PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling

395 13 17
By muddy_maddie

Jaki's POV

"Hello!? Madc! On the way na kayo?" Excited na tanong ni Vice sa kaibigan ko through phone call. Nakaloud speak nga e.

Ngayon kasi yung bukas ng coffee shop nya na nasa ibaba ng bar nya.

Ayaw pa nya ko papuntahin noon nung ginagawa pa.

Muntik ko na sya awayin nun.

Hawak ko yung phone nya habang nagsuswipe swipe lang. Nakikiinstagram ganun. Pero account nya talaga yung naka-online.

Bigla namang may lumabas na notification sa itaas ng phone nya.

"Andun na raw sila Vhong." Sabi ko. Dahil iyun yung sabi ni Vhong.

"Sige kamo malapit na tayo."

Ilang buwan na pero sa condo pa rin nya ako nakatira. Ayaw nya nga ako paalisin e.

Nandun na rin sila Madc. Minsan umuuwi-uwi rin ako sa condo namin nila Madc. Si Mommy naman dumadalaw minsan pag di ako nakakauwi dahil minsan nag-ootnpa ko. Di naman rin kasi pwede na nandun si mommy sa condo palagi. Kasi may ginagawa rin siya sa bahay tsaka nag-aasikaso rin.

Sayang bayad ko dun no.

Di lang sila sumabay kasi malelate na si Vice.

Pinauna na kami nila Madc.

"Tara! Dali!" Nagulat naman ako noong binuksan na nya yung pinto. Di ko man lang namalayan na huminto na yung sasakyan.

Hinawakan nya ko sa kamay. Na parang mga bata na tatawid sa isang kalsada.

Ganoong saya yung nakikita ko sa kanya. Sa mga mata nya. Na nararamdaman ko at sinasamahan sya sa kasiyahang ganun.

"And here. We. Are."

Napatingala ako sa bagong renovate nyang bar.

Sa itaas nito ay minimalist pa rin.

Black and white. Doon nya nilagay yung dating signage ng bar nya.

"Viceral's" basa ko.

Nakita kong napalingon siya sa akin at nakangiting tinitignan ako sa pagkamangha.

Ibinaba ko ang tingin sa unang palapag.

Ibang iba ang presensya. Magaan. Parang kahit gabi kami nandirito ay mararamdaman kong umaga pa rin. Maaliwalas.

"Cambio de vida?" Tanong ko sa pangalan noon. Dahil español yata iyon.

"Ibig sabihin nun, life changing."

May nakita akong mas maliit na pangalan sa baba. Joms Cafe

"Seryoso ba yan? Bat yan pinangalan mo!? Hahaha" di ko napigilan tumawa dahil palayaw ko sa kanya yung Joms noon.

"Cute no? Hahaha. Wala kasi kaming maisip." Napakamot na lang siya sa batok niya.

Hinarap ko naman sa akin yung mukha niya tsaka pinisil iyon.

"Cute mo no?" Natatawa ko pa ring sabi.

Tinignan ko ulit yung coffee shop nya.

May kabayo sa gitna nung pangalan ng cafe nila. Logo nya ba yon?

May kabayo tapos may nakasakay. Long hair pa.

"Bat may kabayo dun?" Turo ko naman sa signage.

"Ikaw yun."

"Wow. Sa ating dalawa talaga ako yung mukhang kabayo ha?" Sarcastic kong sabi.

"Ikaw yung nakasakay. Jockey." Madiin nyang sabi sa 'Jockey'

Iba rin. Witty.

Di namin napansin na nasa gilid lang pala namin si Vhong, Billy at Anne.

With their partners. Edi wow.

Pinapapunta rin ni Vice si Mommy kaso kasi may gagawin daw sa chapel.

"Hi Jaki! Long time no see!" Bati nya sa akin at nakipagbeso pa.

"O ganda ng pangalan ng coffee shop di ba? Ako namili nung Life Changing na yan.

"Excuse me Anne, baka nakakalimutan mo. Ako nag-isip na gawing español dahil masyadong oa yung pinakastatement mo." Para kong napagitnaan ng dalawang batang nag-aaway. Kung hindi lang mahaba pasensya ko..

"Guys, enough." Malumanay na pag-awat naman ni Billy sa kanila.

"Di ba pupunta dito si K? Masyado naman na yatang busy yon? Di nagpapakita."

"I think, nandito na sya." Sabi ni Vice at nakatingin sa likod na lugar nila Anne. Kaya napalingon kaming lahat doon.

Ang ganda nya.

"OH MY GOD!!! K!!! I MISS YOU! Kumusta ka na girl?"

"I miss you too, Anne!"

Bigla namang may nagsalita na may microphone kaya naudlot yung pagkumustahan nila.

Mag-istart na raw.

Di naman marami pero sakto lang ang mga mga tao na binigyan nila ng invitations.

Nandito rin si Mayor.

Iba talaga 'tong kaibigan ko. Iba hatak. Lakas e.

Nagsimula na yung hosts.

Sa sobrang lutang ko di ko naintindihan mga sinasabi nya.

"Hey, Jaki. Okay ka?" Nagulat naman ako nung nakahawak sa magkabilang braso ko si Vice na nakaharap sa akin.

"Ha? Ahh, oo sorry."

"Magcucut lang kami ng ribbon. I'll get back to you. Wag ka aalis sa likod ko." Sabi nya pa at tumango lang ako bago nya ko hilahin papunta sa may pintuan nung cafe.

Kasama nya si Anne syempre. Sabay nila ginupit yung ribbon na pagkalaki.

Kasabay naman ng palakpakan ng mga tao.

Agad nya hinawakan yung kamay ko.

Chansing rin 'tong isang 'to e.

Napangiti na lang ako sa pagbibigay ko ng malisya doon.

Di ko namalayan na nahila na nya pala ako papasok sa cafe

Pwede bang dito na lang ako mag-almusal palagi. Napakagaan nung aura nung lugar.

Nililibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng cafe ng mapadapo ang tingin ko sa counter.

"Troy? Si Troy yun?" Baling ko kay Vice.

"Ahh oo. Kinuha ko. Hehe. Pero matagal na syang resigned no di ko inagaw." Depensa naman nya.

Pumunta naman kami sa may harap na table dito. Malapit sa counter.

May nakaserve na bawat table. Habang patuloy ang ceremony.

"Wag ka mag-alala. Acid free 'to." Sabi nya sa akin dahil tinitigan ko lang yung cup na may kape. Na mayroon pangdisenyo sa ibabaw.
Katabi ang sliced ng cake.

"Nice!" Puri ko.

Katable naman namin yung kaibigan nila na si K. Sobrang sweet, ang bait nung pakikitungo nya. Nahuli nya pa akong nakatingin kaya ngumiti sya sa akin at bahagyang nagwave.

"Hello! Karylle nga pala" iniabot nya pa ang kamay nya.

Kinamayan ko naman iyon.

"Jaki." Sabi ko at ngumiti ulit pabalik.

"Ay sorry. K this is Jaki, my friend. Jaki, this is K.. nakwento ko na sya sayo right? Ex ni Miguel."

"Heyy years ago na 'yon. Grabe naman." Natatawa nyang sabi.

"Sumbong kita don." Dagdag pa nya.

"Di makikinig yon matigas ulo nun." Sagot naman ni Vice.

Di naman nagtagal ay natanaw na namin sila Madc.

Agad naman iyon sinalubong ni Vice.

Nagpaalam pa sila ni Anne na kakausapin muna yung mga tao.

Di naman formal. Mga kaibigan din naman nila yung iba dito.

Yung mga nagtatrabaho sa firm nila.

Oo yung dating kaibigan namin nandito.

Nasa table nga nila Madc e. Nakikipag-usap.

"So how's Vice naman, Jaki. Ang tagal narin kasi naming di nakakausap."

"He's good naman. Better na simula nung una kaming magkita sa bar nya" sabi ko pa.

"Ahh, doon pala kayo nagkita. Nice. Doon din kami nagkita nung husband ko. Actually di ko yata nakwento sa kanila yon." Tinakpan nya pa yung bibig nya nung natatawa sya.

Sweet gestures.

"Ohh. Gano na pala kayo katagal na kasal?"

"Magfofour year na rin. Kayo? Gano na kayo katagal ni Vice?"

"Ha?" Parang lumihis yung utak ko at walang naintindihan.

"Gano na kayo katagal magkakilala?"

"Two or magtithree years? Di ko na rin alam e."

"Ohh ang tagal na rin pala."

Sabi nya tsaka kumain nung cake.

Ako rin kumain na lang.

Months later..

Jaki's POV

Sunday na naman. Nakaupo sa sala ng condo ni JM habang hinihintay ko si Vice dahil sama raw sya magsimba sa amin nila Madc. Sinuot ko yung regalo nya noon na wala namang okasyon. Simpleng white dress na hanggang tuhod ang haba.

"Napakatagal naman ng jowabels mo Jaki! Malelate na tayo." Reklamo ni Madc pero may twalya pa sa buhok niya. Kahit di ko jowa yun pa rin tawag nya kay Vice.

Tinignan ko naman yung wall clock.

May 15 minutes pa naman bago mag alas seis

"Makareklamo akala mo naman nakaayos na." Puna ni Melvie sa kanya.

Bumukas naman yung pintuan at nagpakita na po yung matagal na naming hinihintay.

Bihis na bihis naman syang nakatayo doon.

"Let's go?" Tanong nya pa.

Tumayo naman ako agad. Sumunod na rin si Melvie habang si Madc naman ay kakatanggal lang njng twalya sa ulo at nagsuklay na lang gamit yung kamay.

Ibang klase talaga mga kaibigan ko.

"May meeting ka sa firm nyo?" Tanong ko dahil suot nya yung isa sa mga binili namin noong sinama nya ko para ako raw ang pumili ng mga damit niya.

Light blue long sleves tapos yung black pants nya na nakita kong pinangpasok nya sa opisina.

"Wala. Wala na kasi akong damit." Nagmamadaling sabi nya tulad kung gaano sya nagmamadaling pindutin yung elevator.

"Maaga pa naman. Di tayo malelate." Sabi ko

Humarap siya sa akin. Naamoy ko naman yung pabango nyang ang fresh lang. Mas fresh pa sa umaga.

"Yung pabango mo talaga iba yung dating."

"Talaga? Salamat." Sincere naman nyang sabi.

Noong matapos yung misa. Nauna na sila Melvie may mga lakad daw sila.

Di man lang nang-aaya.

"Free ka today?" Tanong ni Vice noong pinagbukas nya ako ng pintuan ng sasakyan niya.

"Oo, bakit?"

"Tara? Coffee." Ngiting ngiti niya iyon sinabi.

"Okay. Basta magbabayad ako?" Sabi ko sa kanya kasi palagi na lang siya nanlilibre. Yung condo nga ako yung nahihirapan dahil ayaw nya magparenta.

Buti na lang pumayag sya na ako na bahala sa kuryente at tubig.

Kitang kita ko sa kanya yung pag-eenjoy na di ko malaman. Nagmamadaling ewan. Habang nasa byahe naghuhum pa sya. At naglalaro ang mga daliri nya at isa-isa iyong lumalapat sa steering wheel.

I find it weird.

Oo masaya siya kasama pero may iba sa kanya ngayon. Excited talaga siya.

"Tara!" Inalalayan nya pa ko sa pagbaba sa sasakyan nya.

Tinignan nya ang oras.

"Yes! Maaga pa." Napayukom pa ang kanyang kamao noong sinabi iyon.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanya dahil litong lito na ko sa inaakto nya.

Naupo kami sa dati naming pwesto. Sa palagi naming inuupuan.

"Troy!" Itinaas ni Vice yung kamay nya para agawin ang atensyon nito.

Lumapit naman si Troy na dala yung palagi naming iniinom.

Naglapag din ito ng tinapay. Napakasarap.

"Jaki, may sasabihin ako sayo."

"Ano yun?" Tanong ko habang hinihiwa ko yung tinapay.

"Kain ka muna."

Kumakain naman na ko.

Nakita ko naman na pinapanood nya lang ako. Nasa harapan ko kasi sya.

"Kumain ka rin kaya?" Sabi ko matapos malunok yung nasa bibig ko.

"Yeah, sorry." Napayuko naman sya na parang nahihiya.

"Kumusta ka naman Jaki? Kumusta na yung puso mo?" Tanong nya na parang kinakabahan.

"Ako pa talaga tinanong mo?" Natatawa kong sagot.

"Matagal na kong okay. Bakit mo naman natanong?"

"Ano, kasi ang tagal na natin di nagkukumustahan."

"Kailan nga ba yung huli?" Di ko alam kung dapat bang sagutin yung sinabi nya.

"Kasi ang dalas naman natin nag-uusap. Pero di ko natatanong kung kumusta ka."

"Di mo naman kasi kailangan itanong. Kasi okay naman ako. Palagi mo naman napapagaan loob ko kapag hindi okay. At nakikita ko naman na nahahalata mo 'yon. Kaya nagpapatawa ka palagi. At salamat doon." Ngumiti ako sa kanya matapos sabihin iyon.

Binigyan nya rin naman ako ng ngiti. Yung totoong nakikita na masaya siya. O baka natouched sa sinabi ko. Haha.

"Ano ba yung sasabihin mo pala?"

"Jaki, liligawan kita." Napakurap-kurap lang ako ng mata. Di ko alam kung tama ba yung narinig ko.

"Ha?" Paghingi ko ng confirmation sa sinabi nya.

"Sabi ko..liligawan kita."

Hakdog

Nagflashback sa utak ko yung narinig ko sa condo. Nung gabi bago kami magpunta sa site nila.

*flashback*

Nagising naman ako sa tawa ni Vice. Di naman sa malakas pero sakto lang. Mababaw pa lang yung tulog ko. Nagkukwentuhan na naman siguro sila.

Di ko lang talaga siya pinansin noong tinanggal nya yung sapatos ko.

Pinili kong damhin muna ng likod ko yung malambot na kama pero biglang nagsalita si mama.

"Sige mag-explain ka na. Kanina mo pa yata gusto magpaliwanag haha. No presure."
Ano naman kaya pinag-uusapan nun.

Nakinig na lang muna ko ulit.

Narinig ko naman na namatay yung gripong kanina pa lumilikha ng ingay.

"Gusto ko po si Jaki, pero hindi pa po siguro tama na ngayon, gusto ko po yung anak nyo pero hindi pa po siya handa sa mga ganung bagay ulit. Kaya di ko po muna pinapansin yung nararamdaman ko towards her. Nirerespeto ko po yung natitirang feelings nya sa ex nya. Sorry po kung may mali man po akong nagawa o lumalabas na tinetake advantage ko po yung pagiging magkaibigan namin, pero hindi po ganun tita. Promise."

Natigilan ako sa narinig ko.

Gusto nya ko?

Natawa naman si mommy ng kaunti.

Di ba sya magagalit o maiilang man lang. Kasi ako di ko na alam.

"Wala namang mali sa pagkakagusto. As long as nakikita ko o ikaw mismo na totoo yung pagpapahalaga mo sa pagkakaibigan nyo. Na hindi mo 'yon ginagamit para lang makuha yung gusto mo."

"Okayy po."

Para kong lutang na ewan. Nakashabu yata ako.

"Ano ba mga naluluto mo, Vice?" Tanong ni mommy sa kanya.

Gusto nya ko? Kaya ba sya mabait? Kaya ba nya ko dito pinapatira?

No. Wag ka nga mag-isip ng ganun. Bait bait nung tao. Nirerespeto yung feelings mo

"Ano po depende po. Tumitingin lang po ako sa internet pero yung mga ulam po, mga adobo, mechado, menudo, mga sinigang, tinola po ganun po."

"Mabuti at natuto ka magluto no? Yung mga anak ko kasi puro lalaki pero di mo talaga maaasahan sa kusina. Yang si Jaki naman nako, kung hindi half cook, sunog."
Natawa naman sya sa sinabi ni mommy.

Aba pinagtutulungan na ko habang tulog.

Backstabber. Charot!

Tatayo na sana ko pero nagsalita ulit si mommy kaya napaupo na una ko.

"Pero kung manliligaw ka. Boto ako sa'yo iho. Mabait kang tao."

"Ay salamat po tita."

Ay wow. Iba rin.

"Pero kapag nakita kong nagbabago ka. Naku! Sinasabi ko sa'yo.."

Inaabangan ko yung sagot nya pero di nagsalita.

"Joke lang." Pigik na pigil yung tawa ko naiimagine ko mukha nyang nabiglang di makaimik.

Lumakad na ko papunta sa pinto para makisingit sa usapan nila sana.

"Si tita talaga.."

"Ano yun ma?" Tanong ko na nagkukusot ng mata at nagkukunwating walang narinig kanina lang.

Gulat naman silang lumingon sa akin. Pinilit kong maging normal ang pakikitungo sa kanya.

Natuwa ako dahil sa pagiging honest nya. Lalo na sa magulang ko.

Gusto ko rin naman sya. Natatakot lang ako talaga. Crush lang naman ganon. Wala namang masama doon.

*Present*

"Bakit?" Yun lang yung nasagot ko sa sinabi nya.

"Kasi gusto ko..." nakikita ko yung kaba nya pero nananaig yung sinseridad sa bawat salitang binibitawan nya.

Uminom ako ng kape bago siya magsalita ulit.

"Gusto ko na ikaw yung makasama sa pagtanda." Umakyat yata sa pisngi ko yung init ng kape na ininom ko kanina lang. Palagay ko ay namumula na yung magkablang pisngi ko sa sinabi nya.

"Okay.." Sagot ko na lang dahil hindi ko alam kung saan huhugot ng salita panapat sa sinabi nya.

"Advance mo rin mag-isip no?" Sabi ko nang manaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pero ngumiti ako sa kanya baka umatras e.

Natatawa naman siyang tumingin sa akin at napahawak sa noo niya bago ihilamos sa mukha yung palad nya.

"Kasi, ang tagal na e. Ang tagal ko na pinipigilan yung nararamdaman ko sayo. Sorry ah. Kung may tinago ako sayo na ganun."

"Okay lang." Sabi ko. Kasi alam ko namang for good yun.

"Para sayo nga pala miss." Nilabas nya naman yung bulaklak sa ilalim ng lamesa.

Wow di ko napansin yun ah. Inferness.

"Naks naman! May pabulaklak pa. Salamat." Inamoy ko naman iyon. Di ko alam pero kinilig ako.

"Araw araw kita bibigyan. Makita lang kita nakangiti."

"Ganyan ka ba manligaw? Napakabolero."

"Uy totoo yun. Grabe naman." Natawa naman ako sa kanya. Ganun pa rin siya magreact. Natural lang.

"Pag katapos mo dyan may pupuntahan tayo. Matagal na byahe yun. Kaya mag-ipon ka ng energy."

"San mo na naman ako dadalhin?" Napahawak hawak na lang ako sa sentindo ko.

"Matutuwa ka. Tapos ka na ba? Tara na! Matatraffic tayo."

Di ko napansin na ubos na yung pagkain at inumin nya.

Ganun na lang ba ako tinangay nung 'gusto kita' na sinabi nya kanina lang.

"Di pa ko tapos kumain oh. Mamaya na." Pagpupumilit ko.

"Uhm sige. Kain mabuti." Sabi nya tsaka kinuha yung phone nya nag nagtatype doon.

Sisitahin ko pa lang sana siya ay itinago na nya agad yon.

"Tinext ko lang yung surprise ko sayo. Wag ka na magalit dyan. Di ako gumagamit ng phone pag di importante alam mo yun." Sabi nya sa akin. Pinapanood ko lang naman sya wala naman akong sinabi. Defensive.

"Wala na di na ko masusurprise. Sinabi mo na." Wala man lang kaelement of surprise yung taong 'to. Ang daldal masyado.

"Troy! Psst!" Tawag ko kay Troy na boyfriend ulit ni Madc. Kung di pa mahuhuli hindi aamin.

"Patake-out naman 'to." Paki-usap ko. Baka kasi matraffic pa kami.

"Sa sasakyan mo na lang kakainin? Maaga pa naman. I can wait."

"Baka mastock tayo sa traffic. Naexcite ako sa surprise mong di na surprise." Napangiti naman sya ng malapad dahil doon.

Magiging magaan lang naman siguro 'to.

Di ko alam kung malilimitahan ba ako sa mga galaw ko o pati sya. Baka magkailangan kami.

Bahala na.

Kagaya ng nakagawian pinagbuksan nya ako ng pintuan palabas sa coffee shop.

Pati sa sasakyan.

Bago pa sya makasakay ay binuksan ko na yung pagkain.

Nagugutom na rin kasi ako talaga.

Vice POV

Kanina pa nagvivibrate yung phone ko simula nung bumyahe na kami ni Jaki papuntang port kung saan bababa ngayon yung daddy ni Jaki.

Excited ako para sa kanya at the same time kinakabahan para sa sarili ko. Pero sabi naman nila kuya kiko okay lang daw yun. Wag lang daw ako kabahan.

Tangina paanong hindi kakabahan liligawan ko yung nag-iisang babaeng kapatid nila na lalong pinagkakaingatan ng magulang nila.

Pangiti-ngiti lang ako habang nagdadrive pero kabadong kabado na ko.

Nagpaalam naman ako kila tita.

Actually hinatid ko sila kanina bago pa ako magpunta kay Jaki.

Kuya nya pa yung nagsabi na mabihis daw ako.
Kasi naka t-shirt lang ako kanina na printed at denim pants.

Kaya nagbihis na ko bago ko sunduin si Jaki.

Naligo pa nga ako ulit e.

Nagvibrate na naman phone ko.

Kaya habang traffic sinilip ko iyon.

Pati si Jaki.

Kain lang ng kain kanina 'to pero tulog na ngayon.

Nakuha ko naman itext si tita na malapit na kami.

Pati sila kuya al.

Pinagdasal ko yung malaman ng daddy nya na maganda yung intensyon ko. Nung nakausap ko sya sa video call kasama mommy ni Jaki Doon ko sinabing gusto ko sya ligawan.

Di kita papabayaan Jaki.

Huling uwi kasi ng daddy nya nasa california ako.

Nagpark na muna ako at pinicture-an siyang natutulog.

Napakaganda talaga.

Nagulat naman ako nang may kumatok sa bintana ko.

Bumaba naman ako ng sasakyan.

"Akala ko kuya batang hamog. Namamalimos ganun."

"Sira! Sapakin kaya kita?"

"Joke lang, si kuya kiko talaga." Dipensa ko naman.

"Gisingin mo na nga yan. Kanina pa gustong umuwi ni daddy. Nakadating na't lahat wala pa kayo."

Lumipat naman ako sa kabilang pinto.

Nakaseatbelt pa rin sya.

"Jaki, andito na tayo." Gising ko sa kanya at tinapik tapik siya sa may balikat.

Bumaba naman sya at nakakunot pa ang noo.

Marahil ay nasisilaw sa liwanag ng araw.

"Surprise!!!!"

Pati ako ay nagulat dahil sa sigaw na iyon nung magkakapatid.

Di ko namalayan na kumpleto silang lima.

"Omg! Kuya! Kelan ka pa umuwi!?" Agad na tanong ni Jaki sa kuya enchong nya habang nakayap dito.

"Kahapon lang sinundo pa nga ako nung manliligaw mo e."

Di naman sya nakasagot dahil lumapit daddy nya.

"DADDY!!!!" tumili tili pa siya at agad sinalubong yung dad nya.

Para naman siyang bata na binuhat ng daddy nya at inikot-ikot ito.

Sobrang saya ko at nakikita kong masaya sya ngayon.

"Namiss kita baby ko."

Ang saya nila tignan.
Buo silang pamilya.

"May good news ako sayo anak." Sabi ng daddy nito noog nagmano siya.

Pinanood ko lang sila at sumandal sa sasakyan ko.

"Ano po yun?"

"Every year na makakauwi ang daddy!"

"THANK YOU LORD! Namiss talaga kita daddy."

"Bunsoy, baka naman pwede mo na ipakilala si Vice."

"Ay oo nga no?"

"Vice!" Lumapit naman ako.

Lalapit naman ako di naman kailangan sumigaw.

"Daddy, si Vice nga po pala. Kai-- Manliligaw ko po."

"Yun! Langya! Di na torpe yung tropa natin!"
Kahit naririnig ko lang sila alam kong nagwawala na sila sa likod, nagtutulakan ganon. Dahil nakatanggap ako ng tulak nung pinakilala ko ni Jaki. Kaya bahagya akong napaabante.

Nakita ko naman na natigilan sila dahil tinignan sila ni tita.

"Bless po." Nagmano naman ako. Pati kay tita.

"Ikaw pala yun." Nakipagkamay naman daddy nya. After nun.

Kaya inabot ko.

"Opo, Vice po, sir."

"Jun."

"Daddy tinatakot mo yung bata." Sabi ni tita.

"Bata ba yan laki-laki na nyan"

"Mas malaki pa sa mga anak mo oh."

Nag-aalangan akong tumawa. Di ko kasi alam kung nagjojoke sya pero si Jaki sa tabi ko pigil na pigil ng tawa.

Tensionado na nga ako e.

"Tara na't makakain na. Kanina ka pa nagugutom hindi ba?" Tanong ni tita sa daddy ni Jaki.

"Oo nga e. Vice, may alam ka bang makakainan dito?"

Lumingon ako sa paligid. Wala akong makita.

"Di bale, may alam pala ako dito. Lakarin na lang natin." Nagsimula naman maglakad sila tita naka-abay lang yung isang kapatid ni Jaki sa daddy nila. Ganun din naman yung daddy nya.

Yung ibang kapatid naman ni Jaki nakasunod lang pati kami.

Pakiramdam ko ay gustong gusto nya lumapit sa daddy nya.

"Sabay ka na sa daddy mo." Sabi ko tsaka siya nginitian.

"E pano ka? Wala kang kasabay."

"Kami bahala dito bunsoy. Yakap ka na kay daddy. Miss na miss mo na yan sabi mo e."

"Dyan ka muna ha?" Sabi nya tsaka patakbong sumingit sa pagitan ng kuya at daddy nya na magkaakbay.

"Oh, ano nangyayari sayo?"

"Hala umiiyak mga tol! Hahahaha" kantyaw ng mga kapatid niya.

"Kayo wala na kayong ibang ginawa kundi asarin kapatid nyo."

Nag-alala naman akong lumapit kay Jaki sa gilid lang naman dahil sumabay si kuya Al sa mga kapatid nya.

"Okay ka lang? Jaki?"

Tanong ko pero naglalakad pa rin naman kami papunta sa kainan daw.

Tumango lang siya.

"Emosyonal talaga 'tong bunso namin." Sabi naman ng daddy nya.

"Pansin ko nga po e."

"Kaya wag kang loloko-loko. Pag ito pinaiyak mo anim kaming uupak sayo."

"Hindi ko po intensyon na magloko sir. Makakaasa po kayo."

"Gano na ba kayo katagal magkakilala nitong bunso ko?"

"Mga 2 years na rin po." Sagot ko na may eye contact pa.

"Ahh ikaw ba yung nasa picture nung birthday nya? Yung kumakanta sa videoke. Sample nga?"

Nagulat naman ako dahil sa sinabi ng daddy ni Jaki na 'yon.

"Sample! Sample! Sample!" Sigaw nung mga kuya ni Jaki.

Jusko. Bakit ko ba pinasok yung bagay na pagkanta doon.

"Sample daw uy. Dali na. Hahaha!"

"Tawang tawa ka na naman sa akin."

Tinignan ko naman si tita. Para makumpirma kung totoo ba na pinagsasample ako o joke lang yun pero nagkibit-balikat lang siya.

"Ay alam ko na. May videoke sa kakainan natin. Ayun oh!" Turo naman nung daddy ni Jaki.

Di ko naman matawag na tito kasi unang una walang permiso nya. Pangalawa di pa kami masyadong close. Ang unang usap namin nung isang araw lang para mahatid ko mga kuya ni Jaki.

Sinulyapan ko naman si Jaki nagtaas baba pa sya ng kilay.

Napasamid naman ako para umayos ng salita. Para na kasi akong lalamunin ng lupa kapag kumontra ako.

Nung makarating kami sa kalakihan na karenderia

Yung kabog ng dibdib ko. Kakaiba. Yung kaba na parang mamamatay na kinabukasan.

"Kanta ka ha?" Sabi ni Jaki matapos nya ko bungguin sa braso na akala mo naghahamon ng away.

Napatango na lang ako.

Nakaupo na silang lahat pero ako, di ko alam kung saan pupwesto.

"Maupo ka na uy. Tabi tayo." Tinulak naman ni Jaki si patrick at hinila yung braso ko para tabihan siya.

Wala naman akong nagawa doon. At ginusto ko rin naman yon. Hahaha.

Kunwari lang akong nagulat pero kinililig rin.

Nakita ko naman na nakahanda na yung kamay nila para magdasal.

Yung daddy nya yung naglead ng prayer.

"Amen!"

"Kainan na!"

Inabot ko naman yung inaabot ni Jaki pero di nya makuha kasi maiksi yung braso nya.

"Thanky!"

"So pano nga kayo pala nagkakilala nitong bunso ko?"

Nagkatinginan naman kami ni Jaki kasi di ko alam kung alam ba ng daddy nya na umiinom sya noon.

"Ano po. Parehas po kasi kami noon ng building na condo. Tapos nagkasalubong po kami sa elevator. Natandaan po ako ni Madc na ako yung nakausap nila nung gabi po bago yung araw na yon. After po nun nagcoffee shop po ako dun din po sila kumakain pala."

"Kaunti na lang po kasi kaibigan ko nung panahon na yun kaya po nakiupo ako sa kanila"

"Tapos si Madc daddy nung nag-aya 'to na ihatid kami sumakay agad."

"Pero sya po hindi."

"Malay ko ba kung mabuting tao ka talaga noon."

"Mukha ba kong masamang nilalang?"

"Depende."

"Hala! Grabe."

"Oh mag-aaway pa. Nasa harapan ng pagkain e."

"Tapos daddy, nakita namin yan nung birthday na nya. After nun madalas na yan hinahatid. Pero kasama naman si Madc."

"Ano bang trabaho mo pala?"

Para kong nililitis talaga.

"Architect po. Tsaka, owner po ng coffee shop at bar."

"Bar?"

"O-po" nabubulol kong sagot.

"Napakabusy mo namang tao. Paano pag sinagot ka ng anak ko tapos tambak trabaho mo?"

"Sa firm naman po namin madalas umpisa't huli lang po na proseso trabaho ko. Sa bar naman po may schedule lang po kung kelan ako nandun. Ginagawan ko naman po ng paraan para magkaroon ng time para sa sarili ko tsaka sa anak nyo po. Iyon po kasi yung turo sa akin ng magulang ko." Mahabang pakiwanag ko.

"Ahh. Mabuti naman kung ganun."
Nakahinga naman ako ng maluwag nung iyon ang sinagot ng daddy ni Jaki.

Patuloy lang sa pag kain naman habang nakukwentuhan.

Pero hindi ako nakaligtas sa pagkanta.

Inabot na lang bigla sa akin yung songbook at microphone.

Nang makapili ay ako na mismo ang pumindot dito.

"I can't fight this feeling any longer."

I cleared my throat after that line dahil nanginginig pa ko sa kaba.

Tinutukso naman nila si Jaki habang papalapit ako dito.

"And yet I'm still afraid to let it show.

What started as friendship

Has grown stronger

I only wish I had the strength to let it show"

Habang kinakanta ko ang mga sumusunod na linya ay dinadala naman ako pabalik kung paano kami nagsimula maging magkaibigan.

Kung paano nya ko sinungitan. At kung paano kami naging close. Walang pumuputol sa tinginan naming dalawa.

"And even as I wander
I'm keeping you in sight
You're a candle in the window
On a cold, dark winter's night
And I'm getting closer than I ever thought I might"

Naupo ako sa tabi nya.

Para kong nagcoconcert na libre.

Dapat pala nagbitbit ako lata.

Naging magaan naman yung pakiramdam ko noong nakita kong nag-eenjoy na rin yung daddy ni Jaki.

Yung mga kapatid nya naman ay winawagayway ang mga kamay kasabay sa awitin.

"And I can't fight this feeling anymore
I've forgotten what I started fighting for
It's time to bring this ship into the shore
And throw away the oars, forever"

"Cause I can't fight this feeling anymore
I've forgotten what I started fighting for
And if I have to crawl upon the floor
Come crashing through your door
Baby, I can't fight this feeling anymore"

Kahit may kung anu-ano akong naririnig sa mga kapatid ni Jaki na pang-asar lang. Focus pa rin ako sa kanya. Parang ganun din naman sya na walang naririnig kasi nakangiti lang sya sa akin.

Pagkatapos nung kanta nagulat na lang ako dahil sa lakas ng palakpak nung mga kuya ni Jaki. Pati tuloy yung ibang kumakain nakipalakpak. Dali-dali akong umupo muli sa tabi nya dahil nahiya na ko.

"Magaling pala 'tong pambato ng mga kapatid mo bunsoy."

Tinawag naman nya yung tauhan nitong carenderia para sa bills.

Magseshare sana ko para sa kinain ko. Libre na raw nya yun.

"Kumusta naman kayo ni Tom pala?" Tanong nya kay Jaki.

"Di na po kami nag-usap ulit dy e."

"Alam mo kasi Viceral, itong si Tom hindi naman dumaan sa akin kaya ganun na lang siguro kung saktan 'tong anak namin." Magugulat pa sana ko sa pagtawag nya sa apelyido ko pero yun nga pala yung pakilala ko noong nagkausap kami nung isang araw.

"Kaya ikaw, kung ayaw mong samain..kung hindi ka seryoso sa anak namin umalis ka na."

Di naman ako natakot, dahil alam kong pinoprotektahan nya si Jaki lalo na't nag-iisang anak na babae.

"Seryoso po ako sa anak nyo. Wala naman pong kasiguraduhan kung masasaktan ko sya o hindi, dahil kasama naman daw po iyon sa pagmamahal. Sisikapin ko pong maayos yung mga ganung bagay kapag nangyari. Hindi ko po papabayaan yung anak nyo. Hindi ko po hahayaan na masaktan ko ng ganun na lang yung taong paghihirapan ko." Sagot ko.

"Sige. Galingan mo. Sa sabado pa lang wala yatang tubig sa antipolo. Libre ka ba? Baka pwede kang mag-igib."

"Ay oo nga kuya Vice. Paigib naman tubig panligo lang." Panggagatong naman ni Patrick.

"Jun, kung anu-ano naiisip mo ipagawa sa bata. Puro talaga kayo kalokohan."

"Manliligaw ng anak mo yan syempre. Doon tayo sa dating nakagawian. Ako nga sa labas pa ng bahay nyo nangharana noon e."

"Ayiieeeee" nanunukso na naman yung mga kapatid ni Jaki pati sya na rin.

Ang gulo ng mga kapatid nya. Pero masaya.

Di naman agad natapos sa ganun yung pagsasalo kasama ang pamilya nila. Nagkwento pa yung daddy ni Jaki kung paano nya pinaghirapan ligawan noon si tita che.

Na mas mahigpit raw noon, etcetera.

Sa antipolo raw sila uuwi. Pati si Jaki.

Tungkol naman sa condo ay napagdesisyunan din naman ni Jaki na sa condo muna nila siya titira ulit dahil sa sitwasyon. Pumayag na rin ako dahil baka hindi magandang tignan kung sa condo ng kapatid ko sila nakatira nila Madc.

Naipaliwanag din naman ni tita sa daddy nya kung bakit doon sila nag-istay ngayon.

Noong nasa byahe naman ay kinilala pa ko ng daddy nya habang nagdadrive ako.

Kung saan daw ba ako nakatira, lumaki, nag-aral. Sinong tatay ko. Nanay ko. Na saan pamilya ko. Bakit daw bar yung napili ko, coffee shop.. mga normal na tanong kapag kinikilala talaga yung isang tao.

Hanggang sa maihatid ko na sila at nagpaalam na rin para makapagbonding silang pamilya.

Masaya ako para sa pamilya ni Jaki, dahil makakasama na nila yung padre de pamilya nila ng mas madalas. Dahil naranasan ko kung Gaano kahirap yung walang ama sa loob ng isang bahay.

Bago umuwi ay dumaan muna ako ulit sa chapel. Nagpasalamat ulit. Nagdasal para sa akin at para sa mga taong malalapit sa akin, pati na rin yung mga taong may pinagdaraanan at naligaw ng landas. Na sana, pagdating ng panahon, maging maayos na lahat.

******

Dasal lang gagaling din ako.

Typo? Sorry.

-Maddie.

Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 670 21
🚧THIS STORY IS DISCONTINUED🚧 Seoul Sports University, a prestigious school in South Korea that focuses on students becoming potentially well-known...
16.4K 216 29
Sa story na to lalaki po si Bea, pasensya napo kung ginawa kung lalaki si Bea This Story is Fanfiction Only.
597K 13.4K 40
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
1.4K 346 44
People always ask me, "Do still love him?" Honestly, I really don't know basta ang alam ko lang there's something about him that I can't let him go...