The teacher and the student

By Endless_story123

27K 310 5

Emilia "Mila" Garza, isang mabuting guro, responsable at marunong makisama sa isang estudyante. lumipat siya... More

Chapter 1: New Environment
Chapter 2: Encounters
Chapter 3: Radical psycho
Chapter 4: Boundary
Chapter 5: Unsure Frenemies
Chapter 6: Ties with the bad student
Chapter 7: Plans
Chapter 8: Not gentle
Chapter 9: Dealing with good teacher
Chapter 10: Life is not a fairytale
Chapter 11: Rom's target
Chapter 12: War game
Chapter 13: Not intended
Chapter 14: Strange things comes first
Chapter 16: No pain, I'm the player
Chapter 17: Don't drag me
Chapter 18: Why oh why
Chapter 19: Fake flirt for the win?
Chapter 20: Truth
Chapter 21: No twist feeling involved
Chapter 22: Nothing beats me
Chapter 23: You let me feel into this feeling
Chapter 24: We're bond
Chapter 25: You will always be
Chapter 26: A person's feelings or interest?
Chapter 27: Sexy world
Chapter 28: Sorrow
Chapter 29: No regrets, please
Chapter 30: Many reasons why
Chapter 31: Rommila
Chapter 32: All I ever wanted
Chapter 33: Fight for love
Chapter 34: No turning point
Chapter 35: My happy ending

Chapter 15: Something to remember

367 6 0
By Endless_story123

Mila's POV:

Nung gumising ako nung mga umaga na, napansin kong nakatulog na pala ako sa sofa at naalalang hindi pala si Gino dumating, hinintay ko siya kagabi magdamag kaya nakatulog ako mag-isa sa sofa at nakita ko na ngayon lang siya dumating, hindi ako mapalagay kung bakit hindi man lang siya nag-text o tumawag man lang.

"San ka ba galing? Hinintay lang kitang magdamag dito, hindi mo ba alam?" iritadong tanong ko, dahil naalala ko parang naghintay lang ako sa wala, parating ganito.

"Eh kasi meron na kong work babe, sorry hindi ko sayo sinabi na meron pala akong trabaho ngayon, tsaka rumaraket din ako sa mga trabaho na pwede kong pagtrabauhan."

"Eh...hindi mo na kailangang pagurin yung sarili mo, nagtutulungan lang tayo dito..."

"Alam ko naman yun eh sabagay dapat talaga ganon lang yung gawin natin, sa ngayon nakakuha na talaga ako ng trabaho, nagtatrabaho na ko sa isang kumpanya...sa isang banko."

"Wow, totoo kaya yan..."

Napansin kong parang mas lalong naging malambing si Gino sa'kin at biglang inakap niya ako ng pagkahigpit-higpit at hinalik ako sa mukha.

"Parang...ang bilis mong magbago, Gino." Pagtataka ko, kasi dapat sa ngayon maabutan ko siyang lasing pero nakakapagtaka lang ngayon makita ko siyang ganyan.

"Ano kasi...naisip ko siguro na kailangan ko lang umiwas sa pag-iinom, baka ako pa ang magkasakit niyan tsaka dapat kumikilos din ako at hindi lang ikaw yung kumikilos, dapat nagtutulungan tayo."

"Oo nga tama ka...gusto mo na bang kumain?"

Tumango siya at pumunta na kami sa kusina para ako na ang magluluto ng almusal nung para sa'min.

~~~~~

~~

Maaga pa lang, hinanda na ng katulong ang kakainin ng pamilyang Miller, dumating si Elisa para makikain at para din makausap niya ang kanyang ate, kaya umupo siya sa harapan ni Eden.

"Ate, meron ka dapat malaman!" sinabi niya ng tapatan kay Eden at meron siyang kinalkal sa bulsa niya kaya nilagay niya ito sa mesa.

"Ano yan?" tanong ni Eden at nakatingin sa kwintas na nakalagay sa harap niya.

"Yan yung kwintas na binigay ko nung pinanganak mo yung una mong anak na binenta sa kapitbahay natin."

"Kailangan mo pang bigyan ng kwintas yung batang bunga naman ng kasalanan?! Hindi ako makapaniwalang yan pa talaga yung concern mo kaysa kay Mia!"

"Ate, nakita ko tong kwintas kay Romina!"

Naubos na niya ang kalahati ng iniinom niyang juice ng marinig niya ito. "Elisa, anong gusto mong patunayan sa'kin na anak ko si Romina, pagdududa mo lang yan...at wala akong balak hanapin yung batang yon, at least dito naging tahimik yung buhay ko kasama sina Edgar at ang buong pamilya ko!"

"Ate naman, pati kagabi pinalayas mo pa yung Mama natin ng ganon-ganon na lang!"

Hinampas niya ang kanyang kamay sa mesa at napatayo sa harapan ni Elisa.

"Akala mo ba madali kong makakalimutan ang isang malaking bangungot nung dinala ko simula ng pagkabata ko! Wag mo akong diktahan na parang ako yung sobrang sama sayo, tandaan mo kung hindi ko binenta yung bata edi hindi rin ako nakapag-abroad at hindi rin kita napag-aral sa Romania!"

Nagsitinginan lang silang dalawa kaya hindi pa makapagsalita si Elisa at hinayaan na ikalma niya ang sarili niya imbes na awayin niya pa ito.

"Ate, hindi naman sa kailangan kitang diktahan na mali ka...pero sa haba ng panahon pwede natin sigurong patawarin ang nanay natin, hindi siya perpektong tao...yun lang ang masasabi ko kaya alam kong hindi siya naging mabuting ina sa'tin."

"Elisa sa tagal ng panahon, hindi ko parin siya mapapatawad, napansin mo ba na iba-iba na lang ang mga katapid natin, dahil yan sa kalandian niya! Tandaan mo na kailangan niya tong pagsisihan."

Hind nila inaasahan na darating si Joey kaya huminga na lang ng malalim si Eden at iniwasan na mairita sa kanya nung makita niyang galit ang kanyang kapatid.

"Jusko naman ate, bakit naman pinalayas mo si Mama ng ganyan?!" pagalit na tanong ni Joey sa kanyang ate.

"So...dapat ba pinapasok ko siya, sinabi ko na sa usapan natin na ikaw lang ang pwedeng pumunta at ang matandang babaeng iyon ang hindi pwede."

"Ano ka ba, parang hindi mo na siya binigyan ng respeto!"

"Ako pa ngayon ang may kasalanan dito! Iniwan niya kami ng matagal na taon...hindi man lang inalala kung okay lang kami ni Elisa, umaasa lang ako na babalikan niya kami pero hindi, hangga't sa napahamak lang ako ng lintik kong tatay na yan!"

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Dahil sa kanya napahamak pa ko, walang alam tungkol sa nangyari sa'min nina Elisa...naging mas malala pa yung buhay namin sa bilanguan!"

Bigla si Eden sa kusina sa sobrang irita at sinundan siya ni Joey kung saan siya pupunta at sinubukan na kausapin parin ang kapatid, habang kinuha ni Elisa ang kutsara na ginamit kanina ni Eden habang kumakain, dahil balak niyang malaman ng pinagdududa niya tungkol sa nakita niyang kwintas.

Pumunta si Brenda sa kusina at naririnig kanina ang bangayan ni Joey at ng kanyang ina na si Eden.

"Mom, ba't po ba nag-aaway kayong dalawa?" tanong niya sa kanyang ina at napatingin ito sa kanya nung hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kay Joey.

"Wala...meron lang kaming konting pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."

"Wag niyong sabihin meron nanamang issue si Dad, isn't it?"

"Hindi ito tungkol sa kanya, yan kasing lalaking yan...medyo galit na galit, basta gusto ko na lang tuloy kumain ng dessert para mawala yung stress ko kahit papano."

Umalis na rin pagkatapos, kaya wala na rin masabi si Joey kaya umalis na rin ito, maya-maya ay dumating na si Antonella at hindi niya inaasahan ang pagdating nito.

"Pasensiya na dahil hindi ako agad nakarating...pero I say that gusto lang kitang kamustahin as always." Nginitian niya si Brenda pagkatapos at nagtaka na lang si Brenda sa pagdating niya.

"Bakit hindi mo man lang ako sinabihan?"

"Well...sorry akala ko kasi masasabihan kita agad, nagmadali na lang ako pumunta...alam mo ng hindi ko rin pwedeng pabayaan yung grupo ko."

"Ayoko din ng parang aso't-pusa kayo ni Romina ng dahil lang sa'kin."

Natuwa siya ng marahan at inakbayan niya si Brenda ng may lambing.

"Bren, hindi ako tulad ni Romina....hindi ako mapaglaro sa babae...kaya nga hindi mo pansin na asang-asa si Mitch sa kanya, dahil ganyan niya lang itrato ang ibang tao, parang laruan ka lang...soon na pinag-sawaan ka lang then iiwan ka lang."

"Antonella, alam kong hindi ka nga ganon at iba kayo ni Romina...pero hindi ibig sabihin non madali akong makamove-on sa kanya, kahit anong gawin ko parin, siya yung naiisip ko."

"Akala ko pa naman na magiging okay ka na pero ang saya natin kagabing sumayaw."

Inalis niya ang pagkakaakbay ng kamay ni Antonella sa pagkairita niya. "Sa tingin mo ganon ko na lang siya kakalimutan! Minahal ko siya ng todo...nagtagal pa yung relasyon namin...pero hindi ko inaasahan na sisirain niya lang ng ganito."

"Kaya mas maganda na mahalin mo na lang ako."

"Pagkatapos ano...magiging props na lang ako sa inyo, hahayaan mo lang akong paglaruan ng mga iba mong kasamahan, basta magawa mo lang yung gusto mo kontento ka na!"

"Brenda i told you na hindi nga ako ganon!"

"Like katulad din nung pinaggagawa ng isa sa mga kaibigan mo na si Kenneth, hindi na na kuntento sa sex, anong tingin niyo sa'min parang sex doll?! Pang-entertain niyo lang kami kapag masyado kayong horny tapos pag ayaw niyo na maghahanap kayo ng iba!"

"Hindi ko na kailangang ulit-ulitin yung tungkol kay Kenneth, maayos na sila ulit ni Bruce."

"Tapos mag-aaway sila ulit!"

"Bren—" naputol ang kanyang sasabihin nung tinulak siya ni Brenda palayo sa inis. "Umalis ka na lang pwede, ayokong pinaglalaruan ako!"

Nanatili lang si Antonella na nakatayo lang sa harap niya kaya nilayasan na lang niya ito sa inis at hindi mapigilang maging emosyonal nung nasa labas na siya ng garden.

~~~~

~~

Ngayong hapon papunta na ako sa mansion, napansin kong tahimik ang lugar, kaya nung pumasok ako sa loob ng kwarto ni Romina, wala siya doon para sana turuan siya. Sinubukan ko siyang hanapin pero wala talaga siya sa buong mansion, dumating si Cosmina at nagulat siya nung dumating ako.

"Ah...ma'am, si Romina po ba yung hinahanap niyo?" tanong niya at tumango lang ako agad. "Eh...hindi ko po alam kung saan yun pumunta, di ko alam kung anong gusto ng babaeng yan sa buhay niya..."

"Ganon na nga eh...sayang lang kasi kung palaging gusto niya ng ganito...yung nadadamay sa away o gulo tapos hindi nag-aaral, paano pa kaya siya magkakaroon ng magandang buhay niyan?"

"Buti pa po kayo medyo nag-aalala para sa kanya pero yung dati naming teacher si Nelli, walang pakialam sa kanya, minumura niya pa ng todo si Romina dahil sa mga pasaway niyang ginagawa."

"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, sobra naman ata yung murahin mo ang sarili mong estudyante, sobrang mali yon.

"Wala po eh, maraming may ayaw sa kanya...tsaka kayo po ba hindi na nagsasawa sa kanya?"

Hmm...napag-isipan ko nga so far, pero I guess nakakasawa din talaga siya pagdating sa mga pinag-gagawa niya, pero kung iisipin ko naman yung ginagawa ko sa kanya, malaking tulong na ang nagagawa ko sa kanya, hindi niya inisip na swerte siya dahil naisip lang ni Dan ang kapakanan niya at gusto lang niya talaga ito pumasa ngayong grade.

Minsan talaga ako nagagalit pero for some reason nandyan parin ang konting awa kaya tinutuloy ko parin ang pagiging personal tutor niya.

"Cosmina...sa totoo lang, nakakasawa talaga yung mga pinaggagawa niya ever since pero dahil gusto rin siya ni Dan tulungan kaya gusto ko rin siyang tulungan..."

"Ako rin nga po sa totoo lang, gusto ko siyang tulungan pero meron po talaga siyang katigasan ng ulo."

"Alam ko, sa tingin ko makakahintay pa ako ng ilang oras..."

Sinubukan kong maghintay ng kalahating oras pero it seems hindi pa darating si Romina kaya ako ang pumunta sa kwarto niya, para isulat sana ang mga important notes na kailangan niyang isulat, pero hindi ko na dadamihan ang definition baka hindi man niya iintindihin iyon.

Nakita ko na meron pala siyang sariling printer sa tabi ng coffee table kung saan nakalagay ang laptop niya na may design na graffiti na nakasulat ang kanyang pangalan doon na may design pa ng isang vector na tao. Binuksan ko ang kanyang laptop para isulat sa document ang mga dapat niyang basahin, nakita ko na kanyang desktop cover ang kanyang picture na mas lalong mukhang sigain dahil may suot siyang leather jacket at habang nakatayo malapit sa motor niya.

Meron akong nakitang folder na nakasulat ay stalking files, mabuting tinignan ko iyon para makilala ko pa si Romina, pinanood ko ang unang video yung nakita ko agad sa thumbnail na ako yung nakahiga sa sahig, nung sinimulan ko itong panooorin narinig ko ang hiyawan ng lahat.

"Wooo! Ano na yung binabalak mo, Roms?!" excited na pasigaw ni Kenneth kay Romina, habang rinig ko ang ingay ng mga students sa video.

"Well...pababagsakin natin, papakita ko sa kanya kung gaano ako kabangis!"

Nakita kong binuhat niya ako habang vinivideo lang ni Kenneth ang ginagawa ni Romina pero narinig kong boses ni Brenda na sumigaw at hinarangan pa sila.

"Hoy tigilan niyo yan!" tinulak lang siya ni Kenneth at tinuloy na nila ang gagawin nila sa'kin, hangga't sa nalaman kong dinala nila ako sa grade 12 building, sa banyo ng mga girls.

Binaba na ako ni Romina sa sahig ng habang hinihintay lang ni Kenneth yung gagawin ni Romina.

"Ano na Roms, bilisan mo na...baka isipin ng iba bastos ka!"

"Ano ka ba, hindi naman ako nagmamadali...tsaka ganyan din naman sa honeymoon noh, hindi nagmamadali sa oras..."

"Gawan mo na ng palabas..."

"Sige, bantayan mo na yung banyo...gagawin ko pa tong private show!"

"Osya...gagawin ko na."

Kinuha ni Romina ang camera at nakitang paalis nga si Kenneth at nag-stay lang sa labas ng pintuan sa entrance ng banyo, nilagay niya ang camera sa ilalim niya at napansin kong hinubad niya ang kanyang t-shirt at nagulat na lang nung nilapitan ako, hindi ko medyo nakita...pero nakita kong pinaghahalikan niya ako sa leeg at hinahawakan niya ang maseselang bahagi ng katawan ko, narealize ko na yan pala yung buong nangyari nung first day.

Hindi ako makapaniwalang pinagsamantalahan niya ako kaya hindi ko na natuloy ang gagawin ko at sobra kong inis sa kanya, kaya pumasok ako sa loob ng kwarto ni Cosmina at nakita kong naglalaro sila ni Mia ng monopoly.

"Cosmina, meron ka bang number ni Romina?" tanong ko pero umiling agad. "Sorry po kasi wala akong number niya, kahit kelan hindi kami nag-tetext niyan over phone...kahit pa chat." Nadismaya lang ako nung marinig iyon.

"Eh kasi hindi sumasagot si Mitch sa tawag ko kaya gusto kong malaman kung sino sa mga kaibigan niya na merong alam sa number ni Romina."

"Meron po ba siyang ginawang masama, Ma'am?" pagtataka ni Mia.

"Wala naman...kasi meron lang akong gustong importanteng sasabihin sa kanya."

"Meron po akong alam na baka naka-save parin yung number ni Romina sa kanya, kay Brenda..." sinulat ni Cosmina ang number niya sa isang piraso ng papel at binigay niya iyon sa'kin.

"Salamat sayo Cosmina, sige kailangan ko na siyang tawagan ngayon."

Lumabas na ako ng kwarto niya para tawagan na agad si Brenda, mga ilang minuto lang ay may sumagot ng linya ng tawag.

"Brenda?"

|Um...Ma'am, bakit po kayo napatawag?|

"Pwede mo bang ibigay yung number ni Romina."

Matapos kong kopyahin ang number niya, sinubukan ko na siyang tawagan ulit pero hindi siya sumasagot kaya mas lalo akong nanggigil, nung pasukan nanaman sa school magkasama kami sa faculty pero ako tong hindi makaget-over doon sa napanood ko sa video, mas matindi pala sa SPG ang nakita ko!

Pero habang nakaupo lang ako sa mesa ko habang tumitingin lang sa laptop, kinalbit ako ni Dina at napatingin sa kanya.

"Hoy, ano bang nangyari sayo?" tanong ni Dina dahil ngayon mukha akong stress.

"Naalala mo ba yung ginawa sa'kin nung first day?"

"Anong first day, nung oras na pumasok ka palang nung baguhan ka?"

"Oo nung oras na pinaglaruan ako ni Romina...nakita mo ba kung anong ginawa niya sa banyo?"

Napaisip lang ito ng saglit pero umiling agad. "Eh...hindi ko nakita si Romina sa banyo eh, basta ko lang nakita na ikaw natutulog doon eh, ba't mo naman tinatanong yan?"

"Basta gusto kong makausap si Romina tungkol diyan...sobra na akong nanggigigil sa kanya..."

"Easy lang Mila, baka mawalan ka ng sweldo sa gagawin mo."

"Hindi ko naman sasabunutan eh tsaka...matino naman akong teacher."

Nung magsisimula na ang klase dumiretso na ako sa classroom at nakitang nasa harap ng upuan si Romina, sa gitna na ng second row. Buti na lang hindi siya late pero napansin kong parang meron siyang kinakausap or it's just kinakausap niya lang ang sarili niya.

Agad ko na siyang nilapitan kaya natawa na lang ito nung makita niya ako.

"Oh Ma'am, gusto niyo ba akong bigyan ng free recitation or what?" Sarkastikong tanong niya na kinatawa ng iba.

Hinila ko ang kamay niya kahit walang pwersa iyon na matayo ko siya sa inuupuan niyang armchair. "Mag-usap tayo sa labas!"

"Ma'am naman, bakit kailangan pa nating mag-usap sa labas...like you got to be kidding me!"

"Seryoso ako, anong gusto mo na ako pa yung gumawa ng skandalo dito at idemanda ko yung mga gangster...na grupo niyo diyan, hindi ako nakikipagbiruan!!"

Napatingin sa'kin ang mga kaibigan ni Romina at natawa lang si Romina doon, akala niya nakikipagbiruan ako sa kanya.

"Tumayo ka na at mag-uusap tayo ngayon na."

Hindi ko mapigilan na ilabas ang sama ng loob ko at hindi inaasahang mahampas ang mesa sa harap niya kaya dahan-dahan na siyang tumayo pero marahan siyang tumawa kaya kusa siyang sumama sa'kin hangga't sa labas na kami ng classroom at sinampal ko siya ng malakas.

"Ano ka ba! Hindi ako makapaniwalang binaboy mo ko!" galit na sabi ko, natawa nanaman siya sa pinagsasabi ko kaya mas lalo lang akong naiinis.

"Ma'am naman, wala naman tayo sa babuyan..."

"Seryoso ako! Hindi ako makapaniwalang ganyan pala yung mga pinag-gagawa mo sa'kin, ginagahasa mo lang ako sa banyo at akala pa ng iba ay naglalasing ako don o kung anong ginagawang kalandian!"

"Nanggahasa, oh f*ck give me a break!"

"Idedemanda talaga kita!" tinulak ko siya ng palayo sa sobrang inis ko, tinignan ko sa bintana na tinitignan na ako ng mga ibang students pero nung tignan ko sila, bigla silang tumingin sa ibang direction, iniiwasan nilang mahuli ko sila.

"Ma'am, anong pinag-sasabi niyo, now your calling me rapist?!"

"OO Bakit! Takot ka ba na idemanda kita at ma-expelled kung sakaling isumbong kita kay Ma'am Eden sa mga pinag-gagawa mo."

"Oh come on...kung ang mga boys ay horny, mga girls ay paasa...then yung mga anak ay laging rebelde, and paano pa ako naging rapist? Come on, walang girl-rapist like me!"

"Kahit na, nakita ko na at alam ko na...wag mo na akong paikutin at gawing tanga, Romina!"

"Ma'am...kung ginagawa kitang tanga edi sana sinabi kong porn yung nangyari sa banyo, duh!"

Inis na inis talaga ako sa mga kapilosopong biro niya, hindi na siya nakakatawa...hindi ko talaga alam na isang katulad niya ang gagawa ng ganon...ang malaswa!

"Yung video Romina, nakita ko na ang buong nangyari...sobra mong sama, after all sinusubukan kitang pakisamahan at inintindi, pinagtakpan pa kita kay Dan ng isang beses man lang...para mapatunayan na concern ako sa mga katulad mo, pero ngayon...alam ko na ang totoo."

Hinila niya ako ng pabalik nung aalis na ko sana.

"Ma'am naman, why do have to do that? Bakit kailangan niyo pang magdemandahan tayo? It's all part of the game."

"Naging part of the game yung panggagahasa mo!!"

"Ma'am Mila...you have to take a chill, sarili mo lang yang term...I do that for fun, not para takutin ka, ikaw kasi masyadong matigas ang ulo mo noon kaya ko lang yun ginawa."

"Romina, wala ng biruan...gusto niyo magsumbong pa ako ng pulis, gusto mo ipakulong kita...ipapakulong ko kayo ni Kenneth, gusto niyo?"

Napatigil siya sa pag-ngiti nung narinig niya ang seryoso kong tanong, napaurong ako nung lumapit siya hangga't sa napaurong na ako sa pader dahil na lang sa bangis ng kilos niya, na parang ang kanyang 'threatening look' ang nagpapakaba sa'kin.

"You know hindi ako takot kung isusumbong mo pa ako kay Ma'am Eden or isusumbong mo ko sa pulis, akala mo lang na weak ang gang ko pero you are very wrong, pwede ko din paglaruan ang asawa mo if you like, hinding-hindi pwedeng mawala ang grupo ko, I realize ikaw kasi yung pinakamagandang na-stalk and to mess with."

Lumapit ang mukha niya kaya muntik ko na siyang nasampal pero nahawakan niya ang kanang kamay ko ng may pagkahigpit-higpit, tumawa lang ito ng pasarkastiko at umalis na. Hindi ako makapaniwalang meron pa siyang paraan kaya hindi ko na tinuloy ang kanyang demanda.

Pero meron pa akong natitirang paraan para diyan, kailangan ko na sigurong tigilan sa kakaturo kay Romina, kaya kailangan ko ng tigilan ang pagiging tutor niya baka ako pa ang mapahamak sa kanya, kaya pumunta na ko sa mansion nung matapos na ang buong oras sa klase. Nung pagpasok ko sa loob, nagkita kami ni Elisa pero paalis sana siya kaya hindi na niya natuloy na balak umalis.

"Oh Mila, buti nagkita tayo...aalis sana ako kasi meron pa akong kailangang asikasuhin."

"Busy ba si Dan sa trabaho?" tanong ko.

"Oo busy rin siya sa work niya tapos meron pa siyang finufocus sa kanyang charity work...kaya mas busy siya ngayon..."

"Sorry kung maiistorbo ko siya ngayon pero gusto ko siyang kausapin."

"Bakit? Anong meron??"

"Merong kabalastugang ginawa si Romina kaya gusto kong malaman niya."

Tinawagan niya sa cellphone niya si Dan at buti na lang makakapaghintay ako na darating ito, nung dumating siya mukhang na-surprised siya nung makita pa nandyan si Elisa.

"I thought your now at work." pagtataka ni Dan pero agad niyang nilapitan si Elisa para halikan sa mukha. "Oh...Dan, it's just Mila wants to talk to you, you are right about that...I was going to attend to my very important meeting today."

Umalis na si Elisa dahil meron pa siyang kailangan puntahan kaya naiwan lang kaming dalawa ni Dan.

"So...you have to tell me, what is this all about?" tanong niya.

"This is all about Romina, I don't think that I can handle her anymore...you see that she did so many mean things about me, I always suffered to get trip by her, bullied and played by her mostly...I wanted to tell you when I become a new teacher and I was so excited about going school, I realize Romina did something terrible to me."

Nanlaki ang mga mata niya na parang mas lalong gumising ang diwa niya. "What is it, Emilia?"

"It is about when Romina starts tripping me, I disobey when she tried to play truth or dare with me, she let me drink the orange juice...I did because she said it was clean, after that I fall asleep then she raped me!"

Nagulat na lang siya sa pinaliwanag ko at mukhang hindi makapaniwala. "How did that happen, it is impossible, like she can rape you...as you speak."

"She did, I have a proof...there's a video that she was recording it though...so please, I don't even want to get harm even more...I don't know if I can stick with this offer right now. Maybe I should stop."

"You don't have to do that, now your other family need money and I want to help them by taking Romina a step to learn further and to have her better future, I know you're the best teacher that I'm not guilty to hire you to be her personal tutor."

Tama kasi si Dan, hindi ko nga matanggi yung offer niya dahil agad sa instant na akong mabibigyan ng pera in just one week, kaya natutulungan ko pa yung kapatid ko pati na yung mama ko na currently inaalagaan ng bunso kong kapatid at meron siyang sakit sa puso.

Pero ayoko din na puro ako abuso dahil kay Romina, it will be unfair, right?

"I understand how much you treated Romina for being fair and nice to her. I know I can do something about it...maybe I have to punish her for what she did to you was very unfair, i can't believe she would do such a horrible thing...I mean I can't believe she could do that on you."

"It was...but what are you planning to do with her?"

"I know what punishment will be better, I know what Romina hates...just request Eden for a punishment to her, I know she understand, just bring the proof."

"Okay."

Buti na lang meron akong Flash drive na pwede kong kunin yung video ni Romina na nakalagay lang sa desktop na ang folder non ay pangalang 'stalking files' kinopya ko para maniwala si Ma'am Eden sa'kin, kaya tinawagan ko muna sa phone si Dina, dahil hindi pa umuuwi sa school.

"Dina, nandyan ba si Ma'am Eden sa office."

|Yes, Mila...nandito pa siya.|

Perfect!

Hindi ko na sinayang ang oras kahit babalik nanaman ako sa school para kausapin siya, pumasok ako agad ng principal's office para ipakita sa kanya ang buong video na kinopya ko sa'king flashdrive. Parang nagulat lang si Ma'am Eden nung mapanood na ang buong video, nung tapos na niyang panoorin ang video at mukhang nadismaya nung mapanood niya.

"Hindi ako makapaniwalang....mas malala pa to sa Fifty shades of Grey if you know what I mean..."

"Actually alam ko po yun...eh meron na po akong proweba pero hindi niyo na po siya kailangang I-expelled kasi hindi rin po siya matututo kung ganon..."

"Well hindi ko rin tinotolerate ang mga sexual activity na tulad nito...this is a shame that pinaglaruan ka lang sa banyo, tama ka na dapat hindi siya i-expelled or else baka nga makabiktima siya ng ibang teacher kagaya mo."

"Well can't you believe na na-rape ako sa isang babaeng yan!"

Natulala siya nung sinabi ko ang mga iyon na parang hindi rin siya makapaniwala, kaya kunwari pa siyang umubo para lang ma-gets ako bago pa siya magsalita.

"It is...pero sa isang girl talaga, hindi ako makapaniwala sa mga kabataan talaga. Alam kong nandito ka for request punishment, right?"

"Yun na nga po Ma'am Eden, sabi po kasi ni Dan na pwede niyo kong tulungan diyan, sinabi ko na rin po sa kanya ang lahat kaya gusto ko pong malaman kung anong pwedeng punishment yan."

"Edi meron akong punishment kay Romina at Kenneth, total sila ang eksaktong nasa video eh, sila ay ipaglilinis ko ng buong month, gagawa ng community service sa school natin...makikitulong sila ng advance sa papalapit na Eco-day, cinecelebrate lang yon dito sa school natin."

"Mukhang maganda po yan, pero paano kung tumakas sila..."

"Ipapabantay ko pa sa mga pwede kong ipabantay, sa hapon nila gagawin...dahil gagawin nila iyon sa oras ng uwian, sa tingin ko siguro isa iyon sa mga magandang idea. Ipapabantay ko na lang kay Mia at Julissa total sila naman yung mga girls scout na pinagkakatiwalaan ko."

"Wow...thank you po, hindi ko po expect na buti gagawin niyo yon."

"Masama kasi ang rape kaya dapat malaking consequences ang gawin sa kanila, tapos sa susunod na buwan...sila yung tagalinis ng banyo para hindi na mahirapan ang janitor, ganon din ang gagawin niya sa sabado...dahil laging madumi sa junior high building..."

So far, hindi ko talaga gustong pahirapan si Romina, tama kasi si Ma'am Eden...kung ipapa-expelled ko pa yan edi makakabiktima pa ng iba yan kaya dapat niyang harapin ang malalim na consequences, pero sana wala siyang gagawing masama o kaya kung ano pa. natatakot lang ako na baka paglaruan niya ako ng paulit-ulit. 

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 368 73
[Volume 01] " All stories must come to an end, But not all are said to have a Happy Ending." Written by: Shaun_writes Date start:03/27/17 Date Finis...
48.4K 1.5K 53
Loving her is a new feeling to her. Loving her awakened her fear-filled heart. Loving her made her even more afraid of herself. To love her is a sinn...
1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...