PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears

391 16 28
By muddy_maddie

Vice POV

Masaya ako at iyon na ang naging reaksyon niya. Matapos ang ilang taon na takot nya sa mga alon at dagat.

Nasa daanan pa lang kami ay natatanaw na ang maaliwalas at mapayapang karagatan.

Naalala ko pa noong huli naming daan sa batangas.

Nakikita pa lang nya yung dagat natatakot na sya. Kaya buong byahe namin noon pauwi nung sumama siya sa akin tulog lang sya.


Pero ngayon naaamaze na ulit sya.

At naaamaze ako lalo sa pagkatao nya.































Paghinto pa lang namin ng sasakyan ay nauna na syang baba.





"Wow! Ang ganda dito! Ma! Papagawan kita bahay dito."

Natawa naman si tita sa inasal ng anak nya.


"Di mo pa nga napapagawa yung bahay natin sa tagaytay at bohol meron nanamang bago?" Sabat naman ni Kuya Al.

"Bahay nila mommy hindi ka kasama." Sabi nya nang hindi tumitingin sa kuya nya at focus na focus sa lugar.


Natawa naman ako sa inasta ng kuya nya. Yung turo kay Jaki tapos napasalo na lang sa noo.


May huminto naman na kotse.

Sasakyan ni Vhong.



"Brad!!! Ang aga mo naman!!!" Sigaw na sigaw namang sabi ni Vhong sa akin habang excited na bumababa sa kotse nya.

Aakma pa siya ng yakap na parang di kami nagkikita madalas.

"Ano ba yan!? Layuan mo nga ako!" Tulak ko pa sa kanya.


"Uy! Jaki! Andito ka pala!?" Lumapit naman sya dito at hinawakan pa sa magkabilang braso.



"Oo, sinama ko bakit?" Lumapit ako at tinanggal yung pagkakahawak ni Vhong kay Jaki.


"Sungit naman nito."

"Vhong, si tita lou nga pala tsaka kuya ni Jaki. Si Kuya Al. Nakwento ko na sila before di ba?"

Sabi ko sa kanya tsaka siya lumingon sa likod.

"Hello po tita! Welcome 'to Casa agsjkakshklal" tinakpan ko naman yung bibig nya.


"Bawal pa! Di pa nalalaunch." Bulong ko sa kanya.

"Pwede na yan! Mabait naman si Billy. Tsaka dinala mo na nga sila dito e." Kung ano naman yung hinina ng bulong ko sya namang nilakas ng boses ng lalaking 'to.

"Sabi mo nga mabait si Billy. Syempre bawal pa kung ibang client 'to no. Mag-istay pala kami dito. Kayo ba?"




"Di e. May out of town kami ni tanya kasama family nya."


"Tara na? Kay Billy."

Dinala ko naman na yung mga gamit na nasa sasakyan at tumungo sa pinakamalapit na clubhouse ng resort. Tinanong ko na rin sa receptionist yung pinareserve ko na tinawag ko kay Billy.


"Sir sa First Villa po to your right room numbers 1&2 po yung magkatapat." Turo nya sa amin lahat naman kami napalingon doon.

"Wow! Kailangan sabay sabay?" Nagulat naman ako sa side comment niya sa amin.

"Luh sya!" Napalingon naman ako kay Jaki.

"Close kayo?" Tanong ko. Kung makapagvomment kasi sila sa isa't isa daig pa magbestfriend.

"Hindi ko nga kilala yan e." Sabi naman nya.


"O-kayyy?" Sabi ko na lang.

"Sige thank you miss." Sabi ko sa kanya nung iabot yung dalawang keys.

Pinuntahan naman namin yung rooms.

"San nyo po gusto tita?" Tanong ko nung binubuksan pa lang yung pintuan.

"Dito na lang parehas lang naman yan tinanong mo pa." Bagets na bagets talaga makipag-usap si tita. Nahahawa na nga rin siya sa paghampas sa braso ko e. Pero yung kanya. Hampas biro lang.

Yung kay Jaki, hampas na walang bukas!


Aba, napakasakit may bakal yata kamay nun.

"Naks, may paaircon pa ha? San ako ma?" Tanong naman ni Kuya Al.

"Magsama kayong dalawang mokong sa kabila." Sagot ni Jaki sa Kuya nya.

"Epal di naman kinakausap." Sagot naman nung isa.

"Pwede ka naman dun sa kabilang Villa kuya, medyo busy naman ako mamayang hapon."

"Parang tinatakwil ako ng sarili kong kapatid. Salamat bro ah?" Biro pa nyang sabi.


"Kunin ko lang po gamit ko sa sasakyan." Paalam ko naman kay tita.

Naglakad naman na ko pabalik doon nang may narinig akong sigaw.


"Sama ko bro!" Napalingon naman ako at nakita si kuya Al na hinabol pa ko. Parang napakalayo ko na kung makahabol.


"Ha?" Yun lang agad yung lumabas sa bibig ko.

"Ayaw mo ba?" Seryosong tanong naman nya.


Natigilan naman ako doon.


"Joke lang! Ito talaga paniwalain." Umakbay pa sya sa akin tsaka naglakad papunta sa lugar kung saan nakaparada yung sasakyan.




Pagdating sa sasakyan parang may gustong itanong o pag-usapan si kuya Al.





"Viceral." Tawag nya sa akin.

"Yes kuya? Ano po iyon?" Tanong ko habang pinagsasama sama yung mga damit ko na gagamitin para sa pagstay namin dito. Nasa sasakyan na rin kasi talaga yung mga karamihan na damit ko.



"Gusto mo ba si Jaki." Para naman akong binuhasan ng malamig na malamig na tubig na may yelo para kong nag-ice bucket challenge dito dahil di makaimik at makagalaw.


"Sa gawi ng pagtingin mo s kapatid ko, alam kong may iba Vice."

Tangna, yung puso ko nagwawala.

Buong tapang naman akong humarap sa kanya.


"Ganun ako tumingin sa girlfriend ko Viceral." Ngumiti siya.

Bakit ba ganito pamilya mo Jaki. Parang mamamatay ako sa nerbyos.

Seryoso tapos ngingiti.

"Malapit na kasal namin. Gusto ko sana iinvite ka. Partner kayo ni Jaki." Sobrang nagningning yung mata nya nung sabihin nya iyon.

Ganun yata talaga kapag alam mong ikakasal ka na sa taong gusto mo makasama habambuhay.


"Wag ka mag-alala kung gusto mo kapatid ko. Nadadaan naman kami sa tamang proseso."



Wala akong naiintindihan. Someone please, explain to me.. what's happening.






"Di ka pa ba sure sa nararamdaman mo sa kapatid ko?" Tanong nya pa.

Nararamdaman? Sa kapatid nya?

Gago! Ganun ba kahalatang gusto ko si Jaki.

"Hindi naman sa ganun kuya.."

"So gusto mo nga?" Singit naman nya.


"Gusto ko." Sagot ko na walang pag-aalinlangan.

"Bakit hindi mo ligawan?" Tanong nya.


"Kasi hindi pa pwede." Sagot ko naman.


"Bakit hindi? May schedule ba 'yon kung kelan dapat? May batas bang ganun?" Derederetsong tanong naman nya.

"Kasi parang hindi pa sya handa." Sagot ko.





"Pag handa na ba, liligawan mo na?" Nahihiya na ko. Lintik na puso 'to. Kabang kaba pa rin.



"Kapag handa na."

Kapag handa na talaga. Susugal na ko.




"Kasi baka maunahan ka. May nagpaparamdam, baka may bumalik."

"Kung si tom 'to kuya..wag naman sana." Napataas naman siya ng kilay sa sinabi ko.

"Sobrang nasaktan nya si Jaki. Saksi ako sa mga sakit na nadulot ni tom sa kapatid mo."



"Habang nagpapagaling si Jaki ng sugat na dulot ni tom, mag-iipon muna ko ng lakas ng loob kuya. Maghahanda rin ako para ligawan yung kapatid mo."

"Tatanungin mo kung pwede manligaw pag handa na sya?" Tanong naman nya sa akin.

"Hindi." Kumunot naman ang noo nya sa sinagot ko.



"Liligawan ko kapag handa na sya. Di naman tinatanong yung panliligaw kuya di ba?"


"Ginagawa." Sabay pa naming sabi.



"Ayos! Pasado ka sa akin. Husayan mo sa future."
Natawa naman ako sa pageencourage nya.


"Akal ko nga dati manliligaw ka nun e. Nung birthday nya." Natatawa pa nyang sabi noong pinagpatuloy ko ang paglalagay ng gamit sa bag at mga documents sa case ko.



"Baliw ka talaga kuya." Napapailing kong sabi.

Sinukbit ko naman yung bag at kinuha yung case na laman ay documents at plano.


"Okay ka na?" Tanong pa nya na nakasandal sa sasakyan ko.

Tumango naman ako.


"Tara na! Ligong ligo na rin ako."

"Di ka naligo kuya? Kaya pala mabaho kanina pa." Biro ko sa kanya.

"Abaaaa, gusto mo upakan kita?" Sabi pa nya tsaka umakma ng suntok.

Napatakip naman ako ng case sa mukha ko baka totohanin e.

Pero natawa na lang kami sa sarili naming inakto.

"Gago ka talaga minsan." Kumento pa nya.



Nung makarating naman sa tapat ng clubhouse ay nakita ko si Billy.

Kumaway pa ito sa akin tsaka nagmadaling lumapit.



"Brad! Kumusta brad! Namiss kita!" Di naman ako agad nakakilos dahil sa higpit at lupit ng pagkakaimpact nya sa katawan ko.

"Ayos naman." Sagot ko.

"Ay Brad, si kuya Al nga pala. Kaibigan ko. Sila yung mga kasama ko magistay dito for 2 days." Pakilala ko naman sa kanya.


"Ahh, ikaw pala yun. Enjoy kayo dito ha? Feel at home. And nice to meet you brother." Nakipagkamay naman si Billy at inabot yun ni Kuya.


"Bro, una na ko sa Villa ha? Mag-aayos din ako gamit." Paalam ni kuya at nauna na syang naglakad

"Sige kuya, salamat!" Pahabol ko pa. Inangat nya naman ang kamay nya para iparating na narinig nya iyon.


Umakbay sa akin si Billy

"Sooo.. is he the brother of your future wife huh?" Tanong ni Billy na dahilan para tanggalin ko yung pagkakaakbay niya.


"Huy! Baliw! Di ko irealease mga drawings namin sayo dyan e! Tumigil ka nga!"

"Wow! Viceral! Kelan mo pa nakalimutan ang salitang joke?" Tanong naman nya.

"Tagal lang natin di nagkikita tapos nagkaganyan ka na? E mas siraulo ka pa sa akin."

"Baliw ka talaga. Sige na. Ibababa ko lang 'tong mga gamit susunod na ko sa inyo nila Vhong."


"Oh. Kunin mo na" sabay abot nya sa akin ng hard hat pero diniin naman sa tyan ko.

"Aray!"

"Mauuna na ko doon." Di ko naman nakuhang sumagot kasi di ko naihanda yung sarili ko sa pagtama ng hard hat sa katawan ko.


Binaba ko naman yung mga gamit ko kasama nung hard hat sa tabi. Mamaya ko na lang aayusin.


Narinig ko namang bumukas ang pinto.

Si kuya Al siguro nandito na gamit nya e.

Pinagsunod sunod ko naman yung mga plano habang nakatalikod doon.

"Bagay ba?" Napalingon naman ako kung saan nanggaling yung boses.


Si Jaki, suot yung hard hat.

Kunwaring tinignan ko pa kung bagay nga ba sa kanya iyon.

"Pangit." Sabi ko at bigla naman ako nakatanggap ng isang pamilyang hampas sa kaniya.

"Joke lang! Grabe! Bagay sayo." Sabi ko at hinawakan ang magkabilang kamay nya para pigilan iyon. Dahil kukurutin nya pa ko.

"Oh? Ano yan?" Napabitaw naman ako nung sumulpot kuya ni Jaki.

"Hinahanap ka ni Mommy, Jak." Dagdag pa nya.

"Sige na Vice, magtrabaho ka na doon."

"S----salamat kuya." Nabubulol ko namang sabi.

Susunod na sana ko sa site pero may naiwan ako.

Yung hard hat na kay Jaki.

Talaga nga naman oo,


Sakto namang bumukas yung katapat na Villa


Inabot nya sa akin yung hard hat.

"Ingat ka!" Ngiting ngiti pa niyang sabi.

"Punta tayo dun mamaya ha?" Turo nya sa pampang.

Napatango naman ako bilang pagsang-ayon.

"After work. Wag ka pupunta dun ng walang kasama ha? I'll be right back."

"Uki uki! Dalian mo umalis ka na! Para makapaglaro na tayo mamaya!" Tinutulak nya pa ko paalis.

Laro? Bata lang haha.

Natuwa naman ako sa mga acts nyang ganun. That's so cute.



Pagdating sa site ay nandun na si Vhong at Billy. Kasama na rin yung project manager, Engr. pati yung iba pa.

Check ng details, structures, design kung may mga kulang ba at hindi nasunod.

Yung kasama naman ni Vhong yung taga punch list ng mga minor errors on site.

Main Villa kasi ng phase 2 at hindi tinitipid kaya mas natututukan talaga yung mga ganitong projects.


Nagmeeting rin after nun. Nagdiscuss ng mga aayusin.

At suggestions ng mga pwedeng gawin para di masyado mabago yung design sa isang parte na medyo namali ng gawa.

"Brad, kumusta ka naman?" Tanong ni Billy nung pabalik na kami nila Vhong sa clubhouse.


"Eto. Mabuti naman ikaw, tagal mo di nagparamdam kasi. Si Vhong lang madalas sa bar. Daan ka naman minsan. Pakilala mo kami sa fiancée mo."

"Actually, she's going here." Naupo naman sya sa couch

"Ohh nice! Punta kayo sa bar. Invite our friends. I'll do the reservation." Sabi ko pa.

"Malamang sayo yung bar." Hinagisan nya naman ako ng chichirya na nasa table lang namin kanina.

Ngayon ko lang napagmasdan ng buo yung lugar.

Ito, ito yung pinaghirapan namin ni Vhong. Everytime na may natatapos kaming project, dinadala ang emosyon ko nito pabalik sa kung bakit ako nagsikap maging arkitekto.

Open clubhouse. No doors, province looking,

Made of bamboo, mixed with new trends.. this. is. perfect.

"Amazed with your own work huh?" Sabi ni Billy na nakadekwatrong kumakain ng chichirya nya.

Nakita ko naman na mas manghang mangha sa akin si Vhong.

Sya yung taong showy haha.

"Yeah, but look at that kid tho."

Napailing namam ito sa tinuro kong si Vhong.

Na hinihimas pa yung column.

"He's always like that kahit noong college pa lang tayo." Sabi ko naman tsaka binuksan yung chichirya.


"Huy brad! Penge!" Patalon talon namang sabi ni Vhong.

Tuwang tuwa talaga sya. Nawawala yung pagkapropesyonal nya kapag kami kasama.


"Kuys! Salamat talaga at kinuha mo kami para sa resort mo. Grabe! Ang ganda ng pagkakagawa! Iba talaga pag mapera ang client!"

"Hahahaha siraulo! Mapera ka na rin. Ang mahal ng fee nyo dito ah!"

"Napakahirap din kaya nitong project na 'to."

Dito pa talaga sila nagtalo kala mo ba walang nakakarinig.


"Ingay." Kumento ko.

Bigla naman nawala yung chichirya sa kamay ko dahil may umagaw.

Napaangat naman ako ng tingin dito.

"No junk food. Eat this." Pati naman yung mga kasama ko napatingin sa babaeng nasa likuran ko na umagaw ng sitsirya ko at pinalitan ng pistachios.

"Jaki naman.." reklamo ko.


Inabot nya naman kay Vhong yung inagaw nya sa akin. Tsaka naglakad palayo.




"Kabokot si ate girl! Ganun ba type mo ngayon Viceral?" Lumapit naman sa akin si Billy na pabulong pa sinabi iyon.

"Suplada yata."


"Manahimik ka nga dyan. Mabait yun!"

"Dyan na nga kayo. Dun na ko sa Villa." Paalam ko.

"Hoy Vhong, sabihan mo ko pag pauwi ka na."



"Sige. Bye bye!" Kaway pa nya.

Para talagang may saltik yung si Vhong.



Sinundan ko naman si Jaki sa Villa habang kumakain ng inabot nyang pistachio.

Dapat dito talaga may nabibiling balat na. Pahirap sa pagtanggal nung shell.


Naupo naman ako sa couch dito sa labas ng villa nila tita.

"Hi tita!" Bati ko kay tita na nanonood ng ilang tao sa pampang.




"Oh iho, tapos na ba trabaho mo?" Tanong nya naman.

"Opo. Bakit po di kayo pumunta doon?" Pagtutukoy ko sa dagat.

"Hinihintay ko lang sila Jaki, magbibihis lang daw."

"Ahhh" Napatango naman ako ng ilang beses.

"Okay po."

"Magbihis ka na rin at sumama ka na sa amin."


"Ay oo nga tita. Saglit po." Pagbukas ko naman ng pinto sa villa namin ni kuya Al ay siya namang paglabas nito.

"Oh, andito ka na? Magbihis ka na! Dalian mo! Bagal!" Natawa naman ako hindi pa nga ako nakakapasok bagal agad?


"Si kuya excited." Sabi ko nung pagpasok ko sa villa. Sinadya ko magmabagal tuloy.

"Dali!" Tinulak pa ko para makapasok ako ng tuluyan.




Nagbihis naman ako ng damit

As usual white shirt lang.

Tapos yung shorts na horizontal stripes at sinuot ko yung hat kinuha na rin yung action cam sa mga gamit ko.

Paglabas ko ng pinto wala pa rin si Jaki.

"Aba!!! Lakas ng datingan natin ah! Ma, mukhang may aakyat ng ligaw dito oh!" Panunukso pa ni kuya Al.

"Al Dean, tigil tigilan mo yang si Vice. Sasamain ka sa akin."

"Ma naman, di makagets ng joke. Parang mas anak mo pa yan sa akin e." Turo pa sa akin.

"Mas mabait yan wag kang ano dyan." Cute talaga ni tita. Iuuwi ko na rin 'to talaga sa bahay pag natuwa pa ko.

Hahahaha syempre joke lang.



"Oh bunso.." tawag ni tita kay Jaki.
Natahimik naman kaming lahat nung makitang kakalabas lang ni Jaki.

"Matutulog ka ba?" Tanong ng kuya nya sa kanya.

Nakawhite syang.. pajama? Tsaka denim na long sleeves na tiniklop.


"Mami oh!! Si kuya nga." Sumbong agad nya.

"Inaano ka ba?" Sagot naman ni kuya Al.


"Tara na nga't bago pa kayo mag-away"

"Iho, lika na." Aya naman ni tita na inaalalayan ni Jaki pababa ng step.

Pagbaba pa lang sa villa ay mararamdaman mo na malambot at pino ang mga buhangin dito dahil sa pagtapak mo ay smooth lang yung mararamdaman mo kahit nakatsinelas pa.



Pagkalapit sa pampang ay nakita ko naman na dahan dahan lumapit sa naaabot ng tubig si Jaki. Nagmadali agad ako para masamahan siya dahil kasama ni tita si kuya Al ngayon.

"Still afraid?" Tanong ko sa kanya.


Ngumiti sya tsaka umiling.

"Let me help you to conquer your fears." Sabi ko at nilahad ang kamay ko. Hindi ko man alam kung para saan pero tinggap nya iyon.

Habang papalapit sa tubig ay napahigpit ang hawak nya sa akin.

Pinisil ko naman iyon at tumingin sa kanya.

"I'm here. It's okay. Huwag kang mag-alala." Hinimas pa ng hinlalaki ko yung kamay nya para hindi siya mag-alala talaga.

Hanggang sa inabot na yung mga paa namin ng tubig.




Napatingin naman ako sa kanya nung bigla syang tumili at umatras.


"Okay ka lang? Pwede namang huwag mo muna itry. May ibang chances pa naman." Pagpapakalma ko sa kanya. Habang nakahawak sa magkabila nyang braso.



"Malamig yung tubig! Nagulat ako!" Natatawa nyang sabi.

Napayuko na lang ako. Akala ko napano na siya.


"Huwag mo ko tinatakot ng ganun." Sabi ko na lang.

"Sorry. Di ko lang ineexpect na ganon." Tawang tawa naman sya at umangkla sa braso ko.

"Di ka na takot." Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng sinserong ngiti na nagsasabing masaya ako para sa'yo.








"Hindi na." Nakakagaan ng loob na makita siyang masaya dahil naeexperience na nya ang dagat ulit.




"Papicture ako dali! Sayang naman camera mo kung walang magandang makukuhanan." Sabi pa nya.


"Edi wow." Yun na lang lumabas sa bibig ko.


"Dali na. Okay ready na ko one, two.." napressure naman ako sa sarili nyang countdown sa pagtetake ko ng picture sa kanya.


"Three, smile!!!" Sabi ko bago pindutin yung button ng camera.


"Mi! Lika daliiii!!!!! Kuya! Picture-an mo kaming tatlo."

Di naman makapaniwala yung kuya nya na siya yung magpipicture at ako yung isasama.

"Pwesto ka na dun kuya ako na muna photographer nyo."

Nagmadali naman siyang pwumesto doon.


"One, two, three. Smile!!!" Maski ako ay napapangiti dahil sa ngiting nakikita ko sa kanila.

"O sama ka naman, groupie tayo." Aya ni kuya

Pwumesto naman kami sa may hanggang tuhod na tubig at hinintay umalon

Itinaas ko naman yung camera at clinick iyon.



Pagkatapos noon ay binasa naman ni kua Al si Jaki dahilan para magbasaan silang pamilya.


Masaya akong pinapanood sila at naisipan kong kuhanan ito ng litrato.


Those smiles, those genuine smiles ang gusto kong makita sa kanya araw-araw.


Pagpindot ko naman ay nagulat ako ng sobrang lapit na pala nya at nakangiti pa.

Pag tanggal ko ng tingin sa camera ay bumungad yung mukha nyang malapit na rin sa akin.

"Ano? Nood nood lang tayo dyan? Ligo tayo dalii!!!" Sabay hatak nya sa akin. Natangay naman nya ang sarili ko dahil hindi ko inaasahan iyon.


Kinuha nya yung camera sa kamay ko tsaka tumingin sa akin.

"Waterproof 'to di ba?"

Tumango lang ako at tinangay nya nanaman ako. Yung buong ako. Pati puso ko.

"Marunong ka naman lumangoy di ba?" Tanong nya sa akin nung nasa dagat na kami na lampas bewang ang tubig.

"Sagipin mo na lang ako kapag malulunod na ko." Seryosong sabi nya tapos biglang ngumiti.

Pinitik ko naman yung noo niya. Habang nakaalalay ang isang kamay ko sa likod niya dahil magkaharap na kami.

"Akin na yan. Magvideo tayo."
"Ako hahawak!" Pagmamaktol nya.

Priness ko muna yung record button bago iyon iniabot sa kaniya.


"Kaya mo ba sumisid?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi."

"Kaya mo ba huminga ng malalim?" Tanong ko naman.

"I think so.." sagot naman nya.

"Sa ilalim tayo magvideo. Hawak ka lang sa akin. Ako bahala. Hindi kita ipapahamak." Deretsong tingin ko sa mga mata nya para makita nyang totoo yung sinasabi ko.

"Sige." Maiksing sabi nya.

"Wag ka kabahan."


Napabugtong hininga naman siya.

"Okayy. Game!" Buong loob na sagot niya.


"You ready?"

Tumango naman siya.

Lumayo naman kami ng kaunti hanggang sa maging hanggang dibdib na niya yung tubig.

"Take a deep breath in 3, 2.. 1...."


Kasabay ng pag lubog namin ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.



Nakita ko sa ilalim ng tubig ng dagat ang mata niyang nakapikit.


Hinawakan ko naman sa isang kamay ko ang mukha niya.

Kahit tinatangay ng tubig ang buhok nya. Yung tao pa rin na 'to yung nagpapakaba sa akin ng ganito.

Dumilat naman siya at ngumiti sa akin.


Nilibot ang paligid nya. Pero ako ay sa kaniya lang nakatingin.

Naagaw na lang ang atensyon ko ng alugin niya ang magkahawak naming kamay at sumenyas na kailangan niya ng hangin.

Kaya't sabay rin kaming umangat mula sa tubig.


"Wow! Sobrang saya non! Kaso di ko yata nakuhanan." Bungisngis talaga 'tong babaeng 'to.


"One more please? Langoy ka sama mo ko." Pangungumbinsi pa nya.

"Sure ka?" Paninigurado ko pa.

"Yes. Please."

Nagbilang naman ako muli hanggang tatlo, sabay na lumubog sa tubig na magkahawak ang kamay.

Pinahawak ko siya sa leeg ko't pinapasan kung tutuusin, nagsimulang lumangoy papunta sa medyo malalim na parte. Nakita ko naman na nakadilat siya noong pakapitin ko siya sa leeg ko.

Mahigpit ang kapit nya pero sapat lang para hindi ako masakal. Hawak pa rin niya ang camera na nakatapat sa aming dalawa. Kumaway pa ko doon.




Nagpapatangay sa pag galaw ng tubig, nagpapatangay sa bugso ng damdamin.


Hinawakan ko yung kamay nya at pinapunta siya sa tabi ko.

Sa pagkakaalam ko ay madali siyang matuto kaya't habang hawak ang kamay niya ay lumangoy pa ako. Ginawa naman niya ang pag galaw ng kamay at paa ko.

Sumenyas ulit siya na itinuturo ang itaas kaya tinulungan ko siyang umangat.

Kumapit naman siya sa leeg ko.


Naghahabol ng hinginga pag-angat pero dagdag ito sa hindi ko makakalimutan na pagkakataon na kasama sya.





"Thank you! Sobra!"
Sabi nya sa akin na at bigla siyang yumakap.


******

Yey!!! Nakapag-update na hahahaha isa 'to sa favorite kong update.

Walang nagtatanong gusto ko lang i-share.

Sa sobrang pagkatouch ko nung ganap nung Lunes napagawa ako ng one shot. Kung gusto nyo basahin yung napakagulong one shot na 'yon check nyo na lang. 😂

Have fun!!!

-Maddie

Continue Reading

You'll Also Like

314K 6.9K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
16.9K 587 34
ROLE PLAY WORLD. O mas kilala sa tawag na RPW. Everything is FAKE. Pero minsan yung feelings TOTOO. CRP PROBLEMS and FACTS a thread. •Highest Ranking...
328K 9.6K 57
Is he the fulfillment of her wish?
209K 5.4K 38
This is a one shot different stories of Vicerylle.