PANSAMANTALA (ViceJack)

נכתב על ידי muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... עוד

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Treinta-- - Vices

327 12 4
נכתב על ידי muddy_maddie

Vice POV

"Jaki! Hinay-hinay lang. Para kang hinahabol ng kabayo sa takbo mo e."

"Hinahabol mo? Ano sabi mo?" Sabi nya kasabay ng pagtigil namin sa villa.

Pagod akong napayuko at napahawak sa tuhod na naghahabol ng hininga. Pero siya. Hingal lang. Palibhasa ay nagsasayaw kaya nakakapagexercise na rin.



"Mommy! Dito na po kami!" Tawag naman nya kay tita habang pumapasok sa villa nila.

Pumasok na rin ako at dumeretso sa kusina nitong villa nila at kumuha ng malamig na malamig na COCA-COLA! joke. Na tubig napagod ako. Sobra.



"Ano ba ginawa nyo at hingal na hingal 'tong ampon ko?" Tanong ni tita kay Jaki. Tapos hinimas himas naman yung likod ko.

"Biglang tumakbo tita! E hila-hila ako." Sumbong ko naman na parang batang binubully ng kaibigan.

Tawang tawa naman si Jaki na may hawak na sariling baso.


Sinalinan ko naman iyon habang umiinom ng sariling tubig.

Ulit.


Isang malalim na paghinga yung ginawa ko at pinakawalan iyon.







Natapos yung merienda at sumunod na rin yung hapunan.



Hindi nawala sa hapag-kainan ang pang-aalaska at pagsaway ni tita sa aming tatlo.

Naroon pa ang pag-akma niya ng tampal sa mga braso namin dahil ayaw namin magpaawat lalo na ang kuya ni Jaki.

One of the best night ever.




Next day afternoon.

Third Person's POV

Habang nakatanaw sa palubog na araw ang nakaupong si Vice na hinihintay matapos magligpit ng gamit ang pamilya ni Jaki ay siya namang pinagmamasdan ng babae sa malayo.

Nagdesisyon itong lapitan ang kaibigan. At tabihan ito sa pagkakaupo.

Naramdaman naman ng binata ang paglapit ng dalaga. Sadyang nasanay na rin ito sa presensya niya.



"Ang ganda ng sunset no?" Sabi pa ng dalaga sa kaibigan na siya namang nagpangiti dito bago tuluya siyang lingunin.

"Oo, may narealize nga ako dahil sa sunset."

"Ano naman iyon?"

Tanong naman ng huli.

Saglit na hindi umimik ang binata na dahilan para paghampas lang ng alon sa dalampasigan ang kanilang naririnig.

Sakto lamang ang pwesto nila para hindi mabasa sa inuupuang buhangin.

Nagpakawala ng isang bugtong hininga ang binata bago magbitaw ng mga salita.


"Na kahit sa loob ng ano mang araw, kung may hindi man kanaisnais na nangyayari, meron pa ring magandang nakikita bago matapos ang araw mo. Kailangan mo lang tumingin sa brighter side." Nilingon nya ang dalaga at binigyan ito ng sinserong ngiti.




"Ang dami mo na namang iniisip siguro. Gusto ko lang malaman mo na handa akong makinig sayo." Sabi ng dalaga bago ipatong ang kamay nito sa tuhod ng binata at bahagyang hinimas ito na dahilan naman para makaramdam ang binata na totoo ang sinabi ng kaibigan, na hindi talaga siya nag-iisa dahil kasama niya ang mga ito at pamilya ang turing sa kanya.




"Thank you." Ramdam nila yung sinseridad ng pag-uusap na iyon.


Muli, hindi napigilan ng binata na magpakawala ng isang malalim na paghinga.

"Okay ka na ba Jaki?" Tanong ng binata sa kaibigan.

Nakaabang itong nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"Okay na ba yung puso mo?" Paglilinaw naman niya sa tanong nito kanina lang.

"Kasi ako, alam ko sa sarili ko, okay na ko." Ngumiti naman ito muli. Pero ngayon ay may pag-aalangan na dahil sa hinihintay niyang sagot mula sa dalaga.



"Sa totoo lang. Pakiramdam ko malapit na. Sana magtuloy-tuloy na." Kita naman sa mga mata ng dalaga na totoo iyong sinabi niya.






"Jaki okay lang ba kapag ha--"

"Vice! Jaki!" Di naman natuloy ng binata ang gusto nitong sabihin dahil sa pagtawag ng kapatid ni Jaki.

"Okay na! Nag-aaya na si mommy!" Sigaw muli ng kapatid ni Jaki.

Nauna namang tumayo si Vice at nilahad ang kamay nito para alalayan ang babae na hindi naman niya ipinagkakailang nahuhulog na ang loob niya rito.

Tinanggap naman iyon ni Jaki.

"Ano nga ulit yung sinasabi mo?"


"Ahh iyon? Wala yun."

"Ihh, ano nga?" Pagpupumilit naman ng dalaga.


"Ano, sabi ko okay lang ba kung ikaw yung mamili ng kulay para sa coffee shop na plinano ko."


"Totoo? Itutuloy mo na yung coffee shop?" Para namang nagningning ang mga mata ng dalaga noong sinabi iyon.



"Oo, dagdag kita. Haha ikaw pumili ng theme ha? May mga sketch naman na yung interior sa mga schemes or options na binigay ko sa kanya."



"Eh teka, bakit ako?"

"Bakit hindi? Kayo naman nagbigay nung ideya na yun sa akin. Iaakyat ko sana yung bar ng dalawang floor tapos sa baba yung coffee shop. Okay lang kaya yun?"


"Oo naman. Mas madali bumaba at magpagulong yung lasing na customer kaysa umakyat para magkape at magpababa ng tama."



"O ano na naman pinag-uusapan ninyo?" Tanong ng kuya ni Jaki na pumagitan sa dalawa dahil kung magdikit ito ay akala mo ba matagal na hindi nagkita.


"Si Vice gagawin na yung coffee shop sa bar nya!" Excited naman na kwento ng dalaga na parang bukas na iyon itatayo.





Tuloy lang ang kwentuhan ng apat habang tinatahak ang sasakyan.

Bumalik naman si Vice at ang kapatid ni Jaki para kuhanin yung natitirang mga gamit sa villa nila.







"Bro, kung di ko kayo kilala ni Jackque, aakalain kong magboyfriend girlfriend kayo." Biglang sabi naman ng kapatid ni Jaki sa binata noong pabalik na sa villa para kunin yung natitirang gamit.


"Hala, si kuya. Bakit naman po?" Tanong naman nito. Kinakabahan ngunit mas angat sa kaniya ang pagtataka sa sinabing iyon.

"Kasi wala lang sa inyo yung pag-akbay, paghawak sa kamay, pag-angkla ng kapatid ko sa braso which is normally yung in a relationship lang ang hindi naiilang sa ganun."


"Sorry kuya. Didistansya na lang po ako kapag masyado kaming komportable na ganun." Sagot naman ng binata.


"Wala naman sa akin iyon. Ang mahalaga alam mo yung limitasyon nyo. Napapansin ko naman na di mo naman tinetake advantage yung closeness nyo ng kapatid ko. Baliw lang talaga yun." Napailing pa siya nung sabihin iyon.


"Sige po." Iyon na lamang ang naisagot ng binata dahil hindi na nito alam kung paano puputulin ang usapang iyon.




Nang masiguro naman nilang maayos at wala na talagang naiwan ay dumeretso byahe na sila ngunit sa antipolo muna ito dumaan upang maghapunan at nagpaiwan na rin ang kapatid ni Jaki dahil may pasok pala ito kinabukasan.



Sa muling pagbyahe ay hindi inaasahan ni Vice na may tumawag sa kaniya habang naglalaro ang kaibigan nito na nasa tabi nya sa kanyang telepono.

"Anne, calling. Viber." Ihinarap naman ng dalaga ang telepono sa kaibigan niya.

Pamilyar sa kaniya ang pangalan. Pero hindi na muna siya nagtanong hanggang sa itabi ng binata sasakyan sa kalsada at sagutin ang nagwawalang telepono.


"Anne, napatawag ka?"


"Hello Vice! I'm going to your place tomorrow." Sagot ng babae sa kabilang linya. Halatang nasasabik ito sa kanyang sinabi.


"Nasa Pilipinas ka?! Kelan pa?"

"Kanina lang. Let's party naman! Sa club wag sa bar."

"Pupunta ka ba sa bahay ko para yayain lang ako magclub? Seriously? After how many years?" Natatawang sabi ng binata.


"Actually, gusto kong pag-usapan bago mag party yung proposal mo."


"If that's the case.. okayy fine." Pasuko namang sabi ng binata.



Nakatitig lang sa kanya ang kaibigan.

Noong mapalingon naman sa kanya ang binata ay napaiwas ito ng tingin dahil baka sabihin nito ay nakikinig siya sa usapan ng may usapan.

"I hope, go ka sa coffee shop?"
Dagdag pa ng binata.

"Ofcourse! We'll talk about it tomorrow. Yung theme ha? Ikaw na bahala. Pag-usapan na lang natin yung flow."

"Alright sure. Sige na. Tomorrow na lang, I'm driving."


"Sure. Take care! Love love!"

Binaba naman na ito ng binata at binalik sa kaibigan ang sariling telepono

"Si Anne, yung friend ko na nakwento ko sayo last time."

Taning tango lang naman ang naisagot ng dalaga.


Binalik na lamang nito ang telepono ng kaibigan at natulog.





Marahil ay napagod ito sa bakasyon at byahe kaya ganun na lang talaga siya katulin makatulog.







Vice POV


"Heyyy bestie!" Agad ako napalingon sa pintuan ng marinig ang todong energy na pagbanggit sa katagang iyon.

"Oh God! Anne! I missed you!" Sinalubong ko siya ng yakap.



"I miss you too!!!! Yiiieeeeee! Tagal mong di nagparamdam sis!"

Pa tili tili pa at talong tong kaibigan ko. Bakit ba ganito ang mga babae.




"Di ka pa rin talaga nagbabago. Ako pa ngayon yung di nagparamdam no? E kayo 'tong busy sa buhay. Na hindi man lang nagagawang mangumusta."



"Tara na!!!! Let's party!!!!!"


"Hoy! Anong party!? Kakadating mo lang, di pa nga natin napag-uusapan yung sa coffee shop e." Pagpipigil ko sa kabaliwan nya.




"O sige tara na sa starbucks, magmanman na tayo kung pano nila pinapatakbo yun."



"Ayokong makulong. Bumalik ka na lang sa Austrailia. NapakaB.I. mo."


"Ikaw ang nagturo sa akin maging masamang tao." Tinitigan ko lang sya.


"Kidding. Let's go!"


Dala nya yung sasakyan nya at gusto nyang siya magdrive. Ayaw naman niya ibigay yung susi sa akin at ako ang magdadrive.



Eto tuloy ako sa passenger seat. Kain lang ng kain ng kung anong meron dito.


"Masarap ba yan? Di ko kinakain yan e." Tanong nya pa sa akin.


"Oo. Masarap naman, bakit di mo kinakain?"


"Expired na kasi e." Bigla ko naman siya nilingon.

Tawang tawa na sya. Napakabruha.

"Gaga ka talaga." Tinignan ko naman yung date nung pagkain.

Expired na nga.

Pero tinuloy ko na rin yung pagkain. Sayang e.
Tsaka isa na lang may magagawa pa ba ko?



Itong tao 'to yung babaeng walang hiya.

Yung kasama namin nila Vhong kapag nagwawalwal noon.


Sya mag-aaya pero sya rin yung unang mawawala sa katinuan.





"Sht!" Napabalikwas ako sa pagkakaupo kong parang nasa bahay lang dito sa kotse ni Anne. Kinapa-kapa ko pa yung bulsa ko para hanapin yung phone ko

"Bakit?!" Gulat namang tanong ni Anne sa akin.

"I forgot to text Jaki!"

"Huh? Who's Jaki?" Wacky face nyang tanong.

Lahat ng parte ng mukha lukot na lukot e.


"Friend of mine." Sabi ko lang habang nagtatype.

Hindi ko na sya tinapunan ng tingin dahil focus ako sa pagtatype.


"Piglet, di pala ako makakadaan dyan ngayong dinner. Sorry nakalimutan ko may business meeting nga pala ko with Anne. Bawi ako promise. Gusto mo manood na lang tayo movie mamaya?"




Matapos kong basahin ng ilang beses iyon ay di ko napansin na nakatigil pala kami ni Anne sa starbucks

Bababa na sana ko pero pinigilan nya ko.

"May girlfriend ka na ba? Sino si Jaki? Paano si Claire?" Tanong nya sa akin.

"Wala san mo naman napulot yan?"


"The way you act. Duh!" Maarteng sabi pa nya.


Inagaw nya naman sa akin yung phone ko.




"Wooooaaaahhhh. Walang girlfriend pero may wallpaper na babae? Who's this? Wala na kayo ni Claire? Nililigawan mo ba 'to?" Tinitilt pa nya yung phone ko side to side.

"Never naman naging kami. Kaibigan ko yanq."

"Kaibigan daw. Kaibigan mo rin ako, si Karylle but you never put our faces on your phone. Kahit lockscreen brad!"


"Ang OA mo. Di ko lang napalitan. Hiniram kasi nung nakaraan. Ugali nyang palitan yan kapag nagseselfie."



"Bahala ka dyan. Tara na. May utang ka pang kwento kay Claire. Pero, since di naman namin sya talaga gusto. Okay lang wag mo na kwento baka mabwisit pa ko."


Umuwi si Anne noon. Once. Tapos nililigawan ko pa yung babaeng sinungaling. Pag-alis nun deretsong sinabi talaga ni Anne na di nya feel si Claire. Napailing na lang ako ng maalala iyon.



After nung proposal ko kay Anne. Kung ilang years mababawi yung puhunan. Kung paano magiging flow. Etc.

Bumalik na naman yung utak ko sa tanong nya kanina.

Girlfriend, nililigawan.

Di ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko. Di ko pa alam kung handa na ba sya. Bakit kasi natotorpe ako sa kanya.


While drinking, sa club. Just sitting beside Anne na medyo tipsy na.

"Anne, nung niligawan ka ni Erwan..broken ka ba nun?"

"Uh.. no. Why?" Nag-isip pa sya kunwari. Matulin naman sumagot.

Napabuntong hininga na lang ako.

Bakit ko ba kasi tinanong yun.



"Jaki..the one you thought my girl. I want to court her. I like her, no. I think I'm falling inlove. I dont know. I dont understand what I'm feeling right now. I don't know what to do. Sobrang iba yung kalugayahan na nararamdaman ko when she's around. Hinahanap ko sya kapag wala sya sa tabi ko. Anne hindi ko alam kung paano pigilan." Tuloy tuloy kong sinabi iyon sa sobrang frustrate. Pinaglalaruan ko lang sa kamay ko yung shot glass.

"Tanga ka ba? Gago ka ba?" Tangna, napalingon ako sa kanya. Medyo may tama na nga pala sya kaya hinintay ko na lang yung paliwanag nya.


"Bakit mo pipigilan?"

Hinarap ko siya muli.

"Di ko naman gustong pigilan talaga. Ang kaso lang, Anne, ayaw ko naman na liligawan ko sya na hindi pa sya handa."

"Ang sabihin mo natatakot ka lang." Deretso sa matang sinabi nya sa akin iyon.

"Natatakot kang mareject." Napaawang ang bibig ko doon magsasalita sana pero parang tinamaan akong tunay doon.

Natatakot nga ba ako?


"Di mo alam di ba? Pero kilala naman kita brad. Ayaw mo lang na maging unfair yung laban."

"What?" Hindi sa hindi ko sya narinig dahil malakas ang musika dito pero di ko lang naintindihan talaga.

"My point is, ayaw mo syang ligawan ngayon kasi alam mong hindi pa sya ready at kung iyon yung magiging way para mahulog sya sayo na parang nandyan ka nung wasak sya. Di ba ang pangit naman nun?"

Iba talaga ang epekto ng alak.


Pati puso ko tinatamaan. Lalo sa mga sinasabi nitong kaibigan ko.


Tama siya. Pilit ko lang hindi iniisip yung ganung bagay.

"So what's the plan?"



Napatingin naman ako sa malayo noong itanong nya 'yon.

Pinanood ang mga tao sa gitna habang nagsasayaw. Ang iba ay halata kong nagpapadala na lang alak at sa tugtog ng musika.




"I'll court her. In time. Kung kailan okay na sya. Kung kailan kaya ko na maglakas loob kahit ano kahinatnan."




Napalingon naman ako sa kanya matapos iyon sabihin.


Bagsak na. k.o. na.


Katulad ng dati. Kinuha ko yung phone nya.


Tinext ko si Erwan.

Tumawag naman kaagad.

Sinabi ko lang kung saang club. Matagal na ko pinipilit magshare ng stocks dito pero pinagiisipan ko pa. Lalo na't nalaman kong nandito yung nambugnog kay Vhong. Malakas ang koneksyon talaga.


Binantayan ko lang ng ilang sandali si Anne. Agad namang dumating yung boyfriend nya.

Binuhat naman nya tsaka ako binalingan.

"Bro, next time. Isama mo ko kapag nag-aaya 'tong girlfriend ko. Salamat sa pagtext. Una na kami."

"Yeah sure. No worries."




Dumeretso na rin ako sa sasakyan ko pagkaalis nila.

Humawak ako sa manibela at mahigpit na hinawakan iyon.

"Damn! Bakit ka ba ganyan!? Tangina Viceral."
Nahampas ko pa yung gitnang parte nito dahilan para bumusina.

Pati ako ay nagulat doon.

Di ko alam pero naiinis ako sa sitwasyon ko.


Kinalma ko na muna yung sarili ko bago magmaneho.

Di alam kung saan pupunta.

May nakita naman akong matandang nagtatakatak.

May nakita akong matalik kong kaibigan dati.

Sigarilyo.

Bumili ako. Isang stick lang. Tsaka lighter.

Nagtitimpi, inaamoy yung sigarilyo.




Di ko napigilan at huminto ako sa isang kalye. Hindi matao. Sakto lang.



Natukso ako. Binalikan ang bisyo.

Nakasandal lang sa may pintuan ng sasakyan habang dinadama ang nalalanghap na usok at pagbuga ko dito pataas.


Relaxing.




Kada paghinga ko ay may usok na lumalabas.



Tinignan ko ang sigarilyo sa pagitan ng aking mga daliri.

Mauubos na. Kaunti na lang.



Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa.



Kinuha iyon habang humihithit ng sigarilyo.

"Umaga na. Nakauwi ka na ba?"

Isang text na nagpagising sa akin sa katotohanan.


Hindi ko dapat ito balikan. Hindi na dapat ako naninigarilyo.

Nabitawan ko sa pagkakaipit nito sa aking mga labi. Tumama sa braso ko at napaigtag ako dahil sa pasong natamo.

"Bullshit!"

Nakita ko na nasa kalsada na ang piraso ng sigarilyo.

Tinapakan ko iyon upang mamatay ang natitirang sindi bago pulutin at itapon sa basurahan.

Tinawagan ko siya nang makapasok na ako sa sasakyan.

"Hello, Jaki..Im sorry. Di ako nakatext ha? Pauwi pa lang ako." Bungad ko sa kanya.


"Okay ka lang ba? Nag-alala lang ako. Okay lang yun."

"Okay lang ako. Wag mo na ko isipin. Tulog ka na. Bukas na lang tayo manood."


Halata talaga sa boses nya na okay lang. Na nag-aalala lang sya.


"Sige. Mag-iingat ka."

"Salamat."


Nang marinig kong binaba na nya ang telepono ay tsaka ko pa lamang iyon binitawan.


Dumeretso muna ko sa isang convenient store. Malapit lang sa baba ng condo.


Nagpawala ng nalalasahan pang usok sa sariling kagagawan.






You already quit. Bakit ka bumalik.


Ito yung hindi ko gusto sa sarili ko kapag naguguluhan.




Bumili ako ng mga pagkain doon.


May lumapit sa aking mga batang hamog.



Nanghihingi ng pagkain.

Binilan ko naman ng cup noodles. Magkakatabi kami ngayon na kumakain ng noodles.


"Baka mamaya pagkamalan ka nilang sindikato dyan."

Napalingon naman ako sa nagsalita.

Nakapantulog pa ito na damit.

"Tss. Di yan."

"Kayo ha? Pag kinuha na kayo nung mga may hawak sa inyo o anuman. Wag kayo magpapaapi." Pangangaral ko naman sa kanila. At tumabi rin sa akin si Jaki. May cup noodles din sya.


"Di ka man lang nag-abala magbihis?" Tanong ko sa kanya matapos nguyain yung noodles.


"Di ka man lang nag-abalang maligo? Baho mo. Amoy ka usok! Inihaw ka ba?" Sabi naman nya sa akin.



"Oh, pagkain mo. Nanood ka pa rin ba kahit wala ako?"


Umiling naman sya ng napakarami.

"Sabi mo bukas na lang e."



"Uwi na po kami. Salamat po."

"Sige ingat." Nakipag high five pa ko sa kanila bago umalis yung mga bata.

"Sa uulitin po."

"Edi wow." Kumento naman nung katabi ko.



"Punta ko bar. Bisitahin ko muna. Baka dun na rin ako matulog."



"Okayy." Tumayo na sya pagkatapos kumain kinuha na rin yung paper bag na may mga pagkain na binili ko para sa kanya.



"Sinundan ko naman din sya."



"San ka punta?"

"Hatid kita."



"Baka maamoy ka nung sprinkler magshower pa don."



"Sorry na." Pagsuko ko dahil alam ko na alam nya na sigarilyo yung naamoy niya.



"Sige na bukas na lang. Last mo na yan." Sabi nya papasok ng elevator.

Pinindot nya yung close button pero humarang ako para ihatid sya sa unit.



"Sorry na." Sabi ko ulit at tinignan siya.


Di ko namalayang hinawakan ko yung kamay niya.

Tinitigan ko lang iyon hanggang sa bumus na yung elevator.


Nahila naman nya ko dahil wala ako sa wisyo.



"Okay ka na? Andito na ko. Gusto mo ba pumasok?" Tanong nya na nakabukas yung pinto at nasa loob na pala sya.



"Hindi na. Bukas na lang."

"Mag-iingat ka. Text mo ko kahit tulog na ko pag nasa bar ka na. Good night."



"Good night." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.



Pag hiwalay ko ay binigyan nya ako ng matamis na ngiti. Sinuklian ko naman din iyon.


"Good night." Sambit ko muli at sabay namin isinara yung pinto.



******
Meron talaga tayong mga vices. Maliit man na bagay o big deal.

Siguro mahirap iwasan, maaaring binabalik-balikan.

Madalas naman tinitigilan, for a change. For good.

Ingat mga tao!

Walang number kasi nagkamali ako ng bilang. Byers! Next time ulit.

Sorry na sa typo.

-Maddie.

המשך קריאה

You'll Also Like

154K 3.6K 77
Cause you only need the light when it's burning low, only hate the sun when its start to snow only know you love her when you let her go. ...
7.8K 563 48
To Tricia, Detective Jayden Rivera was a little too reckless and aloof for her liking. Yet Tricia couldn't help but pay attention to him every time J...
1.1M 44.7K 51
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
16.9K 587 34
ROLE PLAY WORLD. O mas kilala sa tawag na RPW. Everything is FAKE. Pero minsan yung feelings TOTOO. CRP PROBLEMS and FACTS a thread. •Highest Ranking...