Part Two of The Plan

3.4K 126 7
                                    

 Good morning guys since medyo nasa roll akong magdraft kaya tuloy tuloy natin ang pagdradraft hahahaha mga hanggang chapter fourty ang gagawin ko kaya pls pls subaybayan ninyo pa din hehehehe.

Picture of Raven David on the right======>>>>>>

Song is Ikaw at Ako by TJ Monterde

===============================================================================

CHAPTER THIRTY TWO

Raven's Point of View

Kita ko ang pagtataka sa reaksyon nito nang magpunta kami sa isang paliparan, ito kasi ang part two nang plano nang Mommy ni LC at mangibang bansa kami para hindi na kami magulo nang mga magulang ni Robyn, sa una ay tutol na tutol ako dahil hindi ko naman pinangarap na titira ako sa ibang bansa ngunit napaliwanagan ako na hinding hindi titigil ang mga magulang ni Robyn na guluhin kami at kung nasa Pilipinas kami ay mas madali para sa mga ito na matunton kami kaya kahit inisip ko na lang ang sitwasyon namin ni LC.

"Anong ginagawa natin dito?" nakakunot noong tanong nito sa akin nang nasa Naia Terminal na kami, kitang kita ko ang disgusto nito sa naiisip.

Ito na ang part two nang gustong mangyari nang Mommy ni LC ang umalis kami nang bansa para mahirapan ang mga magulang ni Robyn na sundan kami at gaya nga nang inaasahan ko ay hindi niya ang gustong mangyari nang Mommy nito.

"Gusto nang Mommy mo na mangibang bansa tayo at doon na muna tumira hanggang may banta sa kaligtasan mo." paliwanag ko dito na sinuklian naman nito nang marahas na pag-iling.

"Ayoko nandito ang mga trabaho natin at hindi ko hahayaan na magulo ang buhay natin nang dahil lang sa mga magulang ni Robyn, at hindi ko alam ang iniisip ni Mommy para isipin niyang papayag ako sa gusto niya, kaya ko ang sarili ko." ang matigas nitong sinabi.

Katulad nang inaasahan ko ay wala itong balak na pumayag sa kagustuhan nang ina, ganito talaga ang ugali ni LC ayaw na ayaw nitong napapangunahan ito, LC knows what he wants and knows how to get it, hindi ito sanay na may nagmamando dito.

"Do you love me?" tanong ko dito at kita ko ang pagkagulat ganun na din ang pagtataka nito sa tanong ko dahil out of nowehere ay basta basta ko na lang ito tinanong.

"God knows how much I love you Raven, kaya nga bumalik ako para sayo di ba?" nakangiti nitong sinabi habang nakahawak ang kanang kamay nito sa pisngi ko.

"And I love you too so much na nung bigla kang nawala ay para akong mamatay sa takot na baka hindi na ulit kita makita, natatakot ako na sandali lang ang naging pagsasama natin na babawiin ka din sa akin." naiiyak kong sinabi dito dahil iyon mismo ang nararamdaman ko.

Natigilan naman ito sa mga sinabi ko at halatang halata na naguguluhan ito sa mga nangyayari ngayon.

Gusto kong suportahan ka sa gusto mo ngunit hinding hindi na maalis sa akin ang takot na gumawa na naman sila nang paraan para ilayo ka nila sa akin, hindi ko na kaya ang takot na bumabalot dito kapag hindi kita nakikitang ligtas." pagpapatuloy ko sabay turo sa puso ko.

Patuloy lang ako sa pag-iyak dahil sa magkahalong takot at lungkot na malaman kong nawawala si LC sa akin parang ngayon lang talaga nag sink in ang chance na hindi ko na tuluyan makita ang taong pinakamamahal ko.

Mahigpit akong niyakap ni LC trying to calm me down ngunit sa ginawa nito ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko habang nakayakap din ako dito nang mahigpit, afraid of letting him go.

"I'm sorry kung nasaktan kita at napag-alala kita Raven, pangako ko sayong hinding hindi na mangyayari iyon." he said habang hinahalik halikan niya ang ibabaw nang ulo ko.

"Ok kung makakapagpatahimik nang loob mo ay ang mangibang bansa ay iyon ang gagawin natin." sinabi nito matapos ang ilang minuto nang pananahimik nito.

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko dito kaya agad akong tumingin dito nang diretso at kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata nito na sinabayan pa nang ngiti nito sa mga labi.

"Arrghhh." nagulat ako nang bigla itong sumigaw.

"May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ko dito sabay tingin kung may naging sugat ba ito ngunit agad naman ako nitong pinigilan.

"Walang masakit sa akin, hindi lang talaga kita mahindian kapag tinitignan kung paano mo ako tinignan kanina." sinabi nito na lalong nagpakunot sa noo.

"Hindi pa din kita maintindihan." pilit kong iniisip kung may kakaiba bang tingin akong binigay dito kanina.

"Gawin mo ulit ang tingin mo na binigay mo sa akin." utos nito at kahit naguguluhan ay pinilit kong gawin ang sinabi nito and again an inaudible sound escaped his lips at matapos noon ay hinuli nito ang bibig ko, he kissed me like he never kissed me before.

Kung anuman ibig nitong sabihin na tingin I would gladly do it again, kung makakaexperience ba naman ako nang ganitong halik mula dito ay pag-aaralan ko talaga ang tingin na iyon.

Katulad nang napag-usapan ay nakipagkita kami sa Mommy ni LC na si Tita Rodora eversince kasi na nalaman nitong nakabalik ang kanyang anak ay natutunan na ako nitong tanggapin.

"Katulad nang napagplanuhan ay mananatili muna kayo Malaysia para maiwasan ang mga plano nang mag-asawang Cervantes ayoko nang mangyari ito at kahit hindi ko gustong malayo ka sa akin ay kailangan natin itong gawin, mas gugustuhin ko pang malayo ka sa akin kaysa tuluyan kang mawala." madamdamin nitong sinabi sa anak, samantalang ako ay nasa gilid lang at nanonood sa kanila.

Kung nasaktan ako ay mas nasaktan si Tita Rodora nang mawala si LC, kaya naman alam kong malaking sakripisyo para dito ang hayaang malayo ang anak.

"Raven, ikaw na ang bahala sa anak ko doon ha, huwag na huwag mo siyang papabayaan." naluluha ito kita ko pero dahil nga medyo proud ang matandang babae ay pilit nitong nilalabanan ang nagbabantang luha sa mga mata nito.

"Huwag po kayong mag-alala Tita ako nang bahala sa anak ninyo." nakangiti kong pangako dito.

"I know......... and Raven.... thank you for saving my son." she said.

"Wala po iyon Tita, buhay ko na si LC at hinding hindi ko hahayaan na muli na namang mawala siya sa atin, hindi lang para sa akin kung hindi para na din sa pamilya ninyo." sinabi ko dito at hinayaan ko na lang na yakapin ako nito.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit dahil sa pagmamahal na binibigay nito sa anak, ganito siguro ang mayakap nang isang ina.

Matapos ang mga last minute na paalamanan ay nagpaalam na din kami dito lalo na't tinatawag na ang mga pasahero sa flight na magdadala sa amin si Malaysia.

Naisipan kasi nang Mommy ni LC na doon na lang muna kami dahil hindi maiisip nang Mommy ni Robyn na doon kami pupunta, marahil ay iisipin nila na nasa US kami o nasa ibang part nang Europe hindi nila maiisip na nasa Asia lang kami, maliban pa doon ay may negosyong ipapahawak sa binata kapag nakarating na kami sa Malaysia.

Ilang minuto na lang ay lilipad na ang flight namin, konting minuto na lang at tuluyan nang mawawala ang takot sa dibdib ko dahil hanggang nasa Pilipinas kami ay hindi ako makakaramdam nang kapanatagan nang loob sa takot na mahanap at mahuli na naman kami nang mga Cervantes.

"Nervous?" nakangiting tanong nito sa akin kasabay nang paghawak nito nang mahigpit sa kamay ko.

Nasa Business class kasi kami nang naturang eroplano na ito kung saan may sarili kami nang tinatawag nilang cocoon kung saan meron kaming personal Flight Stewardes.

"You don't have to worry, nandito lang ako at hinding hindi na ako mawawala sa piling mo." he said sincerely.

"I know and I'm happy that I'm with you at kahit saan pa ako magpunta basta kasama kita alam kong magiging maligaya ako." I said which awarded me with a kiss from him.

Natigil lang iyon nang marinig ko na ang boses nang piloto kasabay nang pagtake off nang eroplano, tuluyan nang nawala ang takot ko sa mga Cervantes nang nasa himpapawid na kami, pero panibagong kaba naman ang pumalit sa dibdib ko.

Ang walang kasiguraduhan na pagpunta namin sa Malaysia, hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin sa banyagang lugar na iyon.

Scared To Death (BoyxBoy)Where stories live. Discover now