Chapter 18: Takot

1.8K 47 27
                                    

Sharlene’s POV

Hindi pa tumutunog ang bell para sa morning call pero gising na gising na ako. It’s 4:30am, 6am ang morning call at 6:30 kami dapat bumaba. Bumangon ako sa aking higaan at tinignan si Mika na mahimbing na natutulog. Pumunta muna ako ng balkonahe ng kwarto namin para magpahangin.

Naalala ko kung bakit ako nagising ng maaga ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ko iyon na panaginipan. Sadyang marami lang akong iniisip dahil sa sinabi sa akin ni Mika kagabi. Was it a dream? Or part of my fear in the past?

>>Reality Flashback>>

“Ate? Saan ka pupunta?” Tanong ko kay ate Miles na abalang-abala sa kakalagay ng mga gamit sa bag niya. Ngumiti siya ng mapait sa akin, sa mga panahong iyon, alam kong may gagawin si Ate para makatakas sa kasunduan ng San Pedro at Gumabao.

“Shar, I will be leaving for Paris.” Sabi niya matapos ang ilang sigundong magkatahimik. I was left surpise while waiting for her to talk again. “Pangarap ko talaga makapunta dun eh at matupad ang pangarap kong maging model.” Maluha-luha niyang sabi at ngayon kagat-kagat na niya ang kanyang labi para mapigilan ang pag buhos ng luhang nagpapabigat sa kanya.

“Ate.” Kaagad ko siyang niyakap pero deretsong kumalas si Ate Miles at nag patuloy sa kakalagay ng kanyang ibang gamit sa maleta.

“Kailangan ko nang mag madali bago pa ako abutan ni Papa.” She zipped her case then finally faced me. “Mag ingat ka dito baby ha? Wag kang tumulad sa Ate mo. I will be free anytime basta kailangan mo ako.” Once again, she embraced me then kissed me on the forehead. Umiiyak ako habang si Ate nag mamadaling nag lakad papuntang pintuan dala ang kanyang maleta.

Pag bukas niya ng pintuan, halos humiwalay ang aming kaluluwa sa gulat. Tumambad sa amin ang galit na si Papa.

“Saan ka pupunta?” Nanlilisik sa galit na tanong ni Papa kay Ate.

“Papa, hayaan nyo po ako.” Umiiyak na sabi ni Ate Miles. Tinulak ni Papa si Ate pabalik sa kanyang kwarto na ikinatumba niya, ako naman nanatiling nakatingin lamang sa pangyayari. Papa was so angry na parang hindi ko na siya kilala. Tinanggal niya ang kanyang suot na sinturon saka ito pinalo sa katawan ni Ate.

“T-tama na Papa!” Ate Miles shouted while recieving some strikes from our father’s belt. Nasundan pa ito ng tadyak at sampal. I was left there shouting for help but no one dared to help us. Nilapitan ko si Ate saka niyakap sa kalagitnaan ng pag hahampas sa kanya ni Papa sa mukha pero hinablot ako ni Papa at kinaladkad palabas ng kwarto.

I was knocking loudly for an entrance habang nanginginig sa mga pwedeng mangyari sa kapatid ko, pero hindi ako pinagbuksan ni Papa. All we could hear was ate shouting for help and beging for Papa to stop, Papa’s slaps’, strikes of his belt and cursing my poor sister could be heard behind the door.

<<End of Flashback<<

Napasinghap ako ng malakas sa pagaalala ng mga nangyari noon. My sister was left with bruises and wounds. Kusang tumulo ang aking mga luha habang inaalala ang itsura ni Ate Miles. I can’t blame her for attempting to leave, after all my father is a monster.

Nag hintay nalang ako na mag umaga, pag patak ng 6am narinig na din namin ang morning call.

“B2? Okay ka lang?” Napatingin ako kay Mika na kakabangon lang.

“Oo naman.” Nginitian ko siya saka nag lakad paalis ng balkonahe. “Sige, maliligo muna ako B1 ah?” Tahimik akong nag lakad palabas ng kwarto namin. I took a quick shower dahil medyo siksikan sa pagligo. Ganito ang hirap sa retreat house, common bathroom lang ang available. I was walking on the direction of our room at hindi ko inaasahang mawawala ako.

You're Mine (Jailene)Where stories live. Discover now