A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Six

26.3K 663 158
By littlemissselle

“Ano Gia, masasamahan ba tayo ng kaibigan mo?” tanong ni Kuya na nag-aayos ng puting polo shirt niya. Lumapit sa kaniya ang asawa niya at inayos ang kwelyo. “Thanks babe,” he kissed her.

Ugh, too early, too much for my eyes.

Paano ko kaya sasabihin sa kanila na na-offend ko kagabi si Dada at malamang sa malamang eh galit iyon sa akin at hindi kami sasamahan ngayon? Paano?

Katatapos ko lang sa pag-blow dry ng buhok ko. Sinuklay ko ito bago sumagot. “Ah ano kasi Kuya…” I trailed off.

“Dad! Can I wear my cap?” singit ni Ace. Sige lang Ace, sumingit ka lang habang iniisip ko pa isasagot ko.

“Yes baby, pati shades mo pwede rin.” Kuya Casimir smiled. Sinuot naman ni Ace ang ball cap at shades niya. Ang gwapo naman talaga ng pamangkin ko.

“Gwapings ng anak ko ah.” puri ni Ate Alex sa anak.

“Wala eh, ako tatay eh.” Pagyayabang ni Kuya at sinamaan siya ng tingin ni Ate. “What?”

“Ang aga-aga Casimir ha. Magtigil-tigil ka.” Inayos naman ni Ate Alex ang damit ng bunsong anak na si Art.

Kuya rolled his eyes, “Tss.”

Humarap si Kuya sa akin, tinanong muli si Dada, habang sinusuot ko ang isusuot kong sandals. Naka-spaghetti strap ako, maxi skirt, at scarf na light pink. At hindi ko pa rin alam ang isasagot ko. Hindi ko rin naman kasi alam ang number ni Dada, pinapatawag ko na lang siya doon sa front desk every morning ‘pag ready na ako sa pagto-tour namin. Ibinuka ko na ang bibig ko para sana sabihing hindi ko alam eh may kumatok sa pinto at tamad na binuksan ni Phillip ang kung sino mang iyon. Dinig kong may kinausap siya at naglakad na palapit sa amin.

“Come on, andito na tour guide natin.” My twin brother smiled fakely. We all know na ganiyan talaga siya ngumiti, he never showed us his true feelings… except na lang ‘pag nabi-bwisit siya. Ang dali kaya ma-bwisit niyan. Ang galing mamikon pero ‘pag siya na ang inasar mas pikon pa.

Kinuha ko ang maliit kong sling bag. Nakipag-unahan ako kay Phillip na lumabas ng casa para tignan ang sinasabi niyang tour guide namin. Napanganga naman ako na makita ang likod niya… kitang-kita mo ang kakisigan niya sa suot niyang gray shirt at khaki pants. Bakit hindi naman siya mukhang mahirap tignan? Tss, nagagawa nga naman ng face value, oo.

“Dada…” I called.

Humarap siya at hindi ko naman inaasahan ang pagngiti niya. Ang akala ko ay hindi niya ako papansinin dahil sa nasabi ko kagabi. Akala ko galit siya sa’kin.

“Ready na?” he asked.

Sakto namang lumabas sila Kuya at nag-usap sila. Magkakausap ang mga lalaki, habang palabas kami ng resort.

Kasabay ko namang naglalakad si Ate Alex. “Alam mo may napansin ako sa inyo ng kaibigan mo.” Ngumiti siya. Hala, napansin kaya niyang may alitan kaming dalawa? Napansin kaya niyang off kami sa isa’t isa, pero hindi naman kami off ah? Ngumiti pa nga siya sa’kin. Teka, magkaibigan ba kami? “Bagay kayo.” She chuckled.

I looked at her only to see her teasing smile and stare. “Stop it, Ate.” My cheek flushed.

“Oh eh bakit ka namumula?” She ruffled my hair. Ugh, why my hair? Ilang oras kong inayos ‘yan Ate tapos guguluhin mo. Anong problema? “Mukhang may kahati na si Gavin sa’yo.”

My mouth formed an O. Of course not, si Gavin lang ang lalaki na nakikita ko, siyempre not literally, goodness. Walang kaagaw si Gavin sa akin ano! Siya lang ang lahat sa akin. Charot. But what I mean is, all my life he’s the guy that I am dreaming of, he is my prince charming, and I never imagined myself liking someone else.

Nagising na lang ako sa katotohanan nang marinig ko nanaman ang sigaw ng bwisit kong kakambal. “Sasakay ka o iiwan ka?”

Doon ko lang din napansin na nakasakay na pala si Ate Alex sa van. Matalim kong tinignan si Phillip habang papasok ako ng sasakyan. Kahit kailan talaga hindi marunong gumalang ang walang ‘yang ‘to. Hindi ba siya informed na nakaka-bwisit siya? Eh lagi ko naman siya sinasabihang bwisit siya ah pero bakit ganoon? Bakit hindi niya makuha at hindi pa rin siya nagbabago? Was he really born to pest me? Ugh.

Pagkarating namin sa paroroonan namin ay dumaan muna kami sa Baluarte kung saan wala akong ibang ginawa kundi kuhaan ng litrato ang mga hayop, I even rode a kalesa pero pony ‘yung tumatakbo, with Dada, my photographer, tapos dumaan din kami sa isang museum at sa isang lugar kung saan nagpa-pottery making.

Ace and Kuya Casimir tried to do it and it isn’t bad for starters like them. Oh well, they are good in art naman talaga eh. Nanuod lang si Ate Alex with Art and Phillip. Basta ako, magpi-picture ako! Vain ako eh ba’t ba. Lumabas ako para makapag-selfie.

“Hindi ba kayo close ng pamilya mo?” lumingon ako para tignan ang pinanggalingan ng boses.

“Close kaming lahat, ‘di ko lang feel sa loob. Pottery or art or whatever is not my thing.”

He nodded. “Gusto mo ba kuhaan kita ng picture diyan?”

“Talaga? Okay lang sa’yo?” Hindi ba talaga siya galit sa’kin.

He smiled, “Oo naman.”

Kinuhaan niya ako ng litrato at sa buong tour namin ay siya ang madalas ko kausap kaysa sa mga kapatid ko. Siya rin ang kasama ko sa pamimili. Sumakay pa nga kami sa kalesa eh. Tapos nakasalubong pa namin si Kuya at ang pamilya niya na nakasakay din sa kalesa.

“Hi Tita!” sigaw ni Ace.

“Hi Ace!”

“Bye Tita!” sigaw ulit nito kahit malayo na.

Hindi ko na nagawang sumagot at natawa na lang. Hindi ko na naisip pang hanapin si Phillip dahil ayaw lang din naman noon magpa-istorbo. Edi ‘wag. May sarili naman lagi ‘yong mundo.

“Ang ganda dito ‘no?”

I smiled then nodded. “Oo nga eh. Sayang at last day na namin dito.”

“Talaga?”

“Yup! Bakit mami-miss mo ba ‘ko?” pabiro ko siyang siniko.

Inirapan niya ako, “Uso ba talaga ang feelingera ngayon?”

Rinig ko pa ang paghagikgik ni Manong. Ugh, nakakainis, pinapahiya niya ako. Gosh! I so hate him talaga.

Nang makauwi na kami ay balak na namin sana magpahinga pero nag-ring ang cellphone ni Kuya Casimir, si Mama at Papa ang tumawag.

Ni-loudspeaker niya iyon para lahat kami ay makarinig.

“Hey dude!” bati ni Ace. Dude kasi ang tawagan nila ni Papa.

“What’s up dude? Nag-e-enjoy ka ba?”

“Of course!”

“Nakakapagtampo naman ‘yan Ace. Si Dude lang ang binati mo. How about Penny?”

Ewan ko ba sa batang ‘to at ganiyan ang tawag sa kanila, feel na feel naman ng magulang ko, nakaka-bata raw eh. After ng ilang kamustahan ay nabanggit na nila ang tungkol sa pasukan.

“So Gia, kailan ang pasukan niyo?” Papa asked.

“Next week po Papa.” I answered.

“Okay. Galingan mo. Marketing is a good major.” He said.

“I expect a lot from you princess, okay?” Mama said. Can I just disappear right now? “And you Phillip please anak ‘wag ka na masiyadong pasaway ha?”

“Behave naman ako Ma ah?”

I smirked. Really? Nagawa niya talagang isagot ‘yon? Nababaliw na ba siya?

“Ikaw, behave?” The three of us – Kuya, Ate and I – asked in disbelief.

He glared at us.

During dinner ay halos wala akong gana, pinapa-ulit-ulit sa akin ni Kuya ang sinabi ni Mama na she expects a lot from me. Kumpara naman kasi kay Phillip ay mas matino ang grades ko, I actually excel pero itong si Phillip basta makapasa lang okay na. I never seen him review his notes kaya hindi ko alam kung paano siya nakakapasa at naka-graduate.

Sleeping time na namin. Patay na ang lahat ng ilaw at nakahiga na ang lahat. Paikot-ikot ako sa kama ko at tumigil ako para tumitig sa kisame, nakakapagod kasi magpagulong-gulong. It was never easy to have someone expecting a lot from you. Masiyadong nakaka-pressure. Ang gusto ko sana pagtungtong ko sa college, normal na. I mean, nung highschool kasi ramdam na ramdam ko ang pressure. As in, kahit gano’n ang ugali ko with my friends or with someone else, pagdating sa acads serious ako. I need to meet my parents’ and my brother’s expectations.

Gia, kailangan ganito ang grade. Gia, taasan mo pa, alam kong higit pa diyan ang kaya mo. Gia, galingan mo naman. Gia, hindi na dapat tinatanong ‘yan dapat alam mo na ‘yan. Gia, dapat ganito ang ranking mo. Gia, Gia, Gia puro na lang dapat ganito, dapat ganiyan. Nakaka-pressure lang kasi hindi naman ako kasing talino ni Kuya. Hindi naman ako genius na katulad niya na kahit ano atang field alam niya. Hindi kasing taas ng IQ ni Kuya ang IQ ko.

Somehow, feeling ko sana naging katulad na lang ako ni Phillip.

Dahil sa bigat ng nararamdaman ko ay dahan-dahan akong bumaba ng kama at dahan-dahang lumabas ng casa na dala ang flashlight. Naisip kong maglakad-lakad sa tabing dagat. Natigil ako nang sa ‘di kalayuan ay may nakita akong pamilyar na pigura. Nakaupo siya sa buhanginan at naka-spread ang legs. Naka-simpleng sando siya at shorts. Malayo ang tingin niya. Wala ng ibang tao dito kundi siya. Don’t tell me guard naman siya sa gabi?

Naisipan kong tabihan siya. Mas nakaka-relax pala sa gabi, naririnig mo ang alon at malamig ang ihip ng hangin, mabuti na lamang ay naisip kong talian ang buhok ko bago lumabas.

“Bakit ka nandito?” I asked.

“Kanina kasi payapa rito pero dahil dumating ka, hindi na.” He smiled.

Bwisit na ‘to. Hindi siya nakakatuwa ah, anong ngini-ngiti-ngiti niya! “Yabang mo.”

Sinuklay niya ang medyo magulo niyang buhok gamit ang mga daliri niya. Shit. Ang sexy. Ay shit Gia. Tumigil ka. “Anong problema mo?”

Tumigin ako sa kaniya. “Ha?”

“Hindi ka pupunta ng ganitong oras kung wala kang problema.”

I sighed. He caught me off guard kaya ikinuwento ko na rin sa kaniya kung anong problema ko; mula sa pressure sa pag-aaral hanggang sa pagkadesperada ko sa isang lalaki. “Subukan mo ‘kong pagtawanan sasakalin kita.” At tumawa nga ang walang ‘ya kaya pinagsasapak ko na. Nabitawan ko na nga ang flashlight dahil sa ungas na ‘to.

“Oy tama na!” sabi niya na tumatawa pa rin.

Badtrip ako at mas binadtrip niya ako kaya hindi ako tumigil hanggang sa... hawakan niya ang magkabilang braso ko para pigilan. Doon ko na lang namalayan na nakapatong na pala ako sa mga binti niya. Inangat ko ang tingin ko at naabutan kong nakatitig siya sa akin.

Nagkatitigan kami, tinanggal niya ang tali ko sa buhok, at una akong umiwas ng tingin. Kakalasin ko sana ang pagkakahawak niya sa akin pero nabigla ako nang hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at ang isa niyang kamay ay hinaplos ang kaliwang pisngi ko. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang pasayahin ang puso ko sa mga oras na ‘to.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin at ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Sa una ay nagulat ako pero ‘di nagtagal ay napapikit na rin ako at ang isa kong kamay ay inilagay ko sa batok niya. Nagagawa ko ring sumabay sa mga halik niya. Rinig ko ang ungol niya at napakapit na lang ako sa buhok niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko bilang suporta. Itinulak niya ako palapit sa kaniya.

Sandali kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong nakapikit din siya.

Damn. What is this? Why am I doing this? How did we end up with this?

Itinulak ko siya palayo. “This is wrong. Sorry, I have to go.” Tumayo ako at humakbang palayo sa kaniya pero agad niyang hinila ang kamay ko.

“What the heck?”

Kinilabutan ako, hindi dahil sa inis niyang tono kundi sa pag-i-Ingles niya. “What did you say?”

Confusion is all over his face. “Ano? Anong mali sa nangyari kanina?”

Napailing ako. “Lahat mali. Ni hindi pa nga tayo masiyadong magkakilala eh.”

“Hindi pa ba sapat ‘yung ilang araw nating pagsasama? Alam mo-…”

“Stop it Dada. You can’t even call me by my name so don’t you dare to tell me you fell in love with me.”

Dang, it’s just a kiss tapos ano in love na siya sa’kin, gano’n?

“Bakit mali ba ‘yon? Mali bang magkagusto sa taong kailan ko lang nakilala?”

Mali. We’re just seventeen and we kissed at the shore a few minutes ago, though there’s nobody else here but us. What if, hindi namin na-control? Paano kung nagpadala kami sa urges na ‘yon? Damn it, what are you doing Gianina?

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 48.1K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
376 195 26
si luna ay isang babaeng masayahin at mapagmahal ngunit may konting galit sa kanyang puso,siya ang babaeng kayang intindihin ang lahat at isakripisyo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
26.3K 411 47
This story is all about love and playboy and this have you falling in love with your friend and pls read this story . . . . . friend . .. . . Than...