Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 6

84 0 0
By kristineeejoo

CHAPTER SIX


"Evan, 'wag ako ang titigan mo kundi 'yang ginagawa mo." Naiinis na sabi ko tsaka bumuntong hininga. Nakita kong ngumisi siya bago binaling ang mata sa kaniyang ginagawa. Kahit kailan talaga napaka-landi ng lalaking 'to. Tatawanan ko nalang siguro siya kapag nakita ko siyang umiyak dahil sa isang babae. Tss.

"I can't take my eyes of you." Sabi niya tsaka tumawa. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Kadiri lang ha.

"Tsaka ka na bumanat kapag hindi na lyrics ng kanta 'yang pambanat mo." Sabi ko at umirap. Narinig ko pa siyang natawa lalo pero hindi ko na siya pinansin. Ginupit ko na ang mga larawan sa bond paper at dinikit ito magazine pagkatapos ay dinikit ulit sa oslo paper. Gumawa ako ng flower na gawa sa magazine at ginawang pang-design sa project niya. Bahala na mag mukhang pambabaeng gawa 'to basta may maipasa ang isang 'to. Napakatamad kasi. Puro naman landi.

"Ayan, tapos na. 'Wag mo na ulit akong guguluhin. Ang sakit mo sa ulo." Sabi ko at binigay sakaniya ang kakatapos lang naming gawin na photo essay. Nakita kong lumapad ang ngiti niya. Nagpapa-cute ba siya sakin? Tss. Akala niya naman makukuha niya ako sa ganyang itsura niya. Mukha naman siyang aso na nakangiti.

"Ang ganda nito, Katrine. Sayo na nga ako lagi magpapagawa."

"Sapak gusto mo?" Sabi ko at inambahan pa siya ng sapak.

"Biro lang." Sabi niya at humalakhak ng malakas. Nagulat ako ng bigla niyang kinurot ang pisngi ko. "Cute!"

Umirap ako at tinaboy ang kamay niya, "Alam ko. 'Di mo na kailangan sabihin."

Ngumisi siya. "You know, you're my type."

Ngumiwi agad ako. "Huwag mo 'kong landiin, Evan. Please lang."

Tumawa na naman siya ng malakas. Baliw na yata siya. Bawat magsasalita ako lagi siyang nakangisi o tumatawa. Ano ka ba boy, buang?

Nilinis ko na ang kalat namin at tumayo. "Alis na 'ko. 'Wag mo na 'ko guluhin kundi masasapak na talaga kita."

"Kung ikaw lang rin naman sasapak sakin, edi guguluhin pa kita lalo." Sagot niya ng nakangisi at tumayo narin.

"Kalalaki mong tao malandi ka." Sabi ko at tinalikuran na siya. Naramdaman ko namang sumusunod parin siya sakin kaya masamang titig ang binigay ko sakaniya.

"Bakit ka ba sumusunod?" Nababanas na tanong ko. Bakit kaya ayaw pa 'ko tantantanan ng Evan na 'to? Ginawan ko na nga siya ng assignment niya tas nanggugulo parin.

"Gusto ko lang." Hindi ko na siya pinansin at hinayaan siya sa gusto niyang gawin. Bahala siya diyan. Ayoko ng makipag-usap sa mga makukulit.

Habang papunta sa Canteen biglang may humila ng kamay ko. Nang tignan ko 'yon, nakita ko si Kenrick. Teka, ba't ang aga naman yata niyang pumasok? Hindi naman siya gantong oras pumapasok ah?

"Oh, Kenrick. Ang aga mo." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa lalaking nasa likod ko.

"Ang aga mo naman." Nakangising sabi ni Evan na nasa gilid ko na ngayon. Nag-igting ang panga ni Kenrick habang nakipagtitigan kay Evan. Kumunot ang noo ko habang pinapanood silang magtitigang dalawa. Parang may sinasabi sila sa isa't isa gamit ang kanilang mga mata.

"Teka nga!" Bigla akong nagsalita. "Baka mamaya matunaw na kayong dalawa diyan dahil sa titig niyo."

"Tara." Sabi lang ni Kenrick at hinila na naman ako pero nagulat ako ng may humila pa sa kabilang kamay ko. Feeling ko tumunog ang buto ko sa paghila nilang dalawa sakin. Huhu.

"Ano ba p're, kita mong magkasama kami tapos bigla mo nalang siyang kukunin?" Seryosong sabi ni Evan.

"Bakit? Kailangan ko pa bang magpaalam sayo bago ko siya kunin?" Tumaas ang dalawang kilay ni Kenrick habang sinasabi 'yon. Kita kong napangisi si Evan pero ramdam parin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hawak parin nilang dalawa ang magkabilang kamay ko. Napapikit nalang ako at bumuntong hininga. Ang sakit talaga sa ulo ng mga lalaki.

"Bitawan niyo nga ako," Mahinahong sabi ko. Pero mukhang wala silang narinig. Nanatili silang nagkatitigan sa isa't isa habang pinag-iigting ang panga. Mas lalo akong napapikit. Sumasakit na ang ulo ko. Umagang umaga ganto ang nangyayari. Kainis 'tong dalawang 'to!

Dinilat ko ang aking mata at buong lakas akong nagpumiglas sa dalawa bago sila hinarap ng may masamang titig.

"Tangina niyo dalawa! May balak ba kayong putulin ang buto ko? Kainis!" Napaawang ang bibig nilang dalawa sa sinabi ko. Inirapan ko nalang sila bago naglakad palayo. Sa sobrang bilis kong maglakad may nabangga ako. Nahulog ang mga dala niyang libro.

"Nako, sorry." Pinulot ko ang mga libro sa sahig bago siya hinarap. Nagulat ako ng makita siya. "Sean?"

Hindi siya sumagot pero kinuha niya sakin ang mga libro at nilagay sa echo bag niya.

"Ang aga mo naman, Sean. Tulungan na kita." Sabi ko at kinuha ang ibang libro na nasa echo bag niya.

Napaiwas siya ng tingin sakin, "H-Huwag na. Ayos lang."

Tinitigan ko siya. "Iniiwasan mo ba 'ko, Sean?"

Nataranta siya sa biglang sinabi ko. "H-Ha? Hindi. A-Ahm.. mauna na ko."

Tinalikuran niya ako pero mabilis ko siyang sinundan. Pumasok siya sa loob ng library at hindi narin ako nag-atubiling sundan siya doon. Pumasok rin ako at tumakbo palapit sakaniya.

"Sean," Nagulat siya ng makita ako. "Tss. 'Wag mo nga akong iwasan."

"H-Hindi ah." Sabi niya at napakamot pa sa kaniyang ulo. Ngumisi nalang ako at tumingkayad para abutin ang buhok niya. Ginulo ko ito. Nakita kong natigilan siya sa ginawa ko pero ngumiti lang ako sakaniya.

"Magkaibigan na tayo, Sean."

"K-Kaibigan?"

Ngumiti ulit ako at tumango, "Oo. Kaya dapat maging komportable kana sakin. Okay ba 'yon?"

Napatulala siya sa mukha ko. Natawa nalang ako bago inabot sakaniya ang mga libro na hawak ko. Hinila ko siya at umupo kami sa bakanteng table rito sa library.

"Magbabasa ka ba rito?" Pabulong kong tanong. Bawal kasi ang malakas ang boses rito, papagalitan ako. Hahaha.

"Uh.. oo.." Sabi niya at tumango. Ngumiti naman ulit ako.

"Sandali. Maghahanap lang ako ng libro. Diyan ka lang." Bulong ko ulit bago tumayo at naghanap ng libro. Nang makahanap na ko ng libro umupo ulit ako sa tabi niya.

"Tara, sasamahan kita magbasa." Sabi ko at binuklat ang librong nakuha ko. Nagsimula na akong magbasa pero napansin kong nakatingin siya sakin kaya taas noo ko siyang tinignan. Nataranta naman siya at pinako ang tingin sa libro.

Natawa ako, "Buksan mo na 'yang libro mo at magbasa ka na."

"O-Okay." Sabi niya at mabilis na binuksan ang libro. Napangiti nalang ako at binalik ang pagbabasa ng librong nakuha ko. Hindi naman ako mahilig sa libro kaya bigla rin akong tinamad magbasa. Inangat ko nalang ang tingin ko kay Sean at nakita kong seryoso ito sa binabasa.

Pinagmasdan ko ang itsura niya. May itsura rin pala itong si Sean. Singkit ang mata at bumabagay ang iilang bangs na nakalantad sa noo niya. Matangos rin ang ilong at napansin kong may nunal siya sa pinakatuktok nito pero maliit lang. Maganda rin ang pagka-curve ng labi niya. Talagang kung aayusin niya lang ang pananamit niya paniguradong mas mapapansin ang pagkagandang lalaki niya.

Tumango tango ako sa naisip kaya bigla niya akong napansin at kumunot ang noo niya. Hahahaha muka akong baliw na tatango tango sa harap niya.

"B-Bakit?"

"Ang gwapo mo pala." Direktang sabi ko. Kita ko na ngayon ang pagpula ng kaniyang mukha. Hahaha nahihiya ba siya?

Umiwas siya ng tingin.

"Oo, Sean. Seryoso. May itsura ka." Sabi ko pa.

"M-Magbasa ka nalang." Sabi niya at binalik ang tingin sa binabasa.

"Nako Sean, 'wag mo ikahiya 'yang itsura mo. Sayang 'yan pwedeng pagkakitaan."

Napaangat ulit ang tingin niya sakin, "Pagkakitaan?"

"Oo, mamakla ka." Ngumiwi agad ang itsura niya sa sinabi ko kaya napatawa ako ng malakas. Bigla naman kaming sinuway ng nagbabantay rito sa library kaya napatakip ako ng bibig at nag-sorry.

"Ayan napagalitan ka tuloy," Mahinang sabi ni Sean. Napakamot nalang ako sa ulo at napanguso dahil sa sinabi niya.

"Labas na nga tayo rito."

Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko. "Sige. Saan tayo pupunta?"

Napatitig ako sakaniya. Nagiging komportable na ulit siya sakin. Nakakatuwa naman.

"Sa room na. Nag-uwian na yata 'yung mga AM session." Sabi ko at ngumiti. Napatitig naman siya sakin ng ilang segundo bago dahan dahang sumingkit ang mata at ngumiti sakin.

"Hala!" Napahawak ako sa bibig ko. "Bakit ka ngumingiti ha?"

"Wala. Masaya lang." Sabi niya at tumayo na. Tumayo narin ako at sinundan siya. Dumiretso siya sa book shelf para ibalik ang hiniram naming libro.

Habang binabalik ko ang mga librong hawak ko nagulat ako ng ilagay niya ang dalawa niyang braso sa magkabilang gilid ko. Nakakulong na 'ko ngayon sakaniya. Humarap ako at tinignan siya.

Nakita kong sobrang pula na ng mukha niya habang nakatitig sakin. Hindi naman ako makahinga ng maayos dahil sobrang lapit niya sakin.

"A-Ang cute mo.." Sabi niya at nilapit ang kaniyang labi sa aking noo. Hindi ako nakapagsalita at napatulala na lang ako sakaniya.

Nang bitawan niya ang noo ko, nanlaki ang mata ko ng may isang taong padarag na hinila si Sean at sinuntok.

"Kenrick!"

Continue Reading

You'll Also Like

2M 92.2K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
27.4M 699K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...