Scared To Death (BoyxBoy)

By jwayland

231K 6.6K 627

Madami tayong bagay na nagagawa sa ating buhay na kung maibabalik lang natin ay gusto nating baguhin, isa na... More

Fading Love
Scared To Death
Breaking News
Till My Last Breath
Empty
Let's End This
Nandito Ako
Moving On
Countdown
Longest Two Minutes
Anxiously Waiting
Hanggang sa Panaginip
My Amnesia Boss
Welcome Back
Getting Closer... Too Close
I Have A Girlfriend?
He is Not LC
Confused Heart
It's All Coming Back
Second Heartache
Mahal Kita!
Is This Some Kind Of A Joke?
The Revelation
Keep This To Ourselves
Breaking Up With Her
Meeting My Parents
My Mom and His Mom
Walang Lihim na Hindi Nabubunyag
Their Action
LC is Missing!
Operation Save Leonard Charles Aguilar
Part Two of The Plan
Malaysia With Love
I Need To Go Back....
Be Robyn Cervantes
Till Death Do Us Part
Michael
Together Again
You and Me Forever

Painful Revelation

3.8K 131 11
By jwayland

Good evening guys at dahil rest day ko tuloy ako sa pagdraft at sana matapos ko na din ito para matuloy ko na ang Learn to Love Again. Akala ko hindi ko na masasama ang chapter na ito pero mabuti na lang nabuo ang Malaysia trip hehee kaya ito na.

Picture of Raven David on the right====>>>>>>

Song is Di na Mababawi by Spongecola

===============================================================================

CHAPTER THIRTY FOUR

Raven's Point of View

Hindi ako makapaniwala na mag-iisang buwan na pala kami sa Malaysia and so far so good naman ang naging pag-stay namin ni LC sa bansang ito dahil para lang din naman Pilipinas ang klima dito kaya hindi namin kailangan masyadong mag-adjust at maliban pa doon ay bawat araw ay pinaramdaman sa akin ni LC ang pagmamahal nito sa akin.

"Welcome back." masayang bati ko dito nang makapasok na ito sa tinutuluyan naming bahay at tumango lang ito at agad umupo sa sofa.

Kitang kita ko ang pagod at pagkahapo sa mukha nito dahil na din sa paghahandle nito sa resort kaya naman agad akong lumapit dito at sinimulan masahiin ang likod nito.

Umungol lang ito para ipaalam sa akin na nagugustuhan nito ang ginagawa ko kaya naman mas pinagbuti ko ang ginagawa ko. Ganito talaga si LC kahit noon pa sobra kung magtrabaho minsan nga nag-aalala na ako dito tapos kahit pagod na pagod pa hindi pa din nawawala ang appetite nito sa kama.

"Raven......" he said at napaungol na naman ito dahil mukha talagang naeenjoy nito ang ginagawa ko.

"Yes?" tanong ko naman dito makaraan ang ilang minuto.

"Since hindi tayo nagkaroon nang pagkakataon na makapagbonding talaga, why not I will take three days off sa resort para naman makapagbonding tayo?" tanong nito at para naman nagpalakpakan ang dalawang tenga ko sa narinig dahil sobrang gusto ko siyang makabonding, oo nga araw araw naman siyang umuuwi at sabay kaming kumakain kaso iba pa din iyon kapag kasama ko siyang nang buong araw, hindi naman kasi siya talaga makapag rest day dahil marami siyang napansin na hindi tama kaya naging hands on ito sa pagpapatakbo ng resort.

Nang gabi ngang iyon ay nagplano kami kung anong gagawin namin, sa resort lang din kami kasi naman hindi pa kami puwedeng lumibot sa buong Malaysia just in case na kailanganin ang presensiya ni LC na ayos din naman sa akin ang mahalaga ay kasama ko ang binata.

Maaga kaming natulog no sex muna para maaga kaming makaalis na para bang ang layo nang pupuntahan namin, we decided na magstay sa resort para naman masulit namin ang facilities at kung ano man ang puwedeng i-offer nang naturang resort.

Wala pa sigurong araw nang umalis na kami patungo sa resort at tahimik lang si LC samantalang ako ay sobrang excited na sa magiging bonding namin ni LC, gustong gusto ko kasing masubukan iyong bungee jumping na inooffer nang resort at gusto kong kasama ko si LC kapag ginawa ko iyon dahil kapag kasama ko lang si LC ako napapanatag at lumalakas ang loob.

Hindi ko talagang mapigilan hindi maexcite dahil naman ngayong lang talaga kami makakapaglibang ni LC matapos ang mga nangyari sa amin sa Pilipinas, naiisip ko nga kung patuloy pa kaya kaming hinahanap nang mga magulang ni Robyn sa pag-aakala nilang si Robyn pa din si LC, well hindi ko naman sila masisisi dahil mahirap talagang paniwalaan na ang ibang kaluluwa ay sasanib sa ibang katawan, para naman kasing sa mga movie o sa mga fictional book nangyayari ang ganoon bagay pero nangyari eh at dahil iyon sa kagustuhan ni LC na balikan ako.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" nagulat na lang ako nang banayad na pisilin ni LC ang kanang pisngi ko.

"Wala naiisip ko lang kung hinahanap ka pa din nang parents ni Robyn." voicing out kung ano ang iniisip ko kani-kanina lang.

"Sigurado iyon but I'm pretty sure they are looking in the wrong place, pero maari bang huwag na muna nating alalahanin iyon, we need this, we need to relax." nakangiti nitong sinabi sa akin.

"I know but......." may sasabihin pa sana ako ngunit naputol iyon nang bigla nitong hinalikan ang nabibigla kong bibig.

"You saying?" he said in between kisses.

"Iyon nga...." ngunit naputol ulit iyon nang mas naging mapusok ang mga labi nito hanggang tuluyan ko nang makalimutan ang sasabihin ko pati na din na nakasakay lang kami sa taxi at nakikita kami nang Taxi driver habang naghahalikan kami, napapailing na lang ito at nagtuon na lang nang atensyon niya sa pagmamaneho.

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin at wala naman kaming ginawang labag sa batas habang sakay nang taxi, pinadala na lang namin sa attendant ang mga bagahe namin at dumiretso na kami sa pinakamahal na kuwarto na inooffer ng resort, maganda ang loob ng kuwartong iyon, kulay bughaw ang pintura, may isang king size bed sa gitna, maliit na fridge, thirty six inch na tv, nakaharap ito sa bandang silangan kung saan naman makikita ang ganda nang lawa kung saan nakatayo ang lugar kung saan puwedeng magbungee jumping.

Mag-aalas sais pa lang nang umaga at nakikita ko na ang pagsikat nang araw kaya naman inaya ko si LC na maglakad lakad malapit sa lawa.

Sobrang payapa nang paligid, hindi pa naman kasi pick season kaya hindi pa gaanong karami ang tao, ang sarap sa pakiramdam nang hangin na nagmumula sa lawa, ang sarap nang ganito, maglakad habang hawak hawak nang taong mahal mo ang kamay mo.

We decided to go to the restaurant to eat our breakfast nang tuluyan nang lumabas si haring araw sa kalangitan.

Marami namang variety nang pagkain ang nakahanda para sa mga guest may mga american breakfast meal hind katulad nang pancakes, sausages at kung anu ano pa pero mas pinili kong subukan ang pagkain Malay.

"Hi what's this?" tanong ko habang nakaturo sa isang food na nakabalot sa banana leaves.

"That's what we call Nasi Lemak sir, it's a Malay food it's rice that cooked in coconut milk, it have fried anchovies, sliced cucumber, hard boiled egg and a slightly sweet spicy sauce called sambal." paliwanag nito sa akin at nagdecide akong subukan iyon, kumuha din ako nang nalaman kong Roti Canai na flat bread paalis na sana ako nang sabihin sa akin nang attendant na kung kakainin ko daw ang Roti Canai ay mas mabuting partneran ko iyon nang Teh Tarik na famous tea naman sa Malaysia, nagkibit balikat naman ako at nagustuhan ko naman ang lasa nang mga kinuha ko, kung ako sinubukan ko ang pagkain Malay ay si LC naman ay nakuntento na sa American breakfast na pinagkibit balikat ko na lamang.

Matapos naming magbreakfast ay nagpahinga lang kami sandali habang nanonood nang movie sa kuwarto.

I don't what gotten into me kung bakit ko natanong pero basta na lang lumabas sa bibig ko. "LC do you love me?" tanong ko dito out of nowhere.

"Of course I love you Raven, more than my life." he said sincerely and I should stop right pero hindi ko alam pero nagtanong na naman ako dito.

"Minsan ba parang tinabangan ka na sa akin, I know sobrang tagal na natin simula college pa imposible naman na hindi man lang nabawasan ang pagmamahal mo sa akin?" I asked and saw something in his eyes na agad din naman nawala kaya inisip ko na lang na guni guni ko lang ang bagay na iyon.

"Ano ba naman kung ano-anong pinag-iisip mo of course not." natatawang sinabi nito sabay hatak sa akin patayo para daw masimulan na namin ang mga activities sa resort.

Dahil nakapagpahinga na din naman ay agad kaming nagsimula, gusto ko sanang subukan agad ang bungee jumping kaso masyado daw maaga kung gagawin namin iyon kaya naman nagpasya na kaming ipahuli na lang kaya imbes na gawin iyon ay naisipan naming mag swimming na lang sa lawa at sobrang sarap magswimming, napakalinaw nang tubig na makikita mo ang mga maliliit na isdang malayang naglalanguyan sa ilalim nang tubig, sobrang payapa nang kapaligiran at tangin mga mahihinang tunog mula sa kuliglig ang maririnig sa paligid, mga maghahapon na nang nagdecide kaming umahon na para makapagdinner na din masyado kasi naming naenjoy ang paglangoy sa lawa na iyon.

Papasok na kami sa resort nang makasalubong namin ang mga bagong guest nang resort at base sa pag-uusap nila ay nalaman kong mga Pilipino din pala sila na nagbabakasyon.

"Tara na." agad na aya sa akin ni LC and for some reason ay parang hindi ito mapakali, naisip ko na baka kailangan nitong magbanyo pero biglang naghahandle sa resort ay kailangan nitong salubingin ang mga bagong dating kaya wala itong nagawa nang lumapit kami sa grupo, may tatlong babae at dalawang lalaki sa naturang grupo.

"Hi mga pinoy din kayo?" tanong ko kahit na nga ba sigurado akong mga Pinoy sila.

"Oo wow nice naman at meron kaming puwedeng makaclose dito." maarteng sinabi nang isang babae na nakatingin nang diretso kay LC at nagtataka ako kung bakit naiilang si LC gayong sanay naman ito na pinagtitinginan dahil nga guwapo ang boyfriend ko.

"Oo actually siya ang namamahala sa resort nito, ako nga pala si Raven at ito naman si....." ngunit naputol iyon nang biglang magbutt in si LC at nagtaka ako dahil Robyn ang pangalan na ginamit nito na pinagkibit balikat ko na lang.

"Nice meeting you guys ako nga pala si Trina, ito naman si Joenas, Efren, Margarita, Luisa, at Rebecaa." pagpakilala nito, hindi na din kami nagtagal at umalis na agad para dumiretso sa sarili naming kuwarto.

"Mukhang may crush sayo iyong Trina ah." panunudyo ko dito.

"Ano bang pinagsasabi mo wala no." he said defensively.

"Anong wala eh hindi napaknit ang tingin sayo kanina nung Trina na iyon eh, gusto mo din siya no mukhang nahihiya kang tumingin sa kanya eh." patuloy ako sa panunukso dito and for some reason bigla itong nagwalk out at iniwan ako sa loob ng kuwarto namin.

Dali dali ko naman itong sinundan hindi ko akalain na mapipikon pala ito sa panunukso ko dito wala naman ibig sabihin ang panunukso ko dito nagtataka lang talaga ako kung bakit ilang na ilang ito habang kaharap namin si Trina pero ayoko naman masira ang quality time namin kaya agad ko siyang hinanap, nakita ko siya sa malapit sa lawa nakatingin sa malayo.

"Huy LC sorry na niloloko lang naman kita." paglalambing ko dito habang kinakalabit ang binata ngunit hindi man lang ako nito pinansin kaya naman kinulong ko na lang siya sa magkabilang braso ko habang hinahalikan ang tuktok nang ulo niya.

"You know I love you Raven right?" nagulat ako nang bigla itong humarap sa akin at kita ko ang lungkot sa mga mata nito kaya naman labis akong naguilty dahil sa nagawa ko.

"Of course I know you love me at ganoon din ako kaya naman huwag ka nang magalit please bati na tayo." I said at mukhang effective naman at kulang na lang nang konting push kaya naman binibigyan ko siya nang  maliliit na halik sa buong mukha niya, from his forehead going down to his eyes, going down to his nose and finally down to his kissable lips.

"Tara na nga sabay tayong maliligo ha." natatawang sinabi nito sa akin at magkahawak kamay na kaming bumalik sa kuwarto kung saan sabay kaming naligo at kung saan namin pinaramdaman ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Second day maaga ulit kaming gumising at sinimulan na namin gamitin ang mga facilities nang resort, kung ano anong activities din ang ginawa namin buong maghapon at finally nagdecide na din kaming subukan ang bungee jumping at kahit kasama ko si LC ay hindi pa din nawala ang takot ko at mabuti na lang talaga at hinuli namin ang bagay na iyon dahil talagang nanlambot ang tuhod namin pagkatapos gawin ang bagay na iyon.

"Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa kin ni LC kumpara sa akin ay mas compose ito samantalang ako ay parang hindi na kakayanin pang tumayo dahil sa takot na nararamdaman ko, I promised to myself na hinding hindi ko na susubukan ulit magbungee jumping.

Minabuti na namin munang pumasok sa kuwarto para makapagpahinga na muna masyado talaga akong natakot mabuti na lang at nandiyan lang si LC at hindi ako iniwan.

Madilim na nang magdecide kaming lumabas nang kuwarto para kumain na nang hapunan, kumuha lang kami nang pagkain at nagdecide na pumunta malapit sa lawa, meron din kasing mga mesa doon para naman sa gustong kumain sa labas.

"Ang dami mong kinuha ha." natatawang puna sa akin ni LC dahil halos mapuno ang pinggan ko sa dami nang kinuha kong pagkain, eh anong magagawa ko nagutom ako dahil sa takot kaya inismiran ko lang ito at nagsimula nang kumain.

Nasa kalagitnaan na ako nang pagkain ko nang sakto naman dumating ang grupo nila Trina na agad nakishare nang table kahit na nga ba ang daming bakanteng mesa, and again naramdaman ko na naman ang pagkailang ni LC.

"Sorry kung magiging taklesa ak, pero magka anu ano kayo?" tanong ni Rebecca sa aming dalawa ni LC.

"Magboyfriend kami." walang kagatol gatol na sinabi ni LC at nagtinginan naman silang dalawa ni Trina na parang sinasabing I told you so.

Masaya naman kasama ang grupong ito ewan ko nga ba kung bakit nanatili lang tahimik si LC at ramdam na ramdam ko na parang kanina pa nito gustong umalis.

"Oo nga pala Trina, ano na palang nangyari doon sa tinatarget mo, ano nga ba ulit pangalan non JC.....?" tanong ni Joenas.

"Anong JC hindi JC ang pangalan non kung hindi LC." pagtatama nito sa sinabi nang kaibigan.

Para namang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi nito at ramdam ko ang pagiging tense ni LC.

"Sorry guys we have to leave." biglang sinabi ni LC at akma itong tatayo ngunit hindi ako nagpaakay dito.

"Mamaya na tayo aalis, sige gusto kong marinig ang kuwentuhan nila." matiim kong sinabi kaya wala itong nagawa kung hindi bumalik sa inuupuan nito.

"Iyon na nga may nangyari sa amin at sinabi niyang gusto niya akong maging kasteady." nangingiti nitong sinabi habang ako ay biglang napakuyom ang kamao sa pagpipigil kong umalpas ang galit pero mas nananaig ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko sa nalalaman ko.

"Pero hindi ba gay iyon alam ko may boyfriend iyon di ba?' tanong naman ni Margarita kay Trina.

"Oo nga pero sabi kasi sa akin ni LC tinatabangan na siya doon at hindi na daw niya kaya talagang pakisamahan iyon, gusto na nga niyang iwan iyon kaso namatay kaya nga sayang eh, maliban sa guwapo at macho at mayaman pa ang pamilya noon." punong puno nang panghihinayang ang boses nito.

"Sus hindi ka ba nandiri Trina na ang nakasex mo ay pumapatol sa kapwa lalaki?" tanong ulit ni Rebecca.

"The hell I care, magaling kaya siya sa kama, for sure mas magaling ako sa lover nun, ano nga ba ulit pangalan nun?" bigla itong napapitik sa hangin nang mapatingin sa akin. "Ah tanda ko na Raven din ang pangalan nun, I mean kapangalan mo pa no, what are the odds." ang natatawang sinabi ni Trina.

"Oo nga no biruin mo kapangalan ko pa, sige guys please excuse me inaantok na ako." paalam ko at dali dali akong tumakbo palayo sa grupo completely ignoring LC's call, sobrang sakit nang nararamdaman ko nang mga oras na iyon dahil sa nalaman ko, hindi ko akalain na makakaya niya akong saktan nang ganito.

Kaya pala parang naramdaman ko ang panlalamig sa akin ni LC bago ito naaksidente iyon pala ay nawawalan na siya nang pagmamahal sa akin at niloko pa niya ako.

"Raven please let me explain." sigaw ni LC ngunit nagpatuloy lang ako sa pagtakbo, I don't want to see him now.

I can't believe that the one I love so much can hurt me this much.

Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 771 23
Dahil sa pagkamatay ng lola ni Gwen, kinailangan nilang umuwi ng probinsya. Sa pag-uwi nilang ito maraming kababalaghan at sikreto ng kanilang pamily...
163K 9.9K 42
[COMPLETED] "Mahal kita. Pero, mamahalin mo ba ako kung ang karangyaang maibibigay ko lamang sa iyo ay ang pagmamahal ko?" - Santino Basaltta
114K 3.4K 17
Nakilala ni Nathaniel si Mark sa school na pinasukan niya sa probinsiya ng Lola niya. Sa tatlong na taon na pagsasama nila ay mas lalong lumalim ang...
81.9K 3.3K 31
Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past na nagbabalik, si ex! As in ex-boyfriend...