in Another Lifetime

By imPaulsterz

1.7K 34 8

"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 16

44 1 0
By imPaulsterz

March 1., Saturday. Alas kwatro pa lang ng madaling araw at himbing na himbing pa ko sa pagkakatulog. Sarap na sarap pa ko sa pagkakayakap ko sa napaka lambot kong unan. Napagod ba naman kasi ako kahapon ng biyernes dahil sa sunod sunod na make up quiz dahil nga sa magiging excuse kaming mga member ng theater club sa mga klase namin. Pinagod ng mga quiz ang utak ko. Pagkatapos nun, lalo pa kong napagod dahil sa pagtu tutor ko at pagbabantay kay Arianna. Parang mame mental breakdown ako kahapon. Tapos pag uwi ko pa ng bahay, sasalubungin pa ko ng ngiti ni Liza na ayaw ko biglang pagmasdan dahil pag nakikita ko syang ngumingiti, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ayoko nitong nararamdaman ko pag nakikita ko ang ngiti nya. Dahil dun, lalo akong na stress. Mabilisan akong kumain ng hapunan pag uwi ko. Nagpahinga lang ako sandali pagkakain at pagkatapos nun ay dumiretso na ko sa higaan. Pakiramdam ko ay napahiga ako sa ulap dahil ang sarap sa pakiramdam na hihiga ka sa napakalambot na kama lalo na pag pagod ka. Wala pa atang 30 minutos eh napahimbing na ko ng tulog dahil sa sobrang pagod ko. At yun na nga., sabado ng madaling araw. Parang nasa kalagitnaan pa lang ako ng tulog ko ng nabulabog na ko dahil sa kalampag ni Liza.

"Waaaa anu meron? May sunog?"

"Hahaha wala. Gumising ka na. Diba ngayon ang ensayo natin para sa gaganapin na pagtatanghal?" Sabi ni Liza.

"Anu ka ba naman Liza. Ang aga aga pa eh. Wala pa ko sa kalahati ng tulog ko eh nambulabog ka na. Matulog ka muna ulit."

"Wag ka na magtakip ng unan Paulo. Alas kwatro na ng umaga. Diba sabi ng propesor nyo na alas syete ng umaga ang pagpupulong sa paaralan nyo. Baka mahuli tayo. Susunduin mo pa si Arianna diba. Kanina pa tunog ng tunog ang maliit mong telepono oh." Sabi ni Liza.

"Missed call galing kay Arianna? Waaaa!!! Anu ba!? Give me a break guys. Tignan mo mata ko Liza oh. Parang mata pa ng naka droga. Pagod na pagod pa ko eh."

"Sakripisyo ng konti Paulo. Diba gusto mo rin maging matagumpay ang pagtatanghal nyo. Kailangan mong magtiis. Kaya gising na. Baka mahuli tayo." Sabi ni Liza.

"Hay nakoooo!!! Sige na nga, ito na, tatayo na. Di mo naman kailangan gumamit ng takip ng kaldero para gisingin ako eh."

"Eh kanina pa kaya kita ginigising. Parang wala namang talab ang pag tapik ko sayo kaya gumawa na ko ng ingay gamit ang mga takip ng kaldero. Muntik na nga ako matawa nung nagulat ka pagkagising mo. Hihi pasensya na ah." Sabi ni Liza.

"Ang dami mong kalokohan eh noh. O sige na tatayo na ko. Maghanda ka na ng almusal natin."

"Hindi ako aalis dito sa kwarto mo hanggat di ka talaga tumatayo. Sabay tayong lalabas ng kwarto mo. Di mo ko maiisahan." Sabi ni Liza.

"Oo na tatayo na nga ako. Mag uunat lang ako sandali tapos lalabas na ko."

"Hindi mo ko maloloko. Mag unat ka na tapos lumabas na tayo at mag almusal." Sabi ni Liza.

"Bossy ah..Tsk sige na nga. Halika na. Ang kulit mo eh."

Hindi ko naisahan tong babaeng to. Pero seryoso? Bakit kailangan ba talaga maaga ang pagpapractice? Sabado naman. Wala namang pasok. Kahit alas otso na lang magsimula. Bakit alas syete pa? Sabog na sabog pa ko eh. Ang bilis naman ng oras. Parang saglitan lang ako pumikit tapos umaga na!? Napakaduga rin ng oras eh noh. Pag napagtripan ka talaga,wala kang palag eh. Gaya nitong magandang makulit na babaeng to. Napagtripan ng oras, ito napunta sa present days. Mas matindi pala to. Di ko na rin pala kailangang magreklamo. Hay nako wala na kong choice. Babawi na lang ako sa energy drink.

Nag almusal at nag ayos na kami ng sarili namin ni Liza. Pagkatapos, saktong alas sais eh pumunta na kami sa bahay nila mrs. Diaz para sunduin ang isa pang makulit na nilalang.

"Goodmorning ate Liza. Goodmorning kuya Paulo. Ang tagal nyo. Kanina pa ko nag iintay eh. Sabi nyo alas kwatro pa lang dapat ready na. Ang kukupad nyo." Sabi ni Arianna.

"Goodmorning Arianna. Pasensya ka na ah. Eh kasi paano ba naman. Itong kuya Paulo mo. Ang kupad eh. Ayaw pa nga magpagising kanina eh. Inaantok pa raw sya. Eh sya nga tong nagsabi sa atin na maaga dapat ngayong sabado tapos sya pa nagpasaway." Sabi ni Liza.

"Hmmmm. Halata ngang inaantok pa sya. Mukang napagod nga sya dahil sa mga ginawa nya kahapon. Tignan mo sya ate oh. Nakatayong tulog. Naka nga nga pa. Mukang timang. Hahaha" sabi ni Arianna.

"Hahaha oo nga. Ayaw talaga paawat. Gusto pa magtulog. Huy Paulo gising na!! Handa na si Arianna oh" sabi ni Liza.

"Huy kuya Paulo!! Anung petsa na!! Mag a alas syete na!! Zombie ka ba? Halika na!! Alis na tayo dali!!" Sabi ni Arianna.

Nagulat na lang ako ng biglang may sumalpak sa bibig ko. Pasaway na batang to. Binato ako ng candy sa bibig habang nakanga nga ako kanina. Muntik na kong masamid.

"Langya!! Muntik na ko masamid dun ah. Pasaway kang bata ka."

"Hahahaha ayaw mo makinig samin ni ate Liza eh. Ayan binato kita ng candy sa bibig habang nagtutulug tulugan ka pa dyan. Nga nga pa!! Hahahaha" sabi ni Arianna.

"Sige pagtawanan nyo ko. Makakaganti rin ako sa mga kalokohan nyo sakin."

"You wish kuya. Hahahaha" sabi ni Arianna.

"Hahaha tama na nga yang away nyo. Mahuhuli tayo sa pagpupulong ng mga kasamahan natin eh" sabi ni Liza.

"Wow ate Liza. Lalim ng tagalog ah. Ganyan ka ba talaga?" Sabi ni Arianna.

"Napansin mo rin yun Arianna? Hahaha napapalunok na nga lang ako ng malalim sa mga tagalog nyan eh."

"Eh nakasanayan ko eh. Halina kayo. Ako naman pagbabalingan nyo ng mga kalokohan nyo eh." Sabi ni Liza.

"Eh hindi ba tayo pwedeng pumasok sa loob Arianna? Pahinga lang kami sandali. Nasaan ba si aling Maria?"

"Sesegwey ka pa kuya eh. Di na tayo papasok sa loob. Matutulog ka lang uli sa sofa namin eh. Tulog na uli si Nanay Maria pagkatapos nya kong ayusan. Kaya wag ka na mang istorbo sa loob kuya." Sabi ni Arianna.

"Oo nga Paulo. Halika na. Wala na tayong oras para magpalipas pa. Pumunta na tayo sa paaralan nyo." Sabi ni Liza.

"Dami nyong kirot. Palibhasa mga excited eh. Sige po mga boss."

Pagkatapos naming mag usap usap, lumuwas na kaming tatlo papunta sa paaralan ko. Saktong alas syete kami nakarating sa campus. Madaling madali na kami dahil baka nagsisimula na ang meeting pero sa isang iglap eh napatigil sa pagmamadali si Liza. Nagtaka kaming dalawa ni Arianna dahil sa biglang pagtigil nya sa pagtakbo.

"Oh Liza. Anung problema?"

"Bigla akong kinabahan Paulo." Sabi ni Liza.

"Nye? Ngayon ka pa kinabahan kung kailang nandito na tayo? Eh kanina lang madaling madali ka ah."

"Hindi ko nga alam eh. Bigla akong ni nerbyos." Sabi ni Liza.

"Haha. Akala ko ba propesyonal ka? Nung nakaraang gabi lang eh pinagyayabang mo ang mga talents mo sakin tapos sabay ngayon kakabahan ka bigla?"

"Bigla ko kasing naisip eh. Paano kung iba ang proseso ng pagtatanghal nyo? Paano kung moderno na? Baka hindi ko magamay. Baka mangapa ako. Baka maging pasakit ako sa grupo." Sabi ni Liza.

"Ngayon ka pa naging ganyan kung kailang sasalang na tayo sa pag eensayo. Wala kang dapat ipag alala. Kung anung klase ng pagtatanghal ang ginagawa nyo sa panahon nyo, eh halos parang ganun parin naman ngayon eh. At kung may mga modernong proseso man, sigurado ako na maa adapt mo agad yun. Masasanay ka agad. Propesyonal na aktres ka naman diba. Hindi naman kita isasama dito kung wala akong tiwala sayo. Kaya magtiwala ka rin sa sarili mo. Wag ka mag alala. Nandito naman ako para alalayan ka eh."

"Sigurado ka? Sigurado kang makakaya ko?" Sabi ni Liza.

"Oo naman noh. Mukang ikaw pa nga ata magdadala sa grupo eh dahil mas marami ka nang karanasan sa pagtatanghal. Maniwala ka sakin. Kakayanin mo to. Chicken lang sayo toh. Cheer up na Liza. Wag na kabahan."

"Hehe. Talagang madali na lang sayo ang palakasin ang loob ko eh." Sabi ni Liza.

"Hahaha oo naman noh. Pagmo motivate sa mga tao ang professional skills ko noh. Ano ready ka na?"

"Hehe salamat ah. Oo handa na ko. Kakayanin ko para sa ikatatagumpay natin." Sabi ni Liza.

"Yan!! That's the spirit."

"Hello!!! 7:15 am na oh. Sure yaring yari na kayo sa teacher nyo." Sabi ni Arianna.

"Naku po. Tara na dali. Si Liza kasi eh. Tsk."

Pagpasok namin sa auditorium, nandun na ang mga ka grupo namin. Kumpleto na kami sa grupo. Saktong kinse lang kasi na tao ang ni require ni mr. Abalos para sa performance. Walo sana kaming orihinal na miyembro at lead performers. Ako, si Maan, Carrie, Roxanne, Charles, Becca, Joseph at Rosa. Pero dahil nga sa nawala si Maan, pito na lang kami pero walo pa rin kaming lead performers dahil nga sa napalitan ni Liza si Maan kahit baguhan pa lang sya sa grupo. Kasama ni Liza sa mga baguhan sila Luke, Ginger, Rodrigo, Elena, Philip, Phoebe, at Tom. Nung una akala ko hindi magiging maganda ang impresyon ng mga kasamahan ko kay Liza dahil nga baguhan lang din sya pero nabigyan na agad sya ng chance bilang maging isa sa mga lead perfomers. Pero mali pala ako. Welcome agad sya sa mga kasamahan namin.

"Ikaw ba yung bagong recruit ni sir Abalos? Magandang umaga sayo. Ako nga pala si Ginger. Baguhan lang din ako this school year sa theater club. Anong pangalan mo?" Sabi ni Ginger.

"Liezle ang pangalan nya Ginger."

"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko kuya Paulo eh." Sabi ni Ginger.

"Ah eh oo Liezle nga ang pangalan ko. Hehe." Sabi ni Liza.

"Liezle? Eh diba Li.......aray ko kuya!!! Bat mo ko kinurot?" Sigaw ni Arianna.

"Wag kang maingay. Mamaya ko na sasabihin sayo ang rason kung bat Liezle ang pangalan nya dito." Pabulong kong sabi kay Arianna.

"Oh? Sino naman tong batang kasama mo bro?" Sabi ni Joseph.

"Ah guys nga pala. Sya si Arianna. Alaga ko. Sinama ko sya rito kasi walang magbabantay sa kanya eh."

"Alaga mo? Kailan ka pa naging babysitter?" Sabi ni Roxanne.

"Ah eh... last last week lang. sideline ko lang Rox. Hehe para may pambayad sa upa."

"Nangungupahan ka kuya Pau? Saan?" Sabi ni Elena

"Dito lang din malapit sa campus. Nangupahan ako para hindi hassle sa pagpasok."

"Ah talaga pre? Saan ka banda nangungupahan. Nang makadalaw naman kami." Sabi ni Carrie.

"Ha? Ah eh...ang daming nyong tanong eh. Nasaan na ba si sir bading?"

"Wala pa nga pre eh. Kanina pa ko dito. Sabi nya maaga daw pero sya pa wala rito." Sabi ni Charles.

"Oo nga eh. Naturingan pa naman instructor natin. Ang kupad din naman pala." Sabi ni Becca.

"Langya naman. Nagising pa ko ng maaga, eh sya rin naman pala ang male late. Filipino time talaga oh. Pag sinabing alas syete, alas syete y medya dadating."

"Dami nyong reklamo. Mag intay na lang tayo. Ang mahalaga eh kumpleto na tayo." Sabi ni Rosa.

"Opo boss." Sabi ni Carrie.

"Nga pala kuya Pau. Paano mo nakilala si ate Liezle?" Sabi ni Elena.

"Ha? Uhm..actually kasamahan ko sya sa inuupahan kong bahay. Hehe."

"Ha? Di nga?" Sabi nilang lahat.

"Lahat din po pala kayo nagulat. Well nakakagulat naman talaga. Kahit po ako nung una ayaw maniwala eh. Opo magkasama sila sa iisang bubong. Ewan ko ba dito kay ate Liza..ah este Liezle kung bat pumayag sa ganung sitwasyon." Sabi ni Arianna.

"Sige Arianna, mang asar ka pa. I uuwi kita sa inyo."

"Hahaha nakakatuwa tong alaga mo kuya Pau. Pero di nga? Magkasama talaga kayo ni ate Liezle sa iisang bubong?" Sabi ni Phoebe.

"Oo nga. Eh wala eh. Yun ang totoo eh. Sya kasi housekeeper dun. Bahay nya rin yun kaya no choice ako kundi makasama sya run."

"Sabagay hindi naman kaso yun. Pero kuya. Hindi ba dumadating sa punto na....ano...alam mo na. Hahaha" sabi ni Luke.

"Oo nga kuya. Kahit one time lang hindi mo ba naisip yung ano.. basta alam mo na. Chicks yan oh. Hahaha" sabi ni Rodrigo.

"Kayong dalawa. Gusto nyong pagtatadyakan ko kayo palabas ng auditorium. Ang dudumi ng utak nyo eh."

"Magsitigil nga kayong dalawa. Matik naman yan eh. Si kuya Paulo pa? Torpe yan. Kay ate Maan nga hanggang tingin lang yan eh. Hahaha" sabi ni Philip.

"Ay oo nga. Bat di ko naisip yun? Torpe nga pala si Kuya. Hahaha" sabi ni Tom.

"Mga hinayupak kayo!! Magsilabas nga kayo rito."

Napagdiskitahan na naman ako ng buong grupo. Di na rin napigilan ni Liza at Arianna na matawa. Habang busy kaming lahat sa kwentuhan, nagulat na lang kami ng biglang nagsalita si mr. Abalos.

"Ano pang tinatawa tawa nyo dyan? Pwesto na. Umupo kayo rito sa harapan malapit sa stage." Sabi ni mr. Abalos.

"Sir naman. Para naman kayong kabute. Sumusulpot na lang bigla."

"Kabute ka dyan? Nga pala Paulo. Sino yang batang kasama mo?" Sabi ni mr. Abalos.

"Ahm..magandang umaga po. Ako nga po pala si Arianna Diaz. Alaga po ako ni kuya Paulo. Nice to meet you." Sabi ni Arianna.

"Alaga mo Paulo?" Sabi ni mr. Abalos.

"Ah eh opo. Sinama ko sya rito kasi wala pong magbabantay sa kanya. Yun nga po pala ang gusto kong ipagpaalam sa inyo. Na every practice po natin eh kasa kasama ko po sya. Ako po kasi ang naatasang mag alaga sa kanya kaya hindi ko po basta basta pwedeng hayaan lang sya. Wag po kayo mag alala. Hindi po sya pasaway. Makakapag practice tayo ng maayos kahit nandito po sya. Diba Arianna hindi ka pasaway!?"

"Opo hindi po. Manonood lang po ako sa inyo. Hindi po ako magpapasaway. Promise. Hehe" sabi ni Arianna.

"Hmmmm. Ok sige. Tutal naman eh tinulungan mo ko sa problema ko, eh ito na lang ang pagtanaw ko ng utang na loob sayo. Nga pala, nasaan na si Liezle?" Sabi ni mr. Abalos.

"Salamat sir. Hehe. Ahm nandito po sya. Liza...ay este Liezle. Tawag ka ni sir Abading...ah este Abalos."

"Ano Paulo?" Sabi ni sir Abalos.

"Ay wala po. Hehe tawag nyo po si Liezle diba?"

"Tawagin mo na rin lahat ang mga ka grupo mo. Dito na lang tayo lahat sa stage. Mag o open forum muna tayo saglit tungkol sa plano nating performance." Sabi ni sir Abalos.

Pinatawag nya lahat ang buong grupo sa stage. Pumwesto kami ng nakabilog sabay nagsimula nang magsalita si mr. Abalos.

"Ok guys Goodmorning. Ngayong araw ang unang pag eensayo natin. But first, let me introduce to you our newest member. Liezle. Hindi sya nag aaral dito sa campus pero ni recruit ko sya sa tulong ni Paulo. Isinalang ko agad sya bilang pamalit kay Maan as one of the Lead Performers. Sa mga baguhan din, wag sana kayong ma dismaya kung hindi ako nakapili sa inyo. It's just, nung narinig ko lang talaga ang boses nitong si Liezle, may pakiramdam ako na isa sya sa magdadala ng tagumpay sa pagtatanghal natin." Sabi ni mr. Abalos.

"Pwede bang isang sample dyan ate Liezle?" Sabi ni Elena.

"Oo nga Liezle. Gusto naming marinig ang boses mo. Please." Sabi ni Becca.

"Kalma lang Becca. Natotomboy ka na naman eh." Sabi ni Charles.

"Paki mo ba?" Sabi ni Becca.

"Later guys. But first, lets ask her about her background. Liezle.. may experience ka na ba sa pagtatanghal na gaya ng gagawin natin ngayon?" Sabi ni mr. Abalos.

Tumingin muna sakin si Liza. May halong kaba ang titig nya sakin pero pinalakas ko ang loob nya. Nginitian ko sya. Alam ko kaya nyang mag improvise ng mga sasabihin nya. Kung hindi naman, pina alam ko sa kanya na nandito lang ako for back up.

"Ah eh... sa probinsya po namin...ahm. nagtatanghal po ako dun." Sabi ni Liza.

"Really? San ang probinsya mo iha?" Sabi ni mr. Abalos.

"Ahm...sa Vigan po. Taon taon po eh nagtatanghal po ako dun. Sinasali po ako ng ama at ina ko sa mga pagtatanghal." Sabi ni Liza.

"Eh bat napunta ka rito sa maynila?" Sabi ni mr. Abalos.

"Gusto ko po kasing maghanap buhay. Kaya naisipan po ni ama at ina na papuntahin ako sa maynila para maghanap ng trabaho. May bahay po kami rito kaya hindi po naging problema ang tirahan ko. Akala ko po magiging madali ang buhay dito. Hindi po pala. Kaya naisipan ko pong magpa upa sa bahay ko para may kitain po ako kahit papaano. At yun nga po. Nakilala ko si Paulo dahil sya po ang umupa sa bahay." Sabi ni Liza.

Bumilib rin ako sa pag iimbento nito ni Liza eh. Hindi ko akalain na makakapag imbento sya ng ganung storya. Galing.

"Hmmmm. I see. Well, lets back to your stage performance experience. Pagkanta lang ba ang kaya mong gawin o may iba ka pang talento?" Sabi ni mr. Abalos.

"Magaling din po akong tumugtog ng gitara. Tinuruan po ako ng aking ama. Marunong din po akong sumayaw. Nakuha ko po ang talento ng aking ina. At nahasa pa po yun nung tumagal ako sa pagtatanghal." Sabi ni Liza.

"Magaling ka sumayaw? Na curious tuloy ako sa talento mo. Anu anong klaseng sayaw ang kaya mo?" Sabi ni mr. Abalos.

"Ahm..marunong po ako ng Waltz at Ballet. Kaya ko rin pong isayaw ang Passa Doble at tsaka...." sabi ni Liza.

"What? Passa Doble?" Mr. Abalos.

"Ahm...opo." sabi ni Liza.

"Hindi nga Liezle? Kaya mo yun?" Sabi ni Roxanne.

"Matinding sayaw yun ah." Sabi ni Ginger.

"Passa Doble? Ano yung Passa Doble?"

Mukang ako lang at si Arianna ang hindi na sorpresa sa aming lahat. Wala akong idea kung anung klaseng sayaw ang Passa Doble. Nagmuka tuloy akong mangmang.

"You make me feel surprised ms. Liezle. Mukang nangangapa ang lalaking nagkumbida sayo dito. Payag ka ba na ipakita kay Paulo at sa iba mong kasamahan kung ano ang Passa Doble? Gusto ko rin makita kung ano ang ibubuga mo." Sabi ni mr. Abalos.

"Po? Ah eh.....kailangan po ng kapareha dun eh." Sabi ni Liza

"Wag ka mag alala. Tayo ang magpa partner. Alam ko kung paano sayawin yun. Ano sang ayon ka ba? Pakiusap. Para naman makita nila ang kapasidad ng talento mo." Sabi ni mr. Abalos.

"Ah eh...sige po. Walang problema." Sabi ni Liza.

"Good. Get yourself prepared. Pumunta ka sa dressing room at magpalit sandali ng pangsayaw na damit. Rosa, alalayan mo si Liezle. Ipa suot mo sa kanya ang Mexican dress dun. Magpapalit lang din ako at aayusin ko ang sounds na gagamitin namin." Sabi ni mr. Abalos.

"Yes sir. Halika na Liezle. Magpalit ka muna ng damit mo." Sabi ni Rosa.

Naghalo ang pagka excite at kaba sa sarili ko. Na curious ako bigla sa kung paano dadalhin ni Liza ang sarili nya sa biglaang performance na to. Wala rin akong idea tungkol sa sayaw na gagawin nila. Bago lang sa pandinig ko ang sayaw na passa doble. First time ko makikita kung anong klaseng sayaw yun.

Habang nag iintay kami sa preparasyon, biglang may sumakal sakin. Akala ko kung sino na. Ang tropa ko lang pala na si Lloyd. Muntik ko nang sikuhin sa mukha eh.

"Pre kumusta na? Long time no see ah." Langya ka. Bat di ka nagpapakita? Di na tayo nakakapag Dota." Sabi ni Lloyd.

"Langya ka rin. Di mo naman kailangang manakal. Ito busy busy kaya di nakakapag Dota. May musical performance kami eh. Magtatanghal na naman ako ulit."

"Pansin ko nga eh. Nga pala, nabalitaan mo na ba yung tungkol kay Maan? Yung namatay yung kuya nya kaya sya umalis?" Sabi ni Lloyd.

"Mas nauna pa ko sayong nakasagap ng balita. Syempre bestfriend ko yun eh. Saklap nga eh. Dahil dun kaya rin sya umalis ng theater club. Nakakalungkot lang dahil wala sya rito. May pumalit na nga sa kanya eh. Kaibigan ko rin. Nangailangan kasi kami ng lead performer na papalit kay Maan. Tapos nireto ko yung kaibigan ko. "

"Talaga? Sino naman? May makakapalit pa ba kay Maan? Baka naman wala pa sa kalingkingan ni Maan yang pinalit nyo sa kanya." Sabi ni Lloyd.

"Magaling si Maan. Pero masosorpresa ka sa talento nitong kaibigan ko. Kakainin mo yang mga pinagsasa sabi mo mokong ka."

"Talaga lang ah. Haha we'll see." Sabi ni Lloyd.

Habang nagdadaldalan kaming lahat, lumabas na bigla mula sa dressing room si mr. Abalos at Liza. Hindi ko na naman masara ang bibig ko dahil napa nganga ako sa itsura ni Liza. Halos lahat kami napa nganga sa ganda nya.

"Pre.....si...sino yung maganda na yun?" Sabi ni Lloyd.

"Ha?...ah eh yun. Yun yung kaibigan ko. Liza...ah este Liezle ang pangalan nya. Napa nganga ka bigla noh."

"Ang ganda." Sabi ni Lloyd.

"Total make over ang ginawa mo kay Liezle ah. Magsasayaw lang naman kami." Sabi ni mr. Abalos.

"Hehe eh kasi nung sinuot nya po yung damit, bumagay agad sa kanya. Kaya tinuloy tuloy ko na. Kinulot ko na po ang buhok nya. Haha." Sabi ni Rosa.

"Ok wag na tayong magsayang ng oras. Liezle. Im sure na hindi ko na kailangan pang bigyan ka ng proper instruction tungkol sa kung paano isayaw ang Passa Doble. Right?" Sabi ni mr. Abalos.

"Ah eh..opo. Alam ko na po ang gagawin ko." Sabi ni Liza.

"Good. now please play the music guys." Mr. Abalos.

Nagsimula nang tumugtog ang musika na isasayaw ni mr. Abalos at Liza. Ma ala mexicano ang tugtugan. Unang parte pa lang ng step ng sayaw nila, napalunok na agad ako sa sobrang kaba. Ganito ba ka intense ang sayaw na Passa Doble? Napaka ganda ng mga galawan nila. Hindi pang ordinaryong sayaw to. Talagang dapat napaka talentado mo sa pagsayaw bago mo ma perfect ang sayaw na to. Parang tumaas ang tingin ko kay Liza. Parang hindi agad ako makapaniwala na ganito pala kahusay mag sayaw si Liza. Wala akong masabi sa performance nya ngayon. Hindi ako makagalaw sa kina uupuan ko. Nininerbyos ako sa bawat pag indak nya sa sayaw. Nung matapos ang sayaw, hindi agad kami nakapag react lahat. Hindi pa kami papalakpak kung hindi pa papalakpak si Arianna.

"Whooooo!!! Ang galing mo ate Liza!!! Ah este ate Liezle!! Idol na kita. Turuan mo ko ng ganon!!!" Sigaw ni Arianna.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga kasamahan namin. Pinuri nila si Liza dahil sa ginawa nya. Lahat sila ay nagbigay puri kay Liza maliban sakin. Hindi ako maka recover sa ginawa nyang sayaw. Naka nganga parin ako dahil sa pagkabilib. Akala ko ako lang nasa ganong estado pero di pala. Pati pala si Lloyd napatulala rin.

"Hindi ko in expect na ganito ka kagaling ms. Liezle. Im impressed. Ngayon talagang naniniwala na ko na isa ka sa mga magdadala ng performance natin." Sabi ni mr. Abalos.

"Maraming salamat po mr. Abalos." Sabi ni Liza.

Pagkatapos makipag usap ni Liza kay mr. Abalos, lumapit sakin si Liza. Hindi pa rin ako makagalaw. Nakatulala pa rin ako sa kanya. Dahil dun, pinisil nya ang pisngi ko.

"Oh ano? Bilib ka na naman ba sakin? Bat di ka makapag salita? Hahaha" sabi ni Liza.

"Aray ko. Anu ka ba. Oo na ikaw na magaling. Pero in fairness ah. Ang galing mo nga talaga. Napabilib mo nga talaga ako."

"Halata naman kuya. Ngangang nganga ka nga kanina nung sumayaw si ate eh. Pareho kayo nyang ka tropa mong unggoy. Hanggang ngayon di pa rin maka recover oh. Hahaha sino ba sya kuya?" Sabi ni Arianna.

"Ah nga pala Arianna, Liz. Si Lloyd. Tropa ko."

"Magandang umaga Lloyd. Ikina gagalak kitang makilala." Sabi ni Liza.

"Pwede ba manligaw?" Sabi ni Lloyd.

"Huh? Paumanhin?" Sabi ni Liza.

"Ha? Ah eh...wala wala. What I mean is, ikina gagalak rin kitang makilala. Hehe ang ganda mo ms." Sabi ni Lloyd.

"Ah eh ganun ba. Hehe salamat ah. Sige magpapalit muna ako ng damit at iinom ng tubig. Hinihingal na ko eh." Sabi ni Liza.

"Sige Liz."

"Pre...mukang nakilala ko na ang babaeng iibigin ko." Sabi ni Lloyd.

"Abnormal!!! Off limits yan. Di pwede."

"Ngayon alam ko na ang purpose ko kung bat ako nandito. Alam ko na ang rason kung bat ako dinala ng tadhana dito sa auditorium. Para makilala sya." Sabi ni Lloyd.

"Tumigil kang hinayupak ka. Magiging abala ka lang dito eh."

"Pabayaan mo nga ako. Di mo ko mapipigilan. Didiskarte ako sa kanya, sa ayaw mo o sa gusto." Sabi ni Lloyd.

Panibagong problema. Hindi ko in expect ang pangyayari na to. ngayon mukang magugulo ang buhay ni Liza dahil sa mokong kong tropa. Kailangan magawan ko to ng paraan.

Continue Reading

You'll Also Like

241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
383K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.7M 79K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...