Saving the Fallen Constellati...

Da red_miyaka

6K 171 162

Maxzille Heydie Peralta can't get over her ex boyfriend even though she's still young. She believes that she'... Altro

Disclaimer
Constellation
Panimula
Una.
Pangalawa.
Pangatlo.
Pang-apat.
Panlima.
Pang-anim.
Pang-pito.
Pang-walo.
Pang-siyam.
Pang-sampu.
Pang labing-isa.
Pang-labindalawa.
Pang labing-tatlo.
Pang labing-apat.
Pang labing-anim.
Pang labing-pito.
Pang labing-walo.
Pang labing-siyam.
Pang-dalawampu.
Pang dalawampu't-isa.
Pang dalawampu't-dalawa.
Pang dalawampu't-tatlo
Pang dalawampu't-apat
Pang dalawampu't-lima
Pang dalawampu't-anim
Pang dalawampu't-pito
Pang dalawampu't-walo
Pang dalawampu't-siyam
Pang-tatlumpu
Panghuli.
Playlist

Pang labing-lima.

90 3 10
Da red_miyaka

Ika labing-limang Kabanata

Pink



"Tangina mo On, bilis!" Iritadong sigaw ni Anton na may hawak-hawak na mga bulaklak.

"Ito na nga, e!" Sagot ni Off habang kinakamot ang batok niya tapos ay may hawak na nakatuping tarpapel. Nasa kabilang dulo na ng hallway si Anton habang si Off ay nasa tapat pa lang ng room. Kagagaling lang kasi niya sa CR tapos kinuha ang tarpapel sa upuan niya, tapos tumakbo ulit sa labas.

"Shh!" Biglang lumabas ang teacher sa kabilang classroom kaya tinakpan ni Anton ang bibig ni Off at ngumiti na lang si Anton. Humagikhik naman kami nina Jana na nasa hamba ng pinto, nanonood sa kung anong mangyayari sa promposal ni Anton. Wednesday na ngayon at kahapon pa nagsimula iyong mga promposal, pero ngayon pa lang si Anton at Franco.

Pumasok naman na iyong teacher at nagtawanan ng mahina iyong mga lalaki.

"Parating na si Megara!" Mahinang sigaw ni Rizza na galing sa kabilang dulo, iyong mas malapit sa room namin. Tinaas ko naman ang dalawang daliri ko, naghuhudyat na parating na si Meg. Hinampas naman ni Anton si Off sa likod at umayos na rin sina Vin, Mateo, Franco, Jonathan at iba pang mga lalaki na kasama niya.

"Ano na naman bang pakulo 'to, ha, Riz?" Mataray na tanong ni Meg kay Rizza na naka-alalay na sa kanya. Pagtapos kasi kami sabihan ni Riz, agad niyang pinuntahan si Meg na naroon na sa hagdan paakyat at nilagyan siya ng blindfold bago niya pa makita ang floor namin.

"Secret." Mahinang tumawa si Rizza kaya nag-krus na lang si Meg ng mga braso habang nangingiti. Tahimik lamang kaming lahat dahil may mga nagkaklase pa, at mahahalata rin kami kapag nag-ingay. Lunch namin ngayon at mabilis kaming kumain magbabarkada para matulungan si Anton. Simple lang naman iyong kanyang kumpara sa iba na meron pang kanta at sayaw, tulad ni Klein na ganoon ang ginawa sa grounds kahapon kay Kate, iyong crush niya. Ang hirap kasi sa mga promposal ay kung ayaw mo sa tao, wala kang magagawa kundi um-oo kung malaki ang crowd mo dahil nakakahiya kung humindi ka.

Nakasandal lang ako sa may pintuan at nasa tapat naman sina Jana, nanonood pa rin kami. Malapit na kasi maabot ni Meg iyong dulo at naghahanda na rin ang mga lalaki. Tig-iisa sila ng rosas na nakapila, bawat rosas ay may nakalagay na letra ng pangalan ni Megara. Nasa dulo naman si Anton, hawak iyong tarpapel na dala-dala ni Off kanina.

Tinanggal ni Rizza ang blindfold ni Meg at agaran siyang tumakbo papunta sa amin.

"Ba't mo iniwan?" Tanong ko kay Rizza. Nagkibit-balikat siya habang nangingiti.

"Para 'di niya 'ko sigawan at wala siyang magawa." Sabi ni Rizza kaya natawa sina Amarie. Napailing na lamang ako.

"Will you be my promdate?" Nagsimulang tumugtog ng gitara si Vin. Nakaluhod naman si Anton habang hawak ang tarpapel na ganoon nga ang nakalagay. Nakita kong gumalaw ang mga braso ni Meg kaya hinuha ko na inilagay niya iyon sa bibig niya, nakatalikod kasi siya sa amin kaya hindi namin maaninag ang itsura niya. Unti-unti siyang tumango kaya yumakap sa kanya si Anton at ganoon na rin siya. Nag thumbs-up si Anton sa amin at bumulong din ng salamat.

"Si Franco naman." Bulong ko kina Amarie kaya napatango sila.

"Daming pakulo, ih." Si Amarie naman. Tinawanan na lang namin siya. Tinignan ko ang relo ko at nakitang may sampung minuto pa naman bago matapos ang lunch namin.

"Naks, congrats!" Sabi ko kay Anton at tinaas ang kamay ko. Nag-high five naman kami.

"Thanks! Kayo, wala ba kayong date sa prom?" Tanong ni Anton sa'min nina Amarie, Jana, Rizza, Bianca, Max at Leila na naroon sa pader malapit sa pinto, nakasandal at nag-cecellphone.

"Wala!" Sabay-sabay naming sigaw kaya natawa kami. Umiling na lamang si Anton at pinasalamatan si Rizza. Sinilip ko iyong labas at nakitang papasok na si Meg sa room nila, pati na ang mga kaklase niya na kinakantyawan siya at inaasar. Namula siya ng bahagya pero inirapan na lang sila at sinarhan ng pinto. Nag-reklamo iyong mga kaklase niya kaya binuksan niya agad iyon.

"Tara, prom?" Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit nang mapalingon ako at mukha agad ni Off ang naaninag ko. Hindi ko tuloy masyadong narinig iyong sinabi niya. Nilagay ko ang kamay ko sa mukha niya at nilayo iyon, humakbang naman ako patalikod.

"Ang lapit mo naman!" Reklamo ko at tinanggal ang kamay ko sa mukha niya. Naka-pout naman siya pagtanggal ko no'n kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano pala sabi mo? Hindi ko narinig." Seryosong sabi ko at biglang namula ang tenga niya. Namilog naman ang mga mata ko roon. Hala, ano nangyayari rito?

"Nahihiya si gago!" Sigaw ni Jonathan na kapapasok pa lang, kasama sina Vin. Binalingan naman agad siya ni Off at sinuntok sa braso. Nagtaas naman siya ng mga kamay bilang pagsuko at dumeretso na sa upuan niya. Sina Vin naman ay dumeretso na rin sa kani-kanilang puwesto. Sinundan siya ng tingin ni Off at sinamaan siya ng tingin.

Sinundot ko ang balikat ni Off at napatingin naman agad siya sa'kin. Pink pa iyong mga tenga niya, medyo nabawasan ang pagka-pula nito.

"Ano ba kasi 'yun?" Tanong ko ulit.

Napakamot naman siya sa batok niya at napatungo, tapos tumingin ulit sa akin.

"Ah, w-wala 'yon." Sabi niya at dumeretso sa upuan niya. Sinundan ko siya ng tingin at nagulat nang bigla siyang yumuko. Ano na naman bang problema nito? Napaka-gulo nitong taong 'to! Tao ba 'to?

Tinignan ko ulit iyong relo ko at nang nakitang limang minuto na lamang ang natitira para sa lunch break, pumunta na ako sa upuan ko na naroon sa dulo, malapit sa bintana. Hinayaan ko na lamang sina Jana roon, babalik naman agad ang mga iyan sa upuan nila maya-maya.

--_

"Mateo naman, ang ingay mo!" Sigaw ni Franco na naiinis na. Tinawanan lang siya ni Mateo at tumakbo papunta roon sa stage.

"Magseseryoso na!" Natatawang sabi ni Mateo kaya napa-iling na lang si Franco at naglakad papunta roon. Nasa stage ang mga gagamitin ni Franco, keyboard lang naman iyon ni Sen at gitara ni Vin. Mahiyain 'to pero nagkaroon ng lakas ng loob ngayon, ewan ko kung bakit. Nandiyan pa naman iyong nanay ng ka-mu niya na si Nicolette. Hindi pa sila legal kaya hindi ko alam kung saan humugot ng lakas ng loob si Franco para gawin iyong binabalak niya. Uwian pa man din ngayon, maraming tao.

"Tanga, kapag nilagyan mo 'yun ng blindfold, edi mahahalata niya agad!" Sigaw ni Mateo kay Franco. Naka-upo lang kami sa hagdan ng stage at hinihintay si Franco na sabihin kung ano iyong gagawin. Si Eliott naman at Rizza ay naroon sa taas, kausap si Nicolette para ma-distract siya.

Napatango si Franco sa sinabi ni Mateo at napahawak pa siya sa baba niya. Lumiwanag naman agad ang mukha nito at bumulong kay Mateo.

"Mga kumag, may sasabihin ako!" Anunsyo ni Mateo kaya napatayo kami at pumunta roon. Pumorma kami ng bilog, tulad ng madalas naming ginagawa kapag may mga pagtitipon kaming magkakaibigan.

"Kumag ka diyan! Hindi ako tumulong, eh!" Sabi ni Jana, nakatayo pa rin at paupo pa lamang.

"E, 'di 'wag! Hindi ka namin kailangan!" Sagot ni Mateo kaya inirapan na lang siya ni Jana, umupo naman siya kaagad sa tabi ko.

"So ganito..." Tinuro ni Mateo ang mga gagawin dahil wala na si Franco. Sinabi niyang umakyat na ito para sunduin si Nicolette, at limang minuto lang ang kaya niya para ma-distract ito. Kumilos naman kami kaagad. Doon kami na-assign nina Jana sa pinto ng building, para raw kausapin si Nicolette, para maka-alis si Franco.

Nang makita namin si Nicolette at Franco pababa ng hagdan, nag-akto kami ni Jana na nag-uusap at nagatatawanan.

"Uy Nicole!" Sabi ni Jana at pinuntahan siya. Sumunod na rin ako at kinuha ang bag niya kay Franco na agad namang tumakbo papuntang stage.

"Uy!" Sabi niya at dumeretso sa amin.

"Naalala mo 'yung lesson sa AnGeom na halos ikaw lang ang nakakuha? Papaturo sana ako ng kaunti para may maaral ako sa entrance exam dito, hehe." Sabi ulit ni Jana. Mukhang hindi napansin ni Nicole ang pag-alis ni Franco dahil nasa likod niya lang ito, at kausap siya ngayon ni Jana kaya hindi na siya nag-abalang tumalikod pa at tumingin.

"Ah! Paborito ko nga iyon. Ganito kasi 'yon..." Nagsimula siyang magpaliwanag kay Jana at ang buong atensyon niya ay narito, kaya hindi niya rin napansin na nakaabot na kami sa stage at wala na si Franco sa likod niya.

"Sige, salamat!" Sabi ni Jana at tumakbo papunta sa gilid ng stage, doon sa may hagdan. Sumunod na rin ako habang dala-dala pa rin ang bag ni Nicole, at nakitang naroon na rin si Eliott at Rizza, tapos na rin mag-ayos sina Amarie. Kumunot naman ang noo ni Nicole nang tumalikod siya para hanapin si Franco.

"Nicolette," Napa-angat ng tingin si Nicole nang banggitin ni Franco ang pangalan niya.

"Uy, bag ko! Nariyan na si mama, oh!" Sabi nito, lumilinga-linga pa sa likod ni Franco.

"Teka lang, may sasabihin pa ako." Kunindat si Franco at sumignal sa kina Vin at Sen. Sina Mateo naman ay pumwesto na rin sa likod ni Franco. Si Anton at Mateo lang naman iyong sinama niya, sasayaw kasi 'to ngayon. Lakas ng loob, eh. Pero sinakto niya talaga ang timing sa uwian na wala nang masyadong tao, ayaw niya kasi na ma-pressure sa pagsagot sa kanya si Nicolette.

Mahina lang ang pagtugtog nina Vin kaya hindi iyon masyadong rinig, tanging mga ka-batch lang namin iyong medyo lumapit at halos lahat ay kaibigan namin o ni Nicole. Napahawak sa bibig si Nicole nang magsimulang sumayaw sina Franco, samantalang kami nina Jana ay tawang-tawa lang habang nanonood. Magkakasama kaming magbabarkada. Si Brianna ay panay ang lait kay Mateo at inaasar naman siya ni Ivy ng 'kunwari ka pa, gusto mo rin naman' kaya panay ang akto ni Brianna ng nasusuka. Natatawa na lang din kami.

Pagtapos sumayaw ni Franco ay nakita namin ang pagbaba nito sa stage. Lumapit ito sa mama ni Nicole na nakatayo lamang doon sa may guard's house, nanonood at hinihintay siguro si Nicole.

Hindi na namin narinig ang sinabi ni Franco sa mama ni Nicole pero nakita namin ang pagtataray nito. Halos sampung minuto rin ang naging pag-uusap nila, pero sa huli ay tumakbo paakyat si Franco ng stage, may ngiti na naka-guhit sa mukha. Buong pag-uusap nila ay nanonood lamang si Nicole at nakahawak sa dibdib niya, mukhang kinakabahan. Nanlaki rin ang mata niya nang magthumbs-up ang mama niya sa kanya kaya tumingin siya kay Franco.

"Arleah Nicolette Paris Bartolome, will you be my prom date?" Lumuhod si Franco sa harap niya. Tumingin si Nicole sa nanay niya at tumango lamang ito ng dahan-dahan.

"Oo naman!" Sagot nito kaya bumaba si Franco para sana yakapin siya, kaso biglang pumagitna ang mama ni Nicole. Napakamot na lang tuloy siya sa ulo niya. Natawa na lang kami roon at pumunta na rin kaming stage. Tumabi naman kaagad si Mateo kag Brianna at inakbayan siya.

"Ikaw, will you be my prom date?" Bulong nito sa kanya pero narinig naman namin. Medyo namula si Brianna kaya hinampas niya si Mateo. Umakto naman itong nasasaktan.

"Arte mo! Tinatanong pa ba 'yan?" Mataray na tanong ni Brianna pero alam kong kinikilig din naman siya. Umiling naman si Mateo, natatawa. Hinalikan niya iyong tuktok ng ulo ni Brianna.

"Ang harot, kainis!" Sambit ni Jana na may inis sa mukha.

"Vin, yayain mo nga sa prom 'to, oh!" Sabi naman ni Mateo kay Vin na tahimik lang na naggigitara. Seryosong tumingin si Vin kay Mateo.

"Ano?" Tanong nito. Lumapit naman agad si Jana kay Mateo at tinakpan ang bibig nito.

"W-wala! Hehe." Sabi ni Jana. Natawa na lang kami, si Vin naman ay umiling na lang.

Agad namang tinanggal ni Jana ang kamay niya sa bibig ni Mateo at hinampas na lang siya sa braso. Ngumiwi naman si Mateo at bumaling kay Brianna.

"Babe oh, sinasaktan ako." Sabi nito. Nagtaas lang ng kilay si Brianna.

"Pake ko?" Sagot niya. Bumusangot na lang si Mateo.

"Prom?"

"Ano ba 'yan, nananadya ka ba?!" Humakbang ako paatras nang magulat na naman ako sa biglang pagdating ni Off. Pagkalingon ko kasi, mukha niya agad ang tumambad. At halos isang pulgada ang layo namin!

"Medyo." Sabi niya at lumayo sa akin. Pumunta ako sa poste ng stage para sumandal at sumunod naman siya. Inirapan ko na lang siya sa sinabi niya.

"Ano sabi mo? Prom? Ano meron sa prom? Wala akong prom date." Dere-deretso kong sabi kaya napangisi siya.

"Pwede ba kita maging...." Naputol ang sasabihin niya.

"Zil, uwi na tayo!" Tawag ni Amarie, nakababa na pala sila at naroon na sila sa gate. Magkakasama silang lahat at tanging kami na lang ni Off ang narito. Narinig ko ang pagbuntong-hinginga ni Off pero hindi ko na lang pinansin.

Naglakad ako papunta sa pader ng stage at kinuha ang bag ko, tapos ay lumingon kay Off na ganoon din ang ginawa.

"Pwede mo 'kong maging ano?" Tanong ko, kunot ang noo.

Ngumiti na lang siya at umiling. "Wala. Next time na." Nilagpasan niya ako kaya nagmadali akong maglakad papunta kina Amarie.

"Tara na." Sabi ko at tumango sila.

"Ingat, Lizie!" Lumingon ako nang makalabas kami ng gate, at nakita ko roon si Off na kumakaway. Ngumiti na lamang ako sa kanya.



Continua a leggere

Ti piacerà anche

375K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
48.3M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
4.5K 221 44
Isabella Reed was the 'perfect it girl' of her highschool. She's smart, pretty and kind- a gorgeous woman in STEM, the type of girl that can never se...