rules, bakit ko daw ginawa? Wala akong ideya sa mga pinagsasabi nila no'n. Kay Lee at Cerise ko lang mismong nalaman.


Kung sino man yun, bahala na siya. Basta 'wag niya lang akong sasaktan.


-

Continue Reading

You'll Also Like

235K 7.8K 51
Shayne Falco is a nerd who fell inlove with Bernard Gonzales, the campus heartthrob. Loving the heartthrob is not easy, she told herself to never giv...
57.9K 1.3K 61
Getting married at a very young age is not ideal. To make it worse, you don't like the guy. But what if things change and things suddenly fall into t...
11.8K 429 40
When she was teased by a man she never thought she would like, but didn't know that the man wanted her from the beginning. How long will they be able...
514K 9.4K 17
"What do you want with me?" "Love." Kol Mikaelson is dead. The majority of the supernatural community knows that much, and once you're dead you can't...