Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 9 ] Change

56.6K 663 56
By JeraldineTanL

Chapter 9: Change

Hinila papalabas ng auditorium ni Spencer si KL at pumunta sila sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Spencer. Pinapasok siya sa loob ng sasakyan para doon sila makapag-usap na walang makakarinig ng anumang pag-uusapan nila.

"You look.. different. Hindi ka na ‘yung KL na kilala ko sa itsura mo."

"Change is constant, Spence. Itsura at pananamit ko lang naman ang nagbago. Ako pa din ang KL na kilala niyo."

"You're beautiful."

"I know, thanks. Actually, hindi mo na kailangan pang sabihin ‘yun."

"Joke lang."

Tinignan ni KL si Spencer at nakita na nakangiti na naman ito, alam niya na pinagtitripan siya nito.

‘Trip niya ako ah? Buti na lang at hindi ko siya trip batukan ngayon.’

Nanahimik na lang si KL at nagkunwari na nagtatampo siya kay Spencer. Tumingin siya sa labas ng sasakyan.

"Galit ka na nyan?" tanong ni Spencer.

Hindi sumagot si KL at patuloy pa din siyang nakatingin sa labas.

"Oi KL, galit ka?"

Hindi pa din sumagot si KL. Dahil sa nag-aalala na si Spencer ay hinawakan niya ang kamay ni KL.

"Sorry na. Niloloko ka lang naman, e."

Tumingin si KL kay Spencer ng deretso.

"That's the point, Spencer. Dahil palagi mo akong niloloko, hindi ko na alam kung ano ‘yung totoo. Mamaya niloloko at pinaglalaruan mo lang ‘yung feelings ko."

"Kahit kailan, hindi kita niloko at mas lalong hindi ko pinaglaruan ‘yung feelings mo."

"Sige, sabihin na natin na ganun nga. Kaya mo ba ako gustong makausap dahil dito? Sa feelings mo?"

"Oo. Gusto ko na maging malinaw ang lahat."

"Alam ko na ang lahat at malinaw na din sa’kin ‘yun. Sinabi na sakin ni Steven kanina. Malinaw na sakin na siya ang mahal mo at gusto mo lang ako."

"Sorry KL, hindi ko agad nilinaw sayo."

"It's okay, Spencer. I can understand the reason why."

"Sigurado ka?"

"Oo. Posible naman talaga na makaramdam ka na may feelings ka pa sa’kin kasi matagal tayong hindi nagkita. I felt the same way, too. Hindi rin kasi tayo nagkaroon ng magandang closure noon kaya siguro ganito tayo ngayon."

"Ganun na nga siguro ‘yun."

"Pero hindi ko pa din talaga maintindihan kung bakit kailangan mo pang ipamukha sakin na ako pa din talaga."

"Hindi ko din maintindihan ang sarili ko nun at nung nakapagisip-isip na ako, naliwanagan din ako."

"Na ano?"

"Na siguro nga nadala lang ako. Hindi ko liligawan si Jichelle ng ganun katagal kung hindi dahil sa nararamdaman ko sa kanya. Ang tagal ko din naghintay sa oo niya."

"’Yun naman pala, e."

"Nadala lang ako sa mga pangyayari at siguro dahil namiss kita, ganun yung naramdaman ko. Sorry dahil naging makasarili ako."

"It's okay. Let’s just forget about that. Ang importante, alam ko na lahat. May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na, babalik na ako doon."

"Iniiwasan mo ba ako?"

"I don’t."

"Bitter ka lang?"

Nainis si KL sa tanong ni Spencer.

‘Pinagmumukha niya naman ako na kawawa.’

Tinignan ng deretso ni KL si Spencer.

"Hindi ako bitter. Nasaktan ako! Ano bang inaasahan mo na gawin ko? Tatawa? Magpaparty? Normal naman siguro na maging ganito ako, hindi ba?!" naiinis na sinabi ni KL.

"Sorry talaga, KL."

"That's what life is all about, right? There are ups and downs. Tanggap ko ‘yun kaya hayaan mo na lang ako na maging ganito. Haharap na lang ako ulit sa’yo kapag okay na ako."

Pagkasabi nun ni KL ay agad siyang lumabas ng sasakyan at naglakad palayo doon. Nagulat na lang siya nang may yumakap galing sa likuran niya.

"Hindi ko sinasadyang saktan ka, KL. Kung alam ko lang na babalik ka, naghintay pa sana ako ng mas matagal at siguro hindi kita nasaktan ng ganito. Sinabi ko na sa’yo dati na hindi ko maipapangako na sasaktan kita pero gagawin ko ang lahat para mapasaya ka pero wala hindi ko natupad yun. Sorry."

Parang estatwa si KL sa kinatatayuan niya ngayon. Kahit na humihingi ng tawad sa kanya si Spencer ay mas lalo siyang nasaktan.

‘Yun ang sinabe niya sakin nung birthday ko noon.’

Pinilit ni KL na maging matatag at hinarap niya si Spencer.

"Let's stop this drama, okay? Naguguluhan lang kasi ako lalo dahil sa ginagawa mo. Mas mabuti pa na kalimutan na lang natin ang mayroon sa’tin noon. Kung tayo talaga para sa isa’t isa, edi tayo, pero kung hindi, wala na tayong magagawa dun. Magkakasakitan lang tayo kapag pinilit pa natin."

Napatungo na lang si Spencer dahil alam niya na tama ang sinasabi ni KL. Malungkot na umalis doon si KL at bumalik sa auditorium kung saan niya nakita kaagad sina Mika at Gab na magkasama. Hindi niya pa nagustuhan dahil nakikita niya sila na sweet sa isa’t isa. Nakita din siya nina Mika kaya agad nila siyang nilapitan. 

"Hello, my dear! Are you enjoying the party?" tanong ni Mika

Nang tingnan siyang mabuti ni Mika ay napansin niya na hindi.

"It seems like you're not. What happened? Is it because of Spencer?" dagdag ni Mika.

"Mika, lumayo ka na sa’kin habang kaya ko pa na pigilan ang sarili ko dahil baka masaktan lang kita."

"Oh, I'm so scared," sarcastic na sagot ni Mika.

Tinignan siya ni Mika na tila ba nang-iinis.

"Are you threathening me? I’m not scared, honey. Alam ko na hanggang salita ka lang naman, e."

"’Wag mo akong pilitin na patulan ka, Mika."

"Whatever! Tara na nga, babe!"

"Gab, magusap tayo mamaya," pahabol ni KL.

Tumango lang si Gab at agad silang lumayo kay KL.

‘Kung nandito lang si Jin, hindi sana ‘to nangyayari ngayon at kung nakikita niya ‘to, sigurado akong galit din siya.’

Hanggang sa matapos ang party ay mag-isa lang si KL. Nang mag-uwian na ay nagpaiwan muna siya doon. Umupo siya sa swing sa playground ng school. Nang tumunog ang phone niya ay tiningnan niya ‘yun at nakita na tumatawag sa kanya si Gab kaya sinagot niya.

"Bakit ka napatawag?"

"Nasaan ka?"

"Nandito sa playground ng school."

"May pag-uusapan pa tayo, hindi ba? Hintayin mo ako dyan. Ihahatid ko muna si Mika."

"Sige. Bilisan mo."

Naghintay lang doon si KL hanggang sa may lumapit sa kanya at pagtingin niya, si Jichelle. 

"Hi, KL! Hindi ka pa ba uuwi? Gusto mo sumabay ka na sa’min ni Spencer?"

"Hindi na kailangan."

"What's wrong? Mukhang may problema ka ah?"

"You are my problem, Jichelle," deretsong sinabi ni KL.

"Wala naman akong ginagawa sayo ah?!" naiinis na tanong ni Jichelle.

Tinignan ni KL si Jichelle at nakita na nakataas na ang kilay nito.

‘Ganito pala ang ugali niya. Akala ko, mabait talaga siya,’ naisip ni KL.

Nakapamewang si Jichelle at hinihintay ang sagot ni KL pero hindi siya nagsasalita.

"What?! Titignan mo na lang ba ako?! Tell me!" sigaw ni Jichelle. 

"Take care of Spencer. Don't hurt him. He loves you and you're very lucky to have him."

"Sino ka ba para sabihan ako ng ganyan?! Kaibigan ka lang naman niya, hindi ba? Bakit ba sa tono ng pananalita mo, parang may gusto ka sa boyfriend ko?!"

"Do you really want to know, Jichelle? Oo, may gusto ako sa kanya at para malaman mo na din, ex ko siya."

"Lumabas din ‘yung totoo. You're too obvious, KL. Hinihintay ko lang talaga na marinig sa’yo ‘to. Sa tingin ko, tama lang din siguro na ipakita ko sa’yo kung sino talaga ako."

Nag-iba ang tingin ni KL kay Jichelle dahil sa sinabi niya.

‘Sabi ko na nga ba at may kakaiba sa kanya. Mali ng napili si Spencer pero wala na akong magagawa dun. Ayoko na siyang pakialaman.’

 

Lumapit si Jichelle kay KL at hinila siya patayo.

"Stay away from my boyfriend, KL. I don't want to see you together. Mag-ingat ka sa mga kilos mo dahil baka ano pang magawa ko sa’yo kapag ininis mo ako lalo. He is mine, KL. Sorry ka na lang."

Nang mapansin nila na papalapit doon si Spencer ay agad na nag-iba ng tingin si Jichelle. Agad siyang kumapit sa braso ni Spencer.

"Hi, babe! I'm just having a small talk with your friend."

"Ganun ba? Uwi na tayo."

"Ayaw mo ba na isabay natin si KL sa pag-uwi?"

"May hinihintay ka pa naman yata KL, hindi ba?"

"Oo. Hinihintay ko pa si Gab," sagot ni KL.

"If that's the case, we will go now. Bye, KL!" masayang pagpapaalam ni Jichelle.

Habang naglalakad palayo sina Spencer at Jichelle ay lumingon si Jichelle at nginitian si KL saka niya ito inirapan.

‘Ngayon alam ko na ang ugali niya. Mabait lang siya sa harap ng ibang tao. May kakaiba sa kanya pero hahayaan ko lang siya dahil wala na akong kinalaman dito. Kapag sinubukan kong sabihin ‘to kina Spencer, magmumukha lang akong desperada.’

Naghintay lang siya doon hanggang sa dumating si Gab. Umupo kaagad si Gab sa swing.

"Natagalan ba?"

"Kanina pa kaya ako naghihintay dito. Nilalamok na ako kaya kailangan mo akong ilibre. Tara!"

Tumayo na si KL habang si Gab, nanatiling nakaupo sa swing.

"Teka, nasaan yung kotse mo?"

"Kaya mo bang tumakbo?"

"Ha?--Aaah!"

Nagulat siya nang biglang tumayo si Gab at saka siya hinila. Tumakbo sila papunta sa parking lot ng school.

‘Ang sakit ng paa ko. Ang taas taas ng takong ng sapatos ko tapos pinatakbo niya ako.’

Lalo siyang nagtaka nang pagdating nila sa parking lot ay wala siyang nakita na sasakyan at motor lang ang nandoon sa tinigilan nila. 

"’Wag mo sabihin sakin na magmomotor tayo."

"Magmomotor nga tayo."

"Gab naman, e! Nakita mo naman ang suot ko."

"Bakit ba kasi ang iksi ng damit mo?"

"E ganun, e."

"Maglalakad ka o sasakay ka?"

"Fine! Sasakay na."

Wala nang nagawa si KL kung hindi sumakay na lang doon dahil wala naman siyang ibang choice. Pumunta sila sa bahay nina Steven at sa sidewalk sa labas ng bahay sila umupo. 

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong ni Gab.

"Si Mika."

"Ano na naman ang problema sa kanya? Nakwento ko na sa’yo lahat, diba?"

"Hindi ko kayang makita ka na kasama siya. Naiinis ako sa kanya lalo na kapag nakikita kayo na sweet sa isa’t isa. Gusto ko kaya siyang buhusan ng tubig kanina kaso ayokong gumawa ng eksena."

"Pagtyagaan mo na lang."

"Kailangan ba talaga maging sweet kayo?"

"Ganun talaga kami dati pa, KL. Sanay na sina Steven sa’ming dalawa."

"Sige, susubukan ko na masanay na lang din. Sana lang sa birthday ni Terrence, wala siya."

"Birthday ni Terrence?"

"Oo. Iniinvite niya tayo. Sina Steven at Aine kasi hindi makakapunta."

"Kailan ba ‘yan?"

"Sa Saturday na ng gabi."

"Sige. Pupunta ako"

"Date kita!"

"Birthday lang ‘yun, KL. Hindi na kailangan ng date."

"Sa Manila Peninsula kasi ‘yun. Sosyal na hotel! Sige na, Gab."

"Oo na."

"Thank you!"

"May sasabihin ka pa ba?"

"Wala na."

"’Yun lang naman pala ang sasabihin mo. Akala ko naman kung ano na. Sige uuwi na ‘ko. Pumasok ka na."

"Thank you, Gab. Bye! Ingat ka."

Pagkaalis doon ni Gab at pumasok na din siya sa bahay.

‘Sa tingin ko, kailangan ko na din talagang masanay sa mga pagbabago ngayon.’

Continue Reading

You'll Also Like

758K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.6M 60.6K 47
Book 3 of Falcon University Series (Josh & Red's story)
527 387 85
[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di...
15.6K 691 16
Handa ka bang masaktan ng paulit-ulit para sa taong mahal mo? Mamahalin mo pa rin ba siya kahit alam mong sa huli ay iiwan ka rin naman niya?