THE BILLIONARE SON ( COMPLET...

Von munchyxxxmunch

3.1K 131 11

"Sometimes you will never know the value of a moment until it becomes a memory" Mehr

PANIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
Chapter 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
FINAL CHAPTER

CHAPTER 9

49 4 0
Von munchyxxxmunch

ZANDY'S POV

《 2 HOURS LATER 》

Muli kong binalikan si Llander sa kwarto ko para silipin kong gising na sya. Dahan dahan kong pinihit ang pinto at sinilip sya. Mahimbing pa rin naman sya na natutulog. Tuluyan kong binuksan ang pinto para pumasok ngunit napatigil ako ng may tumawag saakin.

"Zandy!"

Napalingon ako sa may hagdan at nakita ko si krystal na nandoon. Mukhang Masayang masaya sya ngayon dahil nakangiti syang nakatingin saakin at pansin ko din na may dala dala syang paper bag.

"Oh anong ginagawa mo dito?" - Zandy.

"Wala. Dinala ko lang ang pasalubong sayo ni papa kasi dumating na sya kanina. Ito oh! Chocolate!" Nakangiti nyang sabi sabay abot ng paper bag.

Nginitian ko naman sya at kinuha ko yung inabot nya. "Salamat ha! Pasabi na rin kay tito salamat."

"You're welcome!" - Krystal.

Ngiti nalang ang itinugon ko sakanya.

"Tara pasok muna tayo sa kwarto mo ipapakita ko sayo ang latest fon ko bili ni--- OMG! Sino yang---"

Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil bigla syang tumingin sa kwarto ko at nakita nyang nakahiga si Llander sa kama ko. Mabilis ko naman tinakpan ang bibig nya dahil sa ingay nya at baka magising ito. 

"Wag kang maingay baka magising sya!" Halos pabulong kong sabi.

Tinanggal nya naman ang kamay kong nakatakip sa bibig nya.

"Sino sya!? At bakit may lalaki ka sa kwarto at alam ba to nina tita to?!" Pabulong din nyang tanong.

"Baliw ka talaga sympre oo! Si Llander iyan. Natuklaw kasi sya ng ahas kanina doon sa may palayan. Dinala ko dito at ginamot ni kuya tapos ayan nakatulog." -Zandy

Napatakip naman ito sa bibig nya na tila gulat na gulat. Minsan kasi may pagka O.A tong bestfriend ko, hindi lang pala minsan kundi madalas.

"Talaga?! Sya yan?!"- Krystal.

Tumango tango naman ako sakanya.

"Patingin nga!"- Krystal.

Lumakad nga ito papunta sa natutulog na si Llander at hindi ko na sya napigilan. Sinundan ko nalang sya at sinara ng dahan dahan ang pinto.

"Ang gwapo nga nya Anding!" Sabay hawak nya sa braso ko at parang kinikilig pa sya.

"Wag ka nga maingay baka magising sya. Halika na lumabas na tayo nakita mo na eh."-Zandy

"Teka lang naman. Hawakan ko lang yung balat nya kasi ang kinis eh." - Krystal

Hinawakan nga nya ang balat ni Llander at pinisil.

"Hoy! Krystal ano ba! Tigilan mo nga yan.!" Saway ko sakanya.

"Ang lambot ng balat nya siguro gatas ang pinapanligo nyan. Saka Ang gwapooooo!"- halos hystrerical nyang sabi pero yung pinipigilan nyang wag sumigaw.

Pinisil pa nito ang mukha ni Llander dahilan para gumalaw ito.

"Hala! ayan nagising na! Bahala ka pag sininghalan ka nyan." Bulong ko sakanya.

"Hindi naman sya nagising tulog pa din naman." - Krystal.

Tinignan ko naman sya at tulog pa nga sya.

"Diba sabi mo masungit sya? Parang hindi naman. Tignan mo nga yung itsura nya pagtulog ang cute cute nya para syang anghel saka ang kissable ng lips nya." - Krystal.

"Pinagnanasaan mo naman yung tao eh." Saway ko sakanya.

"Sino naman ang hindi magnanasa sa adonis na yan. Ikaw ba hindi ka naattract sakanya?" - Krystal.

Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Ewan ko sayo. Kung ano ano iniisip mo, halika na nga! Lumabas na tayo."- Zandy

"Ang ingay!" - Llander.

Nanlaki ang mata ko ng magsalita sya.

"Hala! Gising na ang hari!" - Krystal.

Minulat ni Llander ang mata nya at tumingin saamin ng masama. Mukhang masama yata ang gising nya ang ingay kasi nitong si krystal eh. Ayan tuloy nagising na ang hari.

"Anong ginagawa nyo dito?! Saka bat ako nandito?!" -Llander.

"Masungit nga." Bulong saakin ni krystal na nagtago na sa likuran ko.

"Nasa kwarto kita, nawalan ka kasi ng malay kanina habang ginagamot ka. Kamusta na ang pakiramdam mo?"- Zandy.

Bumangon naman ito sa kinahihigaan nya at naupo pagkatapos nagpalipat lipat ang tingin nya saamin ni krystal.

"Hi. Ako si Krystal." Pagpapakilala ni krystal sa sarili nya sabay abot ng kamay nya dito for shakehands ngunit tignan lang nito ang kamay ni krystal na nakabukas.

"Tss! Wala akong pake!" - Masungit nyang sabi sabay irap.

Umasim naman yung mukha ni krystal saka binawi nya nalang yung kamay nya.

"Ang sungit mo naman. Nakikipagkilala lang, galit ka ba sa mundo o hindi ka love ng mama mo kaya ka masungit?"- krystal.

"Krystal!"- Saway ko dito dahil biglang nag iba ang awra ni Llander mukhang galit na.

"Ah pasensya ka na, mapagbiro lang talaga tong kaibigan ko. Halika na tumayo ka na jan at kumain ka na muna. Kanina ka pa hindi kumakain." - pag iiba ko na ng topic.

Unti unti naman kumalma ang itsura mula kanina na parang uusok nanaman ang ilong at mukha nya sa galit.

" Hindi ako nagugutom!" - Llander.

Tumayo sya ng kama pero pag tayo nya dinig ko yung tunog ng tyan nya kaya napatigil sya. Ngumiti ako ng bahagya at tumingin naman sya saakin.

"Ayan ba ang hindi gutom? Sumunod ka na saakin at wag ka ng umarte." - Zandy.

Pagkasabi ko non ay tinalikuran ko na sya at naglakad palabas ng kwarto saka sumunod naman saakin si krystal.

"Ang sungit pala talaga nya." - bulong saakin ni krystal habang pababa kami ng hagdan.

"Hayaan mo na hindi lang kasi yan sanay mamuhay dito. "- Zandy

"Eh bakit sya nandito?" - Krystal.

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko din alam."

Nag uusap kami habang pababa ng hagdan sympre mahina lang baka marinig nya kami.

Pagkababa namin ng hagdan ay nilingon ko sya na masama nanaman ang tingin saakin at nakasimangot.

"Doon tayo." Turo ko sa dining area at naglakad na muli.

"Oh anak andyan na pala kayo. " - Mama.

"Hi tita!" - krystal.

"Oh krystal balita ko andyan na ang papa mo." -mama

"Opo. Kararating nya lang kanina." -Krystal.

Nilapitan ko naman si Llander habang nag uusap si mama at krystal. Nga pala yung papa ni krystal ay seaman yun kaya every 6 months lang sila nagkikita kasi ayon yung baba nya sa barko.

"Maupo ka na doon ipaghahanda kita." - Zandy.

Iginiya ko sya paupo sa may upuan sa dining area.

"iho kamusta na ang pakiramdam mo?"- Mama

Tinignan nya naman ako pagkatapos tinignan nya si mama pero hindi sya nagsalita kaya ako na ang sumagot kay mama.

"Maayos na daw po sya ma. Mahiyain lang talaga si Llander. " - Zandy.

"Wag kang mahiya iho." Nakangiting sabi ni mama at tinapik sya sa balikat at napatingin sya doon.

" Anding ipaghanda mo nalang sya at ako'y aalis muna, mamimili lang ako ng paninda. " - Mama.

"Sige po ma." - Zandy.

Tinignan naman nya si Llander.

"Kumain ka lang ha wag kang mahihiya ng mabawi mo yung lakas mo." - Mama.

Tinignan lang nya si mama at hindi muling sumagot pagkatapos nagpaalam na nga si mama ng tuluyan, pupunta kasi sya ng grocery.

IKinuha ko naman sya ng sopas na kakaluto lang ni mama at inihain ko sakanya.

"Kumain ka na. "- Zandy.

Tinignan nya ako tapos yung pagkain pagkatapos hinawakan nya na yung kutsara at nagsimula kumain.

Noong una malumay lang syang kumain pero kalaunan bigla na itong naging mabilis sa pagsubo at Mukha ngang gutom na gutom sya. Pinagmamasdan lang namin sya ni krystal habang kumakain.

"Hindi ba sya kumain ng isang linggo?" bulong ni krystal.

"Wag kang maingay hayaan mo lang sya kumain." Bulong ko din sakanya.

Nang maubos na nya ang isang mangkok ay dahan dahan syang tumingin saakin na bumubukol ang bibig saka nya inabot saakin ng dahan dahan ang mangkok. Nagets ko naman na gusto nya pa kaya kinuha ko yun at muling nilagyan ng sopas at ibinigay sakanya.

Naupo ako sa may tabi nya at tumabi din saakin si krystal saka ko sya pinagmasdan muli habang kumakain.

Napansin ko naman na wala pala syang tubig.

"Sige kumain ka lang ikukuha lang kita ng tubig." Tumayo ako ngunit bigla nyang hinawakan ang kamay ko napatigil ako.

"Saglit!" Saad nya at ayan nanaman ang tingin nya na nakakatakot.

"Bakit mo ako tinutulungan?!" - Llander.

Ngumiti ako sakanya bago sumagot.

"Kasi kailangan mo ng tulong at alam ko hindi ka sanay mamuhay sa ganitong lugar na walang tagasilbi sayo."- Zandy.

"Kilala mo ako?" - Llander.

Dug dug dug dug (heartbeat)

Natigilan ako dahil sa tanong nya at pinakinggan ko na lamang ang tibok ng puso ko.

"Oo. Kilalang kilala kita." - Zandy



LLANDER'S POV

"Oo. Kilalang kilala kita." - Zandy

Napatitig ako sakanya dahil sa sinabi nya at ganoon din sya saakin. Inaantay ko yung kadugtong ng sasabihin nya at para akong naexcite na kinabahan na hindi ko malaman kung bakit.

"Sino naman ang hindi makakakilala sayo, isa kang anak ng bilyonaryo. Eh ikaw bat ka nandito sa San Nicolas?" - Zandy.

Natigilan ako sa sagot nya at para akong nadisappoint kaya binitawan ko na ang kamay nya.

"Sino ang nagsabing magtanong ka?!"- Llander.

"Eh nagtanong ka rin naman ah." - Zandy.

Sinamaan ko sya ng tingin pagkatapos binalingan ko na ulit yung kinakain ko.

"Sagutin mo na ako, ano ba ang ginagawa mo dito sa San Nicolas.?" -Zandy.

"It's non of your business!" - Llander

Natahimik naman sya ng sumigaw ako tapos sumingit naman yung isang babae na kasama nya.

"Kuya, wag mo naman sisigawan si Anding. Mamaya atakihin to sa puso sa gulat." - Krystal.

"Krystal.." saway nya dito at pinandilatan nya ito ng mata.

"Oh sorry." - Krystal.

Binalingan nya naman ako. "Sige ipagpatuloy mo na yung pagkain mo. Ikukuha lang kita ng maiinom. Anong gusto mo softdrink o tubig.?"

"Wine meron ka?." Sarcastic kong sabi.

"Sige magtubig ka nalang." - Zandy.

Tumayo na ito at naglakad paalis. Hindi na rin ako kumain dahil nawalan na ako ng gana.

ZANDY'S POV

Nilabas ko yung pitchel sa ref at kumuha ng baso. Ibinaba ko muna ang mga yun sa may lababo saka bumuntong hininga ako.

"Oy Anding!"

Napalingon ako kay krystal. Nakasunod na pala sya saakin.

"Bakit?" - Zandy.

"Anong bakit? Bakit hindi mo sinabi sakanya na magkakilala nga kayo?" - krystal.

"Hindi ko alam. Hindi ko din alam kung gugustuhin ko pang magpakilala sakanya." -Zandy.

"Hay naku! Ewan ko sayo hindi ko alam kung ano ang tumatakbo dyan sa utak mo. " Napacross arms sya saka napabuntong hininga. Pagkalipas naman ng ilang saglit tumingin sya muli saakin.

"Oh sige na, uuwi na din ako baka hinahanap na ako nina mama. Hinatid ko lang talaga sayo yang chocolate." - Krystal.

"Sige. Salamat ulit." - Zandy.

Tumango naman ito bilang sagot at nagpaalam na nga ng tuluyan. Kinuha ko naman ang pitchel saka baso at tinungo na muli si Llander.

"Bat ang tagal mo?!" -Llander.

"Pasensya na po young master kung natagalan kayo." - Zandy.

"Tss!" Inis nyang sabi saka nagcross arms.

"Oh anong tinitingin tingin mo? Asan na tubig ko?" - Llander.

Binaba ko yung pitchel saka baso sa harapan nya.

"May kamay ka naman matuto kang pagsilbihan ang sarili mo. Wala kaming maid dito para ibaby sit ka." - Zandy.

Nagsalubong naman ang kilay nya dahil sa sinabi ko.

"Anong sabi mo?!" -Llander

Napabuntong hininga ako para kumalma. Bigla kasi sumakit yung bandang chest ko kaya napahawak ako dito.

"Wag ka ng makulit." Ayon nalang ang nasabi ko dahil sa pananakit ng dibdib ko.

Napahawak ako sa may upuan at napayuko. Inangat ko yung ulo ko at tinignan ko sya.

"Dito ka lang aakyat lang ako sa taas." - Zandy.

Iniwan ko nga sya at nagmadali akong umakyat sa kwarto ko. Hinanap ko ang gamot ko sa drawer ko at mabuti mabilis kong nakita ang syringe. Kinuha ko yun at agad na itinurok sa braso ko. Napapikit ako dahil sa hapdi at sunod sunod din ang paghinga ko.

Kasabay ng pagbunot ko ng karayom ay ang panghihina ko din. Dahan dahan akong bumagsak sa sahig at hindi ko nagawa pang maglakad papunta sa kama ko. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko at pinilit na huminga.

Inhale.........

Exhale.........

Inhale.........

Exhale.........

Unti unti kong nararadaman ang epekto ng gamot at bumabalik na sa dati ang paghinga ko pero ramdam ko yung panghihina ko. Habang pabagal ng pabagal ang paghinga ko pahina naman ako ng pahina at unti unti ko nalang naramdaman ang pagbagsak ng talukap ng mata ko.

《1 HOUR LATER》

Naramdaman ko yung sakit ng ulo ko kaya unti unti kong minulat ang mata ko. Nakadapa pala ako sa sahig. Naaninag ko na may nakatingin saakin ngunit malabo pa ang tingin ko sakanya. Muli kong pinikit ang mata ko at pagmulat non malinaw ko ng nakikita ang taong nakaupo sa harapan ko. Nakayakap sya sa dalawang tuhod nya habang kumakain ng cloud 9 at tinitignan nya lang ako.

"Bakit ka dito nahiga?" - Llander.

Napapikit ako saka humugot ng lakas para makabangon. Sumandal ako sa may paanan ng kama at sya ganoon pa rin ang posisyon nakaupo at nakahawak sa dalawang tuhod nya. Napatingin ako sa sahig na sobrang kalat dahil sa balat ng chichiriya saka madami din chocolate na nasa sahig. Halos puro matatamis ang kinakain nya.

"Saan mo kinuha ang mga yan?" Nanghihinang tanong ko sakanya.

"Doon!" Turo nya sa may pinto.

"Sa may madaming grocery." Dagdag nya pa sabay kagat ng cloud 9.

Napahawak ako sa sintido ko at napailing.

"Bakit ka kumuha doon ng hindi nagpapaalam? Paninda yun hindi yun kinakain ng basta basta."

"Binayaran ko to! Wag kang magbintang na ninakaw ko to!" - Llander.

Napabuntong hininga na lamang ako habang tinitignan syang kumakain ng chocolate.

"Bakit ka pumasok sa kwarto ko?" -Zandy

"Kasi hinanap ko yung cellphone ko. Asan ba yung cellphone ko?!" - Llander.

"Ewan ko! Wala ka naman pinahawakan saakin na cellphone." -Zandy.

"So saan napunta yun? Natulog lang ako paggising ko wala na akong cellphone." - Llander.

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Sa punto kasi ng pananalita nya pinapalabas nya na ninakaw ko yung cellphone nya.

"Oy! Mahirap kami pero hindi kami magnanakaw. " - Zandy.

"May sinabi ba ako na ninakaw mo? Pwes! Sayo naman nanggaling ang salitang yun." -Llander.

Sa inis ko binato ko sya ng chinelas ayon sapul sa noo.

"Ahh!" Sabay hawak nya sa noo nya.

Napaupo sya ng tuluyan habang hawak hawak yung noo nya. Hindi sya kumibo at doon ko lang narealize ang ginawa ko. May katigasan pala yung chinelas na naibato ko sakanya.

Dali dali akong lumapit sakanya para tignan kung okay sya.

"Hala! Sorry." Nag aalala kong sabi.

Hinawakan ko yung kamay nyang nakahawak sa noo nya at tinignan ko kung nagkabukol sya. Bigla naman nya Hinawi ang kamay ko saka tinignan nya ako ng masama.

"Sorry. Ikaw kasi eh!" - Zandy.

"Nakakarami ka na saakin ha!" Inis nyang saad.

Napadako ang tingin ko sa mga mata nya at naghinang ang mga mata naming dalawa. Ang ganda ng mga mata nya saka ang haba ng pilik mata nya. Ngunit makikita mo sa mga mata nya na malungkot iyon.

"Lumayo ka." - Llander.

Natauhan ako ng magsalita sya Saka ko lang narealize ang posisyon naming dalawa na ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Napalayo ako sakanya at bumalik na sa pwesto ko.

Hindi ako makatingin sakanya, bigla kasi akong nahiya. Inakap ko nalang ang mga tuhod ko at nanahimik nalang.

"Ano to?"

Napatingin ako sakanya ng magsalita sya at nanlaki ang mata ko ng hawak nya ang syringe na ginamit ko kanina at sinisipat nya.

Mabilis kong inagaw yun sakanya kaya napatingin sya saakin.

"Ahh. Ito yung ginamit sayo kanina hindi ko pala naitapon." - Zandy.

Tinignan nya lang ako saka kumagat na muli sa chocolate na kinakain nya. Buti nalang hindi na sya nag usisa pa.

LLANDER'S POV

AN HOUR BEFORE ZANDY AWAKE

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din ako binabalikan ng babaeng yun. Nagpaalam lang sya na pupunta ng kwarto nya pero hindi na ako binalikan. Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko ngunit wala ito dito. Naalala ko baka naiwan doon sa kwarto.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan sya. Tanaw ko mula sa may hagdan na bukas ang kwarto nya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at tinungo ang kwarto nya.

Mula sa labas ay kita ang siwang ng kwarto na nakaangat kaya ibig sabihin nakabukas ang pintuan. Tuloy tuloy ako pumasok ngunit napatigil ako ng makita ko syang nakahiga sa may sahig. Sa hindi ko malamang dahilan bigla akong kinabahan.

Walang katao tao sa kabahayan at kaming dalawa lang ang nandito. Dali dali akong lumapit sakanya na ngayon nakadapa sa sahig.

Tinignan ko yung pulso nya sa leeg at saka yung paghinga nya kung buhay pa sya pero nakumpirma kong humihinga naman sya kaya nawala na yung pag aalala ko. Napaupo ako sa sahig with a relief na wala naman nangyaring masama sa kanya. Pakiramdam ko trip nya lang matulog sa sahig kasi mainit.

"Ang galing ng trip mo ha! Dito pa ang napili mong humiga. Iniwan mo ako doon sa baba para matulog. Aist! Napakasama mong babae ka. Iniwan mo mag isa yung master mo doon sa baba."- Sermon ko sakanya.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim at tinignan ko sya.

"Aist! Ano bang pakialam ko kung natutulog ka dyan sa sahig?! Dapat wala akong pakialam sayo kung ano man ang mangyari sayo dito. Mamaya masisi pa ako pag may nangyaring masama sayo."

Tinalikuran ko sya pero ilang saglit nilingon ko muli sya. Ewan ko parang may pwersa na humahatak sa leeg ko na lingunin sya.

"Aist! Hindi! Wala akong pakialam sayo.! Bahala ka jan."

Tatayo na sana ako ng bigla nyang hawakan ang laylayan ng damit ko kaya napatingin ako muli sakanya.

"Wag mo akong iwan." - Zandy.

Tinignan ko naman kung gising sya pero tulog naman.

"Nananaginip ba to?"

Tinignan ko ang kamay nyang nakahawak sa damit ko at unti unti itong nagloose pagkatapos binalik ko ang tingin ko sakanya.

Ilag segundo ako nakatingin sakanya pagkatapos Dahan dahan akong nahiga sa tabi nya saka tumagilid. Inunan ko yung dalawang kamay ko at pinagmasdan ko lang sya.

Ang misteryusa ng dating ng babaeng to saakin. Sa tuwing hinahawakan ko sya o nahahawakan nya ako tila ba may kuryenteng gumagapang sa katawan ko.

Naisip ko sakanya ang batang babae siguro kasing edad nya rin yun. Wala ako naging ibang kalaro noon kundi sina Carlo at Enzo pero paanong hindi ko maalala ang batang babaeng yun? Isa sya sa mga alaala na nawala noong nagkaroon ako ng selective amnesia.

Matagal ko na pinipilit ang sarili ko na alalahanin sya pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ang laki ng partipasyon ng babaeng yun sa buhay ko.

Umusog ako palapit sakanya at kinuha ko ang ulo nya at inihiga ko sa braso ko.

"Hay! Kaya pala gusto mo mahiga dito kasi presko." Ngumingiti kong saad saka ko inunan ang isa kong braso at ipinatong ko ang isang kamay nya sa dibdib ko saka ako tumingala sa kisame ng kwarto nya.

"Maswerte ka mabait ako ngayong araw dahil tinulungan mo ako. Pero alam mo kasalanan mo talaga yun kundi dahil sayo hindi ako nakagat ng ahas. "

Tinignan ko naman sya na tulog na tulog pa din. Kinurot ko yung mukha nya para magising pero hindi pa din nagising.

Napabuntong hininga nalang ako saka muling tumingala sa kisame. Naramdaman ko naman na parang may tumutusok sa likuran ko kaya Dahan dahan ko tinanggal ang braso ko na unan nya at dahan dahan din akong bumangon.

Tinignan ko yung tumutusok saakin at pagtingin ko isang hiringgilya. Bakit meron sya nito?! Tinignan ko naman sya na may pagtataka.

Napadako ang tingin ko sa may drawer nya na nakaawang. Lumapit ako doon at dahan dahan kong binuksan yun.

"Bakit andaming gamot? May sakit ba sya?"

Tinignan ko isa isa ang gamot pero hindi ko naman alam kung para saan ang mga yun.

"Pabili!" May sumigaw sa baba.

"Pabili!!"

Sino ang hinayupak na maingay na yun!? Sinara ko na ang drawer at binaba ang lintik na sumisigaw.

"Hoy! Ang ingay mo! Hindi mo ba alam na may tulog sa itaas." - Llander.

"Aba! Kayo na nga tong binibilhan ikaw pa tong galit!  "  sabi ng maingay na lalaki.

"Lumayas ka dito! Walang tinda!" Sabay sara ko ng pinto. Sumasagot pa ang bumibili pero hindi ko na sya pinansin.

Paakyat na sana ako muli sa kwarto ng napadako ang tingin ko sa mga nakasabit na grocery. Kumuha ako doon ng mga chichiriya saka chocolates pagkatapos naglabas ako ng isang libo at ipinatong ko sa may stante saka ko kinuha ang mga kinuha kong chichiriya at chocolates saka bumalik sa kwarto.

Nilapag kong lahat ang mga pagkain sa sahig at naupo ako sa harapan nya at kumain. Nakakabagot magbantay sakanya habang sya natutulog.

《 1 hour Later 》

"Ang tagal mo naman magising! Magising ka na nga. Hoy!" Sabay tampal ko ng pisngi nya.

Nagbukas ako ng cloud 9 at kumagat. Kinurot kurot ko yung pisngi nya para magising sya pero ayaw talaga.

"Aist!"

Maya maya bigla na syang gumalaw kaya napatingin ako sakanya. Unti unti nyang minulat ang mga mata nya habang sinisilip ko naman sya tapos pagkatapos pumikit pikit pa.

"Bakit ka dito nahiga?" Tanong ko sakanya.

Hindi nya ako sinagot at dahan dahan na bumangon at sumandal sa kama. Napahawak naman ako sa mga tuhod ko at kumagat muli ng cloud 9 habang tinitignan sya.

"Saan ka kumuha ng mga yan?" Tanong nya saakin.

"Doon!" Turo ko sa may labas ng pintuan. "Sa madaming grocery"

"Bakit ka kumuha doon ng hindi nagpapaalam? Paninda yun hindi yun kinakain ng basta basta."- Zandy

"Binayaran ko to! Wag kang magbintang na ninakaw ko to!" - Llander.

Tinignan ko lang sya at nagpatuloy ako sa pagkain ng chocolate.

"Bakit ka pumasok sa kwarto ko?" -Zandy

"Kasi hinanap ko yung cellphone ko. Asan ba yung cellphone ko?!" - Llander.

Totoo naman yun hinahanap ko yung cellphone ko kaya lang nakita ko syang nakabulagta jan sa sahig akala ko kung ano na ang nangyari sakanya. Teka! Nasaan na nga ba ang cellphone ko.?!

"Ewan ko! Wala ka naman pinahawakan saakin na cellphone." -Zandy.

"So saan napunta yun? Natulog lang ako paggising ko wala na akong cellphone." - Llander.

"Oy! Mahirap kami pero hindi kami magnanakaw. " - Zandy.

"May sinabi ba ako na ninakaw mo? Pwes! Sayo naman nanggaling ang salitang yun." -Llander.

Bigla nalang nya kinuha ang chinelas sa paa nya at binato saakin.

"Ahh!" Napaaray ako dahil sa sakit saka ako Napaupo habang hawak ko yung noo ko. May katigasan yung chinelas na binato nya, lintik. ! Kung hindi lang sya babae malamang nasapak ko na sya.

Naramdaman ko naman ang paglapit nya saakin.

"Hala! Sorry."  Sabay hawak nya sa kamay ko na nakahawak sa noo ko. Sa inis ko tinabig ko yun at sinamaan sya ng tingin.

"Sorry. Ikaw kasi eh!" - Zandy.

"Nakakarami ka na saakin ha!" Inis kong saad.

Hindi sya sumagot at nakatitig lang sya saakin. Anong trip nito? Tinitigan ko din sya pabalik tapos naramdaman ko naman yung kuryente.

"Lumayo ka." - biglang sabi ko.

Para naman syang natauhan at lumayo saakin saka bumalik sa pwesto nya habang akap akap ang tuhod nya.

Ilang saglit kami natigilan at sinusulyapan ko lang sya. Naalala ko naman bigla yung hiringgilya na nakuha ko kaya nilabas ko ito.

"Ano to?" Habang kunyari sinisipat ko ang syringe.

Bigla nalang nya inagaw saakin yun at itinago sa likod nya.

"Ahh. Ito yung ginamit sayo kanina hindi ko pala naitapon." - Saad nya sabay iwas ng tingin.

Tinignan ko lang sya saka ako kumagat sa cloud 9. Hindi sya marunong magsinungaling. Tss! Hindi na rin ako muling nagtanong dahil hindi ko na concern yun. Magpasalamat nalang sya at binantayan ko pa sya.



Weiterlesen

Das wird dir gefallen

27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.4M 55.9K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
325K 25.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...