Chapter 48: Taguan

2.1K 75 65
                                    

Sharlene's POV

Paano mo masasabi ang iyong nararamdaman sa taong ayaw naman maniwala o makinig man lang sa 'yo? Na ang pinaniniwalaan lang ay ang kasinungalingang minsan mo lang nagawa? Ayaw kong bumitaw o mawalan ng pagasang bumalik ang dating siya.

Matapos ang nangyari sa parking lot, umuwi kami na parang walang nangyari. Inumpisahan kong mag salita ngunit hindi niya ako pinansin at lutang sa mga sumunod na oras. Ayaw ko namang e pilit ang sarili ko sa bagay na alam kong makakasakal sa kanya. Linggo ngayon, at walang pasok. Buong araw na nasa loob lamang ng kwarto si Jairus at hindi lumalabas. Tuwing sinisilip ko siya, abala siya sa kakaayos ng papeles, hinahatiran ko man siya ng meryenda ngunit tila ba walang anino o hangin ang kanyang napansin.

Ang hirap pala talaga, ang hirap na alam mong mahal nyo ang isa't-isa pero galit lamang ang nakakapangibabaw na dahilan upang hadlangan.

Nang gumabi na at naghahanda kami ni Manang sa haponan, biglang bumaba si Jairus na bihis na bihis at mukhang may lakad.

"Sharlene, magbihis ka." Biglang sabi niya.

"Bakit?"

"Maylakad tayo."

"Saan?"

"Malalaman mo."

"Kumain na muna tayo Jairus, naghanda na kami ni Manang Lusing-"

"Pwede tayong kumain mamaya."

"Pero-"

"Pwede ba?! Wag ka nang magtanong! Magbihis ka nalang!"

Huminga ako ng malalim tulad ng ginawa ko tuwing ako'y nag pipigil at umakyat nalang sa kwarto para mabihis. Wala akong alam sa kung saan kami pupunta ni Jairus pero baka importante ang lalakad na ito. Minsan naiinis ako pero pilit ko parin siya tinitiis. Pagtalaga bumalik ang dating siya, hahampasin ko siya ng paulit-ulit hanggang sa magmakaawa siya! Dahil sa pagiisip kong 'to, kahit papaano nawala ang inis ko sa biglaang pag uutos niya.

Inip na nakaatang siya sa dulo ng hagdanan, mabilis siya nag lakad palabas nang makita akong palabas na.

Habang nasa byahe, hindi ako nag salita o muling nagtanong pa hanggang sa dumating kami sa bar ng mga Magundayao. Bumaba si Jairus, ni hindi niya ako hinintay na bumaba din at nanunang pumasok sa loob. Sinarado ko nalang muna ang kanyang sasakyan bago siya sinundan.

Alam niyang hindi ako mahilig sa lugar na ito, alam niyang ang unang pagpunta namin dito ay dahil iyon sa nabagot ako at wala akong mapuntahan. Kahit maraming nagsasayawan, pinilit ko parin na sumik-sik kahit na wala akong alam kung saan na ba nagpunta si Jairus. Puno ng mga taong nagiinoman ang bar, wala akong paglagyan sa mga taong nagkakagulo dahil sa maingay na tugtog.

At natigilan ako, nang sa isang iglap, nakita ko si Jairus na nakikipag sayawan sa ibang babae. Hawak ang bewang at nakangiting pinagmamasdan ang mga mata nito. Tumatawa siya na para bang nasisiyahan sa kanyang ginagawa. At naiwan akong durog.

Pinagmasdan ko lang sila sa kawalan, lutang na ang isipan ko at gusto ko nang mahilo sa sikip at ingay ng bar. E dagdag pa ang amoy ng alak na parang binabaliktad ang aking sikmura. Natigilan si Jairus sa kanyang ginagawa nang sitahin siya ni Francis at sinenyasan sa dereksyon ko. Mapagbirong ngiti lamang ang sinukli ni Jairus sa akin at muling tinuloy ang pakikipaglandian sa babae.

Masakit na masakit. Napaatras ako kahit na wala nang bakanteng espasyo.

"Watch it!" Sigaw ng babaeng nasagi ko sa aking paa.

"S-sorry." Nangingilid na ang aking luha at mabilis akong naglakad palabas ng bar. Ang lakad ko ay unti-unting naging takbo nang lumuwag na ang espasyong aking nilalakaran. Pinigilan kong umiyak pero kusang tumulo nalang ang luha sa aking mga mata. Ngayon ang tanging magagawa ko lang ay pigilan ang hagulhol ko. Nakaramdam ako ng mahinang hatak sa aking braso na pilit na pinapa harap ako.

You're Mine (Jailene)Where stories live. Discover now