Back in 1763

By midoriroGreen

136K 4.9K 926

Sa pagsapit ng ikalabing walong kaarawan ni ACILEGNA STAR VILLANUEVA ay napagpasiyahan niyang magbakasyon mun... More

x
Bakasyon
Rafael A.P
Panaginip
Ang pagkikita
Yaya?
Polavieja-mansion
Dating Kasintahan
Hawak kamay
Ngiti
Bipolar
Painting
Dare to kiss him
His other side!
Radleigh Polavieja
Fuck You
Nagsisimula na
Still Radleigh
kapahamakan
Don Gustavo El Domingo
Ang Pagtakas
Ang Habulan Sa Gubat (1)
Ang Habulan sa Gubat (2)
Nagseselos
Isla
X
Buwan
Pagbabalik sa Kasalukuyan
Back in 1763
Pag-amin
Singsing
Kakampi
Pagsisisi
Plaza Ortiz
Parusa
Bangka
Adios Mi Amor
Art Exhibition

Isang Pangako

2.7K 108 12
By midoriroGreen

"Rafael Radleigh Amadeo Polavieja ... Iyan ang buong pangalan ko, binibini.."

Nagulat ako sa sinabi ni Radleigh.

Sa mga araw na lumipas ay ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Rafael dahil hindi daw siya iyon.

Kaya nga pati ang mga tauhan sa mansiyon ay Senyor Radleigh na rin ang tawag sa kaniya.

Pero ngayon ay diretso niyang nasasabi sa akin na pangalan niya rin pala iyon.

" N-naaalala mo na ikaw si Rafael? Hahahaha! Sabi ko na nga ba at nagbibiro ka lamang nitong nakalipas na isang buwan." Tumawa ako kahit walang nakakatawa.

Pero tumigil din ako bigla ng nakita kong seryoso lamang siyang nakatingin sa akin.

"Bago kayo pumunta noon sa gubat....." Umigting ang panga niya ng magsalita ulit siya. Ibinaling din niya ang tingin niya sa dagat. Para bang may naisip siya na nakagagalit.

Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Natutulala ako sa bawat galaw ng labi niya.

"Pumunta kami ni Polaris sa bayan para makipagkita sa isang kilalang manggagamot na galing pa sa Europa."

Ha? Manggagamot galing sa Europa?
Pero akala ko ay may kinuha lamang siya sa bayan ng mga panahong iyon..
Ang sinasabi niyang araw na pumunta kami sa gubat ay noong araw na nadukot kami ng mga tauhan ni Gustavo.

At kasama niya pala si Polaris.. Isinantabi ko muna ang mga tanong ko at nakinig sa sinasabi ni Radleigh.

" Marami akong n-nalaman na hindi ko nagustuhan...at ikinahihiya ko ang mga iyon.."

Parang may sumaksak sa puso ko ng maulinigan ko ang lungkot sa kaniyang boses.

I cannot read his expression. But the way his voice tremble says it all.

"A-ano ang nalaman mo?" Naglakas loob na akong magtanong.

Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Pero hindi ko ito masyadong pinagtuunan ng pansin.

" Sana ay hindi mo ako kaawaan o layuan kapag nalaman mo ang tungkol sa ........sakit ko.." mahina ang pagkakasabi niya sa dalawang huling salita pero malinaw iyon sa pandinig ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon. Anong sakit ang pinagsasabi niya? I think he's physically healthy.

Hindi ko kakayanin kapag nagkasakit siya.

" May malubha ka bang karamdaman Senyor? May sakit ka ba sa puso? M-magagamot pa naman siguro iyan--

Naiiyak na ako sa mga naiisip kong posibilidad pero napatigil ako ng bigla siyang tumawa!

The heck! Anong nakakatawa? This is a very serious matter.

Nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha habang tumatawa siya. Pagkatapos nun ay bumaling siya sa akin.

Kinakabahan na naman ako. It's not the typical type of nervousness though. May halo itong excitement na alam ko kung saan nagmumula.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin pero nasa mga mata niya pa rin ang kalungkotan na kanina ko pa nababasa.

"Hindi ito sakit sa kahit na anong bahagi ng a-aking katawan... binibini.." medyo nahihiya pa niyang sinabi.

Kung ganoon.. maari kayang tungkol ito sa narinig ko noon na pinag-uusapan nina Minerva at Polaris?

Pero baka naman iba.

" May sakit ako sa pag-iisip binibini..." Bigla siyang tumalikod sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon.

Ako naman ay lalong napamaang sa kaniya.

Ano raw? Mukhang tama ata ang iniisip ko na nalaman na niya ang tungkol sa dalawang katauhan niya na narinig ko noon kina Polaris at Minerva!

Pero hindi naman ibig sabihin nun na baliw siya!

Walang nagsasalita sa amin pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya.

Sana may magawa ako para mapawi ang kalungkutan niya.

" Wala kang sakit sa pag-iisip Senyor, sadyang kakaiba ka lang talaga.." malumanay kong sinabi .

"Kakaiba?" Mapait siyang tumawa kaya naman dinagdagan ko.

"Oo, kakaiba ka sa lahat at kahit pa may dalawa kang katauhan, hindi iyon nakabawas sa----

"Paano mo nalaman ang tungkol diyan? Wala pa naman akong sinasabi ah." Napalingon siya sa akin kaya napayuko ako.

"Narinig ko mula kay Polaris pagkatapos mong maging si Radleigh Polavieja..." Sagot ko sa kaniya ng di siya tinitignan.

Narinig ko ang pag-alis niya kaya bigla akong napalingon sa kaniya.

"S-sandali! Radleigh! " Hinabol ko siya at humarang ako sa dinadaanan niya.

Napahinga ako ng maluwag ng tumigil naman siya.

" Hindi ka dapat lumalapit sa baliw na kagaya ko..." Malungkot niyang utas.

Napailing naman ako.

"Hindi ka baliw!" Madiin kong sinabi..

"Salamat binibini, ikaw lang ang nagsabi niyan kahit alam mo na ang tungkol sa kalagayan ko.." magaan niyang sagot.

Nagulat ako doon. Anong ibig niyang sabihin?

" Ang manggagamot mismo na nilapitan namin ng kapatid ko ang nagsabing may sakit ako sa pag-iisip."
Biglang umupo sa buhangin si Radleigh at tumingin sa malayo.

Habang ako ay nakatayo sa gilid niya.
Pilit pinoproseso ang kinukwento niya.

May dumaang galit para sa manggagamot na sinasabi niya.

How dare that person to say that Radleigh is crazy just because of his split personality disorder!

" Labinlimang taon, binibini. Sobrang tagal ko ng nagkakaganito." Nakakuyom ang mga palad niya at nahihirapan akong makita siyang ganito.

Mas gusto ko pang maging seryoso na lang siya. O di Kaya ay ang palabirong ugali niya. But not like this!

"Sabi ng manggagamot ay wala raw kasiguraduhang gagaling pa ako. Hindi raw ito katulad ng ibang sakit na pwedeng madala sa gamot o operasyon. Kaya alam ko sa sarili ko na wala na ring kahit na sino ang magmamahal sa akin ng totoo. Walang makakatanggap sa aking kalagayan bagkus ay kukutyain lamang ako ng lahat" Huminga siya ng malalim pagkatapos niyang sabihin iyon.

Natahimik naman ako sa gilid niya. Pilit iniisip ang sinabi niya.
Sa tingin ko ay marami pa akong malalamang sekreto niya at gusto kong malaman lahat ng iyon.

Ito na ba ang misyon ko? Sabi ni Enigma sa akin noon ay kailangan kong baguhin ang pananaw ni Rafael Radleigh Amadeo Polavieja tungkol sa kaniyang buhay at love life.

Alam kaya ni Enigma na may dalawang katauhan si Radleigh ?
Hay! Nasaan na ba ang anghel na iyon? Tch.

" Binibini.. maari ba akong magtanong sa iyo?" Bulong niya na halos hindi ko na marinig sa sobrang hina.

Tumikhim muna ako bago ko siya sinagot ng marahan.

"Ano iyon, Senyor?"

" Sino sa tingin mo ang mas gugustuhin mong makasama sa islang ito? Si Rafael ba o si Radleigh?"

Eh? Diba siya rin naman iyon.
Medyo napakamot ako sa ulo ko dahil sa tanong. Takte! Mas mahirap pa ito sa paggawa ng research paper ah!

Napalunok ako at lalong kinabahan ng tumitig siya sa akin.

Sheeeettt. Bakit ang hot niya tumingin. Atsaka nakakahiya , haggard ako ngayon.

" Ahmm. Bakit mo naitanong?" Balik ko sa kaniya. Pero sino nga ba ang pipiliin ko ay este gugustuhin kong makasama?

Hindi siya nagsalita. Nakatitig pa rin siya sa akin. Ako tuloy ang kinakabahan. Mukhang naghihintay siya ng magandang sagot.

" Sa totoo lang wala!" Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko kaya natawa ako.

"Biro lang... " Bawi ko rin naman agad. Tipid lang din siyang ngumiti sa sinabi ko at saka tumingin ulit sa malayo. Parang inaasahan na niya na di ako sasagot ng maayos.

Parang may kulang naman sa akin ng nakita kong sa iba na ulit siya tumingin.

" Ikaw ang gugustuhin kong makasama kahit saan man ako magpunta o kahit sa anong panahon at lugar man ako mapadpad. Kahit ano pa man ang personalidad mo ay tatanggapin ko. Ikaw man si Radleigh ngayon ay gugustuhin pa rin kitang makasama, subalit kung mamaya o bukas ay maging si Rafael ka na ulit, ayos lang din sa akin. Alam mo kung bakit? Dahil hindi ko iniisip na ibang tao ka na kapag nag-iba na naman ang personalidad mo. Ikaw pa rin yan. Ang lalaking .... ang lalaking-"
I stop there because I don't want him to know about my feelings.

Nakayuko ako habang nagsasalita kanina kaya hindi ko nakikita ang reaksyon niya.

Kaya napasinghap ako ng may mainit na katawan ang yumapos sa akin.

Niyakap niya ako? Nag-iinit ang pisngi ko habang nakatayo parin doon habang yakap-yakap ako ni Radleigh ng mahigpit.

"Salamat binibini...salamat at dumating ka . Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang buhay kung hindi kita nakilala." Sinsero niyang sinabi sa akin.

Dahil sa sinabi niya ay niyakap ko na rin siya ng mahigpit. Naramdaman kong natigilan siya pero saglit lang.

" May isa ka pang dapat malaman. " Marahan niyang sinabi habang nakayakap parin sa akin ng mahigpit.

Kumalas ako sa yakap niya at nag-angat ako ng tingin para masalubong ko ang tingin niya.

Nagulat pa ako ng dahan-dahan siyang umupo sa buhangin.

Sinenyasan niya rin akong maupo kaya't naupo ako sa tabi niya. Nakita kong kumunot ang noo niya pero hindi ko na pinansin.

Kaya muntikan na akong mapasigaw kung diko lang natutop ang bibig ko tumayo siya at pumunta sa likuran ko para lang yakapin ako mula sa likod.

"R-Radleigh...anong.."

"Shhhh binibini.. wala akong masamang mithiin. Malamig ang simoy ng hangin at alam kong kulang ang iyong kasuotan pangontra sa lamig." Mahinahon niyang sabi kaya nakalma naman ako.

Pew! Malamig nga kanina. Naka t-shirt kasi ako at maong na pantalon. Iyong suot ko galing sa future.

" Tungkol pala sa sasabihin mo, ano iyon?" Pagkatapos ng tanong ko ay nanigas ako ng dumantay sa balikat ko ang kaniyang mukha at humigpit din ang yakap niya sa akin.

Radleigh naman eh? Bakit ganito huhu marupok ako. Charr

" Tungkol sa sakit ko at sa tunay kong pagkatao" Sabi niya kaya pinilit kong kumalma kahit sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.

Nakadikit ang likod ko sa kaniya at ramdam ko ang init na galing sa katawan niya.

Effective pala talaga ang body heat kontra sa lamig.

"Noong walong taong gulang ako ay nagsimula ang pagkakaroon ko ng dalawang katauhan. Muntikan na raw akong malunod noon sa lawa ng Nagsabatan at nabagok pa ang aking ulo sa isang bato. Nagising ako sa pangangalaga ng mga Polavieja. Wala akong maalala kahit na ano noong mga panahong iyon maliban sa aking pangalan na Radleigh. Iyon lang ang sinabi ko sa matandang lalaki na tumulong sa akin. Siya ay walang iba kundi si Don Mariano Polavieja na aking lolo." May lungkot sa mga mata nito ng banggitin ang pangalan ng matanda.

Napakunot ang noo ni Acilegna ng may maalala sa sinabi nito.

"Binibini, hindi ako tunay na Polavieja." Napasinghap ako sa sinabi ni Radleigh.

"A-anong ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ko sa kaniya.

"Si Polaris lang ang tunay na Polavieja binibini." Tinitigan kong mabuti si Radleigh. Kamukhang kamukha niya si Polaris at si Alfonso! Paanong hindi siya isang Polavieja?

Mukhang nabasa nito ang nasa isipan niya dahil agad nitong dinugtungan ang kuwento nito.

" Lahat ng nasa hacienda ay sinasabing kamukhang-kamukha ko si Don Mariano noong kabataan nito. Walang mag-aakala na hindi ako isang Polavieja. Dahil wala akong mapuntahan at wala akong maalala ay inampon ako ng nag-iisang anak ni Don Mariano at ng asawa nito. Sila ang kinagisnan kong mga magulang.Mabait sila sa akin at tinuring nila akong parang tunay na anak lalo na si ina. Kahit may usap-usapan na anak nga ako ni ama sa ibang babae dahil kilala itong palikero ay hindi ko naramdaman na kinamuhian ako ni ina. Sila ni Don Mariano ang naging kakampi ko sa lahat mula ng magkaroon ako ng dalawang personalidad. Hindi nga lang naging maganda ang samahan namin ng batang Polavieja na si Polaris. Palagi itong galit sa akin noong mga bata pa lamang kami."

"Pero bakit niya tayo tinulungan?" Naalala ko na parang may nagbago kay Polaris.

" Magmula ng magkaroon siya ng sariling anak ay nagbago na siya ng pakikitungo sa akin." Nakangiting lingon naman sa kaniya ni Radleigh.

Bumuntong-hininga si Radleigh saka ako tinitigan sa mga mata. Nababasa ko ang maraming emosyon sa kaniyang mga mata. Nalulungkot ako sa mga nalaman ko pero hinawakan ko na lang ng mahigpit ang mga kamay ni Radleigh at marahan itong pinisil.

"Kapag ako si Rafael ay hindi ko maalala ang mga ginagawa ko kapag ako si Radleigh pero nararamdaman ko kung kailan magbabago na ang aking personalidad."Naiiyak ako dahil pinagkakatiwalaan niya ako tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao samantalang ako ay hindi ko man lang masabi sa kaniya na galing ako sa hinaharap. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Ibinaon naman niya ang mukha sa balikat ko. Ngayon ay hindi na ako naiilang. Sumasakit din ang puso ko sa kinukwento niya pero ayaw kong sumabat.

"Samantalang kapag ako naman si Radleigh ay naaalala ko ang mga ginawa ng aking isang personalidad." Napatingala ako sa kaniya at napanganga.

"Ibig mong sabihin ay naaalala mo ang una nating pagkikita nong ikaw pa si Senyor Rafael?" May naramdaman akong tuwa ng tumango siya sa akin.

" Lagi akong nanaginip ng kakaiba noong walong taon pa lamang ako pagkatapos kong magising na walang maalala. Nakakamangha dahil may mga naaalala akong mga tao na katulad na katulad mo ang kasuotan noong una kitang makita. Pero hindi ko sila maalala kaya alam kong panaginip lang ang lahat." Saka ito tumingin sa aking kasuotan. May lungkot sa mga mata ni Radleigh habang nagkukwento.

"May mga araw na lagi na lang daw akong tulala sabi ng mga kasama ko sa mansiyon. Pero inakala raw nilang dahil lamang iyong sa nangyari sa akin sa lawa na hindi ko maalala hanggang ngayon. Tapos isang araw daw ay sinabi kong Rafael ang itawag nila sa akin. Naging tahimik raw ako at laging seryoso. Doon nagsimula ang pagkakaroon ko ng dalawang katauhan. Nabuo ko ang personalidad na seryoso at tahimik na tinawag ko pang Rafael. Ang mga pagkakataong naging Rafael ang personalidad ko ay aking naaalala. Sa loob ng labinlimang taon ay pasalit-salit ang aking katauhan. Kaya naman nasanay na ang mga kasama ko sa mansiyon pero walang ibang nakakaalam bukod sa kanila dahil alam kong itatakwil ako ng lipunan at hindi ako matatanggap ng mga prayle sa simbahan kapag nalaman nila. Mapagkakamalan pa akong sinasapian ng demonyo kapag nalaman nilang dalawa ang personalidad ko. Ayon pa kay Polaris, tinanong niya raw ang katauhan kong si Rafael kung naaalala ba nito ang mga nagyayari habang bumabalik ako sa pagiging Radleigh. Pero wala raw maalala ang katauhan kong Rafael sa pinagagawa ko."

Wala akong masabi. Ang totoo pala niyang katauhan ay si Radleigh at ang split personality disorder niya ay si Rafael.

"Kung di mo mamasamain, maaari ba akong magtanong?" Marahan kong tanong sa kaniya.

"Nasaan na pala sina Don Mariano at ang mga magulang ninyo ni Polaris na umampon sa iyo?" naramdaman ko ang mainit na likidong bumasa sa balikat ko.

Real men cry. Totoo iyon.

"Wala na sila." Mahinang sagot nito. Pumatak narin ang aking mga luha. Wala na pala ang mga taong nag-alaga kay Radleigh.

"Patawad sa aking tanong." Napapikit ako dahil damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Gusto kong gumaling ka Senyor. Kaya tutulungan kita. " pangako ko sa kaniya.

" Kapag gumaling ako, hindi na rin babalik ang personalidad na Rafael kailanman .... Ayos lang ba iyon sa iyo binibini?" Malungkot niyang tanong.

"Mas gugustuhin kong gumaling ka at hindi na maguluhan pa sa kung ano ang pagkatao mo. Iyon ang tanging nais ko.." bago ako mawala sa panahong ito.

Nanikip ang dibdib ko sa naisip na anumang oras ay pwede akong maglaho sa panahong ito.

Marahan niya akong iniharap sa kaniya . Nangatog ang tuhod ko ng masalubong ko ang nakalulunod niyang mga mata. Mabuti na lang at nakaupo kami kung hindi ay baka natumba na ako sa tindi ng kaba ko.

Nanlalambot ang mga tuhod ko habang nakikipagtitigan kay Radleigh.

May gusto pa akong malaman pero tinikom ko na lang ang aking bibig. Masyado ng maraming impormasyon ang sinabi ni Radleigh at alam kung hindi madali ang pag-open niya tungkol sa kaniyang nakaraan.

"Salamat Senyor Radleigh dahil ipinagkatiwala mo sa akin ang isang bahagi ng buhay mo." Masuyong sabi ko habang nalulunod ako sa mga mata niya.

"Hindi ba nagbago ang pananaw mo sa akin dahil sa iyong mga nalaman?" Malungkot na muli ang mga mata nito. Agad naman akong umiling pero mukhang hindi siya naniniwala. Tumingin na lang ulit ito sa karagatan at malungkot na ngumiti.

Hindi ko gusto ang lungkot na nakikita ko kay Radleigh. Hindi ko rin alam kung paano ko papawiin ang lungkot na iyon pero isa lang ang alam ko. Hindi ko gustong nakikita siyang ganoon. Mas mabuti pang nag-aasar na lang siya sa akin kaysa ganito.

Biglang umilaw ang mga braincells ko at nakaisip ako ng paraan para gumaan ang kalooban ni Radleigh. Nagawa ko na ang #yakapsul kaya susunod na ang #kisspirin.

Kinakabahang tinignan ko si Radleigh. Ah bahala na nga.

"R-Radleigh..." mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan. Nanatili pa rin siyang tahimik.

Hinawakan ko ang mukha niya at mukhang nagulat siya dahil napalingon siya sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pero tinatagan ko ang loob ko. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa nakaawang na si Radleigh. Pero agad akong tinakasan ng tapang kaya nabitatiwan ko ang mukha niya.

"P-Pasensiya na." Namumula kong paumanhin bago biglaang tumayo para makatakas pero biglang pinulikat ang mga paa ko kaya natumba ako papunta kay Radleigh!

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...