DIABLO SERIES I: Ang Salamin...

By JLDark

24.3K 291 10

More

Chapter 01
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (FINAL CHAPTER)

Chapter 14

878 9 0
By JLDark

Nakauwi na ng kanyang bahay si Joshua. Tapos na rin syang mag-impake ng kanyang mga gamit. Ilang sandali na lamang ay aalis na sya sa bayang kanyang kinalakihan. Sa kanyang pag-alis ay may madadala syang isang magandang ala-ala. Sa wakas ay nagawa na nyang magtapat ng pag-ibig kay Eumi. Tila ang halik nya rito ang nagbibigay sa kanya ng lakas at pag-asa. Sisikapin nyang makaligtas sa kamatayan kahit na anong mangyari. Babalik sya para kay Eumi.

Inaayos na nya noon ang kanyang mga gamit nang makarinig sya ng isang nakakalokong tawa. Alam nya kung sino 'yon. Si Helga. Nasa salamin ito ng aparador habang nakatingin sa kanya at nakangisi.

Helga: "Hahaha! Sa tingin mo ba ay magagawa mo nga akong ikulong? Kung yan ang iniisip mo ay nagkakamali ka! Hahaha!"

Joshua: "Isa kang DEMONYO! Pagbabayaran mo rin ang lahat ng ginawa mo!"

Helga: "Higit pa ako sa demonyo! Isa akong diablo! Hindi ang isang katulad mo lamang ang makapipigil sa'kin, naiintindihan mo ba? Mamamatay ka! Hahaha!"

Joshua: "Ipinapangako ko! Maikukulong kita! Ibabalik kita sa pinanggalingan mo kahit na anong mangyari!"

Helga: "Gaano ka nakakasiguro? Alam mo bang ang pinakahuling nagkulong sa'kin ay namatay? Kahit hawak pa nya noon ang puting brilyante na panlaban sa'kin ay hindi pa rin sya nakaligtas sa mga kamay ko! Kahit ikulong mo ako ay makakalaya at makakalaya pa rin ako! Hangga't may mga taong gustong makamit ang buhay na walang hanggan ay patuloy pa rin kaming mabubuhay! Kayo ring mga tao ang dahilan kung bakit may mga nilalang na tulad namin sa mundong ito! Gusto nyong makamit ang walang limitasyon na buhay! Hah, sino nga naman ang gustong tumanda at mamatay? Mga walang kwenta kayong mga nilalang kaya naririto kami upang magmistulang tagahatol nyo!"

Joshua: "Ibahin mo ako! Wala akong pakialam kahit mamatay man ako! Basta sinisiguro ko sa'yo na hindi ka na makakalaya pa kahit kailan!"

Ramdam ni Helga na pursigido talaga si Joshua sa gagawin nito.

Helga:"Isang tao na handang ibuwis ang buhay para sa ibang tao? Hah, matagal ko nang narinig ang kahibangan na yan! Isa ka lamang tao! May kahinaan rin. Bueno, baka sabihin mo ay masyado na akong masama kaya naman pagbibigyan kita. May ibibigay ako sa'yong isang impormasyon! Impormasyon ng pagiging isang imortal. Sasabihin ko sa'yo kung paano mo yon makakamit at ang kailangan mo lamang gawin ay itigil na ang kalokohan mong magagawa mo nga akong ikulong!"

Nakahanap ng matigas na bagay si Joshua at ipinukol nya ito sa salamin hanggang sa mabasag ito.

Joshua: "Hindi ako interisado sa mga walang kwenta mong sinasabi! Nabanggit ko na kanina sa'yo! Handa akong mamatay pero sinisiguro kong magtatagumpay ako! Malapit nang matapos ang kasamaan mo!"

Kahit basag na ay naroroon pa rin si Helga sa bawat maliliit na piraso ng salamin.

Helga: "Hahaha! Hindi mo ba alam ang tungkol sa pamahiin? Pitong taon kang mamalasin kapag binasag mo ang salamin! Haha! Sinisiguro ko sa'yo na sa akin pa rin ang huling halakhak! Mamamatay ang lahat ng mga minamahal mo! Mamamatay ka! At sa pinakahuling sandali ng iyong buhay ay pagsisisihan mong nakialam ka pa, hahaha!" pagkatapos ay tuluyan na itong naglaho.

Nakaramdam ng takot si Joshua. Hindi para sa kanyang sarili kundi sa mga taong malalapit sa kanya. Kapag hindi sya nagtagumpay ay maaaring mapahamak sila.

Sa kanyang pag-iisip ay bigla na lamang syang nakarinig ng sunod-sunod na katok sa kanyang kwarto.

Manuel: "Anak? Ano ang nangyari? Nakarinig ako ng pagbasag dyan. May problema ba?" sabi nito habang nasa pinto.

Joshua: "A . . , sorry po, Pa, nabasag ko po yung salamin. Pupulutin ko na lang po."

Manuel: "Sigurado ka bang walang problema?"

Joshua: "Oho! Pasensya na po kayo sa nangyari."

Manuel: "o, sige. Yung tito Sam mo pala, hinihintay ka na sa baba. Paalis na raw kayo." pagkatapos ay bumaba na siya.

Pinulot naman ni Joshua ang maliliit na piraso ng basag na salamin at pagkatapos ay itinapon nya iyon sa isang maliit na trashcan.

Joshua: "Basta, kahit anong mangyari ay hindi ko na hahayaan pang muli na may mamatay sa mga minamahal ko. Pipigilan ko sya." sabi nya sa kanyang sarili at pagkatapos ay nagpasya na syang bumaba.

Nang mga sandaling iyon naman ay hindi mapalagay si Eumi. Waring kinakabahan sa anumang mangyayari sa minamahal nyang si Joshua.

Anna: "Ano ba, Ate? Magpahinga ka na lang muna. Sinabi sa atin ni Joshua na magiging maayos rin ang lahat kaya huwag ka nang mag-alala."

Eumi: "Paanong hindi ako mag-aalala? Tignan mo ang kalaban nya, isang halimaw!"

Anna: "Kahit ako'y nabigla rin sa mga pangyayari. Gusto kong maniwalang panaginip lang ang lahat ng ito pero talagang totoo ang mga nangyayari. Ramdam ko na desperado talaga si Joshua na magtagumpay kaya sana magtiwala tayo sa kanya, magagawa nya 'to!"

Eumi: "Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko na baka kung mapaano sya? Wala man lang akong magawa para sa kanya."

Anna: "IPAGDASAL na lang natin ang kaligtasan nya! Kung talagang mahal mo sya, ipakita mo ang iyong suporta sa kanya. Ipakita mong may tiwala kang magtatagumpay sya. Bigyan mo sya ng lakas ng loob. Kung nakikita ka nya ngayon na pinanghihinaan ng loob, sa tingin mo ay magkakaroon pa sya na lakas ng loob para magpatuloy? Baka 'yon pa ang ikapahamak nya!"

Eumi: "Sa tingin ko ay tama ka nga, Anna. Kung si Josh nga na may pinagdadaanang matinding pagsubok ay hindi nagawang sumuko, dapat ay ako din. May tiwala ako sa kanya. Magagawa nya ito!"

Anna"Ganyan nga, ate. Ipagdasal natin na sana ay hindi sya mapahamak,"

Eumi: "Pupuntahan ko sya, Anna!"

Anna: "Pero, ate, Sinabihan na tayo ni Joshua na huwag munang lalabas ng bahay hangga't hindi sya nakakaalis. Dumito ka na lang."

Eumi: "pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ako ganap na magpapaalam sa kanya at iparamdam na mahal na mahal ko sya. Gusto kong makita uli si Joshua. Gusto kong iparamdam na hindi sya nag-íìsa!"

Anna: "Naiintindihan ko, Ate."

Eumi: "Tara na, puntahan na natin sya."

Nagpasyang lumabas ng bahay sina Eumi.

Si Joshua naman ay nakatingin sa vase ng abo ng kanyang ina na kaka'cremate lang. Taimtim syang nagdasal. Pumapasok sa kanyang isipan ang mga masasayang ala-ala nya kasama ang kanyang ina. Hindi nya napigilan ang lumuha.

Joshua: "Ipinapangako ko, Ma. Hindi na masusundan pa ang nangyaring ito!"

Sari-saring emosyon ang kanyang nararamdaman. Lungkot, galit at takot.

Mayamaya ay lumabas na rin sya.

Inakbayan naman sya ng kanyang ama.

Manuel: "Mami'miss kita, anak."

Joshua: "Ako rin, Pa. Mami'miss ko rin kayo."

Manuel: "Hayaan mo at kung may pagkakataon ay dadalaw ako 'don."

Joshua: "Alam kong makakabangon rin po tayo sa nangyaring ito. Hinding hindi ko ho kayo malilimutan, Pa."

Inakap ni Manuel ang kanyang anak.

Manuel: "Ito naman kung makapagsalita ay parang hindi na kita makikita. Wag kang mag-alala, ayos lang ako dito. Huwag mo sanang bigyan ng sakit ng ulo ang tito at tita mo 'dun, nakakahiya at malaki ka na para magpasaway." may halong pagbibiro ng kanyang ama.

Joshua: "Sige po! Kailangan ko nang umalis."

Inilagay ni Joshua ang mga bagahe nya sa traysikel na nakaparada sa labas ng kanilang bahay. Doon sila sasakay papunta sa istasyon ng Bus.

Samuel: "Tara na, Joshua,"

Nagpaalam na si Joshua sa kanyang ama bago sumakay ng traysikel.

Nag'start na ang traysikel at pagkatapos ay umandar na ito.

Nakarating naman sina Eumi pero huli na sila. Nakaandar na ang traysikel na sinasakyan nina Joshua. Tinangka pa nila itong habulin pero hindi na nila ito maabutan.

Anna: "Wala na tayong magagawa, ate. Nakaalis na sila."

Eumi: "Hindi! Kailangan ko syang habulin."

Anna: "Wala na tayong magagawa."

Napaiyak na lamang si Eumi sa nangyari. Parang sinisisi nya ang kanyang sarili kung bakit hindi na nya naabutan pa si Joshua. Wala syang magawa kundi ang umiyak. Hinaplos na lamang ni Anna ang kanyang likuran. At pilit na pinapagaan ang kanyang loob.

.

Bigla na lamang may humintong motor sa harapan nila.

May isang lalaki na nakaitim na jacket ang nakasakay sa motor na ito. Halos kasing edad lamang nila ito. Tinanggal nito ang suot na helmet at saka nagpakilala. Siya si JL.

JL: "Ako si Jl, sumakay ka na, Eumi! Hahabulin natin sila!"

Eumi: "Kilala mo ako? Pasensya na pero ngayon lang kita nakita?"

JL: "Kaibigan ako ni Joshua. Dalian mo, Sumakay ka na para maabutan pa natin sila."

Eumi: "Maraming salamat! May utang ako sa'yo!"

Sumakay ng motor si Eumi. Naiwan naman si Anna.

Anna:"Ikaw na sana ang bahala, kuya! Sana ay maabutan nyo sina Joshua."

Sumaludo ito at saka nagsuot ng helmet bago pinaandar ang motor. Sa likod ay si Eumi.

Hahabulin nila ang sinasakyan ni Joshua.

~>Itutuloy . . .

Continue Reading

You'll Also Like

30.2K 713 14
Nang dahil sa malikmatang nakita sa loob ng banyo ng school. Nag imbistiga ang mga kaibigan ni Wency, kasali na siyan 'dun. Parehang-parehas ang mukh...
206K 13K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
64.4K 2.4K 36
Mga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeral...
1.5K 85 34
"Para sa lahat siya ay inosenti, pero sa likod ng maamong mukha nagtatago ang mapait na katotohanan sa tunay niyang pagkatao..." SYNOPSIS Aya Natsum...