Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 4

85 2 0
By kristineeejoo

CHAPTER FOUR


"Anong gusto mo, Sean? Libre ko na." Sabi ko ng makapasok kami sa Canteen. Mabilis siyang umiling sakin. Kumunot naman ang noo ko dahil dun.

"Ako na manlilibre, Katrine." Sabi niya at nginitian ako. Nagulat pa ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko at hinila papunta sa nagtitinda ng kanin at ulam.

"Chicken, gusto mo?"

"Uhm.." Tinignan ko ang kulay brown niyang mata. "Ako na magbabayad ng akin. May pera naman ako, Sean."

"Minsan ko lang gawin 'to sa isang tao, Katrine. Pagbigyan mo na 'ko." Sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi tumango nalang. "Hinatayin mo nalang ako dun sa bakanteng table."

Tumango nalang ako at sinunod siya. Umupo na ako sa silya at pinatong ang dalawa kong braso sa table. Hindi ko mapigilang panoorin ang kilos ni Sean. Napangiti ako ng malamang nagiging komportable na siya pag kausap ako. Siguradong masasanay narin siya makipag-usap sa ibang tao.

Napatigil ako sa pag-ngiti ng may tumabi sakin. Nagulat ako ng makita na si Kenrick ito. Ginagawa niya rito?

"Akala ko ba ako ang kasabay mong kumain?" Taas kilay niyang tanong. Lumakas ang tibok ng puso ko at napalunok bago nagsalita.

"Pinagbigyan ko lang si Sean na sabayan siyang kumain." Paliwanag ko at iniwas ang tingin sakaniya.

"Bakit nakangiti ka habang nakatingin sakaniya?" Napatingin ako sakaniya ng bigla niyang itanong. "Huwag mong sabihin na may gusto—"

"Wala! Ano ba 'yang nasa isip mo? Wala akong gusto sakaniya!" Sabi ko at napahilamos ng mukha. Bakit lahat nalang sila pinipilit na may gusto ako kay Sean? Kanina pa sila ah. Simula ng makita nilang niyakap ako ni Sean, kinakantyawan na nila kaming dalawa. Kainis.

"Katrine," Napatingin ako kay Sean ng dumating siya na dala ang pagkain naming dalawa. Nakatingin siya ngayon kay Kenrick. At kita ko ang takot at pamumula sa mukha niya.

"Sean, 'wag mo nalang pansinin ang lalaking 'yan okay? Pagulo lang 'yan satin." Sabi ko na kinukuha ang atensyon ni Sean. Kanina pa kasi siya nakikipagtitigan kay Kenrick.

Tumikhim nalang si Kenrick at prenteng sinandal ang kaniyang likod sa sandalan ng inuupuan niya. Umupo narin si Sean at tahimik ng kumakain. Hindi na siya komportable dahil kay Kenrick.

"Salamat nga pala sa libre, Sean." Nakangiting sabi ko.

"Tss!" Rinig kong singhal ng walang hiya sa tabi ko. Kainis 'to!

Umangat ang tingin sakin ni Sean, "Walang anuman. B-Basta para sayo."

Magsasalita pa sana ako ng makarinig nanaman ako ng 'Tss!' sa lalaking katabi ko kaya napapikit nalang ako at pilit na nginitian si Sean.

"Sige lang, kain ka lang diyan. 'Wag kang mahiya sakin ah?" Sabi ko.

Umiling si Sean, "H-Hindi naman ako nahihiya."

Kunwari pa akong natawa. "Ba't namumula ka? Nahihiya ka eh."

"Tss! Pabebe!" Rinig kong bulong ni Kenrick kaya tinadyakan ko na ang paa niya sa gilid ko. Wala naman siyang naging reaksyon dun dahil matalim ang titig niya kay Sean. Napahilamos nalang ako ng aking mukha at nagsimula ng tumayo.

"Sorry, Sean. Sa susunod nalang tayo kumain ng sabay. May naaaninag kasi akong demonyo sa paligid eh." Pilit na ngiting sabi ko kay Sean. Napatayo narin si Sean at kinunutan ako ng noo.

"K-Kung ganon, tara na sa room?" Nahihiya pang aya niya.

Umiling ako, "Mauna ka na, Sean. May babanatan lang akong demonyo."

"B-Babanatan na demonyo?" Inosenteng tanong niya. Hays.

"I mean, may dadaanan pa ko." Kunyari pang pagtatama ko. Ilang sandali niya pa akong tinitigan bago tumango at dinala ang kaniyang pagkain palabas ng Canteen at naunang pumunta ng room.

Bumuntong hininga ako at hinarap si Kenrick. "Ano bang problema mong lalaki ka? Kainis ka."

Tumayo narin siya at tinignan ako. "Buti naman at pinalayas mo na ang anghel rito."

"Paanong hindi ko gagawin 'yon eh nakakabastos ka na." Sabi ko at napapikit pa sa inis. "Nag-uusap kami nung tao. Hindi na siya komportable dahil sayo."

Nagkasalubong ang kilay niya, "Wala naman akong ginagawa."

"Meron!" Asik ko. "Puro ka singhal diyan! Hindi ka nalang manahimik. Alam mo namang hindi komportable makipag-usap 'yon si Sean sa iba!"

"So, kapag sayo komportable siya?" Natigilan ako bigla sa tinanong niya. Napaiwas ako ng tingin.

"Ewan ko!" Iyon nalang ang nasabi ko at tinalikuran siya. Nagulat nalang ako ng hinila niya ang braso ko at pinaharap ulit sakaniya.

"Anong gusto mo?"

Napataas ang dalawang kilay ko, "Ha?"

"Anong gusto mong bilhin?" Pagklaro niya. Ilang sandali pa akong napatulala sakaniya bago tinignan ang pagkaing nilibre sakin ni Sean. Hindi ko namang puwedeng sayangin 'tong nilibre niya.

"May pagkain na—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang kinuha ni Kenrick ang pagkaing nasa paper plate at tinapon sa malapit na basurahan. Nanlaki ang ko sa ginawa niya.

"Ayan, wala ka ng pagkain. So anong gusto mong bilhin?" Patay malisya niyang tanong. Uminit nanaman ang ulo ko.

"Bakit mo sinayang 'yon, Kenrick?" Bulyaw ko. "Hindi mo ba alam na maraming mahihirap—"

Napahinto nalang ako sa mga sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko gamit ang buo niyang palad at hinila ako papunta sa nagtitinda ng snacks.

"Pabili nga po nito, nito, nito tapos nito." Nagulat ako ng ang ang dami niyang binili at pinalagay niya ito sa supot. Grabe! Sobrang dami at puro matatamis pa! Tsk. Nagsasayang lang 'to ng pera!

"Ajskslwkksksk." Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin dahil nakatakip parin ang bibig ko ng palad niya. Tinatanggal ko 'yon pero hindi ko matanggal.

Nang mabayaran niya sa tindera ang lahat ng binili niya, hinila niya naman ako palabas ng canteen. Napabuga ako ng malakas ng hininga ng tanggalin niya ang kamay niya sa bibig ko. Muntik na akong mawalan ng hininga. Letche!

Sisimula ko na sana siyang bulyawan ulit ng ibigay niya sakin lahat ng pinamili niya sa canteen.

"Ubusin mo 'yan." Sabi niya at nilagay ang kamay sa dalawang bulsa. "Ayokong may iba kang kasabay na kumain bukod sakin. Ayoko rin na ngumingiti ka na parang abnormal sa iba."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, tinalikuran niya nalang ako. Napanganga nalang ako at napatulala sakaniya habang papalayong naglalakad. Ilang sandali akong nakatayo sa kinatatayuan ko habang yakap yakap ang mga binili sakin ni Kenrick bago sinimulang maglakad narin at bumalik sa classroom.

Mabilis akong pumunta sa silya ko. Nagulat ako ng may kumuha ng isang chichirya na hawak ko.

"Ang dami naman niyan, penge ah!" Si Jared. Sino pa bang ibang buraot dito kundi siya lang. Hays. Bumuntong hininga nalang ako at hinayaan siya. Binuksan ko ang bag ko at pinasok dun ang mga binigay sakin ni Kenrick. Hindi ko naman kasi mauubos lahat 'yan ngayon, tss.

Nang mailagay ko ang mga snacks sa aking bag, bigla kong nakita si Sean na nakatingin sakin at sa bag ko. Hindi ako makatingin sakaniya ng maayos. Mukhang kailangan ko mag-sorry sakaniya.

Lumapit ako sakaniya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. AP time ngayon at sa pinakadulo nanaman siya nakapuwesto at wala siyang katabi. Ang aarte naman kasi ng mga kaklase ko't ayaw nilang tabihan si Sean.

"Sean," Tawag ko. Hindi niya ako pinansin at nakatutok lamang ang kaniyang paningin sa makapal na librong dala niya. Ano naman kayang libro 'yan?

"Anong binabasa mo?" Tanong ko at sinilip pa ang title ng libro. Napanganga ako ng makitang Merriam Webster ito. At sobrang kapal pa talaga ng dinala niya ah?

"Wow, malawak siguro ang vocabulary mo?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Nagsalubong ang kilay ko at tinitigan ang mukha niya. Siguradong nainis siya sakin dahil hindi naging maganda ang pagsabay naming kumain.

Magsasalita pa sana ako ng dumating si Mrs Camilla. Ang AP teacher namin. Wala akong nagawa kundi bumalik sa upuan ko at bumuntong hininga nalang. Mamaya nalang ako magso-sorry kay Sean.

"Ipasa ang inyong takdang aralin." Mabilis kong kinuha ang notebook ko sa bag. Kinuha ko dun ang bond paper na nakaipit rito at pinasa sa harap.

"Katrine," Napalingon nanaman ako sa tumawag sakin. Si Evan. Ano nanaman kayang problema nito?

"Ano na naman 'yun?"

"Puwede pa kayang mag-pasa bukas?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Aba malay ko. Tanong mo si Ma'am." Sabi ko at nilagay na ulit ang paningin sa harap. Ang takdang aralin kasi namin ay Photo Essay at ilalagay ito sa oslo paper. Siguradong puro landi lang ang ginawa ni Evan kaya wala siyang assignment. Tss.

"Gawa mo 'ko, Katrine. Bukas ko na ipapasa."

"Ayos ka naman. Bakit ako gagawa ng iyo? Ipagawa mo sa mga babae mo, tss."

Mahina siyang tumawa. "Selos ka naman porket may babae ako."

Kinurot ko siya, "Tigilan mo nga ako. Hindi ako tulad ng mga babae mo 'no!"

"Sus, pa-hard to get ka pa." Sabi niya sabay ngisi. "Sige na, Katrine. Gawan mo na 'ko, please? Hindi kita titigilan."

Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. Bakit ba ang kulit niya? Ayoko nga eh.

"Please?" Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang mukha niya malapit sa pisngi ko. Nilalandi ba ako ng lalaking 'to? At sa harap pa talaga ng AP teacher namin? Tangina mo, Evan.

"Lumayo ka nga!" Sabi ko at binugaw ang mukha niya malapit sakin.

"Sige na, please?" Pagkukulit niya.

Napapikit ako, "Oo na!"

Lumapad ang ngisi niya. "Yehey, samahan kita gumawa?"

"Huwag na! Alam ko ang balak mo!"

"Grabe ka naman. Hindi naman masamang tao ang gwapo na tulad ko." Nangasim ang mukha ko sa sinabi niya. "Sige na, samahan na kita gumawa para may maitulong rin ako. Hehe."

"Kung gusto mong tumulong, bakit kailangan ako pa ang pagawin mo? Dapat ikaw nalang. Kasalanan mo 'yan, tamad ka kasi." Sabi ko sabay irap.

"Sige na.." Ayan na naman siya. Lumapit na naman siya malapit sa mukha ko.

Gago.

"Bahala ka sa buhay mo!"

Continue Reading

You'll Also Like

24.1K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
3.3M 78.5K 53
[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexpected event tears her world apart, her b...
173K 7.1K 78
Sa mga taong nakapaligid kay Mina at Thomas, ang alam ng lahat ay wala silang kahit anong koneksyon noon pa man. Matapos ang ilang taon, nagkita muli...
364K 24.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...