I Need To Go Back....

3.3K 119 7
                                    

Good morning guys after this last five chapter, hope makapag comment na kayo please para malaman ko kung ano ba dapat kong gawin saka para na din inspiration please please please hehehehe

Picture of Leonard Charles Aguilar on the right======>>>>>>

Song is Get It Right by Rachel Berry

===============================================================================

CHAPTER THIRTY FIVE

LC's Point of View

Mas ako ang nasasaktan habang nakikita ko sa mukha ni Rave ang sakit na nararamdaman nito na pilit nitong kinukubli habang nakikinig sa mga sinasabi ni Trina.

"Oo nga no biruin mo kapangalan ko pa, sige guys please excuse me inaantok na ako." narinig kong sinabi nito nang hindi na nito kinayang itago ang nararamdaman, at dali dali itong tumayo ang tumakbo pabalik sa resort.

Dali dali kong sinundan si Raven nang hindi man lang nagpaalam sa grupo nila Trina, kahit anong tawag ko kay Raven ay hindi ito tumitigil sa pagtakbo mas lalo pa nga nitong binilisan ang pagtakbo palayo sa akin nang marinig ang tawag ko.

Sobrang sakit ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon habang naiisip ko ang paghihirap nang loob nang taong walang ginawa sa akin kung hindi mahalin ako nang buong puso.

"Raven please let me explain." sigaw ko dito ngunit patuloy pa din ito sa pagtakbo hanggang makarating na din ito sa kuwarto mabuti na lang at naagapan ko bago pa nito tuluyang maisarado ang pinto ng kuwarto namin.

"Please hayaan mo akong magpaliwanag Raven." I said while stopping him from closing the door.

"Bitawan mo ang pinto LC." nanlamig ako sa pagsasalita nito wala na ang dating mahinahon at punong puno nang pagmamahal na boses ni Raven at dahil iyon sa akin.

"No Raven, we need to talk.... please." pagsusumamo ko dito.

"Let go of the godamn door LC." galit na nitong sinabi ngunit kahit anong pilit nito ay hindi ako pumayag kailangan namin mag-usap, kailangan niyang malaman na mahal na mahal ko siya.

"Sige magpaliwanag ka LC." malamig nitong tanong sa akin nang sa wakas ay binitawan na nito ang pinto.

Sinabi ko ngang kailangan namin mag-usap ngunit ngayong magkaharap na kami sa loob ng kuwarto ay hindi ko alam ang sasabihin ko habang nakatingin lang ako dito, parang sinasaksak nang libong libong punyal ang dibdib ko sa sakit na pilit nitong kinukubli.

Ilang minuto ang lumipas ngunit ni isang salita ay walang namutawi sa bibig ko habang tahimik lang na nakatingin sa binata.

"Totoo ba?" mapait nitong tanong at tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata nito, nakatingin ito sa akin nang may halong panunumbat.

Hindi ako makatingin nang diretso nang tinanong niya ang bagay na iyon, hindi ko kayang sabihin sa kanya nang diretso ang nagawa kong pagkakamali noon.

"Totoo bang niloko mo ako? Totoo bang.... binalak mo na akong iwan non dahil hindi mo na ako mahal?" gumagaralgal ang boses nito habang sinasabi ang bagay na iyon.

Hindi pa din ako makasagot sa mga tanong niya, paano mo ba sasabihin sa taong pinakamamahal mo na dumating sa punto na akala mo nawala na ang pag-ibig mo sa kanya.

"Sumagot ka LC! Totoo ba?!" nawala na ang composure nito at tuluyan nang humulagpos ang nararamdamang sama nang loob nito sa akin.

"To....to...o" paputol-putol kong sinabi dito at para akong mamatay sa nakikita kong emosyon sa mga mata ni Rave, pinaghalo-halong sakit, pait, rejection ang nakikita ko.

Scared To Death (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon