Chapter 9

990 17 0
                                    

...
Halos ikabigla ni Eumi ang sinabi ni Lei pero kaagad ring napawi ang kanyang pag-aalala nang ipaliwanag ng kanyang kausap ang mga nangyari. Halos hindi naman sya makapaniwala sa mga sumunod na sinabi nito.

Lei: "Nasa morgue si Joshua dahil dinala na doon ang nanay nya. Patay na ito."

Eumi: "Pero paano? Anong nangyari?"

Lei: "Sinusubukan raw tignan ni Aling Janna(nanay ni Joshua) ang kanilang powersupply dahil nawalan sila ng ilaw. Nang tignan daw nya ito ay aksidente nyang nahawakan ang isang nakausling linya ng kuryente kaya sya nakuryente at nasunog. Ang isa pang ikinamalas ni aling Janna ay nang mabagsakan pa sya ng salamin na nakapatong lang sa taas nila. Nabasag ang salamin at bumaon ang maliliit na piraso sa katawan nya. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang ibang mga detalye."

Nakaramdam ng matinding pagkaawa si Eumi kay Joshua. Alam nyang dumaranas ito ngayon ng matinding kalungkutan at pagluluksa. Gusto nyang damayan ito ngayon sa ganitong sitwasyon.

Eumi: "Ah, alam mo ba kung saang morgue naroon si Joshua?"

Lei: "Ay, pasensya na, hindi ko alam eh pero sa tingin ko ay darating na rin sila dito mamayang hapon para iburol si aling Janna. Hintayin mo na lamang sila."

Eumi: "Ganun ba? Sige, salamat."

Walang nagawa si Eumi kundi ang maghintay.

Mga bandang hapon nga ay inayos na ang pagbuburulan ng ina ni Joshua. Ilang sandali lamang ay dinala na ang patay sa burol. Sa tabi ay naroon si Joshua. Hindi naman maipaliwanag ni Eumi ang nararamdaman nang makita nya ito. Mababakas sa mukha nito ang matinding kalungkutan at hinagpis. Kahapon lamang ay si Joshua pa ang nagpapagaan ng kanyang loob kaya sya naman ngayon ang magpapagaan ng loob nito.

Hindi naman naramdaman ni Eumi ang paglapit sa kanya ni Anna.

Anna: "Alam ko kung ano ang nararamdaman ni Joshua, ate. Simula nang ipanganak ako ay namatay ang aking ina. Alam ko ang pakiramdan ng walang nanay. Napakalungkot ng buhay ng wala kang masasandalan at maiiyakan. Kaya nga laking pasasalamat ko nung dumating kayo sa buhay namin ni papa.
Nagkaroon ako nang panibagong ina at kapatid. Nagkaroon ng sigla ang buhay ko. Pero mas matindi ang pinagdadaanan ngayon ni Joshua. Kailangan nya ng masasandalan para sa mga ganitong sitwasyon."

Eumi: "Kaya nga kailangan nating ipakita sa kanya na hindi sya nag-iisa. Na may karamay sya."

Anna: "Tara na. Puntahan natin sya."

Sumang-ayon si Eumi sa sinabi nito.

Nang marating nila ang bahay ni Joshua ay ang ama lamang nito ang kanilang nakita. Nagdadalamhati ito sa pagkamatay ng asawa.

Eumi: "Condolence po sa inyo, tito Manuel."

Anna: "Condolence din po,"

Manuel(tatay ni Joshua): "maraming salamat sa inyo."

Eumi: "ah, nasaan po si Joshua?"

Manuel: "Nasa taas. Siguro ay ayaw nyang makita ng ibang tao ang kalungkutan nya. Pilit nya itong kinikimkim sa kanyang sarili. Ganun talaga si Joshua kapag malungkot. Sinasarili lang mag-isa ang problema. Ni hindi pa nga yata sya kumakain simula pa kagabi,"

Eumi: "H-ho? Baka po mapa'no sya?"

Hindi maiwasang mag-alala ni Eumi. Pero ang hindi nya alam ay nagsasarili pala si Joshua kapag nalulungkot.
Sa totoo lang ay si Eumi ang lumalapit noon kay Joshua kapag nalulungkot sya. Handa naman itong damayan at pasayahin sya.

"Oo nga. Ni minsan ay hindi man lang lumapit noon si Joshua sa akin kapag nalungkot sya. Ni hindi ko nga alam na dumanas ng problema dati si Joshua. Puro kasi sarili ko lang ang iniisip ko kaya hindi ko man lang alam ang bagay na 'yon." sa isip ni Eumi.

Anna: "Pwede ho ba naming puntahan si Joshua?"

Manuel: "Syempre naman. Baka makumbinsi nyo sya na kumain kahit konti man lang para hindi tuluyang bumagsak ang katawan nya."

Eumi: "Opo! Sasabihin po namin iyon sa kanya."

Manuel: "Maraming salamat sa inyo."

Umakyat sila Eumi sa taas. Kinatok nila ang kwarto ni Joshua pero walang sumasagot.
Hindi naman naka'lock ang pinto kaya binuksan nila ito. Doon ay nakita nila si Joshua habang nakaupo at nakatingin lang sa kawalan na parang malalim ang iniisip ngunit mababakas pa rin sa mukha ang kalungkutan.

Lumapit sila kay Joshua.
Eumi: "Josh?" tawag nya pero parang walang naririnig ang kausap, "Joshua, alam kong masakit para sa'yo ang nangyari kaya naririto kami ni Anna para damayan ka."

Saka lamang nagsalita si Joshua pero hindi man lang sila nililingon nito.

Joshua: "Anong ginagawa nyo dito?"

Anna: "Bukas kasi ang pinto kaya pumasok kami."

Eumi: "Hindi ba ang magkakaibigan ay nagdadamayan sa oras na may problema o nagdurusa ang isa? Kaya kami nandito ni Anna para sa'yo."

Joshua: "Hindi ko kailangan ng awa nyo! Gusto kong mapag-isa kaya iwan nyo na lang ako!"

Eumi: "Hindi awa ang tawag don, Josh kundi pakikiramay. Alam kong hindi ka OK. Sinabi sa amin ng papa mo na hindi ka pa raw kumakain simula kagabi."

Joshua: "Wala akong gana!"

Eumi: "Pero kailangan mong kumain, baka tuluyan nang bumigay ang katawan mo dahil sa iyong ginagawa. . . Sandali lang, ipapakuha ko kay Anna ang pagkain mo . . ."

Humarap sa kanila si Joshua at pasigaw na nagsalita.

Joshua: "ANG SABI KO AY WALA AKONG GANA!! Naiintindihan mo ba?! Hindi ba't sinabi ko sa inyo na iwan nyo ako? Ano ba, nakakaintindi ba kayo?!"

Eumi: "Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman dating ganyan ah? Nasaan na ang dating Joshua na kilala ko? Ang dating Joshua na hindi sumusuko sa anumang pagsubok na dumarating sa kanya? Ang dating masiyahin kahit pa matindi ang pinagdadaanan nya? Ibang-iba na ang Joshua na nasa harapan ko!"

Joshua: "Anong gusto mo? Magsaya ako? Gusto mo magpasabog pa ako ng confetti na parang birthday party lang ang nangyayari at walang lamay na nagaganap? Palibhasa kasi ay di mo alam ang mga nangyayari!"

Eumi: "Alam mong hindi yon ang ibig kong sabihin! Aaminin ko, naging makasarili ako! Sarili ko lang ang iniisip ko! Hindi ko man lang magawang alamin kung may problema kang pinagdaraan. Pero Josh, nagawa mo bang magsabi sa akin ng tungkol sa mga pinagdaraanan mo? Sinabi mo ba sa akin ang mga problema mo? Ang kalungkutan mo? Handa naman akong damayan ka sa mga problema mo na sya mo namang ginagawa sa akin noon kapag malungkot ako."
Joshua: "Gusto mong malaman kung ano ang problema ko? Dahil sa kakasama ko sa'yo kaya nangyari ang lahat ng ito! Ikaw lagi ang iniintindi ko! Dahil sa inyo ay nakalimutan kong may mga magulang pa pala akong nagmamahal sa akin! Ni hindi ko nga alam kung kelan ang pinakahuling bonding naming pamilya e! Dapat ay nailigtas ko pa si mama kung maaga lang sana akong dumating dito sa bahay! Pero saan ako nung mga oras na kailangan nya ako? Nasa labas at kasama lang kayo habang wala akong alam sa mga nangyayari dito! Dahil sa kakasama ko sa'yo ay hindi ko nailigtas si mama! Dapat sana ay ako na lang ang namatay at hindi sya!"

Nabigla naman sila Eumi sa inasta ni Joshua. Waring sila ang sinisisi nito sa nangyari kay aling Janna.

Eumi: "S-sorry . . ."

Joshua: "Masasabi mo ba yan sa harap ng bangkay nya? Mabubuhay ba sya? Mabuti pa ay umalis na lang kayo ni Anna!"

Eumi: "Sorry talaga, Josh."

Lumuluhang lumabas ng kwarto ni Joshua si Eumi.
Si Anna naman ay kinompronta si Joshua.

Anna: "Ano bang nangyayari sa'yo Josh? Bakit parang si ate ang sinisisi mo sa nangyari sa mama mo? Anong kasalanan nya?"

Joshua: "Hindi lang sya pati na rin ikaw!"

Anna: "Ah . . Pati rin pala ako . . "

Lumapit sya kay Joshua at binigyan nya ito ng malakas na sampal.

"PAK!!"

Anna: "Para yan sa mga masasakit na salitang binitiwan mo kay ate? Ang buong akala ko ay mahal mo sya pero nagkamali pala ako! Mas malala ka pa sa pinaka masamang taong nakilala ko! WALA KANG KWENTA!"

Pagkatapos nun ay umalis na si Anna.

Naiwang mag-isa si Joshua. Bigla siyang napasuntok sa pader ng kwarto nya. Dumugo iyon. Hinimas naman nya ang kanyang pisngi na sinampal ni Anna. Hindi na nya rin mapigilan ang umiyak.

Joshua: "Patawarin nyo ako! Patawarin mo sana ako Eumi pero kailangan kong sabihin yon sa'yo para layuan mo ako! Ayokong madamay ka pa! Totoong pinatay si Ricky pati na rin si mama at ang nilalang na iyon ang gumawa nun!"

Bigla nyang naalala ang kanyang nakita matapos nyang matagpuan ang kanyang ina.

Isang nakakatakot na nilalang sa loob ng salamin.

~>Itutuloy . . .  

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Where stories live. Discover now