Chapter 18

795 8 0
                                    

Nagmadaling umuwi si Joshua. Tila kinutuban sya na baka may masama nang nangyayari sa kanyang tiyahin. Nakasunod lamang si Mon sa kanya.

Mabilis na binuksan ni Joshua ang kanilang pinto nang makarating sya.

Joshua: "Tita? Nasaan ka?!" pero walang sumasagot.

Umakyat sa taas si Joshua at sinuyod ang bawat kwarto doon. Tumulong na rin sa paghahanap si Mon pero hindi nila makita si Luisa sa loob ng bahay.

Bigla silang nakarinig ng ingay mula sa likod ng bahay kaya mabilis nila itong pinuntahan.

Doon nga ay nakita nila si Luisa habang pilit na kumakawala mula sa isang kamay na lumulunod sa kanya.

Joshua: "TITAAA!!"

Sinugod ni Joshua ang kamay na iyon na walang iba kundi kay Helga. Hinawakan nya ito at idinikit ang puting brilyante. Umusok ang kamay na ito at rinig nila ang malakas na palahaw nito at kasabay ng pagkawala ng diablong ito sa tubig.

Tinulungan naman ni Mon si Luisa.

Luisa: "WAAH! HAAHH! HAH!!" habol hininga nya at mababakas pa rin ang matinding takot.

Joshua: "OK ka lang ba, tita?"

Kumapit ang kanyang tiyahin sa kanya.

Luisa: "Papatayin nya ako! Papatayin nya ako!!"

Mon: "Huminahon ka Luisa. Ligtas ka na."

Inalalayan nila si Luisa papasok sa loob ng bahay. Binigyan ni Joshua ng tuwalya ang tita nya at pinaupo nila ito.

Luisa: "M-may maligno sa t-tubig, gusto nya akong patayin!" halos mangiyak na nasambit nya.

Mon: "Buti nga sana kung isang maligno nga lamang 'yon pero mas malala pa ito sa iniisip mo."

Luisa: "M-may alam ba kayo sa n-nangyayari?" pilit nyang pinapakalma ang kanyang boses.

Hinintay lamang ni Mon na si Joshua na ang magpaliwanag sa tita nito tungkol sa nangyayari pero nananatili lamang na tikom ang bibig nito.

Parang ayaw humarap ni Joshua sa kanyang tita. Sinisisi nya ang sarili kung bakit nadamay pa ang kanyang tita sa problemang kinasasangkutan nya.

Luisa: "Bakit hindi kayo makapagsalita? A-alam nyo ba kung ano o sino ang gumawa nun sa'kin?"

Napabuntong hininga na lamang si Mon bago nagsalita.

Mon: "Hindi ba alam mo na ang kwento tungkol sa tatlong diablo ng kamatayan?"

Luisa: "Oo! Bata pa lamang ako ay alam ko na ang kwentong 'yan. Isang matandang alamat ng ating bayan. Ano naman ang kaugnayan nito sa umatake sa'kin kanina?"

Mon: "Ang umatake sa'yo kanina ay isa mismo sa tatlong diablo ng kamatayan! Si Helga!"

Luisa: "A-ano? P-pero kwento lamang ang tungkol sa mga diablong iyon! Hindi yun totoo?"

Ipinaliwanag ni Mon ang buong detalye tungkol sa diablong yon. Mula sa naganap na pagsabog sa kanilang bayan hanggang sa pagkakatuklas ni Joshua sa brilyante at ang kapalaran nito upang ikulong ang diablong 'yon. Hindi naman makapaniwala si Luisa sa narinig.

Luisa: "DIYOS KO PO?! Hindi ko akalain na totoo pala ang kwento tungkol sa kanila? Akala ko ay kathang isip lamang sila?"

Joshua: "Ang nilalang po na 'yon ang pumatay kay mama at sa matalik kong kaibigan. Pasensya na pn, dahil sa'kin ay nadamay pa kayo pati na rin ang bata sa sinapupunan nyo. Hindi ko na talaga makakayanan pa kung may iba pang madadamay dahil sa'kin,"

Luisa: "Hhndi naman kita sinisisi sa nangyari sa'kin. Heto nga't naaawa pa nga ako sa'yo at ikaw itong dumaranas ng matinding problema at responsibilidad. Biktima ka lang rin ng bayan namin, Joshua."

Joshua: "Salamat po sa pang-unawa."

Luisa: "Dapat sana ay sinabi mo agad sa'min ng maaga kung ano ang pinagdadaanan mo. Maniniwala naman kami kung alam namin na nagsasabi ka ng totoo."

Joshua: "Wala ho kasi akong lakas ng loob para ipagtapat sa inyo ni tito Sam ang lahat."

Luisa: "Ang tito Sam mo nga pala? Ligtas ba sya sa panganib?"

Mon: "Wag kang mag-alala, hindi maaaring lumayo ng lubusan ang diablo mula sa may hawak ng brilyante."

Joshua: "Nasa kabilang bayan po si tito kaya hindi sya gagambalain dun ni Helga."

Luisa: "Maraming salamat naman kung ganon. Kahit paano ay napanatag ang loob ko sa kanya. Pero . . . pero paano na? Ano na ang gagawin nyo ngayon?"

Mon: "Sa tingin ko ay kailangan ko nang sabihin kay Joshua kung papaano maikukulong ang diablong si Helga... Kailangan natin ng isang matandang puno. Doon natin ikukulong ang diablong iyon!"

Joshua: "Isang matandang puno?"

Mon: "Oo, isang matandang puno na hindi gaanong nadadaanan ng mga tao."

Joshua: "Saan naman tayo maghahanap ng matandang puno?"

Mon: "Wag kang mag-alala, bago ka pa napunta sa bayan na ito ay una na akong nakahanap ng isang matandang puno. Nasa kalagitnaan ito ng kagubatan at tamang tama ito upang gawing kulungan para sa mga diablo at isa pa, hindi rin ito gaanong dinaraanan ng mga tao ang lugar na iyon."

Luisa: "Sandali lang Mon, may naalala lang ako, di ba't may isang matandang puno dito sa'tin dath na mahigpit na ipinagbabawal ng iyong ama na puntahan o lapitan man lang?" Hindi kaya't--"

Mon: "Tama ang iyong iniisip. Sa punong iyon dating nakakulong ang tatlong diablo. Bago naganap ang pagsabog ay may isang masamang taong nagtangkang palayain ang mga diablong ito. Siya ang dating may hawak sa itim na librong ito. Gusto nyang makamit ang buhay na walang hangganan kaya nya ginawa 'yon. Pinigilan sya ng aking ama pero sa kasamaang palad ay nabaril sya. Nabigo ang aking ama na protektahan ang puno na iyon. Nawasak na ang matandang puno na dating pinagkulungan sa kanila kaya kailangan nating makahanap ng panibagong kulungan para sa mga diablo. Kapag ang isang puno na pinagkulungan sa kanila ay namatay dahil sa katandaan, kasama na ring mawawala ang tatlong diablo ng kamatayan. Tuluyan na silang maibabalik sa impyernong pinanggalingan nila!"

Joshua: "Kaya ba sa matandang puno sila dapat ikulong?"

Mon: "Ganun na nga! Hindi na makapamiminsala pa ang mga diablo sa oras na namatay na ang matandang punong pinagkulungan sa kanila. Labis ko ngang pinanghihinayangan noon dahil malapit na sanang mamatay ang dating puno na pinagkulungan sa kanila."

Luisa: "Eh anong mangyayari kung pinutol o sinira ang puno na pinagkulungan sa kanila? Ganun din ba ang mangyayari?"

Mon: "Hindi ko rin alam kung ano ang maaaring maganap kapag nangyari 'yon pero may paniniwala noon ang aking ama na mananatili pa rin ang presensya ng tatlong diablo kahit putulin pa ang puno. Maaaring mas masama pa raw ang mangyari dahil baka tuluyan na silang hindi maibalik sa impyerno kaya mahigpit na ipinagbabawal noon ng aking ama na lapitan ang dating punong pinagkulungan sa kanila."

Joshua: "Naiintindihan ko na. Ngayong alam ko na kung saan sila dapat ikulong. Maaari ko na rin bang malaman kung paano ko naman gagawin 'yon?"

Mon: "Sige, ihanda mo na ang sarili mo sa lahat ng maaaring maganap."

Joshua: "Nakahanda na ako sa lahat ng anumang mangyayari!"

Ibinuklat ni Mon ang itim na libro.

Mon: "Makinig kang mabuti sa oras na sabihin ko ito sa'yo at sinimulan mo na syang ikulong, ang bawat oras ay magiging mahalaga! Sa isang pagkakamali mo lang ay pwede kang mamatay!"

~>Itutuloy . . .

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Where stories live. Discover now