Beauty and the Demon

By supladdict

3M 123K 28.5K

(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every g... More

Simula
Author's Note
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Huling Kabanata
Epilogue

Kabanata 38

49.5K 2.1K 367
By supladdict

Eyes

He's dead. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa katotohanan na 'yon. Hindi ko mapangalanan kung ano ang itatawag sa puwang na nararamdaman ko sa puso ko. He became part of me. I loved him. Siya 'yung unang nagparamdam sa akin nang ibang klase na pagmamahal at siya rin 'yung sinaktan ako na dumating sa puntong durog na durog ako.

Kung wala na talaga siya, ibig din bang sabihin no'n ay hindi siya ang aking mate? Dahil kung siya, dapat matagal na akong wala. But is it even possible to love someone who's not your mate?

"Imposible yata 'yan, kuya. Why I am still alive?"

"Is he even your mate, Pat?" Sinulyapan niya ako at muling binalik ang tingin sa daan.

Malalim akong nag-isip. Bakit tila hindi 'yon matanggap ng isip ko. And why my heart is aching now? Bakit may ibang sakit itong nararanasan ngayon.

"Or if he's really your mate.." he clenched his jaw as he started to park the car. "Maybe we are exempted on the rule. Hindi ko rin alam, Pat. Ngunit base sa nakwento sa akin ay hindi tayo purong bampira. At ramdam ko rin na hindi bampira ang lalakeng 'yon."

Tila may bumagsak na pag-asa sa kalooban ko. Hindi ko maintindihan 'yon ngunit may tila traydor na pakiramdam sa aking puso. I am mad at him, sa mga sinabi niya noon sa akin patungkol sa anak namin. Kaya hindi ko dapat ito maramdaman.

Sa mga sumunod na linggo ay palagi iyon na bumabagabag sa akin. Iniisip ko na lang na normal lang ang sekretong pagdadalamhati ng aking katauhan dahil siya ang una kong minahal maliban sa aking pamilya. Sa tuwing nakikita ko si Gabril ay nakakaramdam din ako ng sakit dahil alam ko na wala na siyang pagkakataon na makita ang kaniyang tunay na ama. Though for now, ang alam niyang ama niya ay si kuya Dustin. Nais ko man na baguhin na iyon at sabihin ang totoo ngunit duwag ako. Natatakot ako na makita siyang umiiyak at nasasaktan kapag nalamann niyang hindi si kuya ang ama niya, and worst, that his real father is dead.

Papayag na akong tawagin na sinungaling kung katumbas nito ay kasiyahan ng anak ko. Hindi ko mahanap ang tamang tiyempo para sabihin sa kaniya ang totoo dahil takot ako. Duwag ako at mahina. Sa ngayon ay walang ginagawa kung hindi sumabay sa daloy ng mga pangyayari.

Ilang linggo pa ang lumipas at pumapasok na rin si Gabril sa pre-school. Doon ko na siya pinapasok sa paaralan kung saan nagtatrabaho si kuya. Maganda rin doon. Maayos ang lugar at mas panatag ako dahil malapit lamang siya kay kuya.

Ako na rin ang sumusundo sa kaniya mula sa trabaho at habang wala pa ako ay roon siya nananatili kay kuya dahil sakto rin na bakante siya at hindi nagtuturo sa mga oras na 'yon. Sa tuwing madadatnan ko siya ay napakasaya niya habang kasama si kuya.

"Uuwi ka na?" Nakangiting tanong sa akin ni Maricon. Tumango ako at nagmamadali na inayos ang mga gamit. "Pumasok si Gab?"

"Oo, Maricon. Susunduin ko siya ngayon," saad ko.

"Ay! Sige na. Mag-ingat!" Aniya. Kumaway ako sa kaniya at mabilis na naglakad paalis. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lazaro ngunit kinawayan ko na lamang siya at 'di na pinansin pa.

Habang nasa jeep ay binuksan ko ang aking cellphone. Hindi kasi namin ito maaaring gamitin habang nasa oras ng trabaho. Agad kong binuksan ang mensahe na galing kay kuya nang makita iyon sa notification ko.

From: Kuya

'Pat, I left Gabril to the playground inside the school. Don't worry, may nagbabantay sa mga bata na naroon. There's an emergency that I need to attend. I'm sorry but I assure you that he's safe. '

Kumunot ang noo ko. The message was 40 minutes ago. I sighed at halos gustuhin nang lumipad patungo roon. I'm assured naman dahil maganda rin ang quality ng security doon at totoo na may bantay ang mga bata. And I trust Gabril, mas kaya niya ang sarili niya kumpara sa mga normal na bata. Ngunit 'di rin mawala sa akin ang pag-aalala.

Nang makarating ay agad kong pinuntahan ang playground. Doon ay nakita ko ang anak ko na nakaupo sa isang tabi at nanonood sa mga batang naglalaro. Agad ko siyang nilapitan at umupo sa tabi niya.

"Hi!" Bati ko. Tiningala niya ako at ngumiti nang bahagya nang makita ako. Kumapit siya sa braso ko saka humikab.

"Let's go home, Momma." Aniya. Tila kinurot naman ang puso ko nang makita ang pagod at antok sa mata niya. Agad ko siyang binuhat at niyakap nang mahigpit.

"Okay, baby."

"I miss you, Momma," aniya. My heart melt again.

"I miss you too. Are you hungry?" tanong ko. Umiling siya.

"Pinakain ako ni Papa bago siya umalis," saad niya. He pouted when I kissed him on his forehead.

Pagkarating sa bahay ay binihisan ko siya at inihiga na sa kama upang magpahinga. I softly tapped his thigh as I hummed songs for him. Kinusot-kusot niya ang mata at tumitig sa akin.

"Momma, my classmates mocked me."

Agad naman akong naalerto at tumitig sa kaniya.

"Why, baby?" tanong ko.

"Hindi raw nakatira dito si Papa sa atin. Sa kanila raw, magkasama. Hindi raw ako love pati ikaw. But hindi ako nag-cry. I just stared at them. Kasi alam kong love tayo Papa."

Umawang ang labi ko at halos maluha nang makita ang lungkot sa mata niya. Ang sakit-sakit para sa akin na makita na pinipigilan nang isang bata na katulad niya ang totoong emosyon, just to let me see that he's strong.

"Baby.."

"Pero bakit po pala, Momma? Bakit sila buo, bakit tayo hindi?"

And I am frozen on my spot again. We stared at each other. Siya ay naghihintay ng sagot at ako naman ay gulong-gulo ang isip kung ano ang sasabihin sa kaniya. Pinilit kong kumalma at hinaplos ang mukha niya kahit nanginginig ang aking kamay.

"Baby, there are families that stays together at meron ding hindi. Dahil sa iba't ibang dahilan. B-but rest assured that Azriel loves you," tanging nasabi ko. Nakatitig lamang siya sa akin, halatang nakulangan sa sinabi ko ngunit tumango na lamang siya at pumikit na.

Agad kong pinunasan ang mga dumadaloy na luha. I am really so lucky sa anak ko. He has this mature side. Marami na akong pagkakamali sa kaniya. Alam kong nararamdaman niya na marami siyang dapat malaman ngunit kaya niya 'yon kontrolin at panatilihin sa isip niya dahil iniisip niya ako. Nakahihiya na mas marunong pa yata siya kesa sa akin.

Naging maayos ang pagpasok ni Gabril sa paaralan. Lagi siyang masigla sa tuwing hinahatid ko sa paaralan. Sa araw na 'to ay agad ko siyang nasundo sa oras ng uwian niya dahil wala akong pasok ngayon. Nagdarasal na sila nang dumating ako sa harap ng silid aralan nila. Maya-maya pa ay nagtakbuhan na ang mga bata at kaniya-kaniyang punta sa kanilang mga sundo.

Pinanood ko ang pagsukbit ni Gabril sa kaniyang bag at paglabas ng pinto.

"Hi!" Maligayang bati ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya at halatang nabigla.

"Momma!" He excitedly hug my waist. Yumuko ako para yakapin siya pabalik at pinugpog ng halik ang kaniyang mukha.

"How's your day, baby?" I asked. He smiled widely.

"Very good, Momma. It's great."

"Mrs. Alejo?"

Magsasalita sana ako nang may tumawag sa apelyido na ginagamit ko. Agad kong nginitian ang guro ni Gabril na ngayon ay mabait na nakangiti rin.

"Yes, Maam."

"You're his mother, right?" Tumango ako at sinulyapan si Gabril na tumitingin-tingin sa paligid. "May I talk to you for a minute?" She softly asked. Agad naman akong tumango at pinakawalan muna ang aking anak patungo sa playground. Tinanaw ko siya at nakitang nakaupo at tahimik na nanonood sa mga kapwa bata.

"May problema po ba sa anak ko, Maam?" Nahihiya kong tanong nang maisip na baka napakakulit niya. Naalala ko kung gaano siya kakulit sa bahay at kapilyo.

Umiling siya at bumuntong hininga.

"Honestly, he's very behave. Kapag may pinapagawa ako, lagi siyang nangunguna. Mataas lagi ang marka niya sa mga activities. But one thing, he's overly quiet, Mrs. Alejo. And I am bothered, hindi kasi normal. Kahit kinakausap siya ay yuyuko lang siya at titingin sa malayo. Even me. Nakikinig lang siya pero hindi nakikipagparticipate kapag may oral actitvites."

Kumunot ang noo ko at napailing, "I think that is not my son, Maam. Sa bahay po ay napakakulit niya at ingay. Baka po nagkakamali kayo."

Huminga siya nang malalim at umiling.

"Hindi po ako nagkakamali. Bukod tangi siya at mabilis maalala dahil na rin sa advanced niyang talino. Mabilis siyang matuto at nakatutuwa 'yon. Ngunit may problema siya sa pakikipag-socialize. And it is really disturbing. Kaya kinausap kita ngayon dahil alam kong ikaw ang may kakayahan para mabago 'yon, para malaman kung ano ang sanhi noon."

'Di na ako nakapagsalita at tinanaw ang aking anak. I noticed the kids on the playground. Ang iba ay hindi magkakakilala ngunit nakikipaglaro pa rin sila sa isa't isa. While my son, he's just sitting and watching them. Seryoso ang mukha at tila malalim ang iniisip.

Nagpaalam ako at nagpasalamat sa kaniyang teachet bago tinungo si Gabril. Agad siyang nag-angat ng tingin at awtomatikong ngumiti. Ano kaya ang problema ng anak ko?

"Momma, dadaan tayo kay Papa?" Masaya niyang tanong. Agad akong tumango.

Humawak siya sa kamay ko at tumayo para umalis. Nang dinala ko siya kay kuya ay napakakulit niya rin. Kaya hindi ko maisip ang sinasabi ng kaniyang guro. Mukhang malabo na maging sobrang tahimik siya. He maybe quiet sometimes, ngunit hindi katulad ng sinasabi ng kaniyang teacher. Kinabahan pa nga ako kanina dahil naisip ko na baka naging pilyo siya sa klase at nambubully. But it turns out na iba ang nangyayari.

"Gabril, may I talk to you?" Panimula ko bago kami matulog.

Niyakap niya ang unan at sumiksik sa akin saka tumango.

"Sige," aniya.

"Ayos lang ba sayo ang pumasok sa school?" Tanong ko. Ngumuso siya at tumango.

"Yes, Momma. But sometimes, it is boring. Pag may topic kami, tumatagal kami ro'n because of my classmates. I don't understand them, Momma. I can get it immediately, isang sabi lang ni chicher, pero sila, matagal. It is just so easy."

I sighed and ran my fingers through his hair. Hinaplos ko rin ang kaniyang pisngi.

"Just have a patience, anak. Iba-iba kasi kayo ng bilis ng pagkatuto."

Ngumuso siya muli at tumango. Napangiti ako nang sinuklay-suklay niya ang aking buhok at hinaplos-haplos ang aking pisngi. Naglalambing na naman siya. Ngunit nawala ang ngiti ko nang maalala ang dahilan ng pag-uusap namin. Huminga ako nang malalim at hinagkan siya sa noo.

"Gabril, anak.."

"Hmm?" sagot niya habang abala sa paglalaro sa buhok ko. Kunot pa ang kaniyang noo na tila seryosong-seryoso sa ginagawa.

"Your teacher talked to me.." sinulyapan niya lang ako sandali at braso ko naman ang kinurot-kurot. "She told me that you're very quiet on class. Hindi ka nakikipag-usap sa kanila, hindi ka sumasagot kapag kinakausap. Why is that, baby?" Kalmado kong saad.

Natigil siya sa ginagawa at sumulyap sa akin bago yumuko. Ang maliliit na naman niyang kamay ang pinagdiskitahan niya na para bang 'yon ang pinaka-interesanteng bagay sa mundo. Pinisil-pisil niya ang palad at ngumuso.

"Gabril?" bulong ko.

"Momma.." he whispered.

"Ano ang problema?" Sinuklay ko ang makapal niyang buhok.

"I—I just feel that I don't belong there, Momma."

"Explain it to me, anak."

"Kapag ikaw naman, si Yaya Fleur at si Papa kasama ko, ayos lang. Kahit ibang kasama natin dito sa vill po. Pero pag nasa school na ako, iba feeling ko po. Pakiramdam ko 'di nila ako katulad. And it feel sad. 'Di ko po alam bakit," seryosong saad niya. May bahid din ng lungkot ang kaniyang mata.

"Inaaway ka ba nila?"

"Hindi po, isang beses lang at lagi nila akong pilit na sali sa laro nila. But I don't want to because they feel different. It's draining, Momma."

Pinilit kong ngumiti bago tumango. Hinila ko siya nang mas malapit sa akin saka niyakap at hinaplos-haplos ang ulo.

"Tulog na baby," saad ko. Humikab siya at tumango.

"Momma, pampam mo 'ko."

Agad ko naman siyang tinapik-tapik sa hita nang malambing hanggang sa makatulog siya. I stared on his face. Narito na naman ang awa ko para sa anak ko. May naiisip na akong dahilan kung bakit gano'n ang nararamdaman niya. Maaaring dahil sa hindi siya tao katulad ng mga nakapalibot sa kaniya sa paaralan na 'yon. Hindi niya alam ang tungkol do'n at mukhang humahanap ng paraan ang katawan niya para maging aware siya do'n. At nahihirapan siya. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. I sighed again.

"Maricon, ano 'to?" Naguguluhang saad ko nang makita ang magulong record ng isang guest. Agad naman siyang lumapit at tumitig sa monitor.

"Ah, ayan. Nag-eextend daw kasi siya. Pabago-bago kaya nagkaganiyan. Ang alam ko tuwang-tuwa si Mitch sa guest na 'yan eh," humagikhik siya at bumalik sa pagsusulat.

I nodded and take note of that. Pinasadahan ko ng tingin ang mga oras ng guest, kung may mga kelangan na bang mag check out.

Akmang tatawag ako upang magbigay ng wake up call nang may tumawag na sa telepono. I waited for the third ring before answering it.

"Good morning, I'm Celestia of front desk, how may I help you?"

Kumunot ang noo ko nang walang sumagot. Ngunit naririnig ko ang mahinang paghinga.

"Hello?"

Maya-maya pa ay binaba na ang telepono. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba. Pinindot ko ang call back upang makita kung ano ang number ng telepono at agad na pinatay. Hinanap ko sa listahan kung saang kwarto naroon ang number.

"Room 716.." I mumbled. "May tao ba sa room 716, Maricon? O, si Lazaro na naman 'to?" Tanong ko.

Sandali siyang nag-isip at napatango nang naalala na.

"May tao riyan. Diyan 'yung kanina mo lang tinanong. 'Yong nag-eextend. Bakit?" Tanong niya. Bumuntong-hininga ako at tumango.

"Wala naman. Tumawag kasi tapos hindi nagsalita at pinatay na ang tawag."

She laughed, "baka nakalimutan ang sasabihin no'ng narinig ang maganda mong boses!" saad niya at napailing-iling.

Napanguso ako at hindi na sumagot.

Nang magtanghalian ay sabay na naman kami ni Lazaro. Ngunit simula ng araw na 'to ay hindi na ako mapalagay. Tingin ako nang tingin sa paligid dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

Naglalakad na kami at nasa harap na ng hotel nang bigla akong tumingala at tinignan ang isa sa mga bintana sa taas na banda ng hotel. Naroon na naman ang pakiramdam ng may nagmamasid. Awtomatikong mas luminaw ang paningin ko at malinaw na nakita ang paggalaw ng kurtina sa isa sa bintana sa ika-pitong palapag. Natigilan ako at tumitig do'n.

"Celestia?" Tawag sa akin ni Lazaro, nagtatakha sa biglaan kong pagtigil.

"May problema ba?" Tanong niya nang 'di ako sumagot. Napakurap ako at pilit na ngumiti saka umiling.

"Let's go," saad ko at nanguna na sa pagpasok sa hotel.

Hindi nagtapos ang kakaibang pakiramdam na 'yon. Sa mga sumunod na araw ay gano'n pa rin kaya naman hindi ako mapalagay kapag nasa trabaho. Pakiramdam ko sa bawat galaw ko ay may matang nakamasid. I can't help but to be more paranoid as day passes. At alam kong may mali talaga. I'm not just assuming something.

"Gabril!"

Masayang tawag ko sa aking anak na ngayon ay tila may hinahanap. Agad siyang tumakbo nang makita ako saka yumakap at humalik sa akin. Inayos ko ang kaniyang bahagyang gusot na uniporme saka pinasadahan ang kaniyang buhok.

"How's school, anak?" Tanong ko.

"Fine, Momma." saad niya at muling luminga sa paligid.

"May hinahanap ka?" Tanong ko. Tumango siya at napakamot sa pisngi.

"I'm looking for Nana!" Aniya. Agad na kumunot ang aking noo at lumuhod sa kaniyang harapan. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinitigan sa mata.

"Who's Nana?" tanong ko. He smiled at me.

"She's my lady friend. Lagi niya ako kausap kapag uwian na at wala ka pa o kaya Papa."

Naalarma naman ako sa kaniyang sinabi.

"She's a student here? A teacher?" Malumanay kong tanong. Agad siyang umiling.

"No, Momma. She's not wearing a uniform. Simpleng damit lang po and a— a, I forgot what is it.." tumingin siya sa malayo at pilit na inalala ang kaniyang nakalimutan. Ako naman ay luminga sa paligid. Wala naman akong kakaibang nararamdaman.

"A cloak! A cloak, Momma."

Nanlaki ang mata ko. Iba ang pakiramdam ko sa bagay na 'yon. Cloak isn't a trend here in human world. Walang gumagamit no'n dito. What if...

"Kelan pa?" Tanong ko.

"Why Mom—"

"Kelan pa, Gabril!?" Bahagyang tumaas ang boses ko. Nabigla siya at nag-aalangan na sumagot.

"Last week p—"

"Last week? Last week pa at ngayon mo lang sinabi!?" Inalog ko siya at pinanlakihan ng mata. Last week pa? At wala akong kaalam-alam. "You didn't bother to tell me, Gabril? Paano kung may nangyari sayo? Wala akong kaalam-alam!" Galit na galit na saad ko. Humigpit ang hawak ko sa kaniya sa panggigigil nang maraming senaryo na pumasok sa isip ko.

"Nasasaktan ako, Momma!" Galit niyang saad at pilit na inalis ang hawak ko sa balikat niya.

"Bakit 'di mo sinabi sa akin ang bagay na 'yon!? Ina mo ako Gabril, and I told you that everything that is happening to you, lalo na sa labas ay sasabihin mo sa akin! Pero anong ginawa mo!?" naghehestiryang saad ko.

"Momma!"

Natigilan na lang ako nang umiyak siya sa harap ko. Umawang ang labi ko at natauhan nang makita siyang pulang-pula at puno na ng luha ang mukha. Agad kong niluwagan ang hawak sa balikat niya at dahan-dahan iyon na minasahe. Bigla ay nakaramdam ako ng sakit nang mapagtanto ang nagawa sa anak. I was hysterical. Sandali akong napapikit at tinignan muli si Gabril na grabe na ang pag-iyak.

"Gabril.." bulong ko. "Sorry," saad ko. Habang umiiyak ay tinignan niya lang ako habang kunot ang noo at masama ang loob. Nabigla ako nang tumakbo siya. Akala ko ay kung saan pupunta, kay kuya lang pala na kadarating lang.

Agad siyang niyakap ni kuya at kinarga. He looked at me, asking what happened to my son. Ngunit 'di ako makasagot dahil sa halong panghihina, lungkot at galit sa sarili dahil sa nagawa.

Hindi rin nagtagal ay nakatulog si Gabril. Napagpasyahan ko na umuwi na kami. Nais sana kaming ihatid ni kuya ngunit tinanggihan ko. Sumakay kami sa tricycle na buhat ko lang si Gabril at pinagmamasdan ko siyang natutulog. A tear fell from his eyes na agad kong pinunasan. Ito ang unang beses na nakita niya akong gano'n kagalit. Nasaktan ko pa siya. I sighed and hugged him tight. Hindi mawala sa isip ko ang umiiyak niyang hitsura kanina. May halong takot, lungkot at sama ng loob. Marahil ay nabigla rin siya because I'm always gentle to him.

Napapagalitan ko siya ngunit hindi tulad nang kanina. At nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang naging reaksyon niya. Lalo na ang nararamdaman niya.

Malungkot akong pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto. Si Fleur ay pinagmamasdan lang akong bihisan at punasan nang dahan-dahan ang tulog na si Gabril. Nang matapos ay tinitigan ko siya at paulit-ulit na hinalikan.

Kinabukasan ay ako ang huling nagising. Nag-ayos ako nang sarili at agad na lumabas ng kwarto. I saw Gabril coloring the animals on his coloring books. Natameme ako nang makita siyang kunot ang noo at seryoso sa kaniyang ginagawa.

"Good morning, ate!" Bati sa akin ni Fleur. Nilagay niya ang baso na may gatas sa harap ni Gabril.

"Good morning Fleur. May breakfast na?" Tanong ko at sinulyapan si Gabril na hindi ako pinapansin.

"Matatapos pa lang 'te, teka lang." Agad siyang bumalik sa kusina para tapusin ang ginagawa.

"Good morning, Gabril." Mahinang bati ko. Nakita ko ang pagnguso niya. Akala ko ay hindi na siya sasagot.

"Good morning din," kaswal na saad niya. I made a face mentally. Akala mo binata na, nakadiaper pa rin naman.

Nag-umagahan kami nang 'di niya ako pinapansin. Kapag may kailangan siya ay puro si Fleur ang tinatawag niya. Napanguso ako at bumuntong-hininga saka binilisan ang pagkain.

"Fleur, aalis na ako. Ikaw na bahala kay Gab mamaya, ah." Saad ko. Nakangiti naman siyang tumango. Sinulyapan ko si Gab na naabutan kong tumingin sa akin ngunit agad ding bumalik sa paglalaro.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Hindi man lang niya ako nilingon.

"Gab, aalis na si Momma. Enjoy your school, okay? H'wag makikipag-usap sa strangers and wait for me. Ako lang ang susundo sayo, wala ng iba. Kay Papa Dustin lang o sa 'kin. Okay?" saad ko. Nakanguso siyang tumango. I sighed and kissed him on his cheeks.

"And Momma is really sorry. I love you, baby."

Wala siyang sinabi kaya mabigat ang loob ko nang umalis ako.

Habang nasa trabaho ay wala akong inisip kung hindi si Gabril. Maya't maya rin ang pagtingin ko sa oras. Kaya nang matapos ang trabaho ay agad akong umalis para tumungo sa school. Kaya gano'n na lang ang pagkataranta ko nang makita na wala siya sa laging pinaghihintayan niya sa amin ni kuya.

"Ma'am, napansin niyo po ba ang anak ko? Si Matheus Gabril Alejo po?" Tarantang tanong ko sa kaniyang teacher.

Sumulyap siya sa playground at mukhang nag-aalala na rin.

"Calm down, Mrs. He's behave and smart. Napuntahan niyo na po ba kay Sir Azriel?"

Naluluha akong tumango. Wala do'n si Azriel at ang text niya sa akin ay hindi siya pumasok ngayon. Knowing Gabril, kapag wala si kuya, maghihintay siya sa akin. Agad kong kinusot ang mata at nilibot ang tingin sa playground. Hindi ko talaga siya makita.

Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang text nang may dumating galing kay Fleur.

From: Fleur

'Ate nandito po si Gabril, mag-isang umuwi. Umuwi ka na agad ate, please.'

Tarantang nagpaalam ako sa teacher ni Gab at sumakay ng tricycle pauwi. Nakahinga ako nang maluwag sa kaisipan na nasa bahay siya. Kailangan kong ikalma ang sarili ko at kailangan ko rin siyang pagsabihan na hindi tama ang ginawa niya. Hindi tamang umuwi siyang mag-isa at iniwan ako na halos mabaliw-baliw na.

Agad akong pumasok sa bahay.

"Gabril!" Tawag ko sa kaniya.

"Ate—" humarang sa akin si Fleur na ngayon ay umiiyak. Agad ko siyang hinawakan nang nag-aalala.

"Fleur, bakit ka umiiyak? Anong problema?" Kinakabahan kong tanong.

"Si Gabril.." hikbi niya. Lalong dumagundong ang kaba at naging takot na. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at agad na hinanap ang anak.

"Gabril!" I called him by his name. At doon ko siya natagpuan sa kwarto.

Agad ko siyang nilapitan at natigilan nang makita na umiiyak siya. Ngunit ngayon ay tahimik, walang ingay na lumalabas sa kaniyang bibig. Masaganang luha lamang habang kuyom na kuyom ang dalawang kamao.

"Gabril, anak, what's the problem?" Mahina kong tanong. Kinabahan ako nang makita ang galit, sakit at lungkot sa mata niya. I also checked him if he's hurt or what. Ngunit mabuti na lang ay wala.

"What's the problem, anak?"

I am bothered by the madness that I can see on his eyes. Hindi ito karapat-dapat sa mata ng isang batang katulad niya.

"Dustin.." he murmured. "Is it true that I'm not his son?" tanong niya.

Nablangko ako sa tanong niya. Hindi ko iyon inaasahan.

"G-gabril.."

"Totoo ba 'yon, Momma?" Tanong niya. Nagsimula siyang humikbi at umiyak nang dapat sa edad niya. "Hindi ko papa si Papa Dustin?"

"Anak," nagsimula na rin akong umiyak.

"Hindi ko siya papa at wala akong papa kasi hindi niya ako love. Kasi kung love niya ako dapat nandito siya kasama natin."

Lumala ang pag-iyak ko. Niyakap ko siya at kahit lumalayo siya ay 'di ako nagpatinag.

"You lied to me! You lied to me, Momma. And it hurts," he cried.

"I'm sorry, baby. Please.." I cried.

"My true Papa doesn't love me, right? Why Mama? Why? Hindi ba ako dapat mahalin?"

"No!" Humagulhol ako at niyakap siya nang mas mahigpit. "Hindi, anak. You deserve to be loved. You deserve everything. I'm sorry, baby."

"But Mrs. Tyler told me that. Kaya raw siguro ako 'di mahal ng papa ko kasi abnormal daw ako. I'm a weirdo," he whimpered and cried even more. Kahit grabe din ang pag-iyak ko ay tinitigan ko siya.

"Who's Mrs. Tyler?"

"My classmate's mom. She's the one who told me that Dustin isn't my Papa."

Niyakap ko siya at hinagod ang likod. I mentally noted that name. But my priority now is my son who's very hurt. Grabe ang pag-iyak niya at napakasakit no'n sa akin. Lalo na at ako rin ang dahilan kung bakit labis siyang nasasaktan. Dahil sa kasinungalingan na hinayaan kong paniwalaan niya.

Kinabukasan ay pumasok pa rin si Gabril. Hindi ko sana siya pinapapasok dahil alam kong nasasaktan pa siya. It may not physically, but it is emotionally that's why it is worse. Maaga rin akong dumating upang sunduin siya at pinagmasdan ang mga naroon. Karamihan ay mga yaya ang sumusundo sa bata. Napansin ko ang isang Nanay na tingin nang tingin sa akin. Siya rin ang masama ang tingin sa akin noon pa.

Tinitigan ko siya at nakangiting nilapitan. Agad naman tumaas ang kilay niya.

"Excuse me, ikaw po ba si Mrs. Tyler?" Magalang kong tanong.

"Oo, bakit?" Ngumisi siya.

Inalis ko ang ngiti at tinaas din ang isang kilay. Mukha naman siyang nainis sa ginawa ko.

"May I know, ano ang dahilan mo para sabihin 'yon sa anak ko?" Tanong ko at sinulyapan si Gabril na nasa loob pa at nakikinig sa kaniyang teacher. May ilang minuto pa bago matapos ang klase.

"Ah! 'Yung katotohanan ba na hindi siya anak ni Azriel?" Nakangisi niyang saad. "Well, para tumigil na sa pag-ilusyon ang batang 'yon. Kawawa naman kasi, nadadamay sa pagiging ambisyosa ng Mommy niya," nang-iinsulto niyang saad.

"May I tell you, Mrs. Wala kang karapatan gawin 'yon. Yes, I lied to him, pero ni hindi nga kita kilala at ni hindi ka nga mahalaga sa amin para sabihin 'yon. Alam mo ba na may nasaktan kang bata sa ginawa mo na 'yon? Yes, masama ang ginawa ko pero balak ko rin 'yon ayusin, pero dahil likas kang bida-bida, wala ka naman ganap sa buhay namin, nangialam ka."

"Naaawa kasi ako sa bat—"

"No, you're not concern. Not even a little," tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at tumitig sa mata niya. "Hindi ka naaawa, gusto mo lang kami sirain dahil inggit ka. Inggit ka sa anak ko na masyadong matalino, inggit ka sa nanay niya na sobrang ganda at inggit ka dahil nakadikit sa amin si Azriel."

Kumunot ang noo niya at halatang may nasaktan ako. I smiled at her sweetly. Nagsisimula nang lumabas ang mga bata.

"And let me tell you this, kahit anong gawin mo, 'di mo kami masisira. We are still fine. Ikaw, wala naman din sayong nangyari, muka ka pa ring sira. Happy?" I smirked at her. "Subukan mo lang na pakialaman ulit ang anak ko, baka may magawa ako sayo na 'di mo na gugustuhin pang mabuhay."

Tinalikuran ko siya. Agad kong nakita si Gabril na palapit na sa akin. Akma ko siyang lalapitan nang may humawak sa braso ko at bumaon ang kuko kaya naman malalim niya akong nakalmot.

I hissed and I know for a second, my eyes turned red. Agad kong hinarap ang gumawa sa akin noon at nakita na si Mrs. Tyler ang gumawa noon.

"Yan lang ba ang kaya mo?" Tanong ko. I let her see my vampire eyes and I saw how she turned pale. She shouted hysterically and point at me saying that I'm "aswang".

Napatingin sa amin ang mga tao. I acted like I'm deeply hurt and very innocent. Agad naman nakita ng mga tao na may kalmot ako galingng sa babae na naghihisterya na ngayon. Napailing-iling sila at napunta ang dismaya at inis sa kaniya na ngayon ay parang baliw na. Our eyes locked again. I smirked at here.

"Don't mess with me, bitch." I said it inside her head. Nanlaki ang mata niya at lalong nagsisigaw.

Agad kong hinawakan si Gabril at binalak nang umalis bago pa gumaling ang mga sugat.

"Are you okay, Mrs. Alejo?" Nag-aalalang tanong ng guro ni Gabril. I nodded at her.

"Yes, Maam. Uuwi na po kami," saad ko at nagpaalam na.

"I'm sorry about that. I think she's jealous," tukoy niya kay Mrs. Tyler. Alam ko naman na dati pa 'yon may gusto kay kuya, naging kaklase niya dati. Tinanguan ko na lang siya at umalis na kami.

"Momma, are you hurt?" Tanong ni Gabril. Nginitian ko siya at umiling.

"I'm not, baby."

Agad akong pumara ng tricycle. Pinauna ko si Gab at ako ang sa may pintuan. Nagtakha ako nang tahimik si Gabril at nang sulyapan ko siya ay nakitang tulala siyang nakatitig sa braso kong may sugat na ngayon ay gumagaling na. Napakurap ako at nakalimutan ang bagay na 'yon. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at pinunasan ang natirang dugo. Umawang ang labi niya nang makita na wala na roon ang sugat.

"Momma.." he whispered. "I saw your eyes earlier. Naging red for a second," naguguluhan niyang saad. Nagkatitigan kami.

"Gabril, wala 'yon."

"And now, the wound!" He exclaimed. Nanlaki ang mata niya at tumitig sa akin.

"Momma, are you a vampire?"

Pilit akong tumawa, "Gabril, you must be kidding!" I laughed fakely.

"And if that so, I'm a vampire too!" He looks so amazed. "That is so cool! Cool!"

Hindi na tumigil si Gabril sa bagay na 'yon. Kahit pagdating namin sa bahay. Kaya naman si Fleur ay biglang-bigla at 'di makapaniwala na may alam na tungkol do'n ang bata.

"Yaya Fleur, I'm a vampire! Rawr!" Napasigaw si Fleur nang kinagat siya ni Gabril.

"Gabril!"

"Momma, I thought vampires have their fangs, bakit ako wala?" Pinakita niya sa akin ang maliliit niyang ngipin.

"Gabril, h'wag mo naman ako kagatin." Naluluhang saad ni Fleur at hinaplos ang braso niya na may marka pa ng mga ngipin ng anak ko.

Nameywang ako sa harap ni Gabril.

"H'wag na h'wag mong kakagatin si ate Fleur. Magagalit ako," saad ko. Ngumuso siya at tumango. "Saan mo nalaman ang salitang vampire?" Tanong ko.

"Kay Nana, Mommy. She told me about the creature with two fangs, vampires!" Tuwang-tuwa niyang saad. Nilalabas niya ang mga ngipin at umaamba na nangangagat. Napahilot ako sa noo.

"Nakakausap mo pa ba siya?" Tanong ko. Umiling siya.

"Hindi na po, 'di na siya pakita sa akin eh. Momma chicken nuggets, I want." Bigla na naman niyang nasingit. Wala akong nagawa kung 'di pagbigyan siya. Umikot-ikot siya at nagtatakbo habang sinasabi na bampira siya.

I didn't confirm it yet, pero dahil bata, 'yon na agad ang pinaniwalaan niya. Natatakot akong sabihin na hindi totoo ang pagiging bampira niya dahil baka maging problema naman 'to sa hinaharap ngunit ayoko rin kumpirmahin dahil sa sitwasyon. I want a normal life for us. At kung malalaman niya, he'll be more curious and curious. Nabigla din kasi ako sa sakit ng kalmot kanina, kaya 'di ko napigilan. Tuloy, ginamit ko na rin 'yon para tigilan niya na kami nang tuluyan.

"Ilalagay ko lang 'to sa may fire exit," paalam ni Ron saka binuhat ang lahat ng nakolekta na mga remote na kelangan palitan ng battery.

We are at the 7th floor to check the unused room. Para kung may mag check in ay sure na walang damage ang mga gagamitin nila. Pumasok ako sa room 715 at sinubukan ang flash ng toilet, ang ilaw, ang TV at faucet. I checked everything before marking it as ready to use. Lumabas na ako at tutungo na sana sa 716 nang makita na in used ito.

Napaatras ako nang umikot ang knob. Agad akong umalis sa harap nito at tumungo sa katabi nitong kwarto ngunit may tao rin. Narinig ko ang pagbukas ng katabing kwarto at 'di ko napigilan na tumingin do'n.

Agad na nakita ko ang pigura ng isang matangkad na lalake na may maayos na pangangatawan. He's in black v-neck shirt, black jeans and black boots. Agad kong naamoy ang kaniyang pabango. Umangat ang tingin ko at natulala ako nang magkatitigan kami. He stared at me for a long time before going to the elevator. Pinigil ko ang sarili na sundan siya ng tingin. I was frozen on my spot until the elevator went down.

My heart was beating eratically. Sinapo ko 'yon at kinalma ang sarili. I'm used to seeing nice looking guy. Pero hindi ako naaapektuhan nang ganito. The man earlier is well, he's handsome. Ngunit hindi 'yon ang nakakuha nang atensyon ko. But his eyes.

He has a pair of silver eyes.

*****

Belated Merry Christmas and Happy New Year everyone! Thank you guys for supporting my stories. Lots of love :*

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

2M 69.1K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
205K 11.5K 48
One accident greatly changed her reality. She thought she was going to die for sure, but strangely enough, she survived. But what awaited her was so...
6K 554 9
Inspired by Jireh Lim's Pagsuko. Date Started: February 2016 Completed: June 2016
Chasing Red By MISSL

Teen Fiction

193K 2.9K 59
~She belong's to Him. @2015 @MissLStories