Chapter 11

945 11 0
                                    

Joshua: "Kahit anong sisi pa ang gawin ko sa diablong iyon ay ako pa rin ang pinag-ugatan ng lahat ng ito! Kung hindi ko na lang sana pinulot ang brilyanteng ito ay hindi na sana nagkanda'loko-loko ang buhay ko! Edi sana ay buhay pa sina mama at Ricky! Ngayon sina Eumi naman ang madadamay! Lahat ng iyon ay dahil sa'kin!" sabi ni Joshua sa kanyang sarili, "kailangan kong tapusin ang katangahang nagawa ko kahit na buhay ko man ang maging kapalit!"

Bumaba ng kanyang kwarto si Joshua. Hindi nya hahayaang may mamatay pa kaya pupuntahan nya ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Sa bayan ng San Nicholas. Tatapusin nya ang sumpang ito.

Habang pababa ay Nakasalubong naman nya ang kanyang ama.

Manuel: "O, anak, bakit umiiyak yung kaibigan mo kanina? Ano bang nangyari?"

Joshua: "Kasalanan ko, Pa. May mga nasabi akong hindi magagandang salita sa kanya,"

Manuel: "Hindi ko talaga gusto na nakikita kang ganyan. Sana naman ay iayos mo ang iyong sarili. Hindi magugustuhan ng mama mo kung nakikita ka nyang ganyan."

Joshua: "Patawarin nyo sana ko, Pa."

Manuel: "Sa kaibigan mo ka dapat humingi ng tawad. Oo nga pala, isang araw lang ibuburol ang nanay mo, pagkatapos ay icre'cremate na sya."

Joshua: "Naiintindihan ko po. Nalulungkot pa rin ako sa mga nangyayaring ito. Pero malapit na itong matapos dahil . . ."

Manuel: "Ano yun, Anak?"

Joshua: "Ha? Ah, sabi ko po ay kakain na ho pala ako."

Manuel: "Mabuti naman. Alalang-alala na ako sa kalagayan mo."

Joshua: "May sasabihin pa ho sana ako, Pa. Matapos mai'cremate ni mama ay pwedeng dun po muna ako sa San Nicholas? Dun po muna ako kina Tito titira,"

Manuel: "Mas makabubuti nga siguro kung sa tito mo ka muna titira. Makatutulong yon sa iyo para madali kang maka'recover sa mga nangyayari. Babalik na rin kasi ako sa trabaho ko kaya hindi na rin ako masyadong makakauwi dito. Oo, nga pala, darating ang tito Samuel mo dito mamaya, bukas na rin sya uuwi. Mabuti siguro kung sumabay ka na sa kanya. Ipapakiusap na lang rin kita na dun ka muna sa kanila."

Joshua: "Salamat po papa. Basta lagi nyo pong tatandaan na mahal ko kayo. The best ho kayong ama sa'kin."

Manuel: "Mahal din kita anak. Hayaan mo, kapag may pagkakataon ay dadalawin kita."

Napayakap na lamang si Joshua sa ama.

Si Eumi naman ay luhaang nagtungo sa kanyang kwarto. Patuloy lamang sya sa paghagulgol ng iyak. Naroon naman si Anna na pinapagaan ang kanyang loob.

Eumi: "Bakit ganun sya? Hindi naman dating ganun si Joshua ah?" sabi nya na patuloy pa rin sa pag-iyak.

Anna: "Alam kong parang nagbago sya pero pakiramdam ko ay hindi nya rin gusto ang mga sinabi nya sa'yo. Parang sinabi nya lang iyon para layuan mo sya,"

Eumi: "Bakit? Akala ko ba ay magkaibigan kami? Pero kung ipagtabuyan nya tayo ay parang isang bagay lang na walang halaga sa kanya! Parang hindi ko matanggap ang mga huli nyang sinabi sa akin. Napakasakit isipin na parang wala akong magawa para damayan sya."

Anna: "Ramdam ko, mahal ka ni Joshua. Nabigla lang siguro sya kanina kaya nya nasabi ang mga bagay na 'yon sa'yo."

Eumi: "Pwede ba, Anna? Ayoko nang paasahin ang sarili ko sa mga ganyang bagay."

Anna: "Ate . . "

Eumi: "Please, tama na! Kalokohan lang kung iisipin kong isang fairytale na may happy ending ang istorya naming dalawa! Ayokong paniwalain ang sariki ko na magkakatuluyan nga kami."

Anna: "Wag mong isarado ang puso mo sa kanya. Natitiyak kong balang araw ay magbabalik din ang dating sigla nya. Ang Joshua na nakilala mo noon."

Eumi: "Nami'miss ko na ang dating Joshua. Ang masiyahing Joshua."

Anna: "Oo ate. Baka bukas lang ay OK na uli kayo."

Samantala:

Dumating naman ang tito nila Joshua na si Samuel upang makiramay sa mga ito.

Samuel: "Kamusta naman kayo, kuya? Nakikiramay pala ako sa inyo."

Manuel: "Heto, hindi pa rin matanggap ang mga nangyayari.Samuel: "Ako nga'y nagulat nang mabalitaan ko ang nangyari sa asawa mo e."

Manuel: "siguradong makakabangon din ako sa mga nangyari pero alam kong matatagalan pa iyon. Ipapakiusap ko din sana sa'yo ang anak ko. Ayos lang ba kung sa inyo muna titira si Joshua?"

Samuel: "Walang problema. Sa totoo lang ay kailangan din ng makakasama ng Misis ko lalo na't malapit na itong manganak. Pero teka, payag naman ba si Joshua na sumama sa'kin sa San Nicholas?"

Manuel: "OO naman. Sya nga ang nagsabi sa akin na dun daw muna sya sa inyo. Kumain ka na ba Sam? Alam kong mahaba ang byahe mo kaya sigurado akong pagod ka."

Samuel: "Hindi pa nga kuya e. Medyo gutom na rin ako."

Mabuti pa ay sabayan mo na si Joshua sa pagkain."

Samuel: "Salamat kuya."

Nagpunta sila sa kusina. Nadatnan nila roon si Joshua na katatapos lang sa pagkain.

Manuel: "O, katatapos mo lang bang kumain?"

Joshua: "Opo, pa. Nandito na rin po pala kayo, tito Sam."

Samuei: "Kamusta ka na? Sinabi sa'kin ng Papa mo na gusto mo raw sumama sa'kin sa San Nicholas?"

Joshua: "Oho, tito. Kailangan ko nang tapusin ito upang hindi na lumala pa."

Samuel: "Anong tatapusin mo?"

Joshua: "Ah, ang ibig ko pong sabihin ay kailangan ko nang tapusin ang panaginip kong buhay pa si mama para hindi na ako tuluyang masiraan ng bait."

Samuel: "Mas makabubuti pa nga siguro sa'yo ang sumama sa'kin upang mas makalimutan mo ang masakit na nangyaring ito."

Joshua: "opo. Kumaina na pala muna kayo tito."

Samuel: "Ay salamat. Kanina pa nga ako gutom e."

Inanyayahan ni Joshua ang kanyang tito upang kumain. Sa isang banda ay iniisip pa rin nya ang kahihinatnan na pagpunta nya sa bayang iyon.

~>Itutuloy . . .

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon