Western High

By SaccharineBeast

293K 9.3K 198

Misteryo ang nakabalot sa Western High, walang nakakaalam kung ano bang istorya ng eskwelahang ito. Walang n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6: day 2
Chapter 7: Day 3
Chapter 8: day 4
Chapter 9: Day 4 (Continuation)
Special Chapter: Dwace
Special Chapter: ChryXan
Special Chapter: Stefani
Special Chapter: Milaine
Special Chapter: JaCe
Special Chapter: A Night With
Chapter 10: Phone call and Kidnapped
Chapter 11: Phone Call and Kidnapped part 2
Chapter 12: Phone call and kidnapped part 3
Chapter 13:Confrontation
Chapter 14: Mysterious Birthday Letter
Chapter 15: Searching, the first clue, and the revelation
Chapter 16: Clue & the first Fight
Chapter 17: what happen.
Chapter 18:The Game
Chapter 19:Fight Between US
Chapter 20: Hospital
Chapter 21:Awkward
Author's Note
Chapter 22: Victoria Mendez
Chapter 23: Victoria Mendez (flashback)
Chapter 24: Andrea
Chapter 25: Mysterious Death Treat
AUTHOR'S NOTEEEEEE
Chapter 26:Mysterious Death Treat part 2
Chapter 27: Unconscious
CHAPTER 28: Result
Chapter 29: Die or kill
Chapter 30 : (not so good Update)
Chapter 31: Her History
Chapter 32: Her history (part 2)
Chapter 33: Kidnap
Chapter 34: Who???
Chapter 35: Where is BEA???
Chapter 36: Suspicious
Authors Note
Chapter 37: Confussion
Chapter 38: Plan
Chapter 39: Mysterious Guy
Chapter 40: The Arrival
Chapter 41: The Start
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Not an Update
Chapter 47
Epilogue

Chapter 43

148 4 0
By SaccharineBeast

ICE POV.

Andito kami ngayon sa labas ng mansyon ni Arvie. Nakapwesto na si Dustine sa isa sa puno na nandito pero sa tingin ko nakapwesto sya sa pinaka malaking puno. Si Andrea naman ay nandun parin sa naging hideout namin kanina para ma-supervise ang party at ang nangyayari sa loob. Sina Dwane, Ellaine at Alexander ay nakapwesto sa likod ng mansyon. At kaming natitira naman ay nandito lang sa harapan para isagawa ang unang plano at yun ang pagkilos nina Mico at Nico para sa planong pagkuha ng mga gowns at suit.

"Mico, Nico nandyan na ang target nyo. 10 seconds." sabi ni Andrea. Agad naman naming nakita ang mga yun kaya mabilis na kumilos sina Mico at Nico.

Inuna muna nila ang dalwang lalaking target din nila. Dahan dahan pero mabilis silang kumilos para makarating sa likod ng dalawa ng makalapit ay agad nilang tinurukan ng nakamamatay na lason ang kanilang batok at mabilis naman itong gumana. Hindi maaaring gamitan ng brutal na paraan ang pagpatay sa target dahil kailangan namin ang damit nila.

Saktong 10 seconds ay nadala na nila ang bangkay malapit samin. Mabilis ang kilos namin na tinanggal ang damit nila napangibit naman ako dun sa isa ng makita kong naka barbie na boxer. Mabuti na nga lang at white sando ang suot hindi ternong barbie. Yung isa naman ay okey lang kasi ordenaryong sando at boxer short ang suot.

"Nandito na yung mga babaeng target. 10 seconds again. "

Agad na kumilos sina Nico ng namataan nila ang dalawang babae. Katulad nung mga lalaki ay ganun din ang ginawa nila. Agad din namin silang hinubadan ng damit buti buti na lang ay may suot silang pangloob.

Matapos naming kunin ang mga damit ay pinagpalit na namin sina Chrystal, Jake, at ACE buti na lang at ka size nila ang mga damit na nakuha namin.

Pinindot ko ang ear piece para maka connect kay Andrea "Andrea... "

"Yes queen?"

"Pwede na ba silang pumasok? "

"Wait.... yes pwede na dapat dala nila ang invitation para makapasok"

"Okey.."

Agad naman naming hinanap yung mga invitation na nakalagay naman sa loob ng pocket ng suit na sinuot ni jake while Chystal and ACE yung mga invitation nila ay nasa pouch bag dala ng dalawang babae kaagad naman nilang kinuha ang pouch bag para hindi sila mahalata na kinuha lang nila ang suot nilang damit.

"Don't forget you maskara dapat may suot din kayo nyan para di kayo mahuli. Buti na nga lang at masquerade ang theme kung hindi mahirap kayong i-cover"

"Thank for remiders Andrea" sabi naman nina Chystal at ACE while Jake ay patuloy sa pag aayos ng gagamitin nyang mga sandata para hindi yung mahalata sa loob.

"Your Welcome, good luck sa inyo"

Agad namang kumilos sina Chrystal, ACE at Jake para pumasok na sila sa loob while kami nina Mico, Nico at Stefany ay nakatago dito sa harapan pero hindi kami sama sama sa isang lugar sa harap mas maganda kasi kapag naka hiwalay kami para mas malaki ang nasasakop namin area.

Third person POV.

Nagsimula na sila sa plano nila. Sina Chystal, ACE, at Jake naman ay mabilis na nakapasok sa loob ng mansyon.

"We are in... " Pasimpleng sabi ni ACE na parang nang ayos lang ng buhok.

Nangkatinginan ang tatlo at agad silang naghiwa-hiwalay.

While Sina Dwane, Alexander at Ellaine ay tahimik na nagmamasid sa likod. Si Dwane naman ay patuloy pa rin ang pagmamasid ng nangyayari sa baba. Sina ICE Stefany Mico at Nico ay tahimik pa rin nagmamasid ng mga nangyayari. Si Andrea ay patuloy ang pagbabantay sa cctv ng bawat sulok ng mansyon.

"Jake, Chrystal at ACE meron akong nakitang nagbabantay sa 3rd floor kaya isa sa inyo jake, Chrystal at ACE ang pumunta dun. Pero in second thought base sa nakikita kong pwesto nyo ACE mas mabuti sigurong ikaw na lang ang pumunta sa 3rd floor, Jake and Chrystal mag bantay lang kayo dyan sa party"

"Copy san ako unang dadaan? " tanong ni ACE

"kumaliwa ka.. then deretso ka ng lakad.. " Mabilis naman na naglakad si ace sa itinuro ni dereksyon ni Andrea.

"Then stop, kumanan ka naman dyan tapos may makikita kang hagdan akyatin mo yun.. " agad din namang sinunod ACE ang sinabi ni Andrea.

Kumanan sya at gaya ng sabi ni Andrea ay may hagdan syang nakita na agad nyang inakyat. Kakanan na sana sya ng biglang nagsalita si Andrea.

"ACE pumasok ka sa pinto dyan sa tapat ng hagdan may paparating" Agad namang pumasok si ACE sa kwartong tinuro ni Andrea at makaraan ang ilang sigundo ay may mga narinig syang naglalakad na sa tingin nya ay mga guards na tinutukoy ni Andrea na nagbabantay dito sa loob ng mansyon.

"Okey na pwede ka ng lumabas ACE"

Dahan dahan namang lumabas si ACE at kahit sinabi na ni Andrea na clear na ay nagmasid parin sya.

"Okey deretyo ka lang dyan sa 2nd floor ingat lang dahil baka may makarinig sayo"

Agad namang sinunod ni ACE ang sinabi ni Andrea dahan dahan din syang naglakad para walang makapansin sa kanya. Tumingin tingin sya sa kanan at kaliwa nya na puro mga pinto na sa tingin ko ay mga guest room dito. Agad din namang nakita ni ACE ang isang hagdan.

"Andrea ito ba ang daan papuntang 3rd floor? "

"Yes akyatin mo lang yang hagdan dahan dahan ka dahil maraming nakabantay sa 3rd floor"

"Okey copy"

Dahan dahang umakyat si ACE sa hagdan. Pagkarating nya sa taas ay agad nyang nakita ang mga nagbabantay sa floor na iyon.

"ACE use your needle poison, just be careful dapat hindi ka makakaroon ng contact sa mga needles"

"Okey copy"

Kinuha ni ACE ang gloves na nakatago sa pocket na nasa binti nya. Agad nya itong isinuot kinuha ang container ng needles na nasa pouch bag na kinuha nya kanina sa dalwang babae. Inihanda ang mga ito saka kinuha ang parang isang maliit na metal straw at agad na inasinta ang isang lalaking malapit sa kanya agad itong natumba. Tumingin dito ang iba naging mabilis ang kilos si ACE at inasinta nya isa isa ang mga naroon. Isa isang natumba ang mga nagbabantay doon hanggang sa wala ng natira.

"Okey na ba Andrea? "

"Yeah clear na ang nasa floor na yan"

Inayos na ni ACE ang mga ginamit nya at ibinalik ng maayos ang mga ginamit nya sa pocket na nasa binti nya. Kinuha naman nya ang baril nyang may silencer at dahan dahang naglakad habang naglalakad ay kinakalkalan nya ang bulsa ng mga guard na nakahandusay may mga nakapat syang mga baril pero hindi yun ang pakay nya. Ng makarating sa pinakahuling patay na guard na malapit sa pintong nasa dulo ay may nakapa syang maraming susi. Agad nyang kinuha ang mga susi at binuksan ang pinto nasa dulo. Nung una ay nahirapan sya dahil maraming susi syang hawak at di nya alam ang susi sa kwartong yun pero makaraan ang ilang minuto ay nabuksan nya rin naman iyon. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto habang nakahanda ang baril nya kung sakali man na may kalaban sa loob. Ng mabuksan nya ay dahan dahan syang pumasok sa loob at di nya sinasadyang masarhan ang pinto.

"Sh*t!!"

Hinayaan nya na lang iyon saka pinagpatuloy ang pag suri sa loob ng kwarto. Isang kama pang isang tao, lamesa at sofa lang ang nakita nya sa loob ng kwarto bumalik ang tingin nya sa kama at napansin nyang parang may tao dun kaya dahan dahan syang lumapit dun at saka mabilis na tinanggal ang kumot na nakatakip sa kama sabay tutok ng baril dun. Napakunot ang nuo nya ng makitang mga unan lang ang mga andun para bang may tumakas dito at ginamit ang unan para maipakitang may tao pa kahit wala na talaga. Aalis na sana sya ng may makitang bracelet kinuha nya ito saka tiningnan nanlalaki ang mga matang tiningnan nya ang bracelet ng malaman kung kino ito.

"Kay Bea ito ah, ibig sabihin ay nandito si Bea sa kwartong ito" masayang sabi nya agad nyang pinindot ang ear piece pero nabinge lang sya dahil sa matinis na tunog na nanggaling dun kaya agad nyang tinanggal ang ear piece sa tenga nya. Tiningnan nya kung bakit ito nagkaganun ng makitang maayos ay nagtaka sya kaya agad syang tumingin sa kwarto hanggang dumako ang tingin nya sa pinto ng kwarto at nandun nakita nya ang isang signal blocker.

"Ah sh*t kaya pala" inioff nya na lang ang ear piece saka isinuot ulit iyon. Io on nya na lang yun kapag nakalabas sya sa kwarto iyon. Lumapit sya sa pinto pero bago pa nga mahawakan ay bumukas ito kasabay ng pagtutok sa kanya ng baril "sh*t" ilang beses na ba ako nakapagmura.

"Sino ka?!" galit nitong sigaw. Napaka maiskandalo naman nito.

Bago pa makapagtanong ulit ang lalaking guard ay agad na syang kumilos. Sinipa nya ang pagkalalake nito agad naman itong mamilipit nabitawan nya ang baril kukunin na sana nya ang baril ng may bumaril dito.

"What is that? tanong ng mga nakarinig sa putok ng baril naalerto ang mga guard lalo na si Arvie kaya agad nyang pinakilos ang mga gwardya na agad namang sinunod ng mga ito.

Kay ACE naman ng marinig nya ang pagputok ng baril na nabitawan ng kalaban nya ay agad itong lumayo doon at tiningnan kung sino ang bumaril dun nakita nyang isa pang guard. Bumaril ulit yun pero mabilis ang kilos nyang nakatago sa loob ng kwarto ini on ang ear piece para macontact ulit si Andrea

"ACE, ACE, ACE what happen?, hey ACE-"

"Andrea nagkaroon lang ng maliit na problema"

"Sh*t kala ko naman eh may nangyari na sayo. Bilis umalis ka na dyan may papaakyat na mga guards"

"Ah madali sana pero may isa pa akong maliit na problema eh" agad nyang kinuha ang baril na may silencer saka binaril ang kalabang naubusan na pala ng bala at naglalagay ulit. Swerte

"Okey na ako. Lead the way"

Humingang malalim si Andrea "bilisan mo papaakyat na ang mga guards dyan"

Agad na tumakbo si ACE papunta sa hagda pero bago pa sya makababa ay meron ng kalaban ang nakabantay sa hagdan. Ng makita sya ng mga ito ay agad syang sinugod.

Ang unang sumugod ay sumuntok sa kanya pero nakaiwas kaagad si ACE sinipa nya ito sa tyan saka ito ginamit na pangharang para sa sumunod sa susugod sa kanya. Agad namang napa yuko si ACE ng may sumugod kaagad sa kanya agad nyang hinigit ang paa nito pahiga saka ito sinungtok sa dibdib na ikinawala ng malay nito. Hindi nya napaghandaan ang pagsipa sa kanya kaya di nya iyon nailagan pero hinawakan nya naman ang paa nito ng sisipain sya ulit nyo saka iyon ipinilipit

"Ahhhh!!!! "

Agad na bumangon si ACE sa pagkakahiga saka kinuha ang baril na nakita nya na nabitawan nung nasuntok nya kanina saka pinaputukan ang mga ito. Wala na syang pakialam kung marinig man sya sa baba ang mahalaga ay matapos na nya ang trabaho nya dito.

Habang sa kalagitnaan ng party matapos bumalik sa pagkakatigil ng makarinig ng putok ng baril ay napasigaw muli ang lahat ng marinig nila ang sunod sunod na pagputok ng baril. Agad na naalerto si Jake ng mapansin nyang umalis si Arvie sa pwesto agad nya itong sinundan pero napatigil sya ng humawak sa braso nya

"Jake tara na kailangan na nating makalabas dito"

"Hindi pa ako maaaring umalis kailangan kong mahuli si Arvie maaaring alam nya kung nasan si Bea. Umuna ka na"

"Pero-"

Hindi na natapos ni Chrystal ang sasabihin ng tumakbo na ito.

"Sh*t ang kulit"

Agad namang sumunod si Chrystal kay Jake na hinahabol pa rin si Arvie. Nakita nyang tumigil ito kaya kaagad nya itong nilapitan

"Jake anong nanyari? Ba't ka tumigil?"
Tanong nito kay Jake

"Sh*t nawala sa paningin ko si Arvie" galit nitong sabi

Habang sa labas naman ay agad naalerto sina ICE, Dustine at iba pa dahil sa narinig nilang putok sa baril.

Pinindot agad ni ICE ang ear piece "Andrea anong nangyayari? Bakit may narinig akong putok ng baril?"

Agad namang sumagot si Andrea "Na ambush kasi si ACE sa third floor"

"Bakit nasa third floor sya? " agad naman nitong tanong

"May kakaiba kasi sa third floor dahil merong mga nakabantay kahit na wala namang kakaibang nangyayari dun kaya pinapunta ko si ACE pero hindi ko inasahan na ganto ang mangyayari"

"Okey, so asan na ba sila? "

"Si ACE malapit na sa exit sa front door nakasabay sya sa mga bisitang nagtatakbuhan paalis sa mansyon, while sina Jake at Chrystal is biglang umalis sa pwesto nila at saka may hinahabol silang taong and I think it is Arvie"

"Ang kulit talaga ni Jake, just let them i-guide mo na lang para maging safe sila"

"Roger queen"

At gaya ng sabi ni ICE kay Andrea ay binantayan nya ang tatlo nina Jake.

(Bea's and Manang Sabel situation third person POV.)

Ng aalis ng tuluyan sina Bea ay nakarinig sila ng sigawan at putukan mula sa loob ng mansyon ni Arvie

"Anong nangyayari?! " tanong ng mga nagbabantay sa labas.

Lalong kinabahan sina Bea at manang sabel dahil sa nangyayaring di nila alam ang dahilan

Bumaling kay Bea si manang Sabel
"Iha sa tingin mo wala pang nakakaalam na tumakas tayo sa mansyon? " kinakabahan nitong tanong

"Wag kayong mag alala manang sigurado ako na hindi kaagad nila malalaman na nakatakas tayo tyaka marami ang kalaban nina Arvie kaya siguradong sila ang dahilan kung bakit may kaguluhan nangyayari" pag aalo nya sa matanda.

Kahit na kinakabahan ay pinalakas nya ang loob dahil hindi sya nag iisa sa oras na yun na kailangan nyang mapanatili ang kaligtasan kaya nag isip sya ng paraan para makaalis sa lugar na iyon.

Gaya ng plano sana nila kanina bago magkaroon ng sigawan at putukan sa loob ay nakita nyang patuloy ang pag uusap ng dalawang gwardyang malapit sa kanila na parang nag-aantay ng balita.

"Manang kailangan nating lumipat sa malaking batong yun mas malaki ang posibilidad na makatakas tayo pag dun tayo pumunta"

"Sigurado ka ba ija kasi malayo yun sa pwesto natin ngayon kaya parang imposible naman ang gusto mo"

"Manang walang ibang paraan kundi yun lang kaya kahit malayo eh kailangan natin gawin ang plano" pangungumbinsi nya pa rin sa matanda

"Pero natatakot ako na baka mahuli nila tayong, siguradong parurusahan nila tayo" takot nitong tugon

"May tiwala ka ba sakin manang? " tumango naman ito

"Kung ganun magtiwala kayo sa plano ko dahil di ko naman kayo pababayaan manang wag kang mag alala" Huminga ng malalim ang matanda "Eh anong gagawin natin ija? " kinakabahang tanong nito

"Manang matatapon ako dun sa malayo ng bato para dun sila mapatingin saka ka tumakbo dun tapos ay susunod ako sa inyo" Pagsasabi ni Bea sa matanda

"Oh sige" pagsang-ayon ng matanda

Nagbilang ng hanggang tatlo si Bea sa tinapon ang bato sa malayong parte tiningnan naman ito ng nagbabantay sinamantala naman ito ng matanda at tumakbo sa kabila.

Matagumpay ang naging plano nila at nakaliban ang matanda sa sunod na pagtataguan nila.

Kinakabahan man pero tinuloy nya ang unang plano at nagtagumpay naman sya sa plano nya. Napakapit sya sa matanda dahil nakaramdam sya ng konting hilo dala na rin ng kanyang pagbubuntis.

"Okey ka lang ba iha? " nag aalalang tanong ng matanda. Tumango lang si bea bilang sagot.

"May nakita ka ba? " rining nilang sabi ng nagbabantay

"Wala baka mga hayop lamang dito"

Agad naman humarap ang mga ito sa direksyon ng mansyon

"Hindi ba dapat tayong mag punta sa mansyon baka kung anl ng nangyayari" sabi ng isa batang gwardya.

"Gusto mo na bang mamatay bata!" inis nitong baling sa batang gwardya "Eh rinig mo ng nagpuputukan syempre patayan ang nasa loob mas mabuti pang andito tayo para rin hindi tayo madamay pero kung gusto mo pumunta ka doon ang magpakamatay na!! "

Napailing iling na lang si Bea dahil sa kaduwagan ng panot na gwardya. Pero agad din naman syang nagmasid sa paligid para matingnan nya kung san ang dadaanan nila.

Nahihirapan sya kung pano nya pa planunhin ang pag alis sa pwesto nila pero pansin nya naman na dalawa lang ang gwardya kaya baka maaari nyang matalo ang dalawang ito basta mag ingat sya.

Agad syang bumaling sa matanda.
"Manang kakalabanin ko yung dalwang yan tapos kapag sumigaw ako tumakbo kayo" pabulong nitong sabi

"Pero di kita pedeng iwan, pano kung mapahamak ka lalo na't buntis ka" nag alala naman nito sabi

"Wag kayong mag alala manang kaya kong lumaban basta gawin mo na lang ang sinabi ko para mas madali tayong makatakas" kinakabahan man ay di nya ito pinakita sa matanda kailangan nilang maging malakas, kailangan nyang maging malakas para sa anak.

"Basta manang wag na wag kang lilingon basta tumakbo ka lang ng tumakbo"

"Pero-"

"Manang gawin mo na lang ang sinabi ko susunod naman ako sayo eh wag kayo mag alala kaya ko ang sarili ko at mag iingat"

"Sige iha basta siguraduhin mong magiging ligtas ka ha"

"Oo manag magiging ligtas ako" Niyakap ni Bea ang matanda at agad din bumitaw sabay tayo.

(Bea's POV.)

Agad nyang sinugod ang dalawa. Sinipa nya ng malakas ang batang gwardya na agad namang napansin ng isa pang gwardya

"IKAW-"

Agad nya itong nasuntok sa dibdib na ikinahiga nya, agad namang bumangon ang batang gwardya at saka sya pinaputukan pero mabilis syang nakailag at nakaharap dito sabay suntok sa tyan napadaing ito sa sakit pero sinipa ko parin sya sa tyan dahilan para sya ay mapahiga

Agad akong naging alerto ng makarinig ako ng kasa

"Babae wag ka ng kumilos kahit babae ka hindi ako mag iiming patayin ka" lalo pa nito idinudol ang baril sa ulo ko

"Tyaka sino ka ba, tauhan ka siguro sa loob tapos tumakas ka ano" inis nitong sabi "Sinamantala mo siguro ang nangyayari" Mapang uyam nitong sabi

"Tsk sayo talaga nanggaling yan pero mas malala ka pa nga sakin eh takot bumalik kasi baka mamatay" mapang asar ko namang sabi na sa tingin ko ay gumana dahil lalo nitong diniin ang baril sa ulo ko

"Aba ang talas ng tabas ng dila mo ah mas mabuting mamatay ka na lang!!" pasigaw nitong sabi pero bago pa nito makalabit ang baril ay mabilis akong humarap at mabilis na sinipa ang baril na hawak na dahilan para tumilapon iyon saka naman nya itong sunutok sa mukha at nag round house kick. Napahiga ito agad ko namang nilapitan at hinawakan ang braso ng tangkang kumuha ng baril at saka ipinadapa ng mabilis

"MANANG NGAYON NA! " sigaw ko at mabilis naman itong tumakbo

"Aba may kasama ka pa pala-"

"tumahimik ka na lang"

Lalo kong inipit ito para hindi makakilos at makakapagsalita dahil nakakairita talaga sya

Nakarinig naman ako ng kasa pero bago pa ko makalingon ay nakaramdam ako ng kirot sa braso ko kaya napadaing ako

"B-bitaw-an mo sya k-kung di b-babarilin kita!! " nagtatapang tapangan nitong sabi

"Walangya ang sakit nun ha!" inis kong sabi dahil sa sakit na naramdaman ko

"B-BITAWAN MO SYA SABI!!" nakarinig ako ng kasa pero bago ako makailag ay nakarinig ako ng sigaw at putok ng baril agad akong napalingon sa taong humarang at para akong nawalan ng hininga.......










So yan na guys so ang tagal ko na bago mag update hehe sorry guys busy lang talaga pero ayan sana magustuhan nyo

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
3.4M 97K 72
This is about a girl with a very simple life. Until that day came... A day she needs to face... That day changed her life... That day was entering th...