DIABLO SERIES I: Ang Salamin...

Per JLDark

24.3K 291 10

Més

Chapter 01
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 20 (FINAL CHAPTER)

1.1K 27 6
Per JLDark

Nagsimula nang pumunta sina Mon at Joshua sa gitna ng kagubatan upang puntahan ang isang matandang puno na gagamitin nilang kulungan para kay Helga. Sinanay na rin ni Joshua ang kanyang sarili sa pagguhit ng simbolo upang palabasin si Helga sa salamin.

Si Mon naman ay may bitbit na isang malaking stand mirror na nakabalot sa isang kumot upang hindi makita ang kanilang repleksyon.

Madilim ang lugar na tinatahak nila kaya may bitbit din silang lampara at flashlight. Nakakatulong din sa kanila ang liwanag ng buwan para maaninag din nila ang paligid.

Matapos ang mahabang paglalakad ay narating na rin nila ang matandang puno na iyon. Isang puno ng balete.

Joshua: "Yan na ba ang matandang puno?"

Mon: "yan na nga! Sa tantya ko ay hindi hihigit sa sampung taon bago yan mamatay."

Joshua: "Ganun katagal?"

Mon: "Oo! Wala nang iba pang mas matandang puno dyan na madaling mamatay. Yan na ang pinakaperpektong kulungan para sa kanila! Ngayon din ay sisimulan na natin ang pagkukulong! Pwede natin itong ipagpaliban muna kung hindi pa buo ang loob mo?"

Joshua: "Hindi, kuya Mon! Hindi ko ito dapat ipagpabukas pa o sa ibang araw! Marami pang ibang madadamay kapag hindi ko ngayon gagawin ito! Nakahanda na ako! Wala na itong atrasan pa!"

Hindi kakikitaan ng takot o kaba si Joshua. Bagkus ay mababanaag mo sa kanyang mukha ang pagkadesperado nyang magtagumpay.

Mon: "Kung 'yan ang gusto mo ay sisimulan na natin ito!"

Sinimulang ilapag ni Mon ang salamin sa tapat ng puno. Tinanggal nila ang kumot na nakabalot dito at ang liwanag ng buwan na tumatama sa salamin ay pina'reflect nila sa punong iyon. Tila umiilaw ang puno dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan dito.

Mon: "Heto na! Sa oras na iyong ilapag ang puting brilyante ay magsisimula na ang una nating kalbaryo."

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Joshua. Alam nyang kapag humarap sya sa salamin ay hindi malayong magpakita si Helga sa kanya. Siguradong hindi sya hahayaan nito na magtagumpay.

Kahit ganun ang mangyayari ay sumuong pa rin sya.

Sampung segundo. Yun ang pinakamabilis na magagawa ni Joshua sa pagguhit ng simbolo na magpapalabas kay Helga sa salamin. Sa sampung segundo na iyon ay kailangang magtagumpay sya sa unang hakbang ng kanyang misyon.

Wala nang inaksaya pang oras si Joshua. Kinuha nya ang bitbit nyang kutsilyo at sinugatan nya ang kanyang hintuturo sa kanang kamay. Sunod naman ay inilapag nya ang puting brilyante sa puno at mabilis na humarap sa salamin.

Sinimulan na nyang iguhit ang simbolo gamit ang kanyang sariling dugo. Naiguhit na nya ang bilog at ang buwan, pero napatigil sya nang simulan na nyang iguhit ang tala. Hindi dahil huminto sya kundi dahil may nagpahinto sa kamay nya sa kanyang repleksyon. Si Helga.

Helga: "May gagawin ka ba? Sa tingin mo ay papayagan ko ang binabalak mo? Papatayin na kita bago mo pa gawin 'yon! Hahaha!"

Pinilipit nito ang kamay ni Joshua. Ramdam naman nya na para syang mababalian ng braso. Hindi sya makawala. Napakalakas ni Helga para sa kanya. Sinubukan naman syang tulungan ni Mon pero hinampas lamang ng Diablong ito ang repleksyon ni Mon at tumilapon ito.

Sinakal naman ni Helga si Joshua at iniangat sa ere.

Helga: "Gusto mo bang maranasan kung ano ang ginawa ko noon sa matalik mong kaibigan bago sya namatay? Haha! Hindi! Mas masahol pa d'on ang gagawin ko sa'yo! Sisiguraduhin kong buhay ka pa habang unti-unti kong inaalis ang bawat laman loob mo sa katawan! Wahaha!"

Nagimbal si Joshua sa narinig nya. Tila wala nang pag-asang makaalpas pa sya mula sa kamay ng diablong ito. Si Mon naman ay nakalupasay pa rin. Tila napuruhan ito sa ginawa ni Helga.

Unti-unti namang humaba ang mga kuko sa isang kamay ni Helga.

Itinutok nya ito sa katawan ni Joshua.

Helga: "Ramdam ko ang matinding takot sa buo mong katawan. Akala ko ba ay matapang ka? Haha, puro ka lang salita! Ano nang ipinagmamalaki mo ngayon? Wala! Ihanda mo na ang sarili mo sa matinding hirap na iyong mararanasan!"

paunti-unting inilalapit ni Helga ang kamay nya kay Joshua. Wala naman itong magawa para makawala.

Sa oras na iyon ay wala na syang maaasahan. Aantayin na lamang nya ang kanyang kamatayan mula sa kamay ng Diablong si Helga.

Malapit na sanang tusukin nito ang kanyang katawan nang bigla na lamang may lumabas na isang itim na liwanag mula sa hindi nya malamang direksyon. Tumagos ang parang itim na liwanag na ito at pumasok sa loob ng salamin hanggang sa tamaan si Helga.

Helga: "WAAAH! Hindi maaari ito? Ang itim na apoy ng impyerno? Kung ganon ay . . ."

Bumagsak naman si Joshua matapos mabitawan ni Helga ang kanyang repleksyon sa salamin.

Bigla syang napatingin sa kanyang likuran. Nakita nya ang isang anino mula sa di kalayuan pero kaagad din itong nawala.

Mon: "JOSHUA! Pagkakataon mo na!!"

Napabalikwas ng tingin si Joshua kay Mon na noon ay nakabangon na pala.

Mabilis siyang tumayo. Kahit na masakit pa ang braso ay pinilit pa rin nya ang kanyang sarili na ituloy ang pagguhit ng simbolo.

Nang mga sandali naman na iyon ay nawawala na rin ang itim na apoy kay Helga.

Malapit na syang hawakan uli ng Diablong ito pero matagumpay na rin nyang nagawa ang simbolo sa salamin.

Helga: "Hindi pwede . . ."

Biglang nagliwanag ang puting brilyante at nahihila na si Helga palabas ng salamin.

Mon: "Lumayo ka na dyan, Joshua!!"

Mabilis namang lumayo si Joshua sa salamin at lumapit kay Mon.

Mon: "Heto, kunin mo (sabay abot ng baril kay Joshua). Siyam lamang ang bala nyan kaya subukan mo syang pigilan hangga't kaya mo,"

Joshua: "p-pero hindi ako marunong gumamit nyan,"

Mon: "Basta itutok mo sa kanya at iputok! Kahit dalawang minuto mo lang syang mapigilan. Sisimulan ko namang bigkasin ang katagang mag-uugnay sa ating mundo at sa dimensyong magkukulong sa kanya. Ang tula ng sumpa!"

Kinuha na lang ni Joshua ang baril.

Nang mga sandali naman na iyon ay tuluyan nang nakalabas si Helga sa salamin.

Helga: "WAH! Ang traydor na diablong iyon! Pagbabayan mo din ito ng mahal Hector! Humanda ka sa'kin kapag nagtagpo ang ating landas! . . . Pero bago yon . . . Uunahin ko muna ang mga kutong lupa na ito!"

Humarap si Helga sa kanila at sumugod.

Pinaputukan naman ito ni Joshua. Nakalimang bala sya hanggang sa matamaan nya ito sa ulo at bumagsak.

Sinimulan namang bigkasin ni Mon ang tula ng sumpa.

Mon: "Salamin ng nakaraan,

panahon ng pighati't pagdurusa.

Panahon ng walang hanggang kasamaan,

na sa lupa ay ikaw ang may dala. . ."

Biglang bumangon si Helga. Gumaling ang mga sugat nya na parang walang nangyari. Sumugod uli ito pero ang puntirya nya ay si Mon.

Pinagbabaril uli ni Joshua si Helga pero parang hindi ito natitinag.

Joshua: "Bilisan mo na, kuya Mon! Wala na akong bala!"

Helga: "Hindi nyo yan magagawa!!"

Sasalakayin na sana nito si Mon pero mabilis na kinuha ni Joshua ang hawak na kutsilyo. Hinawakan nya si Helga at saka nya sinabihan si Mon na magpatuloy.

Nagpagulong gulong sila sa lupa ng diablong ito pero kaagad na tumilapon si Joshua at tumama ang katawan nya sa isang puno na katabi ni Mon ng bigwasan sya ng malakas ni Helga.

Samantala ay ipinagpatuloy naman ni Mon ang ginagawa.

Mon: "Salamin ng nakaraan!

Salamin ng karimlan!

Isang masamang kahapon na ikaw ang dahilan,

ngayon ay tatapusin kailang pa man . . ."

Helga: "Ikaw ang tatapusin ko bago mo pa matapos ang ritwal!!"

Pasugod na uli umatake si Helga kay Mon pero kaagad ding bumangon si Joshua kahit nanghihina na. Nagawa nyang hawakan si Helga sa paa.

Helga: "Aba't makulit ka rin ha!! Naiirita na talaga ako sa tulad mo!!"

Joshua: "KAHH! P-pipigilan kita h-hangga't kaya ko!"

Helga: "Ginagalit mo talaga ako ha!!"

Inapakan nito ang isang braso ni Joshua. Napasigaw na lamang sya sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Kasunod naman ay pagsipa sa kanya sa mukha. Napahandusay sya sa nangyari.

Hinawakan ni Helga ang mukha ng nakalupasay na si Joshua. Unti-unting bumabaon ang mga kuko nito sa kanyang magkabilang pisngi.

Helga: "Katapusan mo na!!"

Itinutok uli nito ang mga matutulis na kuko sa kanyang dibdib. Puntirya ni Helga ang kanyang puso. Gustuhin man syang tulungan ni Mon pero alam nitong mawawalan lang ng saysay ang lahat kapag tinulungan nito si Joshua.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay may biglang tumusok na isang matalim na itak sa likod ni Helga at tumagos hanggang sa dibdib nito. Hinugot pa ng taong ito ang hawak na itak at tinagpas ang leeg ng diablong ito hanggang sa maputol ang ulo nito. Bumagsak si Helga sa lupa.

Joshua: "t-tito S-Sam??" aniya na hinang hina pa rin sa pagsasalita.

Samuel: "Bakit hindi mo kaagad ipinaliwanag sa'kin ang lahat? Sinabi na sa'kin ng tita mo ang tungkol sa nangyayari kaya sumunod kaagad ako dito."

Joshua: "p-patawad tito Sam."

Samuel: "wala kang kasalanan," inalalayan nya si Joshua upang bumangon.

Helga: "Papatayin ko kayong lahat!!"

Ikinabigla nila ang pagsigaw na iyon ni Helga.

Lumutang ang ulo nito at kumabit uli sa katawan kasabay naman ng paggaling muli ng mga sugat na natamo nito.

Bigla na lamang may tumubong naglalakihang mga sungay at buntot kay Helga hanggang sa tuluyan na nitong ipakita ang tunay nitong anyo bilang isang diablo. Sobrang nakakatakot!

Helga: "Hindi ko palalampasin ang ginawa nyong ito! PAPATAYIN KO KAYO!!" animo'y galing sa ibang mundo ang boses nya.

Napaatras na lamang sina Samuel sa nasaksihan.

Palapit ang diablong ito sa kanila pero kaagad na napabaling ang atensyon ni Helga kay Mon.

Mon: "Salamin ng nakaraan,

Panahon ng pighati't pagdurusa!

Panahon ng walang hanggang kasamaan,

na sa lupa'y ikaw ang may dala.

Salamin ng nakaraan!

Salamin ng karimlan!

Isang masamang kahapon na ikaw ang dahilan,

ngayon ay tatapusin magpakailan pa man.

Hinihiling ko na buksan ang lagusan,

mula sa mundo ng mga imortal.

Isang kulungan ng kasamaan,

Isang sumpa ng pang habang buhay!"

Hindi nakalapit si Helga kay Mon. Waring may isang malakas na pwersa ang humaharang sa kanya.

Isang malakas na pwersa din ang tumulak kay Samuel palayo kay Joshua.

Biglang natakpan ng makakapal na ulap ang buwan at isang matalim na kidlat ang gumuhit mula sa kalangitan at tumama sa brilyante hanggang sa magliwanag ito.

Helga: "Hindi maaari ito!!"

Sinubukan namang lumapit ni Samuel kay Joshua pero hindi nya magawa. Tila may isang kapangyarihan ang nasa pagitan ngayon nina Helga at Joshua.

Samuel: "Anong nangyayari?"

Mon: "Wag mo nang tangkain, Samuel! Ang laban na ito ay sa pagitan na lamang nina Joshua at Helga! Nasa loob sila ngayon ng kapangyarihan ng puting brilyante. Hindi ka makakapasok sa loob!"

Humarap naman kay Joshua si Helga.

Helga: "Hindi kayo magtatagumpay!!" palapit sya kay Joshua.

Mon: "Makinig ka Joshua! Pulutin mo ang brilyante, madali! Itapat mo ang liwanag nito kay Helga upang tuluyan na syang maikulong."

Narinig naman ni Joshua ang sinabi ni Mon. Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit pa rin nyang kunin ang brilyante sa tabi ng puno. Pagapang nya itong pinuntahan.

Si Helga namam ay paunti-unti lang kung maglakad. Ang kapangyarihang inilalabas ng puting brilyante ang pumipigil sa kanyang makalapit.

Helga: "Andyan na ako! Hahaha! Hindi mo magagawa ang gusto mo!!"

Pakiramdam naman ni Joshua ay napakalayo pa nya sa brilyante kahit na halos isang metro na lamang ang layo nito mula sa kanyang kamay. Pinilit pa rin nyang gumapang.

Halos malapit na rin si Helga sa likuran nya.

Abot kamay na sana ni Joshua ang brilyante nang bigla na lamang nyang maramdaman ang pagtusok ng matulis na kuko ni Helga na tumagos mula sa kanyang tiyan.

Joshua: "WAAAAHHH"

Helga: "Hindi ka nagtagumpay! Hahaha! Ako pa rin ang nagwagi!"

Maging sina Samuel at Mon ay nabigla sa nangyari.

Samuel: "JOSHUAAAAA!!"

Mon: "Hindi?! Nabigo tayo!" napaluhod na lamang sya.

***

"KRAAASSS" tunog ng isang nabasag na salamin sa harap ni Eumi.

Eumi: "Huh, Joshua?"

Anna: "Ayos ka lang ate? Anong nangyari?"

Eumi: "H-ha? Wala, nabagsak lang ang salamin. Ok lang ako. Pupulutin ko na lamang ito."

Pero habang pinupulot nya ang mga piraso ng basag na salamin ay bigla na lamang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Eumi: "Anong nangyayari? Bakit ako lumuluha? Di kaya . . . Si Joshua?"

Anna: "Bakit ate? Nasugatan ka ba?"

Eumi: "Si Joshua?"

Anna: "Ipanatag mo ang sarili mo. Walang masamang mangyayari kay Joshua."

Eumi: "Sana nga," napayakap na lamang sya sa kapatid.

***

Hinugot ni Helga ang kanyang kamay kay Joshua.

Helga: "Ganyan ang sinasapit ng mga taong kumakalaban sa'kin. Haha!"

Joshua: "I-Im sorry Eumi,"

Unti-unti nang ipinipikit ni Joshua ang kanyang mga mata.

Pero bigla nyang naalala ang kanyang nakaraan at ang mga taong naging parte ng kanyang buhay. Si Ricky, ang Mama nya, ang Papa nya, si Luisa, si Samuel, si Anna at higit sa lahat ay si Eumi. Biglang dumilat ang mga mata nya.

Joshua: "Hindi! Lahat sila ay umaasa sa'kin kaya hindi ko sila dapat biguin!"

Parang nagkaroon sya ng kakaibang lakas para gumalaw. Sinubukan nyang abutin muli ang puting brilyante.

Helga: "Ano? Buhay ka pa?" akmang susugurin uli nya si Joshua pero matagumpay na nitong nakuha ang brilyante at naitapat ang liwanag nito sa kanya.

Helga: "Paanong nangyari ito??"

Isang lagusan mula sa itaas ng puno ang lumabas at unti-unti nitong hinihila si Helga papasok sa loob.

Helga: "WAAAAAAHHHHH! Babalik ako at sinisiguro kong sa muli kong pagbabalik ay mas matindi nyo pang matitikman ang aking bagsik! TANDAAN NYO YAN!!!" tuluyan nang nahigop si Helga sa loob ng lagusan papasok sa loob ng matandang puno.

Nagbalik naman sa normal ang lahat.

Nawala na ang kakaibang kapangyarihang nakapalibot kanina.

Nilapitan naman nina Samuel at Mon si Joshua.

Samuel: "JOSHUA! Kayanin mo!"

Joshua: "N-nagtagumpay ho b-ba ako?"

Samuel: "Oo! Tapos na ang lahat kaya pilitin mong mabuhay!"

Mon: "Nagawa mong ikulong si Helga. Kahanga-hanga ang iyong ginawa."

Joshua: "Mabuti n-naman kung g-ganon!" ngumiti sya at unti-unti nang ipinipikit ang kanyang mga mata.

Samuel: "Joshua! JOSHUAAA!"

Sinuri naman ni Mon ang katawan ni Joshua.

Mon: "Ikinalulungkot kong sabihin pero wala na sya,"

Samuel: "Hindi! Bakit kailangang umabot pa sa ganito ang lahat?" napayakap na lamang sya sa walang buhay na si Joshua.

***

Ricky: "Kamusta, Josh?"

Joshua: "R-Ricky? Nasaan ako? Nasa kabilang buhay na ba ako?"

Ricky: "Ganun na nga!"

Joshua: "Namatay na pala ako. pero ayos lang. Tagumpay ko namang nagawa ang tungkulin ko."

Ricky: "Binabati kita, Bro. Isa kang bayani. Nailayo mo si Eumi sa panganib."

Joshua: "Tungkol sa kanya, nakalulungkot isipin pero hindi pala kami ang para sa isa't isa."

Umakbay si Ricky sa kanya.

Ricky: "Tanggap ko na ikaw talaga ang mahal ni Eumi kaya naman hindi ko sya hahayaang malungkot. Tara, sumunod ka sa'kin. May naghihintay sa'yo."

Naglakad palayo si Ricky. Sinundan naman sya ni Joshua.

Mayamaya ay may natanaw sila. Isang babaeng nakatalikod. Ilang sandali lang ay humarap na rin ito sa kanila.

Joshua: "Mama?"

Janna: "Joshua, anak,"

Joshua: "Ikaw nga," lumapit sya dito at niyakap ang kanyang ina.

Joshua: "Miss na miss na kita, Mama!" hindi nya napigilan ang lumuha.

Janna: "Miss na rin kita,"

Joshua: "Patawarin nyo sana ako, kung di dahil sa'kin ay. . ."

Janna: "Ano bang sinasabi mo? Wala ka namang kasalanan. Iwaksi mo sa iyong isipan ang pagsisi mo sa iyong sarili."

Joshua: "Pero kung di dahil sa ginawa ko . . ."

Janna: "Kung di dahil sa ginawa mo ay marami pa sanang napahamak. Ipinagmamalaki kita, Joshua. Proud akong sabihin na naging anak kita."

Joshua: "Mama,"

Janna: "Paki sabi na lang sa Papa mo na miss ko na rin sya. At pakisabing huwag na syang masyadong malungkot."

Joshua: "Ano po? Kay Papa?"

Tila naguguluhan si Joshua sa narinig.

Ricky: "Makinig ka Bro, hindi ka pa naman lubusang namamatay. Hindi pa ito ang huli mong hantungan."

Joshua: "Anong ibig mong sabihin? Hindi pa ako patay?"

Ricky: "Tama ka. Isang himala pa ang mangyayari. Magsasama pa kayo ng matagal ni Eumi."

Janna: "Labis kong ipinagpapasalamat na nakasama uli kita kahit sa maikling sandali man lang." yumakap uli sya sa anak.

Hindi maipaliwanag ni Joshua ang nararamdamang kaligayahan. May pag-asa pa silang magkasama ni Eumi.

Unti-unti na rin siyang naglalaho sa harapan nila Ricky.

Ricky: "Paalam Bro. Hanggang sa muli."

Janna: "Pakisabi na lang sa Papa mo ang mga sinabi ko sa'yo. Lagi nyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo."

Joshua: "Maraming salamat sa inyo. Salamat sa sandaling nakasama ko kayo. Mami'miss ko uli kayo. Mama, mahal ko rin po kayo. Ipapaalam ko po kay papa ang mga sinabi nyo." nginitian naman sya ng mga ito bago nagpaalam.

Samantala:

Lumapit ang espiritu ni tata Isko kay JL na noon ay nanghihina buhat sa ginawa nito.

Tata Isko: "Sa tingin ko ay lubusan na nga ang tiwala ko sa'yo."

JL: "Huwag ka munang pasiguro." ipinakita nya kay Tata Isko ang kanyang kanang braso. Tila naging sa isang halimaw ang braso nya.

JL: "Ito ang napala ko matapos kong tulungan si Joshua. Halos dalawangdaang taon na rin ang lumipas simula nung huli kong ginamit ang aking kapangyarihan kaya naman hindi na ako masyadong sanay kaya bumalik sa pagiging diablo ang braso ko. Pero wag kang mag-alala dahil mayamaya lamang ay babalik din ito sa dati. Ang mahalaga ngayon ay nagtagumpay si Joshua."

Tata Isko: "Sa kasamaang palad naman ay pumanaw sya."

JL: "Huwag ka uling pasiguro. Ang tatlong brilyante ang mistulang balanse ng buhay ng isang imortal. Ang puting brilyante ang magbabalik sa iyong pagkabata, ang itim naman ang magpapatanda sa'yo at ang pula ang magbabalik sa normal mong edad. Ang tatlong brilyante ang kailangan upang makamit ang buhay na walang hanggan. Maibabalik ng puting brilyante ang dating katawan ni Joshua."

Tata Isko: "Ano bang gusto mong sabihin?"

JL: "Kayang ibalik ng puting brilyante ang dating katawan ni Joshua bago pa sya huling nasugatan ni Helga, kasunod naman ay ang muling pagbabalik ng espirituwal na katauhan nya. Sa madaling salita, mabubuhay sya." bumulong ng isang orasyon si JL kasunod ng muling pagliwanag ng puting brilyante sa di kalayuan. Ang liwanag nito ay pumalibot sa katawan ni Joshua hanggang sa gumaling ang sugat nito sa tiyan.

Bahagya namang napaluhod si JL sa ginawa nya.

JL: "S-Sa ngayon ay hanggang dito na lang ang tungkulin ko para kay Joshua. Tapos na ako sa kanya."

Tata Isko: "Isang malaking palaisipan ang pumasok sa aking isipan, bakit ngayon mo lamang ito ginawa kung pwede naman palang ibalik ng brilyante si Juana noon sa dati?"

JL: "Dahil sa mga napili lamang pwedeng gamitin ang kapangyarihan ng brilyante. Hindi ito gumagana sa iba. At ngayong tapos na si Joshua, ang natitirang dalawa na lamang ang kailangan nating intindihin. Di tulad ng puting brilyante, hindi sila pwedeng buhayin ng kani-kanilang mga brilyante kapag namatay sila."

Tata Isko: "Mga ilang araw lamang ay pupunta na dito sina Mico at Jake!"

JL: "Magaling kung ganon! Mas lalong nagiging interisante ang lahat." pagkatapos ay nagsimula na syang maglakad paalis.

Tata Isko: "Hanggang sa uulitin, Hector. Ang ikaapat na Diablo."

JL: "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag mo na akong tatawagin sa ganyang pangalan?!"

Bigla nang nawala si tata Isko sa kanyang paningin.

JL: "Pasaway na matanda!!" nagpatuloy uli sya sa paglalakad.

Sa kabilang dako naman ay bigla uling gumalaw ang katawan ni Joshua. Hindi naman makapaniwala sina Samuel at Mon. Kanina lamang ay patay na si Joshua.

Bahagyang binuksan ni Joshua ang kanyang mga mata pero kaagad din syang pumikit.

Nang magmulat uli sya ng mga mata ay nasa isang puting kwarto na sya.

Luisa: "Naku, mabuti naman at nagising ka na alalang-alala na kami sa'yo." aniya nang makita nyang nagmulat ng mga mata si Joshua.

Pumasok naman sina Mon at Samuel sa loob ng kwarto.

Samuel: "Mabuti at nagkamalay ka na iho."

Joshua: "Nasa ospital ho ba ako?"

Samuel: "Oo! Dinala ka namin dito matapos ang nangyari sa'yo. Hindi nga kami makapaniwala na nakaligtas ka. Ipinagpapasalamat namin sa diyos na nasa maayos ka nang kalagayan."

Mon: "Isa kang bayani Joshua. Marami kang nailigtas na buhay dahil sa ginawa mo."

Luisa: "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na nasa likod mo lang ang diyos? Alam kong hindi ka nya pinabayaan. Siguradong maipagmamalaki ka ng iyong ama."

Joshua: "Maraming salamat po. Hindi ko ho magagawa ito kundi sa tulong nyo."

Luisa: "Ipahinga mo muna ang iyong sarili. Hindi biro ang pinagdaanan mo."

Joshua: "Oo nga po e, medyo masakit pa ang buong katawan ko dahil sa nangyari."

Samuel: "Wag mong masyadong pilitin ang iyong sarili. Magpagaling ka muna."

Joshua: "Opo!"

Mon: "Sa tingin ko ay tapos ko nang gampanan ang tungkulin ko sa'yo, Joshua."

Joshua: "Ano nang balak mong gawin ngayon, kuya Mon?"

Mon: "Hihintayin ko pa ang natitirang dalawang tao na nakapulot sa ibang mga brilyante. Pagkatapos nun ay balik na sa normal ang buhay ko."

Joshua: "Sana ay magtagumpay din kayo at ang iba pa."

Mon: "Oo! Alam kong magtatagumpay ang iba sa pagkulong sa ibang mga diablo. Pero sa ngayon ay dapat tayong magsaya dahil sa tagumpay mo."

Nagsaya silang lahat. Pero higit na mas masaya si Joshua dahil tapos na ang kanyang kalbaryo. Balik na sa normal ang kanyang buhay. Babalik sya para kay Eumi.

Makalipas ang tatlong buwan:

Nasa Park noon si Eumi. Pinagmamasdan nya lang ang buong lugar. Naalala nya ang masasayang samahan nila ni Joshua sa lugar na iyon. Matagal na syang walang balita dito. Ni hindi na nya alam kung ano na ang nangyari kay Joshua. Hindi na nya napigilan pa ang lumuha. 

Habang umiiyak ay may nag-abot sa kanya ng isang puting panyo.

Eumi: "J-Josh?"

Joshua: "Kamusta?"

Eumi: "Ikaw nga!" napayakap sya kay Joshua pero sandali lang iyon at pagalit nya itong tinapik sa dibdib.

Eumi: "Kamusta? Yun lang ang sasabihin mo sa'kin matapos mo akong paghintayin ng ilang buwan?"

Joshua: "Pasensya na kung pinag-alala kita,"

Eumi: "Pasensya? Alam mo ba kung gaano ang pag-aalala ko? Alam mo bang halos hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano nang nangyayari sa'yo? Ni hindi mo nga ako tinatawagan kaya nag-aalala ako dito kung napa'no ka na?" at bahagya nya uling pinagtatapik at sinuntok ang dibdib ni Joshua.

Joshua: "ARAY! Ano ba? Masakit ah! Hindi pa masyadong magaling ang pilay ko dyan!" hinagod nya ang kanyang dibdib na tila ba nasaktan.

Eumi: "I'm sorry, Josh. Masakit ba?"

Joshua: "Haha! Biro lang!"

Eumi: "HA? Aba, ikaw talaga! Kakaasar ka!" akmang susuntukin nya uli si Joshua sa dibdib pero hinawakan na nito ang kamay nya. Humarap ito sa kanya at ngumiti.

Joshua: "Nakabalik na ako, Eumi. Tapos na ang lahat. Ikaw ang dahilan kaya buhay pa ako hanggang ngayon. Gusto pa kitang makasama ng matagal."

Bigla uling napaiyak si Eumi.

Joshua: "O, bakit ka umiiyak?"

Eumi: "Natutuwa lang ako at ligtas ka! Napakasaya ko dahil nagbalik ka na pero . . . Pero bakit natiis mo akong hindi tawagan ng ganun katagal? Halos mamatay ako sa pag-aalala sa'yo pero hindi mo man lang ako magawang tawagan o ma'text man lang?"

Joshua: "Pasensya na. Nawala kasi ang cellphone ko. Di ko rin kabisado ang number mo kaya di kita ma'contact."

Eumi: "Hmmp, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan."

Joshua: "SORRY na. Wag ka nang magtampo. Na'ospital kasi ako kaya hindi ako makagawa ng paraan na ma'contact ka. Alam mo ba, matindi talaga ang pinagdaanan ko bago ko naikulong ang Diablong 'yon. Bugbog sarado talaga ang katawan ko. Halos isang buwan akong naratay sa ospital. Hinintay ko munang tuluyang gumaling ang mga sugat ko bago ako bumalik dito."

Eumi: "Oh, Josh, hindi ko alam na ganun pala ang pinagdaanan mo." napayakap uli sya dito.

Joshua: "Wala ka nang dapat ipag-alala pa. At isa pa, may nakalimutan pala ako dito."

Eumi: "Ano 'yon?"

Joshua: "Hindi mo ba alam? Hindi pa ako ganap na nakakapanligaw sa'yo kaya hindi pa official ang ating relasyon. Kaya ngayon ay liligawan kita. Sasagutin mo ba ako?"

Eumi: "Akala ko naman ay kung ano na?"

Joshua: "Ano nga? Sasagutin mo na ba ako?"

Eumi: "Oo na. Simula ngayon ay Officially mag-on na tayo. Ano, masaya ka na ba?"

Joshua: "Nagbibiro ka ba? Hindi lang ako masaya kundi masayang masaya! Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na sinagot na ako ng babaeng pinakamamahal ko."

Eumi: "Ang corny ng reaction mo ha."

Joshua: "Eh paano kaya kung sabihin ko sa'yo na after 5 years ay ayain na kitang magpakasal? Gusto kong tuparin ang sinabi ko sa'yo noon. Willing ka bang maging part ng buhay ko magpakailan pa man?"

Pinamulahan naman si Eumi sa sinabi ni Josh.

Eumi: "H-ha? A-anong sinabi mo, J-Josh?"

Joshua: "HAHA! Sino na kaya ang may corny na reaction ngayon?"

Eumi: "Ano? Ikaw talaga!"

Hinarap uli sya ni Joshua. Tinitigan nya ang mga mata nito.

Joshua: "Willing ka bang maging part ng buhay ko, Eumi?"

Sumagot din naman ito sa kanya.

Eumi: "Y-yes, Josh! Mahal na mahal kita."

Nginitian uli sya ni Joshua. Marahan niyang inilapit ang mukha sa mukha nito hanggang sa masuyo nya itong halikan.

Joshua: "I LOVE YOU TOO, EUMI. Tara, sumama ka sa'kin. Gusto kong ipagmalaki kay papa ang bago kong girlfriend."

Hinawakan nya ang kamay ni Eumi at inayang sumama sa kanya.

Eumi: "Mamaya, gusto ko ding ipag'baked ka ng mga cookies."

Joshua: "Talaga? Wow! Na'miss ko talaga ang mga cookies na gawa mo." masaya nyang tugon.

Eumi: "haha, alam ko." tugon din niya.

Pareho silang masaya habang naglalakad.

Totoo ngang walang makakapigil sa kanilang pagmamahalan. Tapos na ang kanilang masamang kahapon at haharapin naman nila ngayon ang isang magandang bukas nang magkasama hanggang sa tuluyang

Maging maligaya ang kanilang pagsasama sa loob ng limang taon.

~>Wakas ng unang yugto . . .

DIABLO SERIES II: Ang anino ng hinaharap (TEASER) -- DARK

.

.

.

.

.

Si Mico, Isang psychic. May kakayahan syang makakita ng mga espirituwal na bagay na hindi kayang makita ng isang pangkaraniwang tao lamang.

May kakayahan din syang makita ang mangyayari sa hinaharap at ang magiging kamatayan ng isang tao.

Kabilang sya isang grupo na tumalalakay at nag-iimbestiga ng mga bagay na may kinalaman sa paranormal. Ang SOUL Club.

Napagpasyahan ng grupo nila na imbertigahan ang alamat ng tatlong Diablo ng kamatayan. Nagpunta sila sa bayan ng San Nicholas. Ngunit isang trahedya ang naganap. Nagkaroon ng malawakang pagsabog sa bayan na iyon hanggang sa aksidenteng mapulot ni Mico ang isang itim na brilyante.

Simula noon ay sunod-sunod na ang kanyang mga masasamang pangitain. Ngunit papaano kung ang kanyang panaginip ay ang Diablong si Victor? Ang anino ng hinaharap. At ang kanyang panaginip ay magmistulang maging isang buhay at tunay na BANGUNGOT! Malampasan nya kaya ito???

~>Abangan . . .

Continua llegint

You'll Also Like

56.1K 2.3K 33
When Ms. Pilosopo meets Mr. Mapangbara, will they end up fighting or will they end up loving each other?
2.2M 74.1K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
24.5K 954 41
(COMPLETED) Dala ng matinding kahirapan, inutusan si Minggay ni Mama Linda na nakawin ang korona ng Mahal Na Birhen ng Villapureza upang may pambili...
2.4M 87.8K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016