My Mom and His Mom

4.1K 151 12
                                    

Hello ulit hindi ko sure kung may pasok ba ako bukas or wala kasi naman pasaway ang hr hindi sinisigurado schedule namin for new employee orientation badtrip lang hehehehe

Hindi na natiis ni LC ang ginawang panghahamak nang Mommy niya sa taong minamahal niya kaya naman nasabi na niya ang katotohanan ngunit sa kasamaang palad ay hindi naniwala sa kanya ito.

Picture of Leonard Charles Aguilar on the right====>>>>>>

Song is Believe in Me by Demi Lovato

===============================================================================

CHAPTER TWENTY SEVEN

LC's Point of View

Saturday morning walang pasok, dapat mag aaout of town kami ni Raven ngayong araw na to ngunit nakatanggap ako ng tawag mula sa Mommy ni Robyn I mean Mommy ko pala na makipagkita dito.

Since pumayag ako sa gusto ni  Raven na itago ang katotohanan ay kailangan kong sanayin ang sarili kong magpanggap na si Robyn.

At ngayon nga ay patungo na ako sa restaurant sa The Fort kung saan nakikipag meet ang aking ina, hindi niya sinabi kung para saan basta sinabi lang nito na may importate kaming kailangan pag-usapan, hindi ko tuloy mapigilang isipan na baka tungkol ito sa pakikipaghiwalay ko kay Nadine tatlong araw na ang nakakalipas.

Habang naiisip ko si Nadine ay hindi ko mapigilang hindi maguilty sa nagawang kong pananakit dito, ngunit wala akong choice kung hindi gawin ang bagay na iyon para sa kapakanan ni Raven, actually ilang beses na ako nitong tinangkang kausapin ngunit hindi ko yata kayang harapin ito, sabihin nang duwag ako dahil totoo naman iyon.

Finally nakarating na din ako sa lugar na pinag-usapan namin at nang makapasok ako sa naturang restaurant ay agad kong nakita ang nakangiting mukha ng mommy ni Robyn.

"Hi mom." talagang naiilang ako habang sinasabi ko ang bagay na iyon ngunit parte pa din iyon nang pagpapanggap ko.

"Just about time Robyn parating na din ang kameeting natin for today." paliwanag nito sa akin, so ibig sabihin hindi ito tungkol kay Nadine.

"So kamusta ka na naman, matagal ka nang hindi dumadalaw sa amin nang Daddy mo ha." narinig kong sinabi nito na may konting pagtatampo.

"Alam niyo naman masyadong busy sa office dahil may tinatapos kaming project." paliwanang ko dito.

"Yeah I know, masyado lang talaga kitang namiss." natatawang sagot nito.

"By the way nasaan po si Daddy?" tanong ko naman nang maalala kong may Daddy pa pala si Robyn.

"Ayun kasama na naman ang mga kumpare niya sa paggogolf alam mo naman masyadong adik iyon sa golf." natatawa pa din nitong sinabi.

Nginitian ko na lang ito bilang sagot sa sinabi nito, nakita ko naman na lumipad ang tingin nito sa akin papunta sa likuran ko kaya naman dali dali akong lumingon at nanglaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang hinihintay nang Mommy ni Robyn.

"Rodora mabuti naman at dumating ka na." nakangiting bati nito sa bagong dating na ginang at kitang kita ko ang labis na pagtataka sa mukha nito habang palipat lipat ang tingin nito mula sa akin at sa mommy ni Robyn.

"Sorry kasalanan kasi ito nang driver ko." paliwanag nito ngunit nakatingin pa din sa akin.

"Wala iyon, by the way this is my son Robyn, Robyn this is Rodora Aguilar the wife of Alfredo Aguilar ang kausap nang Dad mo para sa negosyong balak itayo nang Dad mo." pagpapakilala nito sa amin.

Scared To Death (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon