Love Finds Me (#Wattys2018)

By lyrawrrr

16.4K 930 31

"Alam ko isang araw matatagpuan din ako ni kupido at 'yong taong mamahalin ko. Alam kong darating ang araw na... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Pls read

Chapter 2

637 29 4
By lyrawrrr

Tumayo ako kahit na medyo masakit pa rin yung tagiliran ko. Papikit-pikit pa ako kasi medyo masakit talaga at dahil dito ay hindi na ako naiihi pa.


Nakita kong dali-daling tumatakbo si Van at Ara papunta sa akin na mukhang nag-aalala.

"Oh anong nangyari sa'yo?" Sabi ni Ara sabay tingin sa beywang ko at mukhang sinusuri niya ba ito kung anong nangyari dito.

"Are you okay?" Tanong naman ni Van na ngayon ay nakatingin din sa aking kamay na nakalagay sa aking beywang.

Itinaas ko ang aking mga kilay. "Okay naman ako. Medyo masakit lang talaga pero keri ko naman." Totoo naman, medyo lang naman.

"Dalhin kita sa clinic." Mahinahong sabi ni Van at nanlaki ang mga mata namin ni Ara.

"Ay ay! Hindi na kailangan. Hindi naman malala ito at kaya ko naman eh." Nag-inat-inat ako at ipinakita ko na kaya ko pero napangiwi ako ng medyo kumirot ito.

Tumawa si Ara at sumabay na din sa kanya si Van. "Mayabang kasi eh." Lalo pang lumakas ang tawa ni Ara na ngayon ay sinasabayan pa din ni Van.

Umirap na lang ako.

"Wazzup?" Nagulat kami kasi bigla na lang nagsalita itong si David. Hindi naman namin alam na nandito na pala silang dalawa ni Chloe dahil busyng-busy ang dalawa kakatawa sa akin.

"Wala." Sabi ko.

"Eto naman kasing kaibigan mo Chloe mayabang. Kaya daw niya eh." Humagalpak ulit siya ng tawa kaya pati si Chloe ay nangingiti. Nagkatinginan silang dalawa ni David na hindi ko mawari kung ano ang mga tingin na iyon.

Magkatabi si Chloe at David. Bagay na bagay talaga ang dalawang ito.

"What happened ba kasi sayo Shaz?" Pag-uusisa ni Chloe.

"May nakatunggo kasi sa akin. Hindi man lang ako tinulungan tumayo at hindi man lang nag-sorry. Ang galing di'ba?" Naaasar ako doon sa lalaking iyon! Kung sino man siya sana masagasaan siya ng isang dosenang tumatakbong baboy para malaman niya kung ano ang pakiramdam ng ma-hit and run na hindi man lang tinutulungan at hindi man lang nagsasabi ng sorry. Grabe.

"Oh chill! Gwapo ba?" Hindi ko alam kung anong meron dito kay Ara. Mas inintindi pa kung gwapo ba o hindi yung nakasunggo sakin kesa sakin eh. Iyan ang bestfriend ko!

"Hindi ko alam."

Nagsitawanan ulit silang lahat hindi ko alam kung alien ba ako o sila ang alien dito kasi kanina ko pa sila hindi maintindihan eh.

"He's from here. So---" Hindi ko na pinatapos pa si David sa kanyang sasabihin kaya inunahan ko na siya.

"Hindi ko alam kung varsity ba siya or ano basta ang alam ko bastos siya." Dirediretso kong sabi.

Bakit ba may mga ganoong lalaki? Walang respeto lalo na sa taong naagrabyado nila. Siguro nga bilang na lang talaga ang mga lalaking may respeto ngayon. Ang rare na talaga nila. Hindi ko alam kung bakit naaati nila na huwag na lang mamansin kung sila naman itong may kasalanan lalo na at babae ako hindi man lang huminga ng tawad kung ano man ang nagawa niya. Siguro talagang may ganon talaga at nakakasar ang nga ganoong lalaki. Yung mga lalaking walang respeto. Grabe. Nakakainis talaga!


Inayos ko ang uniporme ko, hinawi ko ang medyo magulo kong buhok at huminga ng malalim.

Tumawa silang lahat.

Anong meron sa mga taong ito? Kanina pa nila ako pinagtatawanan. Siguro dahil nakakatawa talaga ko? Pwede na ba akong isang clown? Siguro makapag-clown na lang mukhang may future ako don.

"Wala na naman tayong hinihintay pa di'ba? Leggo?" Pang-aaya ni Chloe habang natatawa pa rin. Tiningnan ko siya pati si David na ngumingiti-ngiti. Sinabayan pa ni Ara na ngayon ay hindi pa rin maka-move-on sa akin. Tiningnan ko na lang siya ng masama.

Naglakad na kami paalis sa basketball court. Si David kasi ay ahead sa amin ng isang taon kaya siya ay 2nd year student na. Isa din siya sa varsity dito sa Oxford Royale University kaya hindi mapagkakailang mahusay talaga siya sa larangan ng basketball. Kaya madaming babaeng nagkakandarapa sa kanya eh, at unang-una na doon ang isa sa mga baliw kong kaibigan na si Chloe Maniego. Pero walang wala sila kay Chloe dahil siya lang ang nag-iisa sa puso ni David. Teka, korni ko pala.

Katabi kong naglalakad ang dalawang baliw kong kaibigan. Sa kaliwa ko ay si Chloe at sa kanan ko naman ay si Ara na ngayon ay busy sa kanyang cellphone.

"Alam niyo kayong dalawa may kasalanan pa kayo sakin eh." Pagkauwi ko kasi sa amin pinagalitan ako ni nanay dahil 8pm na ako nakauwi. Swerte na lang at hinatid ako ni Ara at buti na lang lasing si nanay at kaagad din siyang nakatulog. Pero anong bago na lasing siya? Hindi naman na bago sa akin iyon dahil madalas siyang lasing.

Nagtinginan ang dalawa at tingin pa lang nila ay alam na alam mo na kung ang mga nasa isip nila.

"What is it anyway?" Maarteng sabi ni Chloe na ngumingitingiti ngayon.

"Pinagalitan ako ni nanay." Bulong kong sabi sa kanila. Baka kasi marinig pa si David at Van. Nahihiya kasi ako.

"Anong bago?" Humagalpak ng tawa si Ara at sinabayan din ni Chloe. Hindi ko talaga alam kung kaibigan ko ang dalawang ito. Malalakas sila mangasar at isa pa mga baliw sila. Kaibigan nga ba talaga nila ako?

Inirapan ko na lang ang dalawang baliw na walang gawin kundi ang asarin ako. At ako naman ay nagapapaasar lang? May araw din sakin ang dawang ito. Tingnan niyo lang akong bahala sa inyong dalawa makakaganti din ako sa dalawang baliw na ito na tinatawag kong mga kaibigan ko.

"I will give my invitations tomorrow pero eto na yung inyo. Subukan niyo lang na hindi pumunta at papatayin ko kayo" Pananakot pa ni Chloe. Sa saturday next week pa kasi icecebrate ang kanyang debut kaya hindi maaring wala ako doon. Next week pa kasi dadating ang parents ni Chloe dahil sa inaasikaso nilang negosyo kaya medyo natagalan. Sa aming tatlo si Chloe ang pinakamatanda sunod ay si Ara at ako naman ang pinakabata sa amin. Si Ara naman ay malapit na din mag-debut kaso sa October pa. August kasi ang pasukan namin kaya, ilang buwan na lang at si Ara naman ang susunod.

Ako? Sa December pa pero hindi naman ako nagcecelebrate ng birthday ko dahil silang dalawa lang ang laging nakakaalala ng birthday ko kaya hindi ako umaasa na magdedebut ako dahil gastos lang iyon at isa pa wala akong pandebut at hindi ko na pinagarap iyon dahil hindi naman ako mayaman mahirap lamang kami.

"Try us." Ngumiti na lamang ako at si Ara naman ay hanggang ngayon ay tumatawa pa rin. Eto talagang babae na 'to ang pinakabungingis sa amin.

Kinuha ko ang backpack ko at inilagay na doon ang bongga at mabagong invitation ni Chloe. Syempre, sino pa ba ang escort niya edi walang iba kundi si David. Who else?

"So, paano mo napapayag si David na maging escort mo?!" Sinigurado kong maririnig ni David ang sinabi ko at hindi ako nagkamali doon at tumawa siya.

"Hindi ko nga din alam sa kaibigan niyo eh masyado kasing maganda kaya hindi na ako nakatanggi pa." Tumingin sa akin si Chloe na ngayon ay pulang-pula dahil kinikilig 'yan sa sinabi ni David. Kahit sino namang babae na sabihang maganda sila ay kikiligin kasi ganoon ang gusto naming mga babae ang masabihan na maganda kami lalo na ng taong mahal namin.

"Ayieeeee." Pinangunahan ko ang pang-aasar kay Chloe at nakisali si Van sa amin sa panunukso sa pinsan niya.

"Tumigil nga kayo!" Hanggang ngayon ay pulang-pula pa rin siya kaya naman tunawa kaming lahat.

"Oh guys I have to go. Tristan is outside." Nagulat naman kami sa sinabi ni Ara. Akala ko ba nasa Batangas pa si Tristan? Para naman pala siyang si flash.

"Sabay me." Sabi ko at hinigit si Ara palayo sa kanilang tatlo. Kumaway lang kami sa kanila at ganoon din sila. "Ingat Shaz!" Nagulat ako ng sumigaw si Van. Nilingon ko siya na ngayon ay nakangiti sa akin at kumakaway, kumaway din ako sa kanila at nagpaalam. "Ingat kayo. Bye." Sabi ko at lumabas na kami ni Ara ng school.

Nakita ko ang pamilyar na BMW na kulay blue at alam kong kay Tristan ito. Tumakbo agad kami papunta doon at sumakay naman kaagad si Ara sa harapan. Sumakay na din ako sa passenger's seat.

Hinalikan ni Tristan si Ara sa pisngi at ganoon din ang ginawa ni Ara kay Tristan. Namula pa si Tristan sa paghahalik na ginawa ni Ara sa kanya at ako naman ay nangingiti sa dalawang ito.

Uhm, third wheel. Uhm.

Lagi namang ganito eh.

"I miss you so damn much!" Sabi ni Tristan habang pinagmamasdan niya si Ara na ngayon ay parang aso kung ngimiti.

"Damn! I miss you too!" At hinalikan ulit ni Ara si Tristan pero ngayon ay sa labi na. Smack lang iyon dahil siguro alam nilang nandito ako kaya hindi nila tinuloy kung ano pa ang pwede nilang ituloy.

Umubo ako kunwari. Napalingon ang dalawa sa akin at tumawa.

"Hoy, nandito kasi ako. Ano akala niyo sa akin bula?" Pagmamataray ko at tumawa pa rin ang dalawa. Eto na naman, nadagdagan na naman ng isang baliw. Parehas kasing baliw sina Ara at Tristan kaya bagay na bagayang dalawang iyan.

Inistart na ni Tristan ang engine at pinatakbi na ang sasakyan.

"Bakit kasi hindi ka pa nagboboyfriend, Shaz? Madami naman nagkakagusto sa'yo pero bakit wala pa rin?" Sabi ni Tristan at tumawa na naman si Ara. Luka-luka talaga ang isang 'to hindi kasi siya tumitigil kakatawa at mapagkakamalan talagang takas siya sa mental.

"Ay nako! Hindi ko pa iniisip 'yan." Totoo naman eh, wala pa sa isip ko 'yan mas gusto kong maghintay na lang ako sa lalaking dadating sa buhay ko pero kung walang dadating putek magmamadre na lang ako.

"But you said before 'Lintek kayo! Umalis nga kayo sa harap ko! Magboboyfriend na nga ako!' Remember babe? She said those effin words noong nagdate tayo last summer." Ginaya niya pa ang boses ko, nagmukha siyang ipis na naipit ang boses dahil sa panggagaya niya sa boses ko. Natatandaan ko pa iyon! Kasama namin sina Chloe at David non sa isang beach kasi birthday iyon ni Tristan at treat niya iyon kaya nandoon ako. Hindi naman pwedeng mawala ako doon pero noong mga oras na naglalandian ang dalawa ay gusto ko na lang maglaho. Sana ay naging si Sang'gre Pirena na lang ako. Susunugin ko sila gamit ang brilyante ko. Mga pashnea!

"Whatever." Umirap ako sa kanilang dalawa at tumawa ulit sila.

Hindi naman sa naiinggit ako sa kanilang apat pero ganoon na nga! Urgh. Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong nararamdaman ko. Ipinangako ko kay tatay noong bago siya namatay ay mag-aaral akong mabuti at magtatapos ako. Tutuparin ko itong ipinangako ko kay tatay dahil ito lamang ang maibibigay niya sakin. Hinding-hindi ko siya bibiguin at alam ko balang araw ay matutuwa siya dahil natupad ko ang mga pangarap niya para sakin.

Pero ang lovelife? Magtatapos na muna ako bago ko intindihin yan. Darating naman 'yan eh hindi ko nga lang alam kung kailan pero alam kong darating at darating din 'yan siguro hindi ngayon pero sa tamang panahon. Hindi ko muna iiisipin ang lovelife ko. Masaya na ako kung ano ang mayroon sa akin kasama na doon ang mga baliw kong kaibigan na paratig nandyaan para sa akin.

Pero kung may dumating naman agad ano na lang ang gagawin ko? Siguro pababayaan ko na ang tadhana na magdikta sa aming mga kapalaran baka naman nga kasi medyo mapaaga pero sana hindi naman kasi pakiramdam ko hadlang lang ang pakikipagrelasyon sa pag-aaral. Hindi ko pa nasusubukan makipagrelasyon pero sa tingin ko malaking hadlang talaga ito lalo na't oras ang kalaban niyo.

Paano nga kaya nagagawa ng mga magkakarelasyon ang mag manage ng oras sa pag-aaral nila at sa kanila lovelife? Hindi ko rin alam. Siguro ay hindi ko talaga malalaman dahil wala naman ako sa kanilang sitwasyon at hindi ko pa iyon nararanasan.

"Ang tahimik mo naman Shaz. Hindi ako sanay." Nagulat ako sa biglang nagsasalitang si Tristan. Hindi ko alam kung kanina pa siya nagsasalita o ngayon lang kasi malayo talaga ang isip ko sa kung ano-anong iniisip ko. Argh!

"Pagod kasi ako kaya ganon." Sabi ko.

"Saan ka naman napagod? Hindi naman natin ginapang ang buong university di'ba?" Sarkastikong sabi ni Ara. Kahit kelan talaga mapang-asar siya kaya hindi ako nagugulat kung masasampal ko na lang bigla ang baliw na ito.

Inirapan ko silang dalawa. "Sampalin kita dyan eh. Pashnea!" Sigaw ko kay Ara na ngayon ay nakahawak sa tiyan niya at tawa ng tawa.

"If I'll treat you for dinner Shaz. Will you calm down?" Pagkarinig ko pa lang ng sinabi ni Tristan ay lumaki na agad ang ngiti sa mukha ko. Nagutom tuloy ako, maaga pa naman eh 5pm pa lang naman.

"Oo naman jusmiyo! Tara na!" Tuwang-tuwa ako kasi kanina pa pala ako gutom pero ngayon ko lang namalayan. Kapag dating kay Tristan ay hindi na ako nahihiya kung magpapalibre ba ako ng pagkain kasi matagal ko na namang tropa yan dahil nga bestfriend ko itong si Ara. Kay David? Close na din naman kami non pero minsan nahihiya pa din ako hindi tulad nitong kay Tristan eh close na close kami ng lokong 'to.

"I'm just joking" pinalipad ko kaagad ang kamao ko at sinuntok ko ang likuran ni Tristan na ngayon ay tumatawa.

"Chill. Joke lang 'yon. Eto na treat ko!" Tanggal din ang angas nito pagdating samin eh kaya hindi 'to uubra saming tatlo lalo na kay Ara.

Iniliko niya ang kotse niya sa Jollibee. Lumabas kami ni Ara sa kotse niya at pumunta na sa loob ng Jollibee naghanap kami ng mauupuan pero wala ng space dito sa baba kaya napagpasyahan namin na pumunta sa 2nd floor. Dito naman ay nag-iisa na lang ang bakante at agad akong tumakbo. Buti na lang at walang nakiagaw sa akin. Umupo kaagad ako at umupo na rin si Ara sa harap ko.

Alam na naman ni Tristan ang oorderin niya kasi lagi siya ang umoorder kapag kaming tatlo ang magkaaksama. Gentledog din kasi si Tristan kaya inlove na inlove naman itong si Ara sa kanya.

Kinuha ni Ara yung invitation at binuksan ito. Naamoy ko kaagad ang amoy bulaklak na invitation. "18 candles daw tayo sabi ni Chloe." Kinuha ko rin ang invitation ko sa bag ko at binuklat din. Inamoy ko pa ang invitation bago basahin ang nakalagay doon.

Kasama nga kami ni Ara sa 18 candles. Magkasunod pa kami ng pangalan. Nandoon din sina Ellen, Lean, Erisha at Alonica na kaklase namin noong highschool. Sa 18 roses naman ay kasama sina Tristan at ang pinsan niyang si Van. Nakita ko din dito ang kuya ni Tristan na si Tophi at ang makulet na nanligaw sa akin noong highschool na si Mico at ang iba ay hindi ko na kilala.

Nag-vibrate ang cellphone ko. Baka kaya si Aling Josie na ang nagtext sa akin? Sana naman ay hindi kundi ay patay na naman ako nito. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang isang mensahe na galing pala kay Chloe.

From Chloe
    Bff's. 1st practice of cotillion tomorrow. Don't be late. And yes kasali kayo. Dito sa bahay. Mwa loveyou 😘

Nanlaki ang mga mata ko sa text ni Chloe. Hindi naman ako nainform agad na may pa-cotillion pala siya at kasali kami. Pero ano nga bang ieexpect ko? Bongga ang debut niya at hindi mawawala iyon.

"Omg. Im so excited for tomorrow. Si Tristan partner ko. Ikaw Shaz?" Umiling na lang ako dahil sa totoo lang ngayon ko lang nalaman na kasali pala ako at isa pa hindi ko alam kung sino ang kapartner ko.

"Hindi ko alam kung sino kapartner ko." Sabi ko. Inilapag ni Tristan ang order niya na naguumapaw sa pagkain.

Umupo si Tristan sa tabi ni Ara na ngayon ay pinagbubukod-bukod na ang mga pagkain natin. "Ask Chloe." Sabi niya sakin.

"Wala kong load." Sabi ko. Hindi naman kasi ako nagloload. Bibihira lang at kapag naman nagtetext sa akin si Aling Josie ay nakikitext lang ako kina Ara at Chloe.

"Okay I'll text her later then I will call you kung alam ko na kung sino ang partner mo." Tumango naman ako at nilantakan ang pagkain ko.

Hinding-hindi talaga ako magsasawa sa spaghetti ng Jollibee ang sarap talaga nito. Nangingiti ako, naalala ko pa dati noong kasama ko si tatay at nanay tuwing birthday ko dito namin cinecelebrate ang birthday ko. Ang saya-saya pa namin noon. Ang sabi pa nga ni tatay sa susunod na birthday ko ay sa jollibee ulit kami pero hindi na niya iyon natupad dahil mismong birthday ko ay nawala siya.

Napatingin ako sa lalaking naka jersey na blue na dumaan sa harap ko.

Monteverde, 15.

Teka tama ba 'tong nakikita ko? Kumurap-kurap ako ng ilang beses para malaman kung totoo nga ba ang nakikita ko....

And yes that was him!

Ang lalaking bastos na walang respeto at hindi marunong mag-sorry.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakita ko siyang lumapit sa batang babae na hindi normal ang kilos. Marahil ay isa siyang special child. Ibinigay niya ang isang icecream sa bata at nakita kong tuwang-tuwa ang bata sa ibinigay niya. Nakita ko rin na ngumiti ang mga magulang nung batang sped kaya pati ako ay nahawa ng ngiti sa kanila.

"Jaxon Kadlee Monteverde?" Sabi ni Tristan. Napalingon ako kay Tristan sa sinabi niya.

Nagtaas ako ng kilay. "Huh?"

"That's him. Jaxon Kadlee Monteverde. Why were you staring at him? Crush mo?" itinuro niya ang lalaking kanina ko pa tinitingnan ang lalaking bastos na walang respeto at hindi marunong mag-sorry.

Nanlaki ang mga mata ko dahil kilala pala siya ni Tristan. "Paano mo siya nakilala? Hoy hindi ha! May atrask kasi sakin'yan!"

"Friend of Kuya Tophi." Aniya.

"Type mo ba bessy?" Sabi naman ni Ara at isinubo niya ang tatlong fried na nasa hawak niya.

"Siya yung lalaking naka-bunggo sakin sa gym." Nagulat sila sa sinabi ko.

"Jaxon Kadlee Monteverde pala ang pangalan niyang lalaking walang respeto at hindi marunong mag-sorry ah." Sabi ko.

Pero naguilty naman ako sa sinabi ko dahil sa ipinakita niya kanina noong nagbigay siya ng spaghetti sa batang special child.

Pero hindi pa rin nagbabago isip ko! Nakakainis pa din siya!

Jaxon Kadlee Monteverde, may araw ka rin sakin. Hintayin mo lang.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...