Chapter 01

4.4K 36 2
                                    

  ...

Pyesta ng Bayan ng San Nicholas kaya naman lahat ng mga mamamayan ay nagsasayahan. Ipinagdiriwang nila ang araw ng muling paglaya ng kanilang bayan mula sa tatlong Diablo ng kamatayan. Iniisip ng ilan na kathang isip lamang ito at hindi totoo o isang alamat lang.

Hindi nila alam na totoong naminsala ang mga diablong ito, 200 taon na ang nakararaan at ang brgy Captain nilang si Tata Isko ang nakakaalam ng pangyayaring ito.

***

May isang van ang huminto sa tapat ng isang malaki at nakakakilabot na puno.

Bumaba ang mga taong sakay ng Van at armado ng mga baril. Naglakad patungo sa puno ang pinakapinuno nila hawak ang isang itim at lumang libro.

Don Ramon: "Sa wakas! Matapos ang matagal na paghihintay at paghahanap ay natagpuan ko na rin ang kulungan ng tatlong diablong ito! Napasa'akin na rin ang tatlong susing magpapalaya sa kanila. Susunod sila sa ipinag-uutos ko at mapapasakamay ko ang inaasam kong buhay na walang hanggan! Hahaha!" sininulan nyang ipalibot sa puno ang tatlong brilyante o susi na magpapalaya sa mga diablo. Ang bawat brilyante ay may mga sariling kulay. Puti, itim at pula na kumakatawan sa bawat diablöng nakakulong sa puno.

Nang matapos na nyang mailapag ang mga brilyante ay sinimulan na niyang buklatin ang itim na libro sinimulang ibulong ang orasyon na nakasulat dito.

Nasa kasagsagan na sya ng pagbabasa nang dumating si Tata Isko.

Tata Isko: "Teka?! Anong ginagawa nya dyan? Alam nyo bang mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa punong yan?"

Humarap naman si Don Ramon kay Tata Isko.

Don Ramon: "Sagabal ka! Wala kang paki'alam kung lumapit man kami dito!"

tata Isko: "sandali lang? Anong klaseng libro ang hawak mo?"

Don Ramon: "Ito ba? Ito lang naman ang tutupad sa mga pangarap ko!"

Tata Isko: "Kung ganun ay ikaw ang nakahanap ng itim na libro na naglalaman ng impormasyon kung pa'no makakalaya ang mga diablo!"

Don Ramon: "hindi lang iyon, nahanap ko na rin ang mga susi na magpapalaya sa kanila! Wala nang makakapigil sa mga minimithi ko!"

Tata Isko: "Nasisiraan ka na! Alam mo bang malaking problema at kapahamakan ang idudulot kapag nakalaya sila? Maraming mamamatay kapag nangyari yun! Maraming nagbuwis na buhay bago sila naikulong ng mga ninuno ko," sabay hugot ng kanyang baril at itinutok sa kanila. "hindi ko hahayaang mangyari 'yon kaya ibaba mo ang librong yan at umalis kayo sa tabi ng puno!" banta nya.

Don Ramon: "Ako ba'ng tinatakot mo? Ano naman sa'kin kung may mamatay? Wala akong paki'alam kahit ganon ang mangyari!" at inutusan nya ang kanyang mga tauhan na barilin si tata Isko.

Duguan itong bumulagta sa lupa.

Itinuloy ni Dön Ramon ang naudlot na pagbigkas ng orasyon.

Biglang nagliwanag ang tatlong brilyante at pumalibot ang liwanag sa puno.

Sinubukan pa syang pigilan ni tata Isko kahit naghihingalo na sya. Dinampot nya ang kanyang baril at itinutok sa van na naglalaman ng mga bomba na balak sanang gamitin ni Don Ramon upang pasabugin ang buong bayan. Kahit nanlalabo ang paningin ay sinubukan parin nya itong asintahin sa tangke ng Van. Tinamaan nya ito. Ilang sandali lang ay nagliyab na ang sasakyan.

Don Ramon: "anong nangyayari?"

Tata Isko: "Kah. . . P-pipigilan ko kayo hanggang sa huli k-kong hininga!"

At tuluyang sumabog ang sasakyan kasama ang mga bombang naroon.

Don Ramon: "Hindi pwedeng mangyari ito! Abot kamay ko na ang tagumpay. . . ."

Ang malawakang pagsabog na ito ay nagsimulang magpabulabog sa buong bayan. Nagtakbuhan ang mga taga roon na kanina lamang ay nagkakasayahan.

Tumilapon naman sa magkakahiwalay na bahagi ang mga brilyante hanggang sa may mga makapulot sa mga ito.

Pero hindi pa rin tuluyang nagtagumpay si Tata Isko dahil malaya na uli ang tatlong diablo ng kamatayan.

~>IPAGPAPATULOy

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon