I Have A Girlfriend?

6.1K 167 18
                                    

Hi guys hays am so bored and parang hindi nagiging ok mga updates ko ngayon hays pasensya na po talaga..... hindi ko alam kung anong nangyayari....

Sa last chapter nabanggit ni Rita ang tungkol sa girlfriend ni Robyn at dahil nga may amnesia siya ay hindi niya alam ang tungkol doon.

Picture of Robyn Cervantes on the right=====>>>>>>

Song is Don't Love You No More by Craig David

===============================================================================

CHAPTER SIXTEEN

Robyn's Point of View

Habang nag dadrive ako pauwi sa condo unit ko sa Fort Bonifacio ay hindi ko pa din mapigilan hindi mapangiti, kasi bago kami umuwi ay inaya ko muna si Raven na kumain sa labas, hindi ko alam kapag kasama ko ang binata ay parang sobrang gaang ang nararamdaman ko parang kilalang kilala ko na siya.

Pasipol sipol pa ako habang nakasakay ng elevator papunta sa floor kung saan ang condo unit ko, sa sobrang saya ko hindi ko tuloy napansin na naka on pala ang ilaw ng unit ko at nang ilolock ko na ang pinto ay nagulat ako nang may tumakip sa mga mata ko.

"Guess who?" ang mahinang bulong nito sa tenga ko na nagbigay nang kakaibang kilabot dahil halatang dinikit nito ang bibig nito sa tenga ko.

Dahil hindi ko kilala ang babae base na din sa boses nito ay agad kong tinanggal ang kamay nito na nakatakip pa din sa mga mata ko.

Agad kong hinarap ang babaeng iyon at tumambad sa akin ang isang magandang babae na nasa edad twenty three marahil, chinita, morena at may magandang hubog ng katawan.

"Sino ka?" ang nagtatakang tanong ko dito lalo na kung paano ito nakapasok sa unit ko.

Napansin ko ang pagkawala ng ngiti sa mukha nito na napalitan ng pag-aalala sa mukha nito.

"So totoo ngang may amnesia ka, oh I'm sorry babe kung hindi kita nadamayan nang maaksidente ka, alam mo naman oh wait hindi pala, I mean alam mo naman dati na may kontrata ako sa Paris."paliwanag nito ngunit wala pa din ako maintindihan sa mga sinasabi nito.

"Sorry miss, siguro nga kilala kita pero ngayon wala akong maalala so I ask you to leave please." ang sinabi ko dito opening the door wide open.

"Robyn?" narinig kong may nagsalita sa bandang pintuan at nagulat ako nang makita ko ang Mama ko na nakatayo sa labas ng pinto kasama ng Papa ko.

"Pa, Ma anong ginagawa niyo dito?" tanong ko dito ngunit kahit tinatawag ko silang Mama at Papa ay parang hindi pa din ako kumportable na parang may hindi tama ngunit pinagkibit balikat ko na lang iyon at inisip kong dahil nga sa amnesia ko kaya ako nakakaramdaman ng ganoong bagay.

"Dinadalaw ka of course, hindi ka man lang kasi nagagawi sa bahay simula nang makabalik ka sa unit na ito at bakit ganyan mo tratuhin ang girlfriend mo." ang nagtatakang sinabi sa akin ni Mama.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa estranherong babaeng girlfriend ko daw at sa Mama ko na bahagyang nakataas ang dalawang kilay.

"So you're telling me this girl is my girlfriend?' ang nasabi ko na lamang dahil sobrang nabigla ako hindi ko inaasahan na may girlfriend pala ako ngunit kahit anong tingin ko sa kanya ay wala akong nararamdaman na kahit na ano kahit man lang familiarity ay wala.

"Sorry babe kung ngayon lang ako nakabalik." she said smiling at me and gave me a quick kiss in the lips.

"That's alright... naiintindihan ko ano nga ba ulit ang pangalan mo?" tanong ko dito, still trying to remember her.

Scared To Death (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon