Getting Back Together

By shyhen

9.9K 306 56

Sequel of Be My Man. More

Getting Back Together
Prologue
Chapter 1: Bat siya pa
Chapter 2: Leave
Chapter 3: Iba na siya
Chapter 4. It will be okay?
Chapter 5. Forget Him
Chapter 6. I don't love her.
Chapter 7. Heard
Chapter 8. My Life
Chapter 9. Curious.
Chapter 10. Pregnant
Chapter 11. Disneyland!
Chapter 12. Eisa Cruz
Chapter 13. Find out.
Chapter 14. Promise.
Chapter 15. Mio.
Chapter 16. Finally.
Chapter 17. Possessive.
Chapter 18. Vacation
Chapter 19. Change.
Chapter 20. Life
Chapter 21. Hug and Kisses.
Chapter 22. It's the right thing.
Chapter 24. Letting Go.
Chapter 25: Revelation
Chapter 26: Mio Zayn Rivera I
Chapter 26: Mio Zayn Rivera II
Chapter 27. Again.
Chapter 28: London.
Chapter 29: Ignite.
Chapter 30: Deem.

Chapter 23. Last Kiss.

138 3 0
By shyhen

|A L T H E A. Z A R A|

Ilang araw na akong niyayaya nila Mica para magkita kita pero hindi ko pa rin sila pinagbibigyan. Ang dami ko na ngang palusot at nauubusan na ako.

Napabangon ako sa kama ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Alam kong nailock ko 'yun. Narinig ko ang boses nila Mike kaya paniguradong sila ang nagbukas.

"Beshie! " Rinig kong boses ni Mica.

"Yan ba ang busy? Kahiga ka lang naman eh" sabi naman ni Mike.

"Sinong nagsabing magpunta kayo dito? " sabi ko.

"Ay ang sungit. Meron ka ba? " sabi ulit ni Mica.

Napailing nalang talaga ako. Tama talaga ang hinala ko kapag tuloy tuloy ang pag tanggi ko bigla bigla nalang silang pupunta dito. Naupo sila Kervin at Andrew sa sofa si Mike at Mica naman nahiga sa kama ko. At nakita kong palapit sa akin si Mio umupo siya sa tabi ko.

"Na miss ka namin Thea" sabi ni Andrew.

"Di ka niya miss" sagot naman ni Mica.

Hindi ko pinapakitang hindi ako okay dahil ayokong magtanong sila at ayoko rin namang mag kwento. Pero alam niyo ba 'yung sinasadya ka talaga ng tadhana alam niyo ba 'yung ikaw yung paboritong laging sinasaktan. Kasi feeling ko talaga sinalo ko lahat ng sakit eh. Makita ko lang si Mio ang hirap ng huminga eh.

"Are you avoiding me? "

Oh My God. Nakailang pikit ako at ilang beses huminga ng malalim. Hindi naman mahirap ang tanong niya eh pero bakit nahihirapan akong sumagot.

"No.Im just tired."

"Hindi ka pumapasok paano ka napapagod?"

Pagod na pagod na pagod na ako Mio. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong ipaglaban ka pero sa huli hindi naman ako ang pipiliin mo. Pagod na ako. Ano ba ang dapat kong gawin.

Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko.

Dumiretso ako agad ng banyo dahil hindi ko na kayang pigilan ang pagtulo ng luha ko. Tinatakpan ko ang bibig ko para hindi nila ako makarinig.

"Beshie okay ka lang? "

Rinig ko ang pag katok nila sa banyo. Pero hindi ko magawang sumagot.

"May sakit ka ba Althea? " rinig kong sabi ni Kervin.

Althea naman wag ka ng umiyak lakasan mo naman ang loob mo. Napaka iyakin mo talaga kahit kailan.

--

We have a date. Niyaya ako ni Mio para mag dinner dahil hindi na raw kami nakakalabas at hindi raw niya ako nakakasama. Pumayag ako para kahit papano hindi niya mapansin. Gusto kong maging normal pa rin ang lahat sa amin.

Gustuhin ko mang magalit sa kaniya hindi ko magawa. Wala eh. Sobrang mahal ko. Ganito ata talaga.

"What are you doing this past few days?"

"I just don't feel to work. Pahinga lang ako."

"Hindi mo ba ako na miss? Hindi ka nagpapakita sa akin eh. Gusto kitang puntahan pero ayaw mo" Kita ko ang lungkot sa mata niya pero walang wala ito sa lungkot at sakit na nararamdaman ko ng malamang siya ang pinili mo. Hindi ko na nagagalaw ang pagkain sa harap ko.

"Are you okay?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

Im just wondering ano kaya ang mangyayari sa akin pag wala na siya. Pag tuluyan na niya akong iwan. Magiging masaya kaya siya kay Aliah. Ako kaya magiging masaya pa.

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami. Kanina pa siya salita ng salita at nakikinig lang ako.

"I love you" sabi niya.

Huminto kami at pinagmamasdan ang city lights. Malamig ang gabi dahil sa lakas ng hangin.

"Mahal din kita Mio" lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Ayoko siyang mawala sa akin pero 'yun ang kailangan kong gawin.

Ang ganda ng view dito sa taas. Ang sarap tignan. Ang sarap balik balikan. Ang saya pag siya ang kasama ko. Pero kunting panahon nalang matatapos na ang sayang nararamdaman ko ngayon.

"Ang ganda ng view pero alam mo bang mas maganda ka"

"Bolero"

"Bolero ba 'yung pagsabi ng totoo?"

Nasa tapat ko na siya ngayon na kanina ay nasa gilid ko. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

"Oo lalo na pag ikaw na 'yung nagsabi"

"Aray ha"

Parehas kaming tumawa. Sarap pakinggan ng tawa niya.

"Pero may napansin lang ako" sabi niya. Nagtaka naman ako kung ano kaya nagtanong ako agad.

"Ano 'yun?"

"Bakit ang ikli ng suot mo?" nakataas ang isa niyang kilay at diretso ang tingin sa akin.

"Kasama naman kita eh kaya okay lang"

"Paano pag hindi mo ako kasama?"

"Di mo naman ako iiwan eh"

Ayan ka nanaman Althea eh. Pinapaasa at sinasaktan mo nanaman ang sarili mo eh.

Niyakap niya ako mula sa likuran ko.  "Sana lagi tayong ganito" Mio said.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito agad sa bag.

From: +6390612*****
Wanna know something?

Hindi ako 'yung tipo ng tao na magrereply lang sa unknown number. Hindi ko sinasayang ang oras ko para replyan sila.. Maliban nalang kung magpapakilala sila at kung importante talaga. But this text message is an exception. Nakuha niya ang atensyon ko.

From: +6390612*****
Let's meet tomorrow night. I'll send you the address.

From: +6390612*****
By the way its Aliah.

Huminga ako ng malalim bago burahin ang mga message na natanggap ko sa kaniya. Tinignan ko si Mio at hawak din niya ang phone niya. Sumisikip ang dibdib ko ang hirap huminga.

--

Kanina pa ako nakikipag talo sa sarili ko kung pupunta ba ako sa address na binigay ni Aliah o hindi. Gusto kong pumunta pero at the same time ayoko.

Isang oras nalang ang natitira sa akin para makapag isip at makapag handa.

Go or not.

Nagpagulong gulong ako sa kama at ginulo ang takip dahil nahihirapan akong mag decide.

In the end nakapagpalit na ako ng damit at ready ng umalis.

Habang nasa kotse ako nanginginig ang kamay ko hindi ko kasi alam kung ano nanaman ang mangyayari mamaya. Hindi ko alam kung ano nanaman ang mga sasabihin ni Aliah. Ang baliw ko rin eh nasasaktan na nga ako pero ito pa rin ako gusto pa ring masaktan. Umuwi nalang kaya ako pakiramdam ko kasi may hindi magandang mangyayari. Pero andito na ako kunti nalang makakarating na ako. Pinag isipan kong mabuti 'to kanina kaya hindi na ako aatras.

Bahala na kung ano man ang mangyari.

Kinakabahan akong bumaba ng kotse pero hindi ko hahayaang makain ako ng kaba. Pumasok ako sa restaurant at sinabi ang reservation ko. Alam kong nasa loob na si Aliah dahil nakatanggap nanaman ako ng text message sa kaniya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang dumiretso.

Laking gulat ko ng makita silang magkasama. Tumayo si Mio ng makita ako. Bakas sa mukha niya ang gulat ng makita ako. Mariin akong pumikit. Bumuntong hininga.

Mabilis niya akong nahawakan dahil muntik na akong matumba pero inalis ko ito agad. Ng iangat ko ang tingin nakita ko si Mio na nag aala. At ang ngisi ni Aliah.

"Akala ko hindi ka na pupunta" sabi ni Aliah.

"Ito ba ang gusto mong ipakita ha?"

Tumingin ako kay Mio ulit pero hindi niya na ako magawang tignan ulit. Kahapon lang magkasama kami tapos ngayon si Aliah naman. Pwede naman niyang aminin sa akin pero hindi niya ginawa.

Mabuti nalang walang tao at kaming tatlo lang ang nandito ngayon.

"Yes" muli niyang sabi hinawakan niya pa sa kamay so Mio.

"Woah...Wow"

Tanga mo Althea.

Tinignan ko muli si Mio. Gusto kong magsalita siya pero bakit hindi niya ginagawa.

Pinipigilan ko ang pag iyak kahit ang hirap hirap. Kahit pag hinga lang ng malalim parang binibiyak ang puso ko.

"What do you want me to do?"

"Give up, Althea" napailing ako sa kaniyang sinabi. Ayoko. Tumingin ako kay Mio pero nakayuko siya. Hindi niya ako magawang tignan.

"Mio look at me" nanginginig ang boses ko kunti nalang bababa na ang luha ko.

"Tignan mo ko Mio!" sa isang iglap tumulo ang luha ko kasabay ng pag angat ng tingin niya.

"Ito ba ang gusto mo?" pagtatanong ko.

"Sumagot ka Mio" aliah said.

Ang hirap huminga. Napahawak ako sa dibdib ko dahil di ko na kaya.

"Gusto mo na bang iwan kita?" basag ang boses ko. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko.

"Magsalita ka naman!" pinahid ko ang luha sa pisngi ko.

"Wala ka bang sasabihin?"

Alam ko na yata ang sagot kahit hindi siya magsalita. Pumikit akong muli. Kaya mo yan Althea.

"If it is really what you want, fine. I'll give up" tumingin ako kay Aliah na walang emosyon.

Naghintay ako ng sagot ni Mio pero wala. Kahit isang salita man lang sana. Wala pa rin. Nakayuko siya at hindi ako tinignan hanggang sa makaalis na ako sa harap nila.

Don't cry Althea. Wag kang iiyak.

Kailangan mo munang makauwi. Kaya mo yan.

"One"

Don't cry.

Nakailang hakbang na ako palayo sa kanila.

"Two."

Wag ka ng umasa parang awa mo na Althea.

"Three"

Maawa ka sa sarili mo. Please. Pumikit ako ng mariin.

"Fo-four"

Hindi ko alam kung saan ako papunta naglalakad lang ako. Hindi ko na napigilang umiyak ng umiyak hindi ko na kayang pigilan.

"Five"

Alam ko namang mangyayari 'to eh. Alam kong darating din kami sa ganitong sitwasyon. Ang hindi ko lang alam na ngayon na pala.

Agad agad.

Gusto kong sumbatan si Mio. Gusto ko siyang saktan. Bakit hindi man lang siya nag salita. Bakit kahit isang salita wala siyang sinabi. Bakit hindi niya man lang ako hinabol. Pinagmumukha niya akong tanga.

Umasa nanaman ako sa wala.

"Althea!"

Ng marinig ko ang boses niya napahinto ako sa paglalakad. Gusto kong bumalik. Gusto kong tumakbo palapit sa kaniya. Pero baka umasa nanaman ako. Tama na. Pagod na ako. Naglakad ako ng mabilis.

"Please Althea. Stop"

Ayan eh. Ang rupok rupok mo Althea. Sinabing tama na pero bakit ang tigas tigas ng ulo mo.

"Ano?" sabi ko pag kaharap ko. Kunting hakbang lang ang layo niya sa akin. Huminto siyang maglakad. "Anong gusto mong mangyari ngayon?" sabi ko ulit.

"Stop crying. Please" tumawa ako sa sinabi niya. Kung madali lang talaga yan ginagawa ko na.

Binubuksan ko ang bibig ko para magsalita pero agad naman itong tumitikom. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong itanong. Gusto kong magpaliwanag siya. Handa na akong ipaglaban siya eh. Handa na akong harapin ang lahat eh. Nagmukha akong tanga.

"Bakit ganito Mio bakit ang sakit sakit. Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to. Minamahal naman kita sobra sobra pa nga eh pero bakit. Bakit! Sumagot ka Mio magsalita ka naman kanina ka pa tahimik eh. Ang sakit sakit. Bakit ba kasi binuntis mo siya. Akala ko ba mahal mo ako sabi mo hindi mo kakayanin pag wala ako diba kaya bakit Mio. Bakit siya!? Bakit! Bakit hindi nalang ako. Bakit hindi ako" humawak ako sa dibdib ko sobrang sakit na ang nararamdaman ko.

"Sabi mo mahal mo ako everytime na magkasama tayo sinasabi mo sa akin na mahal na mahal mo ako. Mio 'yun ang pinanghahawakan ko para hindi sumuko para patuloy kang ipaglaban. Pero hindi pa pala sapat 'yun dahil ako lang ang lumalaban. Mio alam mo sana hindi mo nalang sinabi kasi hindi mo naman kayang panindigan eh. Hindi mo naman ako kayang ipaglaban. Ang dali lang kasi sayong iwan ako ng ganito. Porket magkakaanak kayo sinasaktan mo ako ng ganito. Mio pwede mong sabihin sa akin na ayaw mo na pero bakit hinayaan mo pang umabot sa ganito. Nagmukha akong tanga! Hindi porket mahal na mahal kita gagawin mo na sa akin 'to! Kaya please kung hindi naman magiging tayo sa huli wag mo ng sabihing mahal mo ako kasi ang sakit umasa. Masakit. "

"Althea"

"Stop breaking my heart. Stop hurting me, Mio. Ayoko na. Gustong gusto talaga kitang ipaglaban pero tama na kasi naisip ko paano pa kita ipaglalaban simula una palang talo na. Magkakaanak kayo eh. Mahal na mahal na mahal kita, Mio" Pinahid ko muli ang luha sa pisngi ko.

Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya. At sa huling pagkakataon hinalikan ko siya. My tears started to flow again.

"I love you, Mio. Good bye"

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...