Chapter 45: Yakap

1.6K 61 40
                                    

Sharlene's POV

"Jairus, gising na." Mahinang tawag ko sa kanya. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. "Maligo ka na." Panandalian tinignan niya ako, hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o kung ano. "Jai?"

Bigla nalang siyang bumangon at dumeretso sa banyo. Napabuntong hininga ako sa lamig ng kanyang pakikitungo. Wala akong nagawa kundi ang e handa ang kanyang susuotin sa opisina. Naghintay lang akong makabihis siya para maayos ko ang kanyang korbata. Sa unang pagkakataon nag dalawang isip ako kung ako ba ang magaayos nito para sa kanya ngunit nilabanan ko ang aking pagdadalawang isip at inalis sa aking isipan ang maaaring mangyari. Kinuha ko ang kanyang necktie habang sinusuot niya ang kanyang sapatos. Nang matapos na siya, lakas loob kong inikot ang korbata sa kanyang kwelyo para makabit ito. Mahinang nagulat siya pero nagwalang kibo ako. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko para alisin ito ngunit nagmatigas ako at hindi ako gumalaw at nanatili lang ang aking mga kamay kung saan ito.

 "Bahala ka!" Napatingin ako kay Jairus nang inalis niya ang kanyang kamay at sumuko na sa pagpapaalis sa akin. Nagmadali akong inayos ang kanyang korbata habang naghihintay siyang matapos ako.

Hindi niya ako kinibo habang abala ako sa kakaayos ng kanyang agahan. Kung hindi ko lang nasaksihan ang nangyari nung isang araw na halos kainin niya si Joaquin ng buhay, iisipin ko talaga na gusto lang niya magpalambing. Umalis nalang siya, ni wala siyang isang salitang sinabi sa akin bukod sa narinig ko kanina. Ano ba ang dapat kong gawin para pakinggan niya ako?

Buong araw ako nag isip sa mga nangyari, si Jairus at si Joaquin lamang ang naglalaro sa aking isipan. Gusto kong ipagpatuloy ang pag tulong kay Joaquin pero baka magalit ulit si Jairus at mas lumala ang sitwasyon. Natatakot akong makita ang sukdulan ng galit niya dahil alam kong babalik nanaman sa akin ang lahat. Galit man si Jairus alam kong hindi niya ako kayang saktan, nakikita ko sa mga mata niyang nasaktan lamang siya sa kanyang nakita pero si Jairus parin siya kaya napagpasyahan kong puntahan si Joaquin. Umaasa ako na maiintindihan ni Jairus, kailangan niyang intindihin dahil hindi ko kayang magwalang kibo sa sitwasyon ni Joaquin.

Dala ang mga bagong tapper ware muli kong pinuntahan si Joaquin sa Laundry Shop.

"Sharlene! Anong ginagawa mo dito?" Taranta niyang tanong. Nakita ko ang bakas ng galit ni Jairus sa mukha ni Joaquin. Labis siyang bugbog ni Jai at nanatili itong markdo sa mga pasa niya sa mukha.

"Joaqy," Tawag ko na nagbabadyang mahulog na ang aking luha.

"Alam ba ni Jairus na nandito ka?"

Umiling ako dahil sa pagkabara ng aking lalamunan dulot ng luhang pilit kong pinipigilan.

"Bakit ka pa nag punta? Alam mong magagalit siya!"

"Joaqy, hindi ko kayang iwan ka. Hindi ko kayang iwan ka sa ere na ganito ang sitwasyon mo."

"Shar, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi mo problema ang problema ko kaya wag mo na akong alalahanin, kaya ko ang—"

"Kahit ano pa ang sabihin mo Joaqy! Hindi mo maiaalis sa akin ang mag alala." At tuluyan nang nahulog ang luhang pilit kong pinipigilan. Marahan niya akong pinaupo sa bench sa labas ng Laundry Shop.

"Sinaktan ka ba ni Jairus?"

"Hindi, hindi niya ako sinaktan, hinding-hindi iyon magagawa ni Jai."

"Alam mo bang mahal ka ng asawa mo?" Hindi ko inasahan ang isang komprontasyon mula kay Joaquin kaya hindi agad ako naka sagot. "Shar?"

"Oo, alam ko."                                                           

"Mahal mo ba ako?"

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon