Chapter 14

878 9 0
                                    

Nakauwi na ng kanyang bahay si Joshua. Tapos na rin syang mag-impake ng kanyang mga gamit. Ilang sandali na lamang ay aalis na sya sa bayang kanyang kinalakihan. Sa kanyang pag-alis ay may madadala syang isang magandang ala-ala. Sa wakas ay nagawa na nyang magtapat ng pag-ibig kay Eumi. Tila ang halik nya rito ang nagbibigay sa kanya ng lakas at pag-asa. Sisikapin nyang makaligtas sa kamatayan kahit na anong mangyari. Babalik sya para kay Eumi.

Inaayos na nya noon ang kanyang mga gamit nang makarinig sya ng isang nakakalokong tawa. Alam nya kung sino 'yon. Si Helga. Nasa salamin ito ng aparador habang nakatingin sa kanya at nakangisi.

Helga: "Hahaha! Sa tingin mo ba ay magagawa mo nga akong ikulong? Kung yan ang iniisip mo ay nagkakamali ka! Hahaha!"

Joshua: "Isa kang DEMONYO! Pagbabayaran mo rin ang lahat ng ginawa mo!"

Helga: "Higit pa ako sa demonyo! Isa akong diablo! Hindi ang isang katulad mo lamang ang makapipigil sa'kin, naiintindihan mo ba? Mamamatay ka! Hahaha!"

Joshua: "Ipinapangako ko! Maikukulong kita! Ibabalik kita sa pinanggalingan mo kahit na anong mangyari!"

Helga: "Gaano ka nakakasiguro? Alam mo bang ang pinakahuling nagkulong sa'kin ay namatay? Kahit hawak pa nya noon ang puting brilyante na panlaban sa'kin ay hindi pa rin sya nakaligtas sa mga kamay ko! Kahit ikulong mo ako ay makakalaya at makakalaya pa rin ako! Hangga't may mga taong gustong makamit ang buhay na walang hanggan ay patuloy pa rin kaming mabubuhay! Kayo ring mga tao ang dahilan kung bakit may mga nilalang na tulad namin sa mundong ito! Gusto nyong makamit ang walang limitasyon na buhay! Hah, sino nga naman ang gustong tumanda at mamatay? Mga walang kwenta kayong mga nilalang kaya naririto kami upang magmistulang tagahatol nyo!"

Joshua: "Ibahin mo ako! Wala akong pakialam kahit mamatay man ako! Basta sinisiguro ko sa'yo na hindi ka na makakalaya pa kahit kailan!"

Ramdam ni Helga na pursigido talaga si Joshua sa gagawin nito.

Helga:"Isang tao na handang ibuwis ang buhay para sa ibang tao? Hah, matagal ko nang narinig ang kahibangan na yan! Isa ka lamang tao! May kahinaan rin. Bueno, baka sabihin mo ay masyado na akong masama kaya naman pagbibigyan kita. May ibibigay ako sa'yong isang impormasyon! Impormasyon ng pagiging isang imortal. Sasabihin ko sa'yo kung paano mo yon makakamit at ang kailangan mo lamang gawin ay itigil na ang kalokohan mong magagawa mo nga akong ikulong!"

Nakahanap ng matigas na bagay si Joshua at ipinukol nya ito sa salamin hanggang sa mabasag ito.

Joshua: "Hindi ako interisado sa mga walang kwenta mong sinasabi! Nabanggit ko na kanina sa'yo! Handa akong mamatay pero sinisiguro kong magtatagumpay ako! Malapit nang matapos ang kasamaan mo!"

Kahit basag na ay naroroon pa rin si Helga sa bawat maliliit na piraso ng salamin.

Helga: "Hahaha! Hindi mo ba alam ang tungkol sa pamahiin? Pitong taon kang mamalasin kapag binasag mo ang salamin! Haha! Sinisiguro ko sa'yo na sa akin pa rin ang huling halakhak! Mamamatay ang lahat ng mga minamahal mo! Mamamatay ka! At sa pinakahuling sandali ng iyong buhay ay pagsisisihan mong nakialam ka pa, hahaha!" pagkatapos ay tuluyan na itong naglaho.

Nakaramdam ng takot si Joshua. Hindi para sa kanyang sarili kundi sa mga taong malalapit sa kanya. Kapag hindi sya nagtagumpay ay maaaring mapahamak sila.

Sa kanyang pag-iisip ay bigla na lamang syang nakarinig ng sunod-sunod na katok sa kanyang kwarto.

Manuel: "Anak? Ano ang nangyari? Nakarinig ako ng pagbasag dyan. May problema ba?" sabi nito habang nasa pinto.

Joshua: "A . . , sorry po, Pa, nabasag ko po yung salamin. Pupulutin ko na lang po."

Manuel: "Sigurado ka bang walang problema?"

DIABLO SERIES I: Ang Salamin ng Nakaraan  by: DARK (COMPLETE)Where stories live. Discover now