Chapter 38: Suporta

2.5K 71 46
                                    

Sharlene’s POV      

“Ayun, na impress ko ang mga board members sa proposal project ko. Pati si Dad nga na mangha eh!” Masayang sabi ni Jairus sa amin habang kumakian ng haponan.

Tatlong linggo nang nag umpisa si Jairus sa trabaho niya, he’s a trainging President at base sa kinukwento niya sa amin ngayon, mukhang maganda ang kanyang pinapakita sa trabaho. Masaya ako para sa kanya, matagal na niya itong hinihintay at ngayon nga ay nakikita kong gustong-gusto niya ang kanyang ginagawa.

Nagtampo ako nang malaman na nauna pang nalaman ni Ate Miles na magsisimula na siya sa trabaho kaysa sa akin, sinabihan lang ako ni Ate tungkol dito. Ngunit naisipan kong wala akong karapatang mag tampo dahil ako mismo ang gumawa ng babag para hindi ako makausap ni Jairus.

“Wow, ang galing mo Jai.” Pagpupuri sa kanya ni Ate Miles. “Ay, nga pala, aalis na ako sa susunod na araw.”

“Ano?” Kunot noong sabi ko.

Wala siyang nasasabi sa akin tungkol dito.

“Naisip kong masyado na akong nagtatagal sa pananatili ko sa bahay nyo.”          

“Ate, ano bang pinagsasabi mo? Pa’no kung malaman ni Papa ang plano mo? Kahit saan ka pupunta masusundan ka niya!”

“Shar, please, matagal ko nang pinag-isipan ang bagay na’to, lilipad ako pabalik ng Paris tapos doon na ako mag tratrabaho.”

“Alam mo naman mahirap yang sinasabi mo Ate! Pano kung—“    

“Shar, hindi na ako bata saka buong buhay ko alam mo na pangarap ko to’ di ba?” Mapangawang saad ni Ate.

Natahimik ako, dahil alam ko naman yun talaga ang gusto niyang ang pumunta ng Paris. College pa lang si Ate bukang bibigy niya ang Paris kahit hindi pa siya nakakapunta dito. Walang imik kami hanggang sa natapos kaming kumain, ayaw kong payagan si Ate Miles sa desisyon niya, natatakot ako para sa kanya.  May takot man akong nararamdaman, hindi ko maitatanggi na naiintindihan ko si Ate Miles, pangarap niya ito alam kong sasaya siya dito pero labis ang maaaring ganiti nito sa kanya.

Natapos ang mga susunod na sandali na katahimikan ang bumalot sa amin, ang hindi ko lang maintindihan, ay bakit hindi niya muna to’ kinunsulta sa akin?

Tutulongan ko na sana si Manang Lusing na mag hugas ng pinggan pero nakita kong naunahan na ako ni Ate Miles sa pag tulong kaya minabuti ko nang umakyat sa kwarto para maagang maka tulog.

“Oh? Matutulog ka na?” bungad na tanong sa akin ni Jairus na kakapasok lang sa kwarto.

“Oo, pagod ako.” Sagot ko habang sunusuklay ko ang aking buhok. Hindi ako pisikal na pagod, pero sa kakaisip.

“Talaga? Ano namang ginawa mo ngayong araw at pagod ka?” Taas kilay niyang tanong.

“Hay! Wag ka na ngang mag tanong! Ang dami ko na ng iniisip dadagdagan mo pa!” Nilapag ko ang panuklay sa lamesang katabi ko at mabilis akong pumailalim sa kumot at inayos na ang aking buhok sa pag higa.

“Para nag tatanong lang! Kala mo naman.” Rinig kong sabi niya bago pa siya pumasok ng banyo.

Pinilit kong e pikit ang aking mga mata pero hindi pa rin ako makatulog, nang mas naka higa na tuloy ako mas lalong tumindi ang aking pag iisip tungkol sa sitwasyon ni Ate Miles. Ayaw ko siya umalis dahil baka may mangyari sa kanya at kung meron man hindi ko kakayanin yun lalo na’t wala ako sa tabi niya.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon