PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Treinta Y Nueve - Reason
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Veintiséis - Tensionado

348 14 7
By muddy_maddie

Vice POV

"Vice anak, di ka pa ba mauupo?" Nawala naman ako sa ulirat dahil doon. Kanina pa pala wala sa harapan ko si Jaki at nakaupo na.

"Ma, ano ba nangyari dyan? Kanina pa ko nababother." Habang papaupo sa tapat ni Jaki ay kunwari pang binulong niya iyon sa mommy nya e rinig na rinig ko naman di ko nalang pinansin.

"Sorry. May iniisip lang. Pasensya na po tita." Pag hingi ko naman ng dispensa.

Act as normal self.

Napabuntong hininga naman ako.

Napansin kong nakatingin sa akin si Jaki kaya't inangat ko ang tingin ko sa kanya mula sa pagkakatingin ko sa pag kain.

Nakataas pa ang isang kilay nito.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.

Noong susubo na siya sa unang pagkakataon ay pinigil ko iyon na ikinagulat niya.

"Magtubig ka muna." Sabi ko

Sumunod naman siya.
Alam naman na nya iyon nakakalimutan lang.

Para mas maayos yung pagdigest ng tyan nya.

Tumingin naman sa akin si tita na parang bang tropa mong nang-aasar dahil sa crush mo.

Kaya tahimik na lang akong kumain.

"Dadaan ka ba ulit dito sa weekend iho?" Tanong ni tita sa akin. Kasi yung anak nya focus talaga sa pagkain ako di naman nagsasalita. Di nya yata kinaya yung ganung katahimikan.

Usually kasi dati palagi kami nag-aasaran nung anak nya kapag nasa hapag-kainan pero ngayon.. tahimik.

Ewan ko rin naman kay Jaki kung bakit parang gutom na gutom.

"Depende po kung gusto nyo ko makita." Pagbibiro ko naman.

"Depende kung gusto ka makita ng anak ko." Pag-babalik nya naman sa akin na pabiro.

"Depende po kung di ngangawa anak nyo sa sabado" sabi ko para asarin si Jaki kasi di talaga kami pinapansin ni tita. Pero patuloy lang rin naman ako sa pagkain..

"Bakit naman ako ngangawa? Bata lang?" Sabi ni Jaki matapos uminom ng tubig.

Nakikinig naman pala. Weird lang na di siya kumikibo agad.

"Dito ka na muna matulog, Vice." Sabi sa akin ni tita.

So paano ako tatanggi?

"Sige po doon na lang po ako matutulog sa kabilang kwarto." Turo ko naman sa katapat ng kwarto na tinulugan ni Jaki.

"Dun ka na sa kwarto ni JM, tabi kami ni mommy sa tinulugan ko kanina."

"Di na okay na ko dun sa kwarto. Dun na kayo ni tita sa kwarto ni JM mas komportable rin kayo dun. Tsaka andun na rin gamit mo di ba?"

"De okay na talaga ko dun sa tinulugan ko. Ikaw ma gusto mo dun?" Tanong nya naman kay tita.

Di naman sumagot si tita.

Ano ba namang mag-ina 'to.















































Nauwi kami sa desisyong walang matulog sa kwarto ni Miguel.

Baka raw multuhin siya sabi ni Jaki.

Sa susunod nalang raw.

Nauna na silang pumasok sa kwarto nila.

Maaga pa naman kaya nagpaiwan ako na gumagawa ng schematic design na ibinigay ni Vhong residential pero maliit lang naman at matatapos ko na rin.

Habang nag-isketch ng ideas di ko maiwasan isipin yung nangyati kanina. Nakakahiya. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Napapailing nalang ako habang gumagawa.

Saglit akong sumandal sa computer chair ni Miguel. Sa computer table na rin ako nagpatong ng ipad at gamit ko.

Kinuha ko yung pen ng ipad tsaka pinaglaruan sa kamay ko. Inaalala ko pa rin yung kanina habang pinapaikot iyon sa dalawang daliri ko

Gusto kita Jaki pero di pwede, di ka pa ready. Di ko mapigilan yung sarili ko na mas mahulog pa lalo sayo. Bakit ba kasi hindi nya nakikita yung halaga mo.

Gusto kita. Mahal na nga yata.

This is crazy!!! Urrghhhh!!!!!

Dabog akong napatayo. Ako mismo ay nagulat sa naging reaksyon ko.

"Ano ba namang puso 'to." Bulong ko sa sarili ko.

Niligpit ko yung gamit at pumunta sa tapat ng kwarto katapat nung kwarto na tinutulugan nila Jaki.

Bakit kasi ganito? Napalingon ako sa pintuan nila. Para bang nag-aabang.

Pinihit ko naman yung door knob nung kwarto na tutulugan ko at pumasok na doon kasama yung mga gamit ko.

Hinayaan kong saluhin ako ng kama ko dahil binagsak ko nalang basta ang sarili ko doon nang maibaba ko yung gamit sa table.

Nakatingin sa kisame. Nag-iisip pa rin. Kapag ba sinabi ko kay Jaki, magagalit kaya siya? Lalayo kaya sya? Ano kayang sasabihin nya?

Gulong gulo na ko pati sa sarili ko. Kanina lang ayaw ko sya guluhin. Ngayon naman iniisip ko kung paano kapag sinabi ko. Kinuha ko naman yung phone ko. Pagkailaw nito bumungad naman yung mukha niya. Di ko pa rin pala pinapalitan 'to. Minsan nga di ko na alam kung phone ko pa ba 'to dahil puro mukha nya yung laman.

Itutulog ko nalang 'to.

Itinabi ko naman yung phone.

Di pa ko nakakaramdam ng anok kaya hinayaan ko yung sarili ko titigan yung mga stars na glow in the dark dito sa cabinet pati na rin sa kisame ng kwarto.

Meron din sa mga pader pero hindi stars kundi parang kalawakan lang ang matatanaw.

Ilang sandali pa yun lang ang pinaglilibangan ng mata ko hanggang sa may ilaw na nagreflect sa kisame kaya napatingin ako sa table. May notification sa phone. Doon pala nanggagaling.

Jaki Piggy
Gising pa ü?

Bahagya naman akong natawa naman ako sa pagkakatext niya.

Nagtype naman ako.

"Tulog na ko."

Dinilete ko naman yun.

"Oo, di ka makatulog?" Type ko ulit.

Pero kagaya ng una dinilete ko ulit

"Ano nanaman ba 'yon?" Parang ang sungit naman. Kaya dinilete ko.

Bakit ko ba pinagiisipan e tanong lang naman yun kung gising pa ko.

"Tulog na ko." Yun na lang rin natype ko at sinend ko.


Pagkasend ko nun ay tumayo ako para magtimpla ng tsaa pampatulog.

Pagbukas ko ng pintuan ay siya ring paglitaw ni Jaki sa pintuan ng tinutulugan nila.

Nagkagulatan pa kami.

"Oh, bat gising ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"E bakit ikaw tulog na? Galing mo pala magsleep walk no? Nakadilat na, nagsasalita pa."

Hating gabi na tapos ganun pa bubungad sayo.

Napasapo nalang ako sa ulo ko at napailing.

Nagtungo naman ako sa kusina sumunod siya at nagbukas ng ref. Kimuha ko yung tasa tsaka tea

"Malamig yan?" Tanong ko.

"Baka mabigla tyan mo ha? Konti konti lang." Paalala ko sa kanya.

"Opo.." sabi nya na nageecho pa sa baso yung boses niya dahil kagat kagat nya yung dulo.

Naglakad naman ako papunta sa sala at hinawi yung kurtina na tumatabing sa glass door na pumapagitan sa sala at balcony sa tapat nito.

Binuksan ko yung pinto at hinayaang tangay-tangayin ng bahagya ang mga kurtina na nakakabit dito.

Umupo naman ako sa sofa at binuksan yung tv.

O shopping na pala.

Hinayaan ko lang doon yung channel habang umiinom ng tea. Nilapitan naman ako nung kanina pa nakabuntot sa akin.

Lumalakas nanaman ang hangin. Hindi lang hangin na nagmumula sa labas kundi pati ang hangin na sa akin nanggagaling.

Bigla nalang tumabi sa akin si Jaki at ginawang unan ang mga hita ko. Nakaharap siya sa tv. Di ko alam kung trip nya rin manood.

Inabot ko naman sa isang kamay ko yung throw pillow at doon siya pinaunan.

Bukod sa ano.. alam nyo na, para na rin komportable siya.

Sinimulan ko naman paglaruan ang mahaba nyang buhok.

Naroon ang iniikot ko ito sa mga daliri at bibitawan hanggang sa dahan dahan itong bumagsak sa kanya.

Hahawiin nya lang naman iyon at hindi magrereklamo.

Gusto nya rin naman kasi yung pakiramdam kapag nagagalaw yung buhok nya.

Hinimas ko naman yung ulo nya na parang nagpapatulog lang ng bata.

Sa kalagitnaan ng panonood ng o shopping ay bigla siyang nagtanong.

"May iniisip ka ba? Bakit di ka makatulog?"

Huminga naman ako ng malalim at dahan dahan pinakawalan iyon.

"Meron. Di kasi ako makapagdesign. Nag-iisip ako ng pwedeng maging itsura."

Bahagya pa siyang tumango na tila ba kaharap ako.

"Ikaw? Di ka makatulog? Bakit?" Balik ko ng tanong sa kanya.

"May iniisip lang at wala ka na dun." Nakita kong lumabas yung dimple nya kaya alam kong nagbibiro siya.



"Galing naman." Sabi ko na lang para sakyan yung trip nya.

Pinagpatuloy ko lang ang pagsuklay sa buhok nya gamit ang mga daliri ko.

"Aalis ako bukas. Punta kong site. Baka di pala ako makadaan dito. Gagabihin na kapag dumaan pa ko. Tulog na rin kayo ni tita nun."

"San punta mo?" Tanong nya. Medyo napalingon pa sya sa akin para makaharap.

"Sa beach." Nagsukatan lang kami ng tingin matapos ko banggitin iyon.

"Seryoso ka nga?"

Tinaas baba ko lang yung kilay ko bilang sagot

"Pwede ba ko sumama?" Ako naman yung di naniwala sa tanong nya.

"Seryoso ka ba? Di ka na takot? Kelan pa? Baka umuwi tayo ng wala sa oras pag ganon?"
Sunod sunod kong tanong.

"So pwede nga? Di naman mahigpit client nyo?"
Tanong nya rin. Ano? Magtatanungan nalang kami?

"Tropa tropa naman namin ni Vhong yun e."

"Sama ko. Sama kami ni mami." Umupo siya tsaka humarap sa akin.

"Huh? Wala ka bang pasok bukas?" Takang tanong ko.

Ngumiti naman siya ng pagkalaki. Nakita ko nanaman yung dimples nya.

"Nakaleave ako.."

Knowing Jaki di naman 'to aabsemt ng ganun lang.

So naniniwala akong nakaleave siya.

"Hanggang kelan? Bat di mo sinabi?" Kunwari pa kong nagtatampo.

Humawak naman sya sa wrist at braso ko.

"Kakasabi ko lang. 1 week vacay!!!" Medyo lumakas naman yung boses nya kaya sinaway ko mamaya magising si tita.

"Boses mo!" Sigaw ko na pabulong sa kanya.

"Churi!" Sabi nya tsaka yumakap sa braso ko.

"Sama kami ha?" Pagpiplease niya sa akin.

Kung ako lang may ari nun bakit hindi e. Di ko lang alam kung sa mismong site kasi ginagawa pa o finishing nalang.

"Tanong ko muna kung san pwede magstay don. Para safe. Tulog ka na muna bukas na natin pag-usapan."

"Tapusin na natin yung palabas. Sayang e." Sabi nya tsaka bumalik sa pagkakahiga sa hita ko.

"Wow ah?"

Di nya na ko pinansin at tumutok talaga sa o shopping.

Wala naman yatang katapusan to e. Ulit ulit lang naman kanina pa. Kabisado ko na nga kung paano gamitin pati pagkakasunod sunod ng mga iaadvertise nila.

Hinayaan ko nalang si Jaki sa trip nya. Inubos ko na yung lumamig na tea sa table. At pinaglaruan yung buhok nya ulit.

"Di ka ba matutulog?" Tanong ko sa kanya. Nakakangalay rin kasi.



******

Sorry na kung may typo. Sorry na late update. Sorry na pangit nung pagkaka-end nung chapter.


Next update.. kapag di na ko busy. Daming trabaho e. Mga next week or next month HAHAHAHA. Salamat sa pangungulit nung batang tambay na adik sa ML. Nakapag-update ako. Hindi ko sinasabing si Raevigne 'to pero parang ganun na nga.

Buenas noches!
Tulog na!

-nakalimutan ko username ko ngayon tinatamad na ko mag save at tignan, kakapalit ko lang kasi.

Pero gayun pa man, ako pa rin 'to.

HAHAHAHAHA! 😂

Adiós! 👋🏻

Continue Reading

You'll Also Like

38.1K 1.2K 28
Azalea and Jho, or Azalea and Mafe? the girl in progress or the dream girl?
72.3K 1.2K 24
As a LizQuen fan, lots of sweet-imaginations are running through my head. Hope you'll enjoy!
328K 9.6K 57
Is he the fulfillment of her wish?
16.9K 587 34
ROLE PLAY WORLD. O mas kilala sa tawag na RPW. Everything is FAKE. Pero minsan yung feelings TOTOO. CRP PROBLEMS and FACTS a thread. •Highest Ranking...