DIABLO SERIES I: Ang Salamin...

By JLDark

24.3K 291 10

More

Chapter 01
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (FINAL CHAPTER)

Chapter 12

909 11 0
By JLDark

Kinaumagahan ay pinagmamasdan ni Eumi ang mga masasayang larawan nilang pamilya. Yun ang paraan nya upang kahit papaano'y mabawasan ang kanyang lungkot.

Hawak nya ang isang picture ni Anna nang bigla na lamang may umihip na hangin. Nilipad ang picture na ito at napunta sa sahig. Tatayo na sana siya upang pulutin ito nang bigla na lamang nabagsakan ng maliit na salamin ang picture na ito.

Nabasag ang salamin at kitang kita nya ang isang maliit na bubog habang nakatusok sa mismong larawan ni Anna.

Kinutuban ng masama si Eumi kaya mabilis syang lumabas ng bahay upang hanapin si Anna.

Nasa labas na sya ng kanilang bahay nang makita nya si Joshua. Naglalakad ito at dadaan sa kanyang direksyon. Malamlam lang ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi alam ni Eumi ang gagawin. Hindi nya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Parang ayaw nyang lapitan ito at tuluyan na syang iwasan ni Joshua.

Lumampas na si Joshua sa kanya nang hindi man lang sya kinakausap.

Eumi: "S-sandali," pinilit nyang sabihin.

Huminto naman si Joshua sa paglalakad at humarap kay Eumi pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata nya.

Eumi: "y-yung tungkol sa nangyari kahapon, pasensya ka na sa pakikialam ko Josh pero sa totoo lang ay nag-aalala talaga kami ni Anna sayo. Hindi namin ginusto ang nangyari sa mama mo. Pero sana naman ay huwag mong kalimutan ang iyong sarili. Nag-aalala kami ni Anna kahapon na baka kung ano ang mangyari sa'yo kaya ka namin pinuntahan pero kung ipagtabuyan mo kami ay para kaming iba sa'yo! Alam kong nalulungkot ka dahil sa sinapit ng mama mo at ni Ricky at nalulungkot rin ako sa nangyari sa kanila. Gusto kong samahan ka sa mga lungkot na nararanasan mo! Gusto kong damayan ka sa mga pinagdadaanan mo! Gusto ko uling makita ang dating Joshua na nakilala ko." biglang nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Joshua: "Please, Eumi, layuan mo na lang ako. Ayoko nang may iba pang madamay dahil sakin."

Eumi: "Ano bang ibig mong sabihin? Di kita maintindihan?

Joshua: "Hindi mo na ito dapat malaman pa!"

Eumi: "Ano ang hindi ko na dapat malaman pa? Akala ko ba ay magkaibigan tayo? Bakit hindi mo sabihin sa'kin kung ano nga ba talaga ang bumabagabag sa iyo?"

Joshua: "Kung ang kailangan kong gawin ay putulin ang pagkakaibigan natin, gagawin ko wag lang mangyari ang isang bagay na habangbuhay kong dadalhin sa aking isipan. Di ko alam ang aking gagawin kapag nangyari 'yon."

Eumi: "Gusto mo bang sabihin na da dahil sa pakikipagkaibigan mo sa'min ay hindi mo nailigtas ang iyong mama? Na dapat sana ay kasama mo ang iyong ina nung mga oras na kailangan ka nya? Gusto mong maghanap ng masisisi sa nangyari kaya ako ang sinisi mo, ganun ba?!"

Joshua: "Kasalanan ko ang lahat. Dahil sa'kin kaya napahamak si mama at pati na rin si Ricky! Dahil sa'kin kaya marami pang masamang mangyayari!"

Eumi: "Josh . . ."

Joshua: "Ako na ang nakikiusap sa'yo. Layuan mo na ako! Huwag mo nang dagdagan pa ang bigat na dinadala ko."

Eumi: "Sa tingin mo ba ay lalayo ako sa'yo ng ganun na lang?!"

Joshua: "Aalis na ako mamayang hapon. Pupunta ako ng San Nicholas at maaaring dun na ako tumira. Sigurado akong hindi na tayo magkikita kahit kailan!"

Nabigla si Eumi sa sinabi nito. Parang sa isang iglap lang ay mawawala na si Joshua sa kanya. Parang ayos lang kay Joshua na hindi na sila magkita. Parang ganun lang kadali para dito na kalimutan ang pagkakaibigan at mga pinagsamahan nila.

Tumalikod si Joshua at nagpatuloy sa paglalakad.

Pinigilan naman sya ni Eumi.

Eumi: "Sandali lang, Josh!"

Tumigil uli sa paglalakad si Joshua pero hindi na sya humarap kay Eumi.

Eumi: "Ako ba ang dahilan kung bakit ka aalis?"

Joshua: "Kalahati ng dahilan ko,"

Eumi: "Pero bakit? May nagawa ba akong kasalanan sa'yo? Ano ang nagawa ko at kailangan mong umalis?"

Joshua: "Sinabi ko na kanina, hindi mo na kailangang malaman pa!" sabi nya na hindi pa rin humaharap.

Eumi: "Kung pipigilan ba kita, hindi ka na aalis?"

Joshua: "Aalis pa rin ako kahit anong mangyari! Wala ka nang magagawa para pigilan ako!"

Eumi: "Kahit sabihin ko sa'yong mahal na mahal kita, Josh? Iiwan mo pa rin ba ako?"

Hindi inaasahan ni Joshua ang mga huling sinabi nito. Parang hindi nya malubos maisip na sasabihin ito ni Eumi. Hindi sya makapaniwala. Parang Gusto nya uling marinig ang sinabi nito. Pakiramdam nya ay nagkaroon sya ng kakaibang lakas at tuwa pero nananaig pa rin sa kanya ang takot. Takot para sa maaaring sapitin ni Eumi. Ayaw nyang madamay pa ito sa mga nangyayari. Kung gugustuhin nga lang nya ay tapusin na ang sumpang ito sa isang iglap lang pero alam nyang hindi ito ganun kadali. Isang diablo ang kalaban nya. Kailangan nya itong ikulong upang hindi na makapaminsala pa. Ayaw nyang magkaroon ng dahilan upang hindi umalis. Kahit pa isakripisyo nya ang kanyang pagmamahal kay Eumi ay gagawin nya, wag lang itong mapahamak. Kahit pa kamuhian sya nito. Kahit pa ikamatay nya ang kanyang gagawin.

Pinipilit ni Joshua na umalis pero parang ayaw gumalaw ng mga paa nya. Hanggang sa magsalita uli si Eumi.

Eumi: "I love you, Josh. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa buhay ko kaya ako na ang nakikiusap sa'yo, huwag ka nang umalis."

Tila hinahatak si Joshua para yakapin si Eumi pero pinigilan nya ang kanyang sarili. Baka kapag ginawa nya yon ay magkaroon pa sya ng dahilan upang hindi umalis. Tila anumang oras ay sasabog na ang kanyang nararamdaman. Gusto nyang ipagsigawan na mahal na mahal nya rin ito. Sana ay hindi pa huli ang lahat para sa kanila.

Habang kaya pang pigilan ni Joshua ang kanyang emosyon ay sinimulan na nyang umalis. Naglakad sya palayo kay Eumi.

Ilang beses syang tinatawag ni Eumi pero parang wala syang naririnig.

Naramdaman na lamang nya ang biglang pagyakap sa kanya ni Eumi mula sa kanyang likuran.

Eumi: "Please! Wag kang umalis! Wag mo 'kong iwan!" umiiyak na sabi nya.

Joshua: "Bitawan mo na ako. Kailangan kong gawin 'to!"

Eumi: "Ayoko! Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang iyong dahilan!"

Pinipilit kumawala ni Joshua sa pagkakayakap ni Eumi kaya aksidente nya itong naitulak. Napaupo si Eumi dahil sa nangyari.

Joshua: "S-sorry . . ."

Tutulungan na sana niya itong tumayo pero hinampas nito ang kanyang kamay. Tumayong mag-isa si Eumi.

Eumi: "Kung gusto mong umalis, bahala ka! Pero isa lang ang sasabihin ko sa'yo! Simula ngayon ay kakalimutan ko na ang lahat tungkol sa'yo! wala na akong Joshua na nakilala at minahal!" tumalikod si Eumi at mabilis na pumasok ng kanilang bahay.

Naiwan namang nakatayo si Joshua.

Joshua: "Hindi ba't ito ang gusto kong mangyari? Ang layuan nya ako? Ngayon, mas madali ko nang magagawa ang dapat kong gawin." pero hindi na nya napigilan pa ang lumuha. "pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na sa'kin nangyayari ito! Bakit ako pa?" sabi nya sa kanyang sarili.

Pumasok sa loob ng kanyang kwarto si Eumi. Duon ay malaya syang nakaiyak. Para bang sa isang iglap lang ay mawawala na si Joshua sa kanyang buhay. Sa tuwing nalulungkot sya ay naroon si Joshua para pasayahin sya pero ito rin ang dahilan ngayon kung bakit sya umiiyak.

Inilabas nya ang kanyang kalungkutan at sama ng loob sa kwartong iyon. Itinapon nya ang lahat ng teddy bear at stuff toy sa kama. Patuloy lamang sya sa kanyang pag-iyak. Wala namang makakarinig sa kanya. Wala ang kanyang step father, wala ang kanyang ina, wala rin si Anna at higit sa lahat ay wala rin si Joshua. Pakiramdan nya ay nag-iisa na lang sya. Walang masasandalan. Walang maiiyakan. Tila ba lahat ng mga minamahal nya sa buhay ay umaalis. Litong-lito ang kanyang isip. Hanggang sa masulyapan nya ang isang matalas na gunting sa kanyang cabinet. Dinampot nya ito at nagpunta sa banyo.

Si Anna naman nang mga oras na iyon ay wala sa bahay. Kasalukuyan syang naglalakad pauwi nang madaanan nya ang isang luma at abandonadong apartment. Bigla na lamang kumalas ang salamin ng bintana ng apartment na ito at dire'diretso itong babagsak sa kanyang kinatatayuan.

Mababagsakan na sana sya pero mabuti na lang at naitulak na agad sya ni Joshua.

Nabigla naman si Anna.

Anna: "GOD! Muntik na yun! Maraming salamat, Josh!"

Joshua: "Hindi maaari ito! Kumikilos na uli sya!"

Anna: "Ano?"

Eumi: "Kailangan kong balikan si Eumi! Tara, sumama ka sa'kin, Anna!"

Anna: "Teka, Hindi kita maintindihan?"

Joshua: "Saka ko na ipapaliwanag, ang mahalaga ay masiguro kong ligtas sya."

Tumakbo si Joshua upang puntahan si Eumi. Nakasunod naman si Anna sa kanya.

Nakarating sila sa bahay nito.

Joshua: "EUMI!! Nasaan ka?!"

Anna: "Kinakabahan na talaga ako sa kinikilos mo, Josh. Ano bang nangyayari?"

Joshua: "Makinig ka, maaaring nasa panganib ngayon si Eumi! Ang nangyari kanina ay hindi isang aksidente. May isang nilalang ang nagbagsak ng salamin sa'yo! Isang diablo!"

Anna: "What? Are you serious? Isang diablo? Niloloko mo ba ako?"

Joshua: "Totoo ang sinasabh ko. Kailangan nating mahanap ang ate mo!"

Napansin ni Anna na seryoso nga si Joshua pero ayaw nyang maniwala sa sinasabi nito.

Nasa banyo naman si Eumi. Itinapat nya ang gunting sa bandang pulso ng kanyang braso nang marinig nya si Joshua na tinatawag sya.

Eumi: "Nandito si Joshua,"

Hindi na nya itinuloy ang binabalak at palabas na sana sya ng banyo pero naramdaman nya ang paghawak ng isang kamay sa kanyang braso. Wala naman syang makitang humahawak sa kanya.

Bigla syang napatingin sa harap ng salamin. Nakita nya ang kanyang repleksyon habang hawak ng isang nakakatakot na nilalang ang kanyang braso.

Helga: "Kung ayaw mong ituloy ay ako na lang ang gagawa para sa iyo!"

Hinawakan pa nito ang isang kamay ni Eumi na may hawak na gunting at unti-unting inilalapit sa pulso nya. Pinipilit nyang kumawala pero napakalakas ng nilalang na ito. 

Dahil sa pagkasindak ay napasigaw na lamang sya.

Narinig naman nina Joshua at Anna ang sigaw ni Eumi kaya Mabilis nila itong pinuntahan.

~>Itutuloy . . .

Continue Reading

You'll Also Like

67.1K 2K 21
Paano mo ipapaliwag ang mga nangyayari sa iyong paligid kung ikaw lang ang may kakayahang makakita nito. Pano mo ito iiwasan at paano mo ito lalabana...
56.1K 2.3K 33
When Ms. Pilosopo meets Mr. Mapangbara, will they end up fighting or will they end up loving each other?
1.7M 97.7K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
188K 4K 63
Walong taon (8 years) ng naghihintay si Alexies, hindi n'ya alam kung bakit pakiramdam n'ya ay kailangan n'yang maghintay, nararamdaman n'ya na may d...