Painful Revelation

3.8K 131 11
                                    

Good evening guys at dahil rest day ko tuloy ako sa pagdraft at sana matapos ko na din ito para matuloy ko na ang Learn to Love Again. Akala ko hindi ko na masasama ang chapter na ito pero mabuti na lang nabuo ang Malaysia trip hehee kaya ito na.

Picture of Raven David on the right====>>>>>>

Song is Di na Mababawi by Spongecola

===============================================================================

CHAPTER THIRTY FOUR

Raven's Point of View

Hindi ako makapaniwala na mag-iisang buwan na pala kami sa Malaysia and so far so good naman ang naging pag-stay namin ni LC sa bansang ito dahil para lang din naman Pilipinas ang klima dito kaya hindi namin kailangan masyadong mag-adjust at maliban pa doon ay bawat araw ay pinaramdaman sa akin ni LC ang pagmamahal nito sa akin.

"Welcome back." masayang bati ko dito nang makapasok na ito sa tinutuluyan naming bahay at tumango lang ito at agad umupo sa sofa.

Kitang kita ko ang pagod at pagkahapo sa mukha nito dahil na din sa paghahandle nito sa resort kaya naman agad akong lumapit dito at sinimulan masahiin ang likod nito.

Umungol lang ito para ipaalam sa akin na nagugustuhan nito ang ginagawa ko kaya naman mas pinagbuti ko ang ginagawa ko. Ganito talaga si LC kahit noon pa sobra kung magtrabaho minsan nga nag-aalala na ako dito tapos kahit pagod na pagod pa hindi pa din nawawala ang appetite nito sa kama.

"Raven......" he said at napaungol na naman ito dahil mukha talagang naeenjoy nito ang ginagawa ko.

"Yes?" tanong ko naman dito makaraan ang ilang minuto.

"Since hindi tayo nagkaroon nang pagkakataon na makapagbonding talaga, why not I will take three days off sa resort para naman makapagbonding tayo?" tanong nito at para naman nagpalakpakan ang dalawang tenga ko sa narinig dahil sobrang gusto ko siyang makabonding, oo nga araw araw naman siyang umuuwi at sabay kaming kumakain kaso iba pa din iyon kapag kasama ko siyang nang buong araw, hindi naman kasi siya talaga makapag rest day dahil marami siyang napansin na hindi tama kaya naging hands on ito sa pagpapatakbo ng resort.

Nang gabi ngang iyon ay nagplano kami kung anong gagawin namin, sa resort lang din kami kasi naman hindi pa kami puwedeng lumibot sa buong Malaysia just in case na kailanganin ang presensiya ni LC na ayos din naman sa akin ang mahalaga ay kasama ko ang binata.

Maaga kaming natulog no sex muna para maaga kaming makaalis na para bang ang layo nang pupuntahan namin, we decided na magstay sa resort para naman masulit namin ang facilities at kung ano man ang puwedeng i-offer nang naturang resort.

Wala pa sigurong araw nang umalis na kami patungo sa resort at tahimik lang si LC samantalang ako ay sobrang excited na sa magiging bonding namin ni LC, gustong gusto ko kasing masubukan iyong bungee jumping na inooffer nang resort at gusto kong kasama ko si LC kapag ginawa ko iyon dahil kapag kasama ko lang si LC ako napapanatag at lumalakas ang loob.

Hindi ko talagang mapigilan hindi maexcite dahil naman ngayong lang talaga kami makakapaglibang ni LC matapos ang mga nangyari sa amin sa Pilipinas, naiisip ko nga kung patuloy pa kaya kaming hinahanap nang mga magulang ni Robyn sa pag-aakala nilang si Robyn pa din si LC, well hindi ko naman sila masisisi dahil mahirap talagang paniwalaan na ang ibang kaluluwa ay sasanib sa ibang katawan, para naman kasing sa mga movie o sa mga fictional book nangyayari ang ganoon bagay pero nangyari eh at dahil iyon sa kagustuhan ni LC na balikan ako.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" nagulat na lang ako nang banayad na pisilin ni LC ang kanang pisngi ko.

"Wala naiisip ko lang kung hinahanap ka pa din nang parents ni Robyn." voicing out kung ano ang iniisip ko kani-kanina lang.

Scared To Death (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon