PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit

328 13 67
By muddy_maddie

Jaki's POV

Sabado ngayon at hinihintay ko si Madc sa kabagalan niya mag-ayos ng mga gamit para sa pag-uwi.

Uuwi kami sa kaniya kaniyang bahay pero trip nya lang sumama sa akin pauwi bago siya umuwi sa bahay nila mismo.

Hinahayaan ko lang siya na sa pagmamadali nya habang ako ay nakahiga lang at nakatitig sa kisame. Hinihintay na bumagsak na lang iyon sa akin.

Nagrereminisce ng mga nangyari sa akin, sa amin.

Halos lahat nga yata ng mga natitirang convo namin sa phone ko kabisado ko na. Kakabalik-balik ko doon nung mga panahong iyon.

"Jaki, please wag mo ko iwan.." Naaalala ko yun paulit-ulit na sabi nya noong huling usap namin.

Knowing him na hindi talaga nagmamakaawa. Hindi pinapakita na umiiyak siya.

"O ano na? Ngayong wala na, iniisip mo naman? Kung kelan.."

"Okay ka na? Alis na tayo." Pagpuputol ko sa sasabihin nya tsaka ako tumayo agad at kinuha yung bag kong punong puno ng damit.
Lumabas na rin ako matapos ko uminom ng tubig ng madaan sa kusina.

"Bakit mo ba kasi iniwan yung tao?" Tanong nya nang maabutan ako doon. Dala na rin yung mga gamit nyang nakabalumbon lang sa paper bag dahil sa pagmamadali.

"Sa amin na lang yun. Kami nag-usap doon."

Di naman na sya ulit nagtanong. Sumakay na rin kami sa sasakyan nung nakausap nyang kaibigan raw na pupuntahan nya.

Di naman mawala sa isip ko yung tanong ng mga kaibigan namin na bakit kami naghiwalay. Kung bakit ko raw sya iniwan.

Eto na naman ako. Bumabalik sa alaala na naiwan nya sa akin.

Noong nagugustuhan ko pa lang siya, noong kami pa, noong masaya, at malaya pa sa mga gustong gawin.

*flashback*

Naririnig ko yung boses nung manliligaw ko sa labas ng kwarto. Magkausap sila ni mommy, naririnig ko pero di ko naiintindihan. Walang kakayahan yung utak ko iprocess iyon. Kahit gustuhin ko mang i-entertain siya ay mas ginugusto ng katawan kong pumikit at matulog ulit.


"Jak, anak, nauna pa sayo manliligaw mo aba. Baka naman maturn-off sayo si Vice."

"Yamu sya mi," mahina kong sabi dahil antok na antok talaga ko dahil sa kagagawan niya kagabi.

"Tumayo ka na dyan jaki, mahiya ka naman."

Napadilat naman ako dahil sa tono ni mommy.

Kulang na lang magpapadyak siya na parang siya yung anak para bumangon na ko.

"Sya po may kasalanan bat ako puyat. Papasukin mo nalang po. Paki-open na lang po yung door." Pakiusap ko at matapos iyon ay nagtalukbong na ko.

Matagal na rin naman siyang nakakapasok dito sa bahay minsan nga maaabutan mo na lang rin na nag-uurong sa kusina. Nagaapply yata siyang boy dito sa bahay.

Narinig ko namang sinabi ni mommy yung pinakasinabi ko pati yung pagtatalukbong. Natawa ko ng bahagya pero hindi pa rin ako dumidilat ulit.

Naalala ko pa noong una nyang pasok sa kwarto nung nagkasakit ako. Tiwala naman rin sa kanya pamilya ko.

Di pa rin ako umiimik kahit anong sinasabi nya sa gilid ng kama.

Naramdaman ko namang umupo siya sa space na meron sa kama.

"Uy, pansinin mo na ko." Sabi nya pa.

Di pa rin ako nagpatinag sa katamarang nananaig sa katawang lupa ko.

"Di ko naman alam na grabe ka pala pag napuyat. Tawang tawa ka pa sa video call kagabi."

Bumaling naman ako paharap sa kanya pero nakatalukbong pa rin sa akin yung kumot.

Hinimas pa nya yung ulo ko na pa ra bang pinagheheleng bata.

"Jaki, muka kang ano.."

"Ano!?" Maangas ko pang sabi. Hihirit na naman siya e

"Muka kang..ay hindi. Sadyang ikaw na pala yung future ko."

"Viceral ang aga-aga. Nawala antok ko." Sabi ko pa tsaka inalis yung talukbong ko na kunwari naiinis.

Ngiting ngiti naman siya.

"Ano na naman bat ganyan ka makangiti ha?" Kinurot ko pa sya sa hita pero parang balewala lang sa kanya yon.

"Kahit may tulo laway ka pa ang ganda mo pa rin." Nahampas ko naman yung kanina lang ay kinurot ko.

"Aray ko naman! Kanina ka pa. Alam mo maganda ka talaga, mapanakit ka lang."

Iniwan ko naman siya doon at nagcr. Naghilamos, nagmumog, nag-ayos ng sarili. Hiyang hiya naman kasi sa manliligaw ko di ba, bihis na bihis akala mo pupunta sa birthday.

Pagkalabas ko naman sa cr inabutan ko naman siyang nagaayos na ng hapag kainan.

"Maupo ka na dyan Vice ako na maghahanda nyan." Inunahan ko naman siya sa uupuan nya sana. Napahawak na lang siya sa batok.

Trip ko lang sya pagtripan today.

"Hayaan mo na. Puyat." Palaging kinakampihan ni mommy 'tong manliligaw ko e.

"Wow jabee!" Nagulat pa nga yata siya sa pagkabigla ko di ko kasi napansin kanina na may jollibee pala siyang binili.

"Parang ngayon lang makakakain ah?" Kumento pa niya.

"Namiss ko 'to." Nilanghap ko pa yung paper bag kung saan doon nakalagay yung fries.

Heaven..

"Wow sarap naman nyan. Penge." Mabilis pa sa kidlat ay agad kong pinalo yung kamay ni kuya na kukuhanin yung pagkain ko.

"Akin yan! Ayun may luto si mommy. Yun kainin mo pero tiran mo ko beh." Napakagahaman ko pero di ko naman papalampasin yung bawat luto ng nanay ko syempre.

"Kuya, may nilagay ako sa ref. Akala ko di ka sasabay sa amin e." Sabi nya kay bruhdah.

"Uy, salamat! Nag-abala ka pa!" Agad naman nyang hinanap yung pagkain nya.

"Kakalagay ko lang kanina di pa siguro malamig yan." Sabi pa nitong katabi kong nakaakbay pa ng pasimple. Nakapatong lang yung braso nya sa silya.

Kunwari pa sya. Pero, I find it cute. Gwapo pa nya sa ayos nya. Aaminin ko kinikilig talaga ko dito sa lalaking 'to.

Nagsimula naman ako kumain.

Kwento sya ng mga nangyari sa kaniya at mga simpleng bagay na nangyayari sa firm nila tapos iseshare nya sa akin. Magkukumento siya sa sitwasyon tatanungin ako kung ano sa tingin ko yung mas okay mga ganun.

Meron pang mga kalokohang ginagawa ng mga angels nya.

Sarap talaga tropahin nung mgakasama nya sa bahay.

"Tita, okay lang po ba mahiram oras ng anak nyo? Papasama lang po sana ako sa mall..tsaka alam nyo na po. Hehe date date ganun." Nahihiya nyang sabi nakakatawa kasi ang cute lang mahiya.

Sya yung kakilala kong makapal yung mukha na nahihiya ng sabay. Haha.

"Basta ibabalik mo ng buo. Walang labis walang kulang?" Naguusap lang sila habang ako kumakain lang. Pati yung kapatid kong nakaupo na rin sa tapat namin.

"Nako tita. Baka maibalik ko po ng sobra sainyo."

"Huh? Bakit?" Nauna kong tanong sa mommy kong nakakunot yung noo at nagtataka. Mana mana lang.

"Palagi mo kasi natatangay yung puso ko." Sabi pa nya na nakangiti. Di ko alam kung nauuto na ba sya o nang-uuto.

"Yiiieeeeeeeee!!!! Kinilig ako dun!" Panggagatong naman ng kapatid ko. Sarap sabunutan.

"Gutom lang yan. Oh kumain ka." Sabi ko pa tsaka siya sinubuan ng sunod sunod na fries.

"Totoo yun, baliw!"

"Anong gagawin pala sa mall?"

"Di ba nung nagmall tayo last time ilan lang nabili nating damit ko.."

"Hmmn?" Saad ko para ipagpatuloy lang niya yung gusto nya sabihin.

"Bili pa tayo kulang na ko sa damit. Di na kasya."

"Akin na lang. Pantulog ko. Matagal ko makakaliitan yan. O baka mga hindi pa lumiit sa akin." Natawa naman sya doon

"Osige. Pick up natin after bumili."

Kumain na rin sya nung fries burger etc.

Kinagatan pa yung burger ko noong hindi siya makuntento sa binili nya para sa kanya.

Tinitigan ko lang sya at bumalik sa pagkain.

"Bakit si Vice di mo man lang sinabihan."

"Ay kuya di mo nakita inirapan ako." Proud na proud pa sya.

"Magmall ka mag-isa mo." Tumayo na ko at iniwan sila doon.

"Uy, sorry na. Ito naman. Nagjojoke lang ako." Nilingon ko siya tsaka nagroll eyes. Tsaka kumuha ng kailangan sa pagligo. Kinuha ko na rin damit ko.

Paglabas ko naman ng kwarto tawag sya ng tawag sa akin.

"Jaki.."

"Jaki punta tayo ospital." Sabi nya noong naisara ko yung pinto sa cr.

"Bakit?"

"Lumuluwag yung mata mo kasi kakairap." Binalibag ko naman pasara yung pinto. Puro kalokohan.

My time talaga na pagtitripan nya ko ng pagtitripan tapos biglang babawi.

Narinig kong tinatawanan siya nila mommy. Kaya nasasanay e. Kinukunsinti. Pano na lang pag sinagot ko na sya.

"Alam mo po tita.. inlove na inlove talaga ko sa anak mo."

Akala yata hindi ko siya naririnig dito sa loob.

Trip nya lang talaga mangasar kagaya nung magkaibigan pa lang kami.

Ang bilis lang talaga niya magswitch ng trip sa buhay..







































"Tara na." Aya ko sa kanya noong nakaayos na ko.

Nagmamadali naman siyang tumayo sa paglalaro nila ng mga kapatid ko.

Agad agad siya nagbless kay mommy at nagpaalam.

"Bayaw! Ingat kayo ng bebe girl namin! Laro ulit tayo pag balik nyo."

"Wag. Manligaw ka muna ng maigi." Kontra ko naman.

"Kinikilig si Bayaw!"

Di naman sya sumagot pero kita ko pulang pula yung tenga nya.

"Botong boto sayo mga kapatid ko. Aba. Swerte mo."

"Swerte sayo." Nagwiggle pa ng kilay.

"Yieeee kinikilig ka. Hahahaha" ayan na naman sya.

Pagdating naman sa mall. Deretso kami sa mga shirts.

It's my turn para gumanti.

"Sukat mo 'to. Cutiee nito." Abot ko sa kanya nung makulay na t-shirt.

"Ito pa."

"Maganda rin 'to."

"Tsaka ito."

"Ang dami naman. Sandali lang, isa-isa."

Wala naman siyang nagawa kundi isukat yon. At tuwing lakabas siya sa fitting room ay di sya masaya.

Nasanay yata talaga sya na iisang kulay lang ang sinusuot.

"Bagay ba?" Tanong nya doon sa isang shirt na may pineapple na print sa gitna.

Cute. Ang vute nya don.

"Bagay sayo." Lumapit pa ko para icheck kung fit ba sa kanya.

"Parang ako? Bagay sayo?" Tanong nya nang magkaharap kami

"No. Parang ako. Bagay sayo."

"Ehem." Sabay naman kaming napalingon doon.



"Dali pala ang dami palang tao nakakahiya." Sabi ko tsaka siya pinapasok ulit doon sa fitting room.



"Hinintay ko na lang sya doon sa labas ng hallway nung fitting room."

Tawang tawa siyang nagmamadali lumayo doon sa pumansin sa sweetness namin kanina.


"Dali baka ipatapon tayo nung babae dun. Bitter yata si ate." Magpatianod naman ako sa paghila nya.

"Tsaka pala. Gusto ko 'to tsaka ito pang isa."

out of 18 dalawa lang nagustuhan niya.

Bumili rin sya ng mga longsleeves niya.

Humingi pa siya ng suhestyon kung anong pattern ang maganda at kulay.

"Tingin mo ito? Mas bagay?" Tanong na naman nya.

"Parehas naman bagay sayo."

"Bilhin ko pareho?"

"Kung ako tatanungin.. iisipin ko kung ilan ba yung bago kong damit ngayon. Kung enough ba yon sa meetings and everything. Sa palagay ko kasi oo. Hayaan mo naman yung iba. Malay mo pinagiipunan nila yan."

"Huh?" Nakatingin lang sila nung sales lady sa akin.

"Nevermind. Isa na lang bilhin mo."

"Pili ka." Sabi nya tsaka ako pinapili doon sa daliri nya.

Pinili ko naman yung index finger.

At nagdadalawang isip pa rin sya.

"Piluin mo na yung hindi ko napili. Imbes na mahirapan ka dyan." Natatawa ko sa kanya talaga kapag ganito.

"Okay lang?"

"Oo nga. Para damit lang e. Dalian mo at nagugutom na ko."

"E bibili pa tayo damit mo."

"Sa pagkakaalam ko ikaw lang ang biili."



"Sa pagkakaalam ko..ganun nga yung sinabi ko. Hehe sige na. Bili na tayo damit mo para terno tayo ganon."
Tinignan ko naman sya. Muka ngang seryoso siya sa sinabi niya.

"Okayyy." Sabi ko na lang para di na sya mangulit. Baka kasi mamaya nasa labas na kami ng mall magpumilit pa siya bumalik para lang bumili.

Well, thankful naman ako dahil nakikita ko yung ganung sides nya talaga. Di ko naman ineexpect noong una kami nagkita na ganto yung ugali nya.

"Huy! Jaki."

"Oh? Sorry. Ano nga ulit yun?"

"Sabi ko ito ba gusto mo itry? Parang bagay sayo."

Inabot ko naman iyon tsaka humanap rin ng mga iba pang choices.

"Tingin mo alin mas okay dito?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman sya pumipili ng hindi maganda para sa akin kahit sa ibang bagay kaya nasanay na kong ganito kami. Even before bago pa sya manligaw.

Akala ko nga noong una ay mainipin siya sa mga bagay bagay. Lalo na kapag sumasama siya sa akin kapag bibili ako ng damit o kaya naman ay sapatos. Pero hindi ko nakikitang ganun sya. Hindi ko sya iiwan lang sa isang shop tapos ay babalikan doon kapag tapos na ko bumili.

Sumasama sya talaga sa akin at minsan sya pa namimili kung ano mas bagay kagaya ngayon.

"Ito na lang. Mas maganda sayo mas umaangat kaputian mo."

Napangiti naman ako dahil di talaga sya nagbabago na hindi naiinip.

"Babayaran na natin yan." Ngiti nyang sabi sa akin.

"No, babayaran ko."

"Eh? Hati tayo. Gift ko na."

"Hindi." Iniwan ko syang ginulo yung sariling buhok dahil hindi nya ko napilit this time.

Ayaw ko naman na nagaaksaya siya ng pera dahil lang sa mga ganitong bagay.

Kaya naman ng budget. At parehas naman kaming may trabaho.

Alam naman nya yun. Mapilit lang talaga sya.

Pumila na ko para bayaran 'tong dress.
Naramdaman ko naman yung mabigat nyang braso sa magkabilang balikat ko.

"Wala na ba ibinigat yan?" Tanong ko sa kanya. Nananadya na naman kasi.

Nagpeace sign naman sya.

I decided to pinch his nose. Wala syang nagawa

Pagkatanggal ko nun ay namumula yung maganda nyang ilong.

Natawa naman ako doon dahil tinakpan nya agad.

Nagtago pa sya sa akin akala mo naman hindi sya makikita.



































"Kain tayo? Nagutom ako e." Aya nya at hinihimas pa yung tyan nya habang nagmamaneho pauwi sa amin.



"Sige lang. Kahit san go lang. Kung gusto mo ayun na lang fishball." Turo ko sa nasa unahan namin na nagsisikad ng sidecar niya.



"Uy namiss ko yun! Sige. Teka sandali. Paano ba 'to."

Nagdadalawang isip pa sya kung bubusinahan nya ba o ano.

Ibinaba ko na lang yung salamin sa side ko tsaka ako medyo dumungaw doon.

"Manong! Bibili kami!!!"

"Huy Jaki! Baliw ka talaga!"

Narinig naman yata ni manong kasi gumilid siya sa kalsada. Gumilid din naman si Vice doon. Di naman abala sa daan dahil ang laki nung setback para sa gobyerno. Pwede pa 'to gawing, parking pag nagkataon.

"Wow! Ang ganda ng view!" Napaangat naman ako ng tingin sa kanya at napatigil sa pagtuhog ng mga fishball. Manghang mangha sa view ng bukid na nasa ibaba ng kalsada dahil mas mataas ito. Palibhasa ay madalas trabaho ang kaharap niya kapag weekdays.

"Gusto mo dito na lang tayo kumain?"

"Magandang ideya yan. Sabi pa nya sa akin. Cheers!" Inilapit nya naman patayo yung stick nya.

Tinama ko naman doon yung sa akin.

"Kuya magkano 'tong proven?"

"Payb pesos po ser."

"100 petot nga po." Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya't nasiko ko sya.

"Naghahanap ka ba ng sakit? Konti lang aba!"


"Masarap 'to. Minsan lang ako kumain nito no. Tsaka hati naman tayo."

"Seryoso ka? Mauubos mo yan?!"

"Oo nga kahit wag mo ko hatian."

"Boss penge naman suka. Sarap ng suka nyo po manong. Pano ba ginagawa yan?"

Natatawa naman si manong.

Binigyan nya kami ng extra cup tsaka isang plastik nung suka para sa proven at fishball.

Nakaupo na lang kami ngayon sa kongretong bench. Na pinagpatong patong na bato ang nagiging paa.

"Grabe di mo sinabi may ganito pala dito. Sana dito ako tumambay kapag nagpapalipas ako ng oras."
Sabi nya habang nakatingin lang sa malayo at kumakain ng proven at fishball.

Di ba sya nalilito sa panlasa nun.

"Nagpapalipas ng oras?" Tanong ko naman tsaka kumain na rin.

"Oo kapag minsan..ayaw ko pa umuwi or kapag gusto ko malapit lang ako sa'yo." Tipid siyang ngumiti tsaka nagbalik ng tingin sa kinakain at sa tanawin.

Rinig namin yung ilang nagdadaan na sasakyan.

Hapon na rin kasi.


"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

Gusto ko lang malaman.

"Oo naman. Okay naman ako. Namimiss ko lang yung.." napalunok pa sya bago ulit magsalita.

"Namimiss ko lang yung pamilya ko. Yung magkakasama kami. Pero wala e. Ganun talaga. Living on my own."

Napabugtong hininga pa siya.

"Lalim nun ah? Baka malunod ako nyan."


"Nasa puso kita wala sa baga." Natatawang sabi pa nya.

"Nasa tabi mo ko baliw." Sabi ko tsaka ko sinandal ang ulo ko sa balikat nya at sabay pinanood ang pagsabay ng mga pananim sa hangin.

Pag-uwi naman namin meron na naman siyang bulaklak. Makakapagpatayo na siguro ako ng garden sa mga binibigay nyang bulaklak araw-araw.






"Iniisip mo na naman sya?" Tanong sa akin ni Madc.

"Maniwala ka okay lang yun kung saan man sya napunta." Dagdag pa nya.


"Iniwan mo tapos iisipin mo. Wala yatang araw na di mo naisip yun e. Simula nung.. alam mo na."

"Sya lang ba pwede tumakbo sa isip ko?"

"Alanganamang si tom?"

"Bawal sarili ko lang? Pamilya ko ganun? Masyado kang ano dyan e. Matutulog na ko. Kung anu ano pa sinasabi mo."

"Ay sus! Ang bebe girl! Kiniliti nya pa ko" pinigilan ko lang sya saglit tsaka i-incline yung seat. At tumagilid para di ko sya mapansin. Pumikit rin para di na nya ko kulitin doon sa.. kay Vice.

Mahal ko yun. Di naman nawala yung pagmamahal ko para sa kanya.

Sadyang kinailangan ko lang talaga ng oras.

Oras para sa sarili ko. Oras para mag-isip.


Oras para hindi maging dependent sa kanya sa mga desisyon sa buhay.

Kagaya kung paano ko magagawa ng tama yung trabaho ko. Hindi naman sa di ko gusto yung suggestion niya. Tama naman sya doon e. Yun naman yung dapat gawin.

May point naman talaga. Sadyang gusto ko lang rin na matuklasan ko yun sa sarili ko mismo. Na ako yung magdesisyon para sa akin.

Naiinis lang ako at hindi ko sya nabalikan agad.

Siguro hindi sya naaaksidente kung mas napaaga yung desisyon ko.

Hinawakan ko naman yung binigay nyang kwintas sa akin nung sinagot ko sya. Ito lang naman yung nakakatulong din sa akin kapag di ko na alam yung nararamdaman ko.

Pinaglalaruan ko sa daliri ko. Tsaka titignan at maaalala yung araw na 'yon.

******

Siguro wala naman masama kung isipin mo yung sarili mo o kung anuman na gusto mong gawin mo for yourself. Siguro ang point lang nito..

Wala walang point. Charot.

Siguro kailangan natin ng time. At di naman natin kasalanan kung anu man yung mga mangyayari sa mga oras na 'yon. Yung habang binibigyan mo ng oras yung sarili mo.

Dahil for good naman yun. Anyway wala namang sense sinasabi ko. HAHAHA! Adiós!




Good evening! Kumain na kayo? Penge food?

Advance good night. Happy reading. Keep safe everyone!

-Maddie.

Continue Reading

You'll Also Like

209K 5.4K 38
This is a one shot different stories of Vicerylle.
2.6K 178 6
•This one is an OOC character •Gay, obviously Yuri here and your forever the star of the show, y/n. •The harem is still there, barely, because you're...
72.3K 1.2K 24
As a LizQuen fan, lots of sweet-imaginations are running through my head. Hope you'll enjoy!
10.8K 670 21
🚧THIS STORY IS DISCONTINUED🚧 Seoul Sports University, a prestigious school in South Korea that focuses on students becoming potentially well-known...