Chapter 36: Royal Rumble

2.4K 69 33
                                    

Jairus’ POV

Palihim na sulyap lang ang madalas kong ginagawa sa kanya ngayong araw na’to.

Ngayon nga ay kumakain kami ng tanghalian at hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi siya silipin.

Galit pa kaya siya? Ay! Bobo! Sympre! Hindi ka nga kinikibo eh!

Hindi ko magawang sumabay sa kanila kaninang almusal kahit nagising ako ng maaga. Naglakas lang ako ng loob na kumain kasama nila dahil nag babakasakali akong humupa na ang galit ni barumbada, pero heto, ni ‘Ha’ ni ‘Ho’ wala parin.

Kagabi lang, nasiyahan ako nang makita siya sa may pintuan ko, makasarili mang pakinggan pero natuwa ako dahil sa nangyaring paghingi niya ng tulong sa akin. Ibig lang nun sabihin, kahit papaano, kailangan niya ako at alam niyang sa aspetong yun, ako lang ang makakatulong sa kanya.

Ngayon, iniisip ko pano kaya kung hindi nahuli ni Victor ang Ate ni barumbada sa Paris? Siguro wala ang Ate niya dito at may pagkakataon pa akong kausapin si barumbada, at siguro wala akong kahati.

“Ate Kumain ka pa.” Naangat ko ang akin tingin nang biglang mag salita si Sharlene sa gitna ng katahimikan namin sa hapag.

Parang na alimpungatan ang kanyang kapatid nang marinig ito kay Sharlene. Hindi grabe ang natamo ng kapatid ni Sharlene sa pananakit ng kanilang ama. May mga pasa pa rin siya sa braso at sa pisnge, sakto lang ang dating namin bago pa siya mapuruhan. Mas grabe pa rin ang natamo ni Sharlene noon kaysa sa nakikita ko sa kapatid niya ngayon. Hay! Ano ba tong iniisip ko?! Walang hiya talaga yang si Victor, napaghahambing ko tuloy kung sino ang mas nabubog ng husto sa dalawa.

“Nako, baka tumaba ako nito.” Pag bibiro ng Ate niya.

Patuloy lang akong nakatingin sa pag-uusap nilang dalawa. Bakas ang pagaalala ni barumbasa sa kanyang kapatid. Ganito pala siya kung mag alala? Napaisip tuloy ako, kailan kaya magiging ganito ang trato niya sa akin?

Alam ko, dadating din ang araw na yan.

Nagtataka din naman ako kung bakit parang wala lang ang nangyaring pag bubugbog ng kanilang ama sa kanila. Kanina bago pa sila umupo sa hapag ay nagtawanan pa sila. Pero di tulad ni Sharlene, ang kapatid niya ay may pagkakataong naka tulala lang, katulad nung kanina, tulala siya. Kung hindi siguro nag salita tong si barumbada hindi magigising ang isang to’ sa katinuan niya.

Naka upo lang ako sa sala at nanonood lang ng TV, kakatapos lang namin mag tanghalian. Alam kong tinutulungan ni Sharlene si Tandang Lusing sa pag huhugas ng pinggan. Yan ang paborito niyang gawin, ang tulungan si Tandang Lusing sa gawaing bahay.

“Pwede pa tabi?”        

Napatingin ako sa kapatid ni Sharlene nang tanungin niya ako. Alangan naman ipag tabuyan ko? Hindi nalang ako umimik at umusod nalang.

“Salamat pala kahapon Jairus, tinulungan mo ako kay Papa.”

“Not a big deal.” Simpleng saad ko habang naka tutok lang sa palabas ng TV.

“At pati na rin sa pag sasagip ng kapatid ko habang wala ako.” Hindi na ako nag bigay ng sagot sa kanyang sinabi at nag kunwari’ng walang narinig.

Gusto ko mang sumagot, pero wala akong maisip na sagot sa kanya. Mas pinili ko nalang na manahimik sa kanyang sinabi at doon na kami nabalutan ng katahimikan habang nanonood ng TV.

“Mahal mo na siya no?”

Mabilis akong napalingon sa kanya nang marinig ang kanyang katanungan. At sa ika-milyong beses, bumuo agad ng mga ideya ang utak ko sa maaaring nangyari. Di kaya nag usap silang dalawang magkapatid tapos sinabi ni Sharlene na hinalikan ko siya nung isang araw kaya iniisip ngayon ni barumbada na gusto ko na siya at sinabi niya ito sa kapatid niya? O baka si Tandang Lusing? Wala naman akong natatandaan na may pinagsabihan ako dito ah?!

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon