Game of Love 2: Still in Love...

Od JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... Viac

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 8 ] The Reunion

57.5K 772 51
Od JeraldineTanL

Chapter 8: Reunion

 

Isa sa mga dahilan ni KL sa pagbisita sa Pilipinas ang reunion ng batch nila. Matagal na hinihintay ni KL ang araw na ‘yun dahil gusto niyang malaman kung ano na ang nangyari sa mga kaibigan nila. Nasa sala ngayon si KL, hinihintay sina Aine at Steven na nag-aayos pa. Hindi nagtagal at bumaba na si Steven.

"Si Aine?" tanong ni KL.

"Nagpapaganda pa. Ang dami pang kaartehan na nalalaman pero wala namang nagbabago sa itsura niya."

"Ganyan talaga ang mga babae."

"Wala naman siyang kailangan pagpagandahan dun."

"Ang mga babae, nagpapaganda para sa sarili nila at hindi para sa ibang tao. Syempre, gusto niya lang magmukhang maganda sa harap ng mga kakilala mo. Ayaw mo ‘yun? Nagagandahan sila sa girlfriend mo?"

"Ayoko. Mamaya may magkagusto pang iba sa kanya."

"Ikaw naman ang gusto niya kaya hindi problema yun, Steven."

Nginitian na lang ni Steven ni KL.

"Oi, gorgeous! Bilisan mo!" sigaw ni Steven.

"Wait lang! Saglit na lang ‘to," pasigaw na sagot ni Aine mula sa kwarto.

"Tignan mo, ang bagal talaga," reklamo ni Steven.

Tinignan ni Steven si KL at may napansin na kakaiba sa kanya.

"Oi! Ngayon ko lang napansin, babae ka na!"

Pinalo ng malakas ni KL si Steven.

"Lalaki ba ako dati para sabihan mo nyan?!"

"Hindi. Haha! Kailangan mo ba talaga manakit? Mukha ka ngang babae pero kilos lalaki ka pa din. Isipin mo, nagpapaganda ka na ngayon? Baka mainlove sa’yo nyan ulit si Spencer."

"May girlfriend na ‘yung tao kaya tigilan mo na siya."

"Nagseselos ka naman?"

"Hindi ah! Tigil-tigilan mo nga ako, Steven!"

"Bakit? Pag-usapan muna natin siya habang hinihintay si Aine. May feelings ka pa ba dun?"

Sandaling nanahimik si KL at inisip kung dapat bang sabihin kay Steven ang nangyari.

"Oo, e."

"Kawawa naman ang pinsan ko. Iba pala ang gusto mo."

"Steven naman! Wag mo idamay si Dwayne dito."

"Biro lang. May gusto pa din sa’yo si Spencer at alam mo na daw ‘yun kaso mahal niya na din si Jichelle. Kinwento niya sa’kin na nakapag-usap na kayo."

"Bale mahal niya si Jichelle at may gusto siya sa’kin?"

"Parang ganun na nga. Ang laki din ng hirap niya kay Jichelle bago siya sinagot nun. Naguguluhan lang siguro siya sa ngayon kaya siya ganun. Matagal ka din kasing nawala."

"Ganun pala ‘yun."

"Bakit pala hindi mo niyaya ang pinsan ko para samahan ka?"

"Niyaya ko siya pero may lakad siya ngayon."

"Mukhang nagkakasundo kayong dalawa ah?"

"Hay nako, Steven! Tigil-tigilan mo ako. Alam kong may laman ‘yang mga sinasabi mo. Wala akong balak na magkaroon ng boyfriend ngayon."

"Sabi ko lang nagkakasundo tapos boyfriend kaagad? Napaghahalataan ka, KL. Hahaha!"

"Ewan ko sa’yo! Tumigil ka na nga!"

"Aminin mo nga, may gusto ka sa pinsan ko ano?"

Nang makita ni KL si Aine ay naisip niya na gawin yun na dahilan para makaiwas sa tanong ni Steven.

"Aine, nandyan ka na pala," pag-iiba ni KL sa usapan.

"Pasensya na kung natagalan ako ah? Tara na."

Naunang lumabas sa bahay si Aine pero hindi kaagad na sumunod sa kanya si Steven. Gusto kasi ni Steven na malaman ang isasagot ni KL.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Wala akong gusto kay Dwayne."

Nang mapansin ni Aine na walang sumunod sa kanya sa labas ay pumasok siya ulit sa bahay.

"Oi, chicks! Tara na! Late na tayo!" sigaw ni Aine.

"Nagagalit na si boss. Siya na nga ‘yung nagpatagal satin, siya pa galit. Tara na."

"Under ka talaga kahit kailan! Hahaha!" pang-aasar ni KL.

"Sadyang pinagbibigyan ko lang siya."

"Wala kang maloloko dyan. Noong una pa lang, ganyan na kayo."

Sinundan na nila si Aine at saka sila umalis sa bahay at pumunta sa venue. Doon, nakita nila ang mga kaklase nila noon na halos lahat ay mga nagtatrabaho na.

"Hi, guys!" masayang bati ni Jichelle.

Nang mapansin ni KL na tinitignan siya ni Spencer ay nginitian niya na lang ito. Naninibago si Spencer sa itsura ni KL dahil nagsusuot na siya ng mga sexy na damit at naglalagay ng makeup kumpara noon na kahit sa party ang punta nila ay simple lang ang suot niya at hindi siya halos nag-aayos. Humiwalay muna si KL sa kanila para makipag-usap sa mga kaklase nila noon.

‘May mga magboyfriend noon na kasal na ngayon. Meron din na magboyfriend noon pero naghiwalay sila at nagkabalikan din. Meron din na magboyfriend noon pero hindi na nag-uusap ngayon at may mga ayaw sa isa’t isa noon pero magboyfriend na ngayon. Ang dami na talagang nagbago sa loob lang ng ilang taon.’

Nagtingin tingin sa paligid si KL dahil hindi niya pa din nakikita sina Gab at Mika. Lumabas na lang muna siya para sagutin ang tawag sa kanya. Unregistered number ang tumatawag pero sigurado siya na tawag ‘yun galing sa Korea dahil 010 ang simula ng number.

"Yoboseyo. Nuguseyo?" (Hello. Who are you?)

"Naya, Terrence." (It’s me, Terrence)

"Terrence Martinez?"

"That's right."

"Woah! Isang hallyu star, may number ko?! Ang swerte ko naman. It's a pleasure to talk to you again, Terrence. Bakit ka pala napatawag?"

"Well, I’m inviting you to my birthday celebration there in the Philippines. You are currently staying there, right?"

"Yes. When is it?"

"This coming Saturday night."

"Where?"

"At Manila Peninsula. Kaunti lang kayong inimbita ko. It's just a small celebration. Invite Gab and your other friends that I know."

"Sosyal ka talaga! Sige, sasabihan ko sila. Kailan ba dating mo dito?"

"Friday night."

"Buti naisipan mo na magcelebrate dito? Sobrang busy mo pa naman."

"I'm on vacation leave, KL. I'll be staying there for 3 months."

"I see. Nandito ako ngayon sa school dahil may reunion. Sayang at wala ka pa dito. I have to go. Bye!"

"Okay. Bye."

 

Nang mapatingin si KL sa isang banda, nakita niya si Zeke na kakarating lang at papasok na sa loob ng auditorium kaya agad niya itong hinarang.

‘Gumwapo lalo si Zeke. Kung hindi lang siguro boyfriend ni Jin noon si Zeke, crush ko na siguro siya.’

Nagtataka si Zeke sa babae na humarang sa kanya at nakangiti. Hindi niya kasi ito mamukhaan. 

"Excuse me?"

"Come on, Zeke! Hindi mo na ba ako kilala?"

"Sino ka ba?"

"It’s me, KL!"

"KL? Ikaw ba talaga ‘yan?"

"Oo ah! Grabe ka naman! Kinalimutan mo ako kaagad."

"No. It's just that-- well, you look different. I mean, you're prettier."

"Sus! Binola mo pa ako! Magtagalog ka kaya? Nasa Pinas ka, dude!"

"Sorry, it's because--"

"Wow! Slang ka na din ngayon? Hahaha! Saan ka ba tumira these past few years?"

"New York."

"Hindi na ako magtataka kung bakit ka ganyan. Usap muna tayo?"

"Sure."

Pumunta sila ni Zeke sa playground ng school at umupo sa swing. Nang mapansin ni Zeke na revealing ang suot ni KL ay hinubad niya ang suot niya na coat at ipinasuot yun kay KL.

"How are you, KL? Ang balita ko, sa Korea ka nag-aral, tama ba?"

"Yes, you’re right. I’m good. Sa New York ka naman?"

"Oo."

"What course?"

"Medicine."

"Nag-aaral ka pa din ngayon?"

"Oo. Bumalik lang din ako dito para sa reunion. Bumibisi-bisita lang din ako dito paminsan minsan."

"Kailan ang balik mo doon?"

"Tomorrow night."

"Agad?!" 

"Oo. May klase kami. Umabsent na ako ng ilang araw."

"Mukhang busy ka na ah?"

"Ganun na nga."

"May girlfriend ka ba ngayon?"

"Why? Are you interested?" malokong tanong ni Zeke.

"Hoy Zeke, asa ka pa! Ang yabang nito porke’t gwapo ka lang!"

"I'm just asking, KL. Ang init ng ulo mo kaagad e. Wala akong girlfriend. Gusto mo mag-apply?"

"Gusto mo mabatukan?"

Napangiti na lang si Zeke kay KL.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Wala ka pa din talagang pinagbabago, KL. Mainitin pa din ang ulo mo at sadista ka pa din."

"At least hindi ako kagaya mo na mas lalong yumabang. Oo nga pala, alam mo na ‘yung tungkol kina Mika at Gab?"

"Yes, I knew it from the start."

"Aren't you affected?"

"Not at all, KL."

"How about Jin?"

"Anong meron kay Charel?"

"How do you feel about her? May gusto ka pa din ba kay bessy?"

"She’s dead, KL. Matagal na din namatay ang nararamdaman ko para sa kanya."

"I thought you still love her."

"Move on. Kailangan ba talaga natin siyang pag-usapan?"

"Hindi na. Bumalik na tayo doon."

Bumalik sila sa Auditorium at doon na sila naghiwalay ni Zeke. Umupo na lang si KL sa isang upuan dahil wala na siyang magawa.

‘Ganun nga siguro talaga ang buhay. Sadyang makakalimutan ka ng mga tao kapag wala ka na pero meron pa din na talagang makakaalala sayo. Ang dami na nga talagang nagbago pero may isang tao pa na hindi ko nakakausap at ‘yun ay si Terrence. Alam ko na isa siya sa mga lalaki na nagmahal talaga kay Jin at gusto kong malaman kung hanggang ngayon, si Jin pa din.’

Nang mapansin ni Spencer na mag-isa si KL at hindi niya kasama si Jichelle, agad niya itong nilapitan.

"KL, pwede ba tayong magu-sap?"

"Spencer, wala tayong dapat pang pag-usapan."

"Tara."

Hinawakan ni Spencer ang kamay ni KL at hinila siya patayo.

"Kailangan ba talaga natin mag-usap? Tungkol saan ba ‘to?"

"Kailangan natin mag-usap tungkol sa’ting dalawa."

"Nag-usap na tayo. Tapos na ‘yun."

"Hindi pa tayo tapos, KL."

Hindi maganda ang kutob ni KL sa kalalabasan ng magiging pag-uusap nila ni Spencer. Inaasahan niya na ganun pa din ang pag-uusapan nila. Ayaw niya kasi na maging komplikado ang mga bagay dahil sa kanilang dalawa at natatakot siya na lalong lumakas ang nararamdaman niya para kay Spencer kapag nag-usap sila ulit.

‘I need to face all of my fears. Kung hindi ko ‘to haharapin, palagi na lang akong matatakot. Sa tingin ko nga, kailangan ko siyang kausapin at ipaliwanag sa kanya na hindi pwede ang gusto niya.’

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

757K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.6M 60.6K 47
Book 3 of Falcon University Series (Josh & Red's story)
778 213 46
I love you(143 and 3Words and 8Letters -Charlene and Edmon) Sa isang party nakilala ni Edmon si Charlene. Nahulog ang loob niya kay Charlene, at iyon...