You're Mine (Jailene)

By thekingsthrone

149K 4K 2.4K

"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino More

You're Mine (JaiLene)
Prologue
Chapter 1: Their life
Chapter 2: How I met him
Chapter 3: The Arrangement
Chapter 4: Whats mine
Chapter 5: Lalaban tayo
Chapter 6: Huli ka (Part 1)
Chapter 7: The one I'll marry (Part 2)
Chapter 8: Selda
Chapter 9: Let the love Begin
Chapter 10: What's mine: Take two!
Chapter 11: I'm sorry
Chapter 12: Team IGOP
(A/N: A must read authors' note!)
Chapter 13: Basketball
Chapter 14: With him
Chapter 15: Engagement
Chapter 16: Retreat
Chapter 17: Retreat 2
Chapter 19: Realization
Chapter 20: Strawberries
Chapter 21: Tawa
Chapter 22: The Wedding
Chapter 23: Wedding 2
Chapter 24: Kiss
Chapter 25: His Voice
Chapter 26: Questions
Chapter 27: IGOP on the House
Chapter 28: Sharlene
Chapter 29: Confusion
Chapter 30: Blow the candles
Chapter 31: LAB-BAG
Chapter 32: Ulan
Chapter 33: Reasons
Chapter 34: My behalf
Chapter 35: Tampuhan
Chapter 36: Royal Rumble
Chapter 37: Jairus
Chapter 38: Suporta
Chapter 39: Strawberry Cake
Chapter 40: Mais
Chapter 41: Damdamin
Chapter 42: Truth
Chapter 43: Lies
Chapter 44: Listen
Chapter 45: Yakap
Chapter 46: Bitter and Sweet
Chapter 47: Secretary
Chapter 48: Taguan
Chapter 49: MMK
Chapter 50: Hospital
Chapter 51: Hospital 2 [Extended]
Chapter 52: You know you love her...
Chapter 53: Adrenaline Rush
Chapter 54: Condensed Milk
Chapter 55: New year..
Chapter 56: Bitin
Chapter 57: Intermediate
Chapter 58: Victor's Story
Chapter 59: Other Part
Chapter 60: Finale
Epilogue
To be Your Lady

Chapter 18: Takot

1.8K 47 27
By thekingsthrone

Sharlene’s POV

Hindi pa tumutunog ang bell para sa morning call pero gising na gising na ako. It’s 4:30am, 6am ang morning call at 6:30 kami dapat bumaba. Bumangon ako sa aking higaan at tinignan si Mika na mahimbing na natutulog. Pumunta muna ako ng balkonahe ng kwarto namin para magpahangin.

Naalala ko kung bakit ako nagising ng maaga ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ko iyon na panaginipan. Sadyang marami lang akong iniisip dahil sa sinabi sa akin ni Mika kagabi. Was it a dream? Or part of my fear in the past?

>>Reality Flashback>>

“Ate? Saan ka pupunta?” Tanong ko kay ate Miles na abalang-abala sa kakalagay ng mga gamit sa bag niya. Ngumiti siya ng mapait sa akin, sa mga panahong iyon, alam kong may gagawin si Ate para makatakas sa kasunduan ng San Pedro at Gumabao.

“Shar, I will be leaving for Paris.” Sabi niya matapos ang ilang sigundong magkatahimik. I was left surpise while waiting for her to talk again. “Pangarap ko talaga makapunta dun eh at matupad ang pangarap kong maging model.” Maluha-luha niyang sabi at ngayon kagat-kagat na niya ang kanyang labi para mapigilan ang pag buhos ng luhang nagpapabigat sa kanya.

“Ate.” Kaagad ko siyang niyakap pero deretsong kumalas si Ate Miles at nag patuloy sa kakalagay ng kanyang ibang gamit sa maleta.

“Kailangan ko nang mag madali bago pa ako abutan ni Papa.” She zipped her case then finally faced me. “Mag ingat ka dito baby ha? Wag kang tumulad sa Ate mo. I will be free anytime basta kailangan mo ako.” Once again, she embraced me then kissed me on the forehead. Umiiyak ako habang si Ate nag mamadaling nag lakad papuntang pintuan dala ang kanyang maleta.

Pag bukas niya ng pintuan, halos humiwalay ang aming kaluluwa sa gulat. Tumambad sa amin ang galit na si Papa.

“Saan ka pupunta?” Nanlilisik sa galit na tanong ni Papa kay Ate.

“Papa, hayaan nyo po ako.” Umiiyak na sabi ni Ate Miles. Tinulak ni Papa si Ate pabalik sa kanyang kwarto na ikinatumba niya, ako naman nanatiling nakatingin lamang sa pangyayari. Papa was so angry na parang hindi ko na siya kilala. Tinanggal niya ang kanyang suot na sinturon saka ito pinalo sa katawan ni Ate.

“T-tama na Papa!” Ate Miles shouted while recieving some strikes from our father’s belt. Nasundan pa ito ng tadyak at sampal. I was left there shouting for help but no one dared to help us. Nilapitan ko si Ate saka niyakap sa kalagitnaan ng pag hahampas sa kanya ni Papa sa mukha pero hinablot ako ni Papa at kinaladkad palabas ng kwarto.

I was knocking loudly for an entrance habang nanginginig sa mga pwedeng mangyari sa kapatid ko, pero hindi ako pinagbuksan ni Papa. All we could hear was ate shouting for help and beging for Papa to stop, Papa’s slaps’, strikes of his belt and cursing my poor sister could be heard behind the door.

<<End of Flashback<<

Napasinghap ako ng malakas sa pagaalala ng mga nangyari noon. My sister was left with bruises and wounds. Kusang tumulo ang aking mga luha habang inaalala ang itsura ni Ate Miles. I can’t blame her for attempting to leave, after all my father is a monster.

Nag hintay nalang ako na mag umaga, pag patak ng 6am narinig na din namin ang morning call.

“B2? Okay ka lang?” Napatingin ako kay Mika na kakabangon lang.

“Oo naman.” Nginitian ko siya saka nag lakad paalis ng balkonahe. “Sige, maliligo muna ako B1 ah?” Tahimik akong nag lakad palabas ng kwarto namin. I took a quick shower dahil medyo siksikan sa pagligo. Ganito ang hirap sa retreat house, common bathroom lang ang available. I was walking on the direction of our room at hindi ko inaasahang mawawala ako.

Ano ba to? Bat’ ba ako nawawala?!

I immedietly thought of our names posted on each room assigned to us.

“B2?!” Tawag ni Mika sa akin mula sa isang kwarto. “Bat’ ka nan diyan?” Taas kilay niyang tanong.

“Ahh, nawala kasi ako eh.” Sabay kamot ko sa aking ulo.

“Hay! Napaka makakalimutin mo talaga! dito kwarto natin oh!”

Lumampas na pala ako sa kwarto namin.         

Napatawa ako at nag lakad pabalik sa kwarto kung nasaan si Mika. Tinignan ko ang papel sa pintuan kung saan naka lagay ang pangalang naka assign sa mismong kwarto para maka sigurado ako at napangiti nang mabasa ang apilyedo ko. Papasok na sana ako ng kwarto pero muli akong bumalik nang maisip na iba ang pangalang naka lista sa ilalim ng pangalan ko.

Room G:                                                              

San Pedro, Sharlene S.

Gonzales, Annika D.

“Shar? Ano pang ginagawa mo dyan?” Bumalik ako sa aking ulirat nang tawagin ulit ni Mika ang pansin ko habang tinutupi ang kumot na ginamit niya.

“B1? Nag kamali ata ng lagay ng pangalan mo.” I paused realizing what I was asking. “Teka, dito ka ba talaga naka assign?”

Gulat na tumingin sa akin si Mika. “Oo naman! Uy, tatawagin na tayo sa baba di pa ako naliligo.” Nagmadali siyang e tupi ang kanyang kumot. “At ikaw, mag bihis ka na.” Habalin niya bago lumabas ng kwarto.

Napatawa ako sa kahibangan ko. Nag patuloy nalang akong nag ayos ng aking sarili at ilang sandali pa tumunog na ang second bell para sa final call.

May mga activities pa tulad ng sharings, reflection at ibat’-iba pang naka handa para sa huling araw namin sa retreat house. I couldn’t focus on the last speaker no more, my thoughts were racing on the idea of Mika.

“Pagkatapos ng retreat, deretso tayo sa simbahan malapit sa skwelahan.”

I closed my eyes while remembering the words Mika told me.

“Hoy, anong drama yan?” Agad akong napa mulat nang nag salita si Jairus.

“Ha? Ahh—wala. Pagod lang ako.” Sagot ko.

“Malapit nang ma tapos kaya e tigil mo na ang kadraman mo na yan.” Matapos niya yun sabihin binalik na niya ang tingin sa harapan.

The retreat ended with a mass. Pinilit kong e tuon ang attensyon sa misa but my thoughts kept on buging me. Tama kaya ang gagawin ko? Pero, naka-Oo na ako kina Mika. Kahit na hindi ko pa nakakausap si Joaquin sabi naman ni Mika na alam na daw niya ang plano. I was thinking about the favor Jairus gave me, tinulungan niya akong mapalabas si Joaquin sa kulungan but repressed the thought out of my mind.

Nang matapos na ang retreat, umuwi na din kami sakay ang bus na nag hatid sa amin sa retreat house. I was still seating with Jairus na busying-busy sa kakakal-kal ng cellphone niya, ngayon lang din kasi ito sinuli matapos ang retreat. Tinignan ko si Joaquin hindi ko inasahang naka tingin din siya sa akin, I smiled at him then he smiled back.

“Ano? May sundo ka ba?” Tanong sa akin ni Jairus nang dumating na kami ng skwelahan.

“Ha? ah- wala, ay Oo pala.” Mautal kong sagot sa kanya habang hindi maka tingin sa kanyang mga mata.

“Ano bang problema mo? Kanina ka pa wala sa sarili mo ah?” Kunot noo’ng tanong niya.

“Ano kasi, pagod ako kaya ganun.” I was adjusting the strap of my bag para hindi mahalata ni Jairus na nanginginig ako.

“Okay, hatid na kita.” Kaagad akong napatingin sa kanya nang sabihin niya ito. Napaka persuasive ni Jairus at sigurado akong hindi niya tatanggapin ang pag tanggi ko.

“Di ba sabi ko sayo? May mag susundo sa akin.” Pag sisinungaling ko pa. Nakita kong tinitignan na kami ni Mika at nag hihintay na umalis si Jairus.

“Okay.”

Shocked, but I seigh in relief, buti nalang at hindi na siya nag pumilit.

“Pagod na din kasi ako, gusto ko nang magpahinga.” He added.

“Jai, sama na din kami ni Kiko sayo, wala pa si Manong Bong eh.” Singit ni Paul habang nilalaro ang kanyang cellphone. Parang sasabog na ang puso ko sa tagal ng presensya nila Jairus.

“Sige.” Sagot ni Jairus sa mga kaibigan.

“Bye Shar.” Sabi ni Kiko habang kumakaway.

“Bye.”

Nag lakad na sila paalis, nakaabang na din sa kanila ang sundo ni Jairus, sinigurado ko muna na nakaalis na siya bago ako lumapit kina Mika.

Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Joaquin paglapit ko sa kanila.

“I’m so glad na pumayag ka babe.” Nakangiting sabi sa akin ni Joaquin. God knows I want to smile back, but I just couldn’t, I don’t know why pero kinakabahan ako.

Pumunta na kami ng simbahan, nakahanda na ang lahat, hindi na ako nag palit ng damit at tanging ang jeans ko lang at shirt ko ang ginamit ko para sa kasal namin ni Joaquin. I know this sound so stupid but I could see in Joaquin’s eyes that he is determind to pursue this wedding.

 “Sorry babe, sa susunod mag papakasal talaga tayo na naka wedding gown ka at ako naka tuxedo, sa ngayon ito muna.” Ngumiti siya kaya napangiti na din ako.

The wedding started, Mika was my bride’s maid and Andre was Joaquin’s best man. I was listening while father shares his thoughts about marriage, then finally the exchanging of rings.

“Shar, kahit sa sing-sing lang pinag handaan ko ito.” Joaquin said while laughing. Napatawa na din ako, inaabot niya ang isang sing-sing sa akin, then we said our vows.

Jairus’ POV

While on our way home, napaisip ako kung ano ang nangyari sa barumbadang yun. Kahit pilitin pa niyang itago, halatang may iniisip siya. Hindi ko man alam kung ano ito pero sa galaw pa lamang niya parang may kung ano siyang nagawa na di ko gugustohin, o di kaya, gagawin pa lamang?

“Hay nako! Mula simula hanggang sa natapos napaka boring talaga!” Reklamo ni Paul na nasa backseat katabi si Kiko.

“Oo nga, ano ba yun? Wala man lang magagandang babae!” Sabi ni Kiko na inaayos pa ang kanyang sombrero.

“Balik tayo sa school.” Utos ko sa driver ko after couple of minutes pondering.

“Po?”

“Sa school, balik tayo wag kang binge, pagod ako.” Walang gana kong sabi sa driver ko.

“Ano?! Bakit Jai?” Gulat na tanong ni Paul. I looked at him at the rear-view mirror saka inirapan siya ng tingin. I don’t need to explain my self from this moron.

What am I doing? I can't even understand my self why am I acting like this.

Agad namang nag U-turn ang driver ko nang malinawan siya sa aking sinabi. Pag dating namin sa skwelahan, wala na nga si Sharlene.        

“Oh ano?” Takang-takang tanong ni Kiko habang naka dungaw din sa bintana para silipin ang hinahanap ng aking mata.

I must have been thinking a lot. Pagod lang siguro ako kaya ganun.

“Balik na tayo.” Sabi ko nang masilip ang skwelahan at wala si Sharlene. Hindi ko alam pero napatingin ako sa simbahan malapit sa school, all glass and grills kasi ang simabhan na iyon kaya kitang-kita ang loob nito. Hindi ko alam kung bakit ako napatingin, malamang dahil kakagaling ko lang sa retreat at gusto kong maging mabait pero nawala ang pag-iisip ko seeing Sharlene and Joaquin in front of the altar at may pari sa kanilang harapan.

“E hinto mo ang sasakyan!” Sigaw ko sa driver.

“Nanaman?! Ano nanaman to Jai?!” Inis na tanong ni Paul.

Kaagad hininto ng driver ko ang sasakyan, saka mabilis akong lumabas. I marched my way to the church, they are now exchanging rings, mabilis akong nag lakad saka hinablot si Sharlene.

“Ano to?!”

“Jairus.” Gulat na sabi ni Sharlene.

“Nagpapakasal kayo?” I was looking at Sharlene with confusion all over me.

“Layuan mo nga si Sharlene!” Tinulak ako ng malakas ni Joaquin, tumingin ako sa kanya ng masama saka ko siya sinuntok.

“Tama na Jairus!” Sigaw ni Sharlene habang nagpapalitan kami ng suntok ni Joaquin, then Kiko and Paul came in for help. Paul was handling the other guy na nag tangkang tulungan si Joaquin at kami naman ni Kiko kay Joaquin. Nasa sahig na si Joaquin ngayon, I was very angry that no words would come out of my f*ckn’ mouth!

“Dapat alam mo ang lugar mo pre.” Galit na sabi ni Kiko kay Joaquin. I looked at Sharlene who’s now crying, kaagad ko siyang hinatak pa labas ng simbahan at mabilis na nag lakad papuntang aking sasakyan habang hatak-hatak siya.

Binuksan ko ang driver’s seat while holding Sharlene on my other hand.

“Labas!” Utos ko sa driver ko na nag madali namang umalis sa pwesto niya. Pinagbuksan ko si Sharlene ng shotgun seat, sumakay na din naman siya na naka yuko lamang, sa galit ko sinarado ko ng pabagsak ang pintuan ng sasakyan ko. I drived my car leaving, Paul, Kiko and my driver behind.

I was driving too fast dahil sa galit ko, si Sharlene naman nakayuko lamang at tahimik na umiiyak. I was waiting for her to say something, to explain, pero lumipas na ata ang limang minuto wala pa rin siyang balak mag salita. Nahampas ko ang kamay ko sa manebela sa galit, she jumped in surprise.

“Jairus..” She called breaking the silence. Hindi ako nag salita at nag patuloy lang sa pag dridrive. “Please, nag mamakaawa ako, wag mong sabihin kay Papa.” Her voice is cracking. “Hindi ko alam anong gagawin nila kay Joaquin.”

“B*ll Sh*t Sharlene! Natatakot ka sa tatay mo kung ano ang gagawin niya kay Joaquin? Should you be more scared of what could I do to him?!”

“Jairus, please wag.” Umiiyak niyang sabi.

“Ha! Nakakatawa kayong dalawa! Para kayong mga timang na nagkakasal-kasalan, I’m telling you Sharlene hindi ko na to papalampasin, pasensyahan nalang.” Hininto ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila. Bumaba ako, derederesto sa loob ng bahay nila. 

Pagpasok ko, kaagad kong hinablot ang maid na napadaan lang sa akin harapan. “Nasan si Tito Victor?!”

“N-nasa taas po!” Mautal niyang sagot.

“Tawagin mo bilis!” Utos ko sabay tulak sa maid. Nag madali naman siyang umakyat  ng hagdanan dahil sa taranta.

“Jairus!” Sigaw ni Sharlene habang papasok ng kanilang bahay. Hindi ko siya ni lingon at nag patuloy lang sa kakatingin sa hagdanan kung saan bababa si Victor San Pedro. “Jairus please, nag mamakaawa ako.” She’s shaking my shoulders while begging me. Pabagsak kong inalis ang kanyang mga kamay na kumukuyog sa akin.

Then finally, bumaba na din si Tito Victor sa hagdanan na kunot ang kanyang noo.

“Anong nangyayari dito?” Palipat-lipat ang kanyang tingin sa amin ni Sharlene.

“Jairus..” Kumapit siya sa damit ko and I could feel that she’s shaking. Pero bwisit siya, pasensyahan nalang sinagad nila pasensya ko. Tinignan ko muna si Sharlene na ngayon ay nag mamakaawa upang hindi ko sabihin ang ka bobohang ginawa nila ng nobyo niya.

Kasal-kasalan? HOW STUPID!

Muli kong hinarap si Tito Victor bago nag salita.

Continue Reading

You'll Also Like

202K 3.8K 24
Two total strangers that would fall in love with each other not in a right way. Si Reila ay isang graduating na student in highschool is left by her...
38.9K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
11.6K 97 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
3.3K 79 34
Kohler Delatejera, known for being successful and a great chef. Being the heir of an underground organization gives him a lot of advantage and is one...