Lucky ARMY (continuation)

By itsamaeziiing

13.2K 683 331

Annyeong! kung may readers man ang 'Lucky ARMY' by: MaeHyung95, hey it's me your author. This is my new accou... More

A/N:
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
A/N:
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
A/N:
Chapter 35
A/N:
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
PLEASE READ!
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 - Epilogue

Chapter 47

276 8 20
By itsamaeziiing

"Kakarating ko lang, I'm sorry I'm late"

Yung ngiting nakabakas sa mga labi ko ay biglang nawala nang marinig ko ang boses na yon.

Agad agad kong tinanggal ang mga kamay na tumatakip sa mata ko at humarap kaagad sa taong nasa likuran ko at hindi nga ako nagkakamali. Ang boses na yon sobrang pamilyar.

"Park Jimin" mahinang pagkabanggit ko ng kanyang pangalan na walang ibang emosyon kundi ang pagkagulat.

"Oh? Bakit kung maka-acting ka naman jan parang di mo alan na magkikita tayo ngayon? Sabagay dapat kasi i-cocontact muna kita kaso nakalimutan ko nagmadali na kasi ako papunta dito. Emergency kasi kanina pinatawag ako ni manager-nim kaya ayon na-late ako sa meet up natin. Sorry talaga Rae, babawi ako talaga. Tara kain na tayo?" Pagyaya nya naman sakin kasabay ng paghawak nya ng mahigpit sa kanang kamay ko as in yung hawak ng kamay namin ay ung hawakan ng kamay ng magkarelasyon. Tipong bawat daliri namin ay magkakadikit. Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil inaalala ko si Taehyung? Nasaan na sya? Paano kung makita nya kaming dalawa ni Jimin? Kinakabahan na ako.

"oh? Dalawang set pa talaga ang binili mo? Hindi halatang baliw na baliw ka samin ah" sabi nya nang may ngiti at nakatingin sa poster na hawak ko.

"Kung alam mo lang kung sinong nagbayad neto"

"Ha?" Tanong ni Jimin.

Nagulat naman ako diko namalayan na sinabi ko pala yon buti nalang mahina lang at di nya gaano narinig.

"A-ahm wala hehe." Sagot ko nalang.

"Rae, nagtatampo ka ba? Or kinakabahan? Please Rae, andito na ako oh sorry na please babawi ako. Gusto kong maging masaya ka naman bago ka man lang umuwi sa bahay nyo. Ihahatid pa kita so please ngumiti ka na."

Nagulat ako sa sinabi nya. Ako? Ihahatid nya? Nako delikado hinde!
"H-ha? Nako wag mo na ako ihatid delikado pa." Sagot ko sa kanya.

Nga pala hindi parin kami umaalis sa pwesto namin. Ayokong maglakad palayo dahil alam kong andito lang si Taehyung. Ayoko syang iwan. Alam kong andito lang sya.

"Delikado? Diba mas delikado kung ikaw lang mag-isa? Babae ka pa naman." Katuwiran nya.

"Alam mo, kahit babae ako, sanay na ako magpunta magcommute kung saan saan at wala namang pumapansin sakin. Nakapunta nga ako sa mall na to kahit ako lang mag-isa eh. Eh ikaw, idol ka, kilala ka ng lahat kaya once na may makapansin sayo edi mas delikado! Lalo na't magkasama tayo, mas mapupunta ka pa sa panganib for sure." Pagmamatigas ko.

ngumiti naman sya ng napakatamis aish ang cute nya nakakainis nawawala ung mata nya "oo na po Ms. Rae ang dami nyo na pong sinabi. Kung yan ang gusto mo susundin ko."

Ngumiti naman ako ng bahagya at hindi maiwasang tumingin tingin sa paligid upang makita si Taehyung, aish nasaan ka na ba taehyung!

"Ano? Ba't ka tumitingin tingin jan? Nagaalala ka ba baka may makarecognize sakin? Don't worry magiingat ako, lalo ka na. Iingatan kita." Pagsasalita nya, sinabi rin ni taehyung sakin yan kanina haynako.

"Ano? Let's go? Kain na tayo." Pagyayaya nya naman ulit sakin.

Wala na akong nagawa dahil humakbang na sya na hawak ang kamay ko kaya no choice sasama na ako baka kasi pag pinigilan ko pa lalo syang magtaka.

Taehyung kung nasaan ka man, hays ewan ko naaa!

"Rae?"

Dalawang hakbang palang ata ang natatapos ko nang marinig ko ang boses na iyon sa bandang likuran namin ni Jimin. Boses ni Taehyung yon! Hala!

Sabay kaming napatingin ni Jimin sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na yon at boom! Si taehyung nga! May bitbit na dalawang popcorn kung di ako nagkakamali sa akin ung isa.

Nakita ko ang reaksyon nyang gulat na gulat. Sh*t patay na.

"What are you doing here?" Nagulat ako sa sabay na pagtanong nilang dalawa sa isa't isa. Napalunok ako saglit at di makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Umalis naman si Jimin sa direksyon kung nasaan kami at hinarang nya ang kamay nya sakin dahilan para hindi ako sumunod at lumapit sya kay Taehyung.

JIMIN's POV

Maglalakad na sana kaming dalawa ni Rae nang bigla kong narinig ang boses ni Taehyung, kung di ako nagkakamali at pagharap ko, si Taehyung nga! Lintek anong ginagawa nya dito? Pinlano nya ba to? Hindi kaya narinig nya kami ni Rae na naguusap sa phone kahapon? Hindi kaya kinuntsaba nya si Jungkook kaya ganon ganon nalang ang pagmamadali ni jungkook kanina na pumunta kami sa office ni manager-nim?

Kaya siguro kanina iba ang reaction ni Rae at may hinahanap pero kung saan ko sya nakita, hindi naman doon ang usapan naming specific na lugar. Nung napansin ko ung poster nya? Narinig ko ung sinabi nya pinaulit ko lang kasi baka nagkamali lang ako ng rinig pero s-si taehyung ang nagbayad non?! Ngayon alam ko na! Kaya pala siguro sya hindi mapakali at parang may hinahanap parin ung mata nya noong naguusap kami dahil kay taehyung!

"What are you doing here?" Sabay naming tanong ni Taehyung. Lumapit ako sa kanya para makapagusap kami ng masinsinan at hindi ko na pinasunod si Rae.

TAEHYUNG's POV

Nung tumakbo ako papunta dito sa foodcourt ay agad agad akong pumunta sa bilihan ng popcorn, naisip ko kasing manood kami ni Rae ng sine sakto bago ako maghanap sa kanya ay nakita kong may magandang movie ngayon. Kaya pumila ako sa bilihan ng popcorn dito kaso inabot ako ng ilang minuto para makabili dahil ang haba ng pila. Bumili ako ng dalawa isa para sakin at syempre isa para sa kanya.

Nang makabili na ako ay agad akong nagmadaling maglakad lakad para hanapin sya nakita ko naman kaagad sya pero sino ung kasama nya? Ka-holding hands pa?

Nakita ko ang suot nung lalaki. Bigla kong naalala! Ganun na ganun ang suot ni Jimin! Agad akong lumapit sa dalawa at isinigaw ang pangalan ni Rae.

Nung lumingon silang dalawa hindi nga ako nagkakamali, si Rae at Jimin magkasama?! Akala ko ba hindi na makakapunta itong Jimin na to? Jusko naman jungkoooook!

"What are you doing here?" Sabay naming tanong sa isa't isa. Syempre dapat kunwari di ko alam na andito pala sya.

Lumapit naman sya sakin na parang gulat na gulat at nakakunot din ang noo.

"Ikaw? Ikaw ang dapat sumagot, anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin. Aba't sya pa ang matapang ha? Sya na nga may kasalanan sya pa may ganang magpakapal ng mukha! Sasagutin ko tanong mo.

"Hindi ba't tayong dalawa ang may karapatang sumagot nyan? Pero sige ako muna, naboring kasi ako kanina kaya napagdesisyunan kong gumala muna dito sa mall at-"

"At ano?!" Nakakunot na noo nya. Aish hahaha.

"Accidentally nakita ko si Rae, nah! Nagkabungguan pala kami. Iritang irita pa nga sya kanina eh. Hahaha pero nung nakita nya na ung mukha ko, sobrang saya nya. Niyakap nya pa ako. Tinanong ko sya kung anong ginagawa nya dito and then parang nag-iba ung timpla ng mga tingin nya bigla syang nagiwas ng tingin sakin, pero sinagot nya naman ako na sabi nyang may meet up daw sya with her friend. Kaya naisip ko na yayain muna sya since wala pa naman ung friend nya and for sure cocontactin naman sya nung friend na yun kung sakaling andito na sya diba? Para makapagbonding din kami." Sagot ko sa kanya na may ngiti sa aking labi. Bakas na bakas naman na sa mukha nya ang pagkainis. Alam kong konting konti nalang magagalit na to. Diba dapat ako ang magalit eh ba't parang nagkabaliktad ata kami?

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Dagdag ko pa sa kanya.

"I-i'm just bored kaya pumunta ako dito." Maikling sagot nya.

"What? Bored? Eh diba? May pinapagawa sa inyo si manager-nim? Paano ka pa mabobored non?" Tanong ko.

"Actually, bago ko pa man malaman na may ipapagawa si manager-nim paalis na dapat ako diba? Ayun ung time na bored ako at napagdesisyunan kong umalis muna kaso ayun, bigla palang may emergency." Hindi mapakali ung mga mata nya habang nagsasalita.

"Ha? Kung bored ka lang naman, hindi ka magmamadaling umalis. Eh kanina akala mo may schedule na pupuntahan at parang male-late eh." Sagot ko sa kanya syempre dapat nakangiti parin.

"Kung bored ka nga talaga, eh bakit di mo nalang ako niyaya o kahit sinong ka-member natin? Edi nadagdagan naman ung bonding moments natin dito sa pinas diba? Oh baka naman ikaw talaga ung kameet-up ni Rae? At pagkakita ko pa sa inyong dalawa dito mukha kang nagmamadali?" Dagdag ko pa ulit.

"Alam mo? Maigi pa? Umalis ka na!" Sagot nya sakin bigla? Ang galing ah? Kapal talaga kung wala lang kami sa public place at wala si Rae dito baka kanina pa ko nagiskandalo. Kaso maraming tao at baka may makakilala pa saming dalawa.

"So tama nga? Ikaw ang kameet-up ni Rae dito?" Tanong ko sa kanya na nagpipigil na ng galit. Hawak hawak ko parin tong dalawang popcorn sa kamay ko. Gustong gusto ko ibuhos sa kanya kaso ayoko nga magiskandalo. Mamaya nalang pag-uwi.

Magsasalita na sana si Jimin kaso bigla naming napansin na nandito na pala si Rae sa tabi namin.

"U-uhm, sorry pansin ko kasing nagkakagulo kayo dito? nakakagulo ba ako? Sorry, mauna nalang ako." Ha? Wag!!

"NO!" sabay naming sagot ni Jimin. At nagkatinginan naman kaming dalawa. Bwiset ka talaga.

Bakas naman ang pagkagulat sa reaction ni Rae.

"Dito ka lang." Dagdag naman neto ni Jimin. Napaka-epal. Kapal ng mukhang gawin nya to sa harap ko pa talaga. Galit na galit na ko sa totoo lang.

Nagkatinginan naman kaagad kami ni Jimin at nginitian ko lang sya "what if? Magbonding nalang tayong tatlo?" Pagyayaya ko, mas maigi na yon para mabantayan ko rin mga galaw ni Jimin akala nya siguro maiisahan nya ako? HAHAHA! Napatingin naman silang dalawa sakin at pagtataka rin ang mababakas sa mukha ng unanong to.

"Rae? Hindi pa ba nagmemessage ung friend mo?" Tanong ko sa kanya at kita ko namang nagulat sya don, well di nya naman kasi sinabi sakin na si Jimin na pala kameet up nya. Kaya dapat magsilbi lang ako na walang alam kunware.

"I guess hindi pa, tara nood tayo movie? Eto popcorn for you. Ibibili lang kita ng ticket. Uhm Jimin, since hindi mo naman sinabing pupunta ka, naisabay na sana kita, bili ka nalang ng snacks mo? Tapos mauuna na kami sa bilihan ng ticket? Isasabay na kita bayaran mo nalang ako mamaya." Pag ngiti ko sa kanya.

"No, hindi naman ako gutom. Sasabay na ako sa inyo bumili ng ticket." Sagot nya naman sakin.

"Are you sure?" Tanong ko sa kanya.

"Yea" tipid nyang sagot.

"Tara na?" Pagyayaya ni Rae sa amin. Nauna na syang naglakad at naiwan kami ni Jimin.

"If you wanna see Rae smiling happily  before this day ends, we should act like there's no problem between us." Bulong ko dito sa unanong to at nagsimula nang maglakad.

Continue Reading

You'll Also Like

57.8K 2.8K 62
[WILL BE REVISED SOON] "True love will find you no matter what.."
1.2K 64 18
"I love you..." "I hate you." ...
15.2K 621 37
9 brothers who always fought of their youngest sibling jungkook who is depressed because of their fighting and 9 princesses who were fairies who are...
1.4K 21 2
Somin is a half human half vampire hybrid who grows to be 16 in the span of 5 years. Her parents passed on the day she was born, causing her to live...