Love Maze (Completed)

By kristineeejoo

4.1K 69 10

Si Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naii... More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 9.3
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 3

80 1 0
By kristineeejoo

CHAPTER THREE

"Katrine," Napalingon ako bigla sa tumawag sakin. Si Xiela. Patakbo siyang lumapit sakin at binigyan ako ng ngiti. Wala ako sa mood makipag-ngitian.

"Sabay na tayo umakyat sa building." Sabi niya at kumapit pa sa braso ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Sa pagkakaalam ko, hindi kami close.

"Okay." Sagot ko nalang at nagkibit balikat. Habang paakyat kami ng hagdan kung ano ano ang kinukwento sakin ni Xiela. Hindi ko naman maintindihan ang pinagsasabi niya dahil tungkol ito sa numbers. Minsan nga tinatanong niya pa ako ng logic, di ko nalang siya pinapansin. Tss. Ang daldal pala niya.

Nakita kong ngumuso siya kaya napakunot ang noo ko, "You're not listening."

"Wala naman kasi akong maintindihan." Sabi ko at nilagay ang paningin paakyat sa hagdan. Kapagod naman umakyat rito. Sa 4th floor pa kasi ang room namin. Tss.

"Ah, hindi mo gets 'yung Arithmetic Sequence? Madali lang 'yun—"

"Xiela," Tawag ko sakaniya habang napahilamos ng mukha. "Alam kong matalino ka sa Math. Pero 'wag mo namang ipamukha na ang bobo ko sa subject na 'yon. Tss!"

"Ay," Tumawa siya at nag-peace sign. "Sorry! Hahahaha!"

"Tss." Iyon nalang ang nasabi ko. Nang makarating kami sa floor namin. Napahinto ako ng may humarang sa daan namin. Si Eula at Catriona.

Tumaas ang kilay ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkapit sakin ni Xiela.

Hindi ko alam pero simula ng masampal ako ni Eula at ng malaman kong inutusan siya ni Catriona, bawat pagkita ko sa mukha nila kumukulo nalang bigla ang dugo ko sakanila. Nag-iinit rin ang ulo ko. At dahil sakanila, sira na ang araw ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Eula, "Dadaan kami."

"Edi dumaan ka. Wala namang may pake." Sagot ko at nilampasan na sila pero napapikit ako ng maramdaman ang kamay ni Eula sa braso ko.

"Huwag mo kami kausapin ng ganyan." Mataray na sabi nito.

"Tumigil ka na nga, Eula. Wala namang ginagawang masama sayo si Katrine. Bakit ba ang init ng ulo mo sakaniya?" Sabat ni Xiela.

Tumalim ang titig samin ni Eula, "Huwag kang mangialam. Hindi ikaw ang kinakausap ko."

Magsasalita pa sana si Xiela ng pinigilan ko siya. "Mauna ka na sa room, Xiela."

Nung una ayaw niya pa pero napilitan nalang siyang maglakad papuntang room. Hinarap ko ulit si Eula at Catriona.

"Ano bang problema niyo?" Mahinahon kong tanong.

"Ikaw." Sagot ni Catriona. Tumaas nanaman ang kilay ko. Ano bang ginawa ko? Sa pagkakaalam ko ako ang may problema sakanila. Sila ang may kasalanan sakin.

"Anong ginawa ko?"

"May gusto ka ba kay Kenrick?" Diretsong tanong ni Eula. Napatulala ako sa mukha nila bago unti unting natawa.

"Hahahahaha!" Napakunot sila ng noo sa biglang pagtawa ko.

Ayun siguro ang dahilan nila kaya galit na galit sila sakin? Mga hangal girls.

"Why are you laughing?" Maarteng sabi ni Catriona. Tss. Pa-english english pa ang loka, ang arte naman!

"Masaya lang, bakit bawal na ba sumaya ngayon?" Taas kilay kong tanong at tinalikuran na talaga sila. Ayoko ng makausap pa sila ng matagal. Nag-iinit lang lalo ang ulo ko at baka tumama nanaman ang mainit kong palad sa pisngi ng isa kanilang dalawa. Kaya mas magandang agapan ko na agad.

Isang buwan palang kaming magkakaklase at alam ko na agad kung sinong maaarte at mga plastik. Akala mo kung sinong anghel pag kaharap mo pero demonyo pala kapag nakatalikod ka. Sa isang buwan rin na tinagal ko sa section namin, nakilala ko narin agad kung sino ang puwedeng pakisamahan sa hindi. Alam ko narin ang attitude ng ilan sa mga kaklase ko.

Buti nalang at boy bestfriend ko si Kenrick since grade 6 kaya kabisado ko na ang ugali niya. At ngayong grade 10 na kami, mas lalo ko pang nakilala ang lokong 'yun. Hindi lang halata na boy bestfriend ko siya dahil puro kami asaran at kalokohan sa isa't isa pero bestfriend ko talaga siya. Maniwala kayo sa hindi, bestfriend ko siya. Hindi ko nga lang alam kung paano nangyari. Hahahaha.

"Katrine!" May tumawag sakin pag pasok ko sa loob ng room. Si Jared. Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa silya ko kung saan ang unang subject namin ay Math. Katabi ko ang matalino sa math na si Xiela sa kanan at ang walang kwentang si Rodell. Kaya siya walang kwenta kasi extra lang siya sa storyang ito. Hehe.

Nagulat ako ng umupo sa harap ko si Jared. Ano nanamang problema ng lalaking 'to? Napakakulit. Hindi pa nga ako nakakaupo ng maayos kukulitin na 'ko.

"Ano nanaman?" Tanong ko.

"Punta ka sa bahay sa sabado."

Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit naman ako pupunta?"

"Birthday kasi ng kapatid ko. Two years old na siya. Sabi ni Papa mag-invite ako ng kaklase kaya naisipan kong iinvite ka."

"Sus, wala namang sinabi 'yung Papa mo na mag-invite ka. Barbero." Sabi ko sabay ngisi.

Ngumuso siya, "Kapatid ko naman 'yun kaya okay lang."

"Edi inamin mo rin na hindi ka puwedeng mag invite!"

"Pumunta ka nalang, please? Isama mo si Kenrick. Asahan ko kayo dun." Sabi niya at umalis na sa harap ko. Napatulala nalang ako sakaniya bago napabuntong hininga. Hayaan na nga. Makikikain lang naman ang role ko dun. Atsaka atleast makakakain ng shanghai. Hahaha.

Ilang minuto pa ang daldalan ng mga kaklase ko bago dumating ang teacher namin sa Math. Si Sir. Forez. May katandaan narin 'tong si Sir kaya pinagtyatyagaan namin ang kawirduhan niya. Minsan kasi kapag nagdi-disscuss siya sa labas siya nakatingin, minsan sa taas, minsan sa electric fan namin rito. Minsan din magugulat kami ng bigla nalang siyang sisigaw. Like what the heck, may nakikita ba siya na hindi namin nakikita? Hahaha.

May favorite rin 'yan si Sir dito sa room. Si Martin. Feeling ko nga may pagkabeki 'tong si Sir kasi puro lalaki nalang ang tinatawag at pinupuri. Tas pag dating saming mga girls puro sermon. Tss.

Nagsimula ng mag-disscuss si Sir at ayan nanaman ang malikot niyang mata. Nakatingin nanaman sa taas. Hindi ko na napigilan kaya napatingin narin ako sa taas. Ano bang meron dun?

Narinig kong tumawa si Xiela sa gilid ko, "May multo siguro rito na lumulutang."

Hindi ko na napigilang ngumisi sa sinabi niya. "Baka nakikita niya tayo sa taas kaya dun siya nakatingin."

Sabay kaming natawa ng mahina ni Xiela. Ilang minuto ang dinaldal ni Sir. Wala nanaman akong naintindihan. Minsan nga napapapikit na 'ko sa antok. Minsan napapangiwi ako sa boses ni Sir. Nakakarindi kasi. Hahaha.

May binigay si Sir na activity samin. Syempre wala naman akong ibang kokopyahan kundi si Xiela lang. Malaki talaga ang pasasalamat ko at siya ang katabi ko sa Math. Hindi na 'ko mahihirapan kapag may activity or quiz.

Napatingin ako sa likod ng may nanglabit sakin. "Huy!"

Kumunot ang noo ko kay Evan. "Ano?"

"Pakopya." Nakangusong sabi niya. Napairap nalang ako at tamad na inabot sakaniya ang papel ko. Malapad naman ang ngisi niya at mabilis tumalim ang mata sa papel ko upang kopyahin.

"Salamat, Katrine." Malambing na sabi niya. Napangiwi nalang ako at binalik ulit ang tingin sa harap. Sa lahat ng kaklase kong lalaki, si Evan ang pinakamalandi at maharot. Karamihan kasi ng babae rito sa room nilalandi niya. Tss.

"Dapat hindi mo pinakopya." Sabi ni Xiela.

"Pagbigyan mo na. Mukha siyang aso na nakanguso sakin kanina eh."

Tumawa siya, "Hahahaha! Sige na nga."

Pagkatapos ng time ni Sir Forez, naglipatan na kami ng upuan. TLE time na. Sa pinakaharap naman ako nakapwesto at katabi ko si Sean sa oras na 'to. Nung mga una hindi ko siya nakakausap pero ngayon mukhang magiging close ko na siya.

"Hello, Sean." Bati ko at nginitian siya. Nang makita niya 'ko, namula ang kaniyang tenga at ngumiti narin. Mabilis ko namang napansin ang bible na dala niya. Pilit nalang akong napangiti. Hindi siguro siya makaalis ng bahay na hindi dala ang bible. Napaka-makadiyos naman pala niya.

"K-Katrine," Kumunot ang noo ko ng tawagin niya ako.

"Bakit, Sean?"

"Ahm.. ano.." Tumaas ang kilay ko. Napakamot naman siya sakaniyang sintido bago ulit nagsalita. "Puwede ba 'ko sumabay sayo sa canteen mamaya?"

Ilang sandali akong napatulala sakaniya bago ngumiti. "Oo naman."

Namula siya ng todo bago ngumiti ng malapad. "Salamat."

"Sus, parang 'yon lang. Okay lang naman sakin 'yon, Sean. Kahit araw araw pa tayong mag-sabay kumain."

Nanlaki ang mata niya, "Talaga?"

Tumango ako. "Oo."

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Geez, ganon ba siya kasaya para yakapin ako? Okay?

"Bagong love team na naman ito!" Napakagat nalang ako ng labi ng marinig ang napakalakas na boses ni Jared at mukhang kami ang tinutukoy niya.

Pisteng yawa.

Continue Reading

You'll Also Like

Deadend By K. Mabini

General Fiction

11K 386 101
"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang s...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
Suffer✓ By Hanse

Teen Fiction

38.7K 1.1K 33
A girl named Khianna Haiden Abelino suffered since she was little. Dalton Zhane Laxamana was her first love and also the reason why she suffered more...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...