My Angela (CHAT SERIES #3)

By Dreamerearth

5.6K 247 4

"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 2... More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
WAKAS

Chapter 27

93 5 0
By Dreamerearth

August 29, 2017
10:24 AM

Angelo

: Babe, kumusta na? Naging busy lang after ng celebration natin sa ating eight monthsary.

: Hindi na kita
na-inform

: I’m sorry, babe

Angela

: Parehas lang naman tayo dahil naging busy rin ako after.

: Pero ang mahalagang tanong. . . busy ba talaga o busy na sa iba? Dejoke lang.

Angelo

: Aba, sinumpong na naman ni panghihinala.

: Wala akong iba, ikaw lang po.

: Nangako na ako kay mama na ikaw lang hanggang sa dulo

Angela

: Aysus!

Angelo

: Opo alam kong asus ang cellphone mo.

Angela

: Vivo naman ang iyo

Angelo

: Oo, pabibo itong Angelo mo. Palagi kang ibinibibo sa iba.

Angela

: Jusko, korni!

Angelo

: Bakit umiikli na ang bawat chat mo sa akin? | Deleted

: Hindi ako sanay na ganiyan ka | Deleted

: I miss you, babe.

Angela

: Naniniwala ka bang masungit ang lahat ng tao?

Angelo

: Oo naman. Lalo na kapag mainit ang ulo, grabe magsungit.

Angela

: Sinabihan akong masungit ng mga kaklase ko. Hindi naman big deal sa akin sabihan ako ng ganoon, kaya ang sabi ko lahat ng tao ay may taglay na kasungitan at nasa isang tao na lang 'yon kung paano niya ipapakita.

: Hindi sila nakasagot sa sinabi ko.

Angelo

: Ang sungit mo nga kaya.

: Hindi ko nga makalimutan iyong bungad mo sa akin noong pumunta ako diyan sa inyo.

: Ang sungit masyado, hindi man lang ako nilambing pero
bumigay din sa huli kasi hindi ako matiis.

Angela

: Nakakainis ka kasi!

: Ang aga-aga kong nagising n’on para batiin ka, pero wala man lang akong natanggap na reply sa iyo pero iyon pala papunta ka na rito. Kinutyaba mo pa talaga si mama, a! Pasalamat kang wala talaga si papa n’on.

Angelo

: Gusto ko ulit pumunta diyan tapos pasyal tayo.

: Sayang, gusto sana kitang ipasyal pa n’on kaso gabi na at kinabukasan ay hindi na natin nagawa dahil kailangan ko nang umalis agad kasi may pasok pa ako.

Angela

: Sayang talaga!

: Pero bawal ka munang pumunta dito kasi hindi ko alam ang irarason ko kay papa kapag nakita ka niya.

: Bye, mamaya na lang. May klase na ako. Chat you later. Love you.

Angelo

: Love you more

Angela

: Love you the best

Angelo

: Ayaw patalo.
I love you more.

*

4:32 PM

Angela

: Babe!

: Gawa mo na?

: Wala kaming ginagawa ngayon kaya usap muna tayo kung hindi ka busy.

: Babe?

: Online ka ba talaga o naiwan mo lang nakabukas ang data mo?

: Busy?

: Sige, chat you later!

Angelo is typing…

Angelo

: Nagpa-photocopy lang ako kaya naiwan kong bukas ang data ko.

Angela

: Sigurado ka?

Angelo

: Opooo. Hindi po nagsisinungaling si Angelo

Angela

: Naniniwala na ako.

: So, gawa mo?

Angelo

: Papunta ako ngayong canteen para puntahan sila John at LM. Nag-aya kasi silang magmeryenda.

: Uwian n’yo na?

Angela

: Padalhan mo ako ng meryenda! Dejoke.
: Mamaya pang 6 ang uwian namin. Kayo, uwian niyo na?

Angelo

: Uwian pa lang namin ngayon.

: Video call tayo?

Angela

: Pass muna ako. Nandito pa lahat ng kaklase ko kaya paniguradong makikinood sila.

Angelo

: Okaaay. Gusto ko sanang marinig boses mo.

: Send ka na lang vm

Angela

: Mamaya na

: Bakit ang boring mo ng kausap?| Deleted

: Wala na akong masabi. Haha!

Angelo

: Gan’on na ba ako kaguwapo para mawalan ka na ng masabi?

: Magkuwento ka
ng mga nangyari
sa ‘yo, gan’on.

Angela

: Tinatamad akong mag-type nang mahaba.

Angelo

: Huwag tamad, babe. Gusto mo ng tula?

: Tawagan na lang kaya kita, gusto mo?

Angela

: Hindi ba ako nakakaabala sa inyo?

Angelo

: Sila ang abala at hindi ikaw.

: At saka wala naman silang pakialam. May mga sarili kaming mundo.

Angela

: Wala ako sa mood ngayon kasi may masama na namang nangyari kaninang umaga bago ako pumasok. Nag-away na naman sila mama at papa.

: Kararating lang niya kaninang umaga, tapos bigla siyang sumigaw-sigaw sa harap ni mama. Naaawa na nga ako kay mama.

Angelo

: Parang bata naman ‘yang papa mo.

: Ano ba ang
nangyari?

Angela

: Base sa narinig ko may nakaaway yata siyang ka-trabaho niya kaya yung init ng ulo, dinala hanggang bahay.
: Kay mama niya ibinuntong lahat ng inis niya pero mabuti na lang ding hindi niya si mama ng pisikal. Ilang beses na akong umawat sa kanila kaso parang walang naririnig si papa. Talagang mainit ang ulo niya, galit na galit. Hinayaan ko na lang sila doon at piniling pumasok. Ngayon. . . hindi ko alam kung nag-aaway pa sila o hindi na o okay na sila.

: Nakakapagod silang kasama.

: Gusto ko na ulit lumayas kasama si mama kasi awang-awa na ako sa kaniya. Bumalik lang kami dahil gusto ko ng buong pamilya, ayaw ko ng broken family.

Angelo

: Ganiyan na ba talaga papa mo?

: Napaka-immature. Sorry, babe, ha?

: Kasi ganiyan ko i-describe ang papa mo.

: Palagi na lang kasi siyang nang-aaway. Hindi ba siya napapagod, awayin si mama?

: Lumipat na lang kaya kayo rito dahil mas masaya pa kayong dalawa, pero iyon nga. . . mahirap ang broken family.

Angela

: Iyon lang ang problema. Sorry, babe, kung palagi kitang dinadamay sa drama ko. Wala lang talaga kasi akong mapagsabihan ng mga gumugulo sa isip ko.

Angelo

: Para ka namang iba sa akin. Ayos na ayos lang sa akin at mas gusto ko nga ‘yong nag-o-open ka sa akin kasi alam kong nababawasan ang bigat na nararamdaman mo sa puso mo. Saka hindi ako magsasawang basahin ang drama mo.

: Masaya akong basahin, kaya huwag na huwag kang mahihiya at magdalawang-isip. Hindi mo lang ako boyfriend dahil best friend mo rin ako.

Angela

: Thank you!

: Naiiyak tuloy ako nang dahil sa iyo.

: Nakakainis ka talaga!

Angelo

: Ano na naman ang ginawa ko sa ‘yo?

Angela

: Alam mo, nagpapasalamat ako sa mga dati mong girlfriend na iniwan ka dahil kung hindi ka nila iniwan, hindi kita boyfriend ngayon. Ang ideal mo!

: Ang perpek mong boyfriend. Ikaw na talaga ang future husband ko kaya huwag kang magbabago.

Angelo

: May mga wagas pa namang magmahal na lalaki sa mundo, pero bilang na nga lang sila. Kung may kapangyarihan lang ako. . . gagawin kong mala-ideal man lahat ang mga kapuwa ko lalaki para hindi na masaktan ang mga babae.

: Pero aaminin ko rin sa ‘yong, hindi ako super perfect dahil wala namang perpektong tao sa mundo. Pinaghihinalaan kita minsan at naninibago ako madalas dahil nagiging maikli ang mga reply mo sa akin, pero sa tuwing nagkukuwento ka, doon ko nalalaman na kaya ka pala ganoon kasi may problema ka. Kasi may nangyari na namang hindi maganda sa pamilya ninyo. Sorry, babe kung gan’on ako mag-isip, ha?

Angela

: Ang honest mo!

: Ako nga hindi ko inaamin sa iyong pinaghihinalaan kita pero dahil nagsabi ka ng totoo, I feel the same way.

: At iyon nga, bumalik tayo sa ikinukuwento ko. . .

: Naiinis ako kay papa sa tuwing pinapagalitan niya si mama nang walang dahilan. Nag-text nga sa akin si mama ngayon na huwag daw muna akong umuwi dahil alam niyang ayaw ko silang nakikitang nag-aaway, pero uuwi ako mamaya. Ayaw ko namang pabayaan si mama doon.

: Sinasaktan din ni papa si mama minsan kapag lasing siya ganoon. Hindi ko lang nasabi sa iyo dahil alam mo na. . . masamang manakit ng babae, ‘di ba?

Angelo

: Sobrang sama talaga. Hindi dapat sinasaktan ang mga babae. Kawawa naman si mama.

: Gusto ko lang ding itanong ito. . .  paano kayo napadpad sa Palawan?

Angela

: Taga-Palawan talaga kami pero dahil dito sa Zambales nakahanap ng trabaho si papa at nakapagpundar ng bahay, dito na kami ngayon.

Angelo

: Dapat dito na lang kayo sa Palawan nagpagawa ng bahay.

Angela

: Diyan tayo magpapatayo ng bahay kung kasal na tayo.

Angelo

: Oo naman. Kapag nagkatrabaho na ako, mag-iipon ako. Tutuparin ko pa ‘yong pangako kong iappasyal kita sa HongKong Disneyland. Malapit ng mapuno ang piggy bank ko.

: Gusto kong pag-ipunan ng sabay ang kasal natin at ang bahay.

Angela

: Gusto ko rin iyon. Sabay tayong mag-ipon para sa ating future.

: Hindi sa binabasag ko ang imahinasyon nating dalawa. . . pero natatakot nga ako sa tadhana nating dalawa.

Angelo

: Bakit?

Angela

: Magkalayo tayo at baka magkahiwalay na rin tayo.

Angelo

: Ang negga mo naman, babe. Huwag kang mag-isip ng ganiyan, okay?

: Hindi
mangyayari iyon.

Angela

: Angelo, hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Normal lang mag-isip ng gan’on!

Angelo

: Huwag mo na lang isipin iyan.

: Think positive.

Angela

: Sana nga, hindi mangyari. Hindi mo naman ako iiwan kahit moody ako madalas, ‘di ba?

Angelo

: Hinding-hindi, babe.

Angela

: Thank you, babe.

: Hulog ka talaga ng langit.

Angelo

: Walang
anuman, babe.

: Pangalan ng future baby natin, Sky, haaaa?

Angela

: Bakit Sky?

Angelo

: Kasi anghel na tayong dalawa kaya Sky ang ipapangalan natin kapag lalaki at kapag babae, Angelina.

: Okay ba?

Angela

: Bet!

: Ang ganda ng pangalan.

Angelo

: Basta pangalan iyan ng mga magiging anak natin, ha?

Angela

: Oo!

: Thank you for diverting my attention into positive one.

Angelo

: Walang
anuman palagi.

Angela

: Sige, mamaya na lang ulit tayo. Mamayang gabi.

Angelo

: Okaaay.

Continue Reading

You'll Also Like

28.3K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
102K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
626K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
56.3K 2.8K 5
Alina is a shy and quiet girl who is in love with Samuel, her high school classmate but doesn't have the courage to confess her feelings to him becau...