RBW series 6: THE NECROMANCER...

By Misa_Crayola

17.4K 850 75

"Ginawa ko ang lahat para maperpekto ang nekromansiya. Sa lahat ng tagumpay ko umpisa pa lang umasa na 'ko sa... More

The Necromancer's Heart
K1
K2: NEO
K3: Margareth
K4: MARKA
K5: Bagong Daigdig
K6: Selos
K7: SINO
K8: THE VOW
C10: PALAISIPAN
C11: LUCYLLE at TAM
K12: KAARAWAN
K13: PAMILYA
K14: BAKIT?
K15: CAN'T HELP FALLING...
K16: HORUS
K17: HINDI NABABAGAY
K18: PINTUAN
K19: Nagmamay-ari
K20: Galit
K21: KATOTOHANAN
K22: PAGSUKO?
EPILOGUE
HULING BAHAGI ( SEVENTH )

K23:UHAW

572 30 0
By Misa_Crayola


HINDI malaman nila Shin kung kanino nagmula ang mga pumapaslang na halimaw sa katawan ng naglalakihang itim na aso. Pero kung kanino man 'yon galing, isa lang ang sigurado niya, sinadya 'yong isabay sa pagsugod nila para maibintang sa kanila ang lahat ng pinsala.

"Mukhang may lihim tayong kalaban, Shin," si Chrysanta habang magkatapatan sila sa mahabang glass table sa bahaging gitna habang umiinom ng tsa'a.

"Kalaban na kumikilos sa t'wing may labanang nagaganap. At hindi ako naniniwalang kakampi natin siya, ang hangarin niya'y mas sirain tayo sa New World. Maraming pinaslang ang mga hayop na ipinadala niya." si Shin na pilit iniisip kung sino ang nasa likod ng malakas na pag-atake.

"Hindi pangkaraniwan," si Tomo 'yon dala ang baston nito.

Tumalon 'to patungo sa mesa, sa bahagi ng kabisera.

"Ang mga ipinadala niya'y may alingasaw ng underground, at nangangahulugan lang 'yon na may kinalaman ang mga nilalang ng underground. At maaaring isang Underground God ang may pakana no'n," si Tomo na tinuktok ang ibabaw ng baston niya sa glass table kung saan lumabas ang asong nasa kulungan at nagwawala 'to sa kulungan na puno ng magic spell. "Nahuli siya ni Winter at dinala ni Vishnu sa 'kin, pinasisiyasat nila sa 'kin kung saan siya nagmula. At sa amoy pa lang niya alam ko na hindi siya mula rito, at mula siya sa underground at ang nakakapagtaka ay wala pang natatala tungkol sa uri ng halimaw na 'yan na may mga pilat na hugis diamante sa noo, lahat sila may ganyan," muli nitong tinuktok ang baston nito at nag-iba ang nakikita sa tila tubig na nilikha ng baston ni Tomo, maraming bilang na aso na nakikipaglaban na may hugis diamante sa noo.

"Kanino sila magmumula? Ngayon na tahimik naman sa maraming taon ang mga underground God, ano naman ngayon ang nais nila?" tinignan ni Shin si Chrysanta.

"Hindi 'yan gagawin ni Zandro," ipinakita ni Chrysanta ang marka nito sa pulso na kulay itim na hugis bituin na may tatlong kulay. "Isa sa naging kasunduan namin na wala siyang anumang kasasangkutang laban sa pagitan ng pamilya natin, at tutulong lamang siya kung hinihingi ko. Dahil kung hindi, itong marka na binigay niya ay maglalaho at tuluyan na 'kong makakalaya sa kanya." Nasa mata ni Chrysanta ang kasiguraduhan.

Sino na lamang ba ang Underground God na aktibo? Si Zandro, Zero, Vermillion, at si Lucylle naman ay hindi pa umuupo sa Underground at alam nilang nasa plano nito. Ang kanilang ama na si Crescent ay lumisan, si Catalyst ay nawawala at ang iba'y namatay na.

"H'wag nating limitahan sa kanila, marami pa ring mga pinuno sa ilalim na maaaring may pakana nito." si Tomo, "Gayunpaman, isa ring nakakabahala ang mga ito..." tinuktok muli ni Tomo ang baston at lumabas ang mga nagliliparang nilalang na may maliit na pakpak na itim sa likod. Mga walang ningning ang mga mata nito ngunit malalakas ang mga ito na tila bakal dahil may kinagat ang halimaw sa mga ito pero imbis na masaktan ang mala-manikang nilalang ay sinuntok lang nito ng malakas ang hayop na sumabog at nagkalat ang laman. At ang bahagi o ang braso na natanggal sa babae'y kinuha lang nito at muling ikinabit na tila 'to manika.

"Ano ang mga 'yan?" si Chrysanta dahil marami talaga ang mga 'yon.

"Marionette Soldiers, lahat sila'y mula sa laboratoryo ni Neo nagmula. Mga manika sila na mula rin sa salamangka't nekromansiya. Handa si Neo sa digmaan, kung hindi ninyo nais ng gulo, tigilan ninyo na 'to at kunin sa maayos na usapan si Margareth."

Nawala na ang imahe kaya tumingin na ang mga ito kay Tomo.

"Nasa New World si Lyra at ang mga kapatid ninyo, pakiusap, alisin na ninyo ang masamang imahe ng mga Wolveus, nasisiguro ko na hindi ang mga nilalang sa New World ang gustong tapusin ng inyong ama. Ang panginoon, nais niya lang ng mapayapang daigdig para sa inyo, alam ko na hindi na 'yon madaling kamtin, pero maaari naman na tignan ninyo ang New World bilang daigdig ng pag-asa, ang daigdig kung saan hindi na magiging isang masamang imahe ang mga lobo." Ani Tomo na nasa mga mata ang pakiusap.

Tinignan ni Chrysanta si Shin na walang reaksiyon.

"Sa ngayon, palalampasin ko ang New World pero kung hindi mababalik ang lipi't kasaysayan natin sa daigdig na 'yon, mananatiling sasakupin ko sila at paluluhurin para kilalanin tayo." Umalis si Shin.

"Sa ngayon lang," tumayo na rin si Chrysanta. "Malalim na ang sugat, nanariwa at sumisigid pa rin ang hapdi, mananatili akong nasa panig ni Shin."

Napailing na lang si Tomo at minasdan ang pag-alis ng dalawa.

NASA pamilihan si Tamtam nang mahulog ang hawak niyang batong sapphire na nabili. Malakas ang hangin kaya inayos pa niya ang buhok bago 'yon damputin. Tumayo siya kaagad pagkadampot at muling inayos ang buhok pero ang ngiti sa likot ng mga buhok niya'y napawi nang makita ang lalaking may abong buhok na nakalugay ang nasa harapan niya. Ang tiim nang titig nito at tindig nito'y hindi niya maaaring ipagkamali, at maging ang amoy nito na tila nagsasabog ng mga bulaklak kagaya kay Seventh. Maging ang mga naroon ay tila naging estatwa ang lahat maliban sa kanila.

Tama, bakit ngayon lang niya naisip na pareho ni Seventh ang amoy nito?

Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Hindi ka nawala sa isipin ko, saglit ka lang dumaan pero nagbigay ka nang panghabang-buhay na epekto sa 'kin, pagbayaran mo na ang kasalanan mo. Sumama ka sa 'kin," nakatitig siya sa mga mata ko.

Bumalong ang luha sa mata ni Tam-Tam, hindi niya malaman kung bakit tila nanghihina ang tuhod niya, at gusto niya 'tong yakapin pero pinigil niya. Paano si Seventh? Hindi niya 'to kayang iwanan mag-isa.

Tumalikod si Dark Moon nang 'di niya tanggapin ang palad nito.

Sa isiping aalis na 'to ay tumakbo siya at niyakap 'to sa likuran na maging ito'y nagulat.

"Kung pakakasalan ko si Master, pakiramdam ko tinraydor ko si Lucylle at ang tunay niyang katauhan na hindi niya na maaalala pa. At kung sasama 'ko sa 'yo para muling kunin ang tiwala mo, hindi ko alam kung paano ko 'yon gagawin kung masyadong malayo ang pagitan mo sa 'kin." Hindi niya mapigil ang mga luha niyang rumagasa. "Alam ko na mahirap ang nais ko," nayakap niya 'to nang mas mahigpit dahil pakiramdam niya unti-unti na 'tong naglalaho. "Pero gusto kong ibalik sa kanya ang katotohanan, na may naghihintay sa kanya at nasisiguro ko 'yon, mahirap ang buhay na kinamulatan niya kesa sa daigdig na 'to, pero kung may alaala siya, alam ko na mas pipiliin niyang mahirapan at magsakripisyo muli para kay Lucylle...'wag mo 'kong iwanan..."

Nagdilim ang paligid nila at nakatungtong na siya sa kakaibang puting pacifica-circle at nasa gitna silang dalawa. Lumingon 'to sa kanya na nakapagpabilis nang tibok ng puso niya.

"Sabihin mo ang kahilingan mo na hindi mo pagsisisihan at ibibigay ko 'yon sa 'yo," aniya na nagkulay lila ang mga mata.

Tumingkayad si Tamtam at kinabig 'to sa batok at hinalikan. Gusto niyang malaman kung ano talaga ang nararamdaman niya at nakumpirma niya 'yon nang maramdaman niyang walang mali sa halik na iginawad niya rito.

Lumuhod siya rito, "Nais kong ibalik ang oras, ibahin ang tinungo ni Master Seventh at ibalik siya sa daigdig kung nasaan ang mga Wolveus..."

"Katawan lang at kalahati niya ang maibabalik ko sa kanya, dahil na kay Lucylle na ang kalahating bahagi ni Seventh..."

Alam ni Tamtam na mas nanaisin 'yon ni Seventh, mas may pag-asa pa kesa manatili sa lugar na hindi para sa kanila.

"Nais kong magsilbi sa 'yo matapos 'yon at pagsisilbihan kita ayon sa nais mo, kahit buhay ko iaalay ko sa 'yo, Panginoong Dark Moon..."

Sa isang iglap namulat si Tamtam sa lugar na ng kastilyo ni Dark Moon. At nakita niya 'tong nakaupo sa trono nito at sa iba-iba nito ang nakahigang malaking asong tila lobo at kumakawag ang buntot nito.

Samantala si Seventh ay naglaho rin sa bahagi ng langit na 'yon at nahulog sa madilim na bahagi at bumalik sa alaala niya ang itsura ng isang babae, ang pakikipaglaban nila... At ang kamatayan niya. Pakiramdam niya nilalamon siya ng kadiliman at patuloy na nahuhulog habang parami nang parami ang memorya niya simula nang makilala niya ang babaeng 'yon at ang mga nabigong pangako niya rito.

"Lucylle..." Nabanggit niya ang ngalan nito bago siya tuluyang lamunin ng kadiliman.

"AAAAAAH!" sigaw ni Lucylle nang maramdaman ang mainit na tila sinusunog ang marka niya. Ang marka ni Seventh.

Kaagad na dinaluhan 'to ni Margareth, "Anong nangyayari?!" nangangambang tanong niya na niyakap 'to pero patuloy 'tong sumisigaw na tila nasasaktan. Naitulak siya nito at kitang-kita niya nang magpula ang mga mata nito at masabunutan nito ang sarili habang gumuguho ang bundok na kinatutungtungan nila na nagbibitak-bitak na.

Kumulog at kumidlat habang panay ang hawak nito sa bahagi ng marka nito na tila nakadarama 'to nang labis na sakit. Nawawalan 'to ng kontrol kaya naman nasugod siya nito at nasakmal sa braso. Tila 'to uhaw na uhaw. Pilit niya 'tong pinipigil dahil mauubusan siya nang dugo. At dahil hindi niya 'to mapigil umusal siya ng mga salita na nagpalabas ng gintong kulay ng magic circle niya. Hinawakan niya ang marka nito na ikinahinto nito sa pagsipsip sa dugo niya. Kumalat ang gintong kulay ng usok sa leeg nito patungo sa ibang bahagi ng katawan nito habang ang mga mata ni Margareth ay nagkulay ginto rin, pinatutulog niya ang nagwawalang sumpa nito na kaagad namang nagpahina kay Lucylle at nawalan ng malay. Napaupo na lang si Margareth sa panghihina dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya at sa pagpapatahimik niya sa sumpa ni Lucylle na sinabi nito noon na bahagi ng ama niya. Napakalakas ng sumpa na nagawa siyang pahinain.

Hinawakan niya ang kamay ni Lucylle bago siya bumagsak. Naramdaman niya pang gumuho na ang bundok at pabagsak na silang dalawa pero hindi na niya kayang imulat ang mga mata at iligtas ang isa't isa. "Neo..." iyon ang huling nabanggit niya bago tuluyang bumagsak at sinundan kaagad sila nang malaking tipak ng bato na tatama sa kanila habang bumabagsak sa bangin.

Bago pa sila tuluyang bumagsak may sumalo na dalawa na magkaibang lalaki at naglaho rin kaagad doon.

SA panaginip ni Lucylle natagpuan niya ang sariling naglalakad sa madilim na daanan. Walang patutunguhan at dala ang sakit ng damdamin na wala na talagang Seventh na babalik sa kanya. Tuyo na ang luha ngunit sariwa pa rin ang sakit na patuloy na nagbibigay kahinaan sa kanya.

Pakiramdam niya namatay na naman siyang muli...

Naramdaman naman niya na kakaiba ang Seventh na nakasama niya. Pero umasa siya, para mapawi ang nadarama.

"Lucylle, hindi ko nais maging miserable ka."

Napadiretso siya nang tayo at tingin. Nakita niyang naroon si Seventh, ang tibok na eratiko na hindi niya naramdaman sa nagapanggap ay haya'n na naman at tila nanakit ang puso niya sa bilis niyon. Ang tuyong luha'y bumagsak na naman at sa punto na 'yon nasisiguro niya na si Seventh na ang ngumiti sa kanya.

Itinuro nito ang marka niya sa leeg na hinawakan niya.

"Iisa tayo, hindi ako tuluyang lumisan. Nasa 'yo ang pagmamahal ko, ang suporta ko, gamitin mo 'ko ayon sa nais mo at kunin mo ang para sa 'yo at maging panatag ka." Lumakad 'to palapit sa kanya. "Minamahal kita, Lucylle Zordic, hindi pa ito ang wakas natin." Hinalikan siya nito sa noo, "Hindi man kita pisikal na kasama, nasa puso mo 'ko, hindi ba? Hindi kita tunay na iniwan," nababalot 'to ng gintong liwanag kagaya ng liwanag na nakita niya sa ginamit ni Margareth sa marka niya, "Lumaban tayo ng sabay, magpakatatag ka, hanggang muli tayong magkasama." Anito.

Tumango si Lucylle na luhaan. "Pangako, magpapakatatag ako, iisa na tayo." Nginitian niya 'to.

Naglapat ang labi nila bago tuluyang magkahiwalay narinig pa ni Lucylle ang huling mensahe ni Seventh, "Hindi ka magsasakripisyo para mabuhay ako, hindi dugo mo ang didilig sa 'kin para magbalik ako, pangako babalik ako sa ibang paraan. Sa ngayon, hayaan mo munang maging kaisa't kasama mo 'ko sa bawat laban, Lucylle..."

"Mahal na mahal kita... Seventh..." pinahid ni Lucylle ang mga luha at ngumiti bago siya maging gintong liwanag na rin at mapayapang makatulog sa kama niya. Sa saglit lamang na pagpaparamdam nito, nahilom na kaagad nito ang sugat niya at mas positibo niyang haharapin ang trono niya sa Underground.

Nang magmulat siya, mukha ng ina ang namulatan niya.

"Nagbalik ka na, Lucylle..."lumuluhang hinalikan siya ng ina sa noo.

"Si... Margareth?" nag-aalalang tanong niya.

"Nagpapahinga siya sa Imperial Kingdom. Pero oras na magising siya, babalik siya rito," sinuklay ng ina ang buhok niya. Doon nagpasukan si Emerald, Gerald, at Moonshine na nag-aalala ring dumalo sa kanya. Nangiti siya dahil wala na ang bigat na nararamdaman niya. Nahawakan niya ang leeg niya, iisa na sila ni Seventh, hindi siya nag-iisa.

NAKAHIGA si Margareth at binabantayan siya ni Neo na siyang nakarinig sa boses niya kaya kaagad niya 'tong nadaluhan. Hinaplos niya ang pilak nitong buhok.

"Hindi ako makakabuti para sa 'yo, hindi ko gustong matakot ka sa 'kin, siguro nga mali lang na sinabing itinadhana ka sa 'kin," mapait na ngumiti si Neo, "Mas mabuting maging malayo na lamang ako sa 'yo, hindi kita sinusukuan... Mamahalin pa rin kita kahit sa malayo, pero tatanggapin ko na hindi ka inilaan para sa isang halimaw na katulad ko..." hinalikan niya 'to sa noo bago tumayo.

Dumating si Spade.

"Kapag nagising na siya, iuuwi ko na siya sa kapatid ko," tukoy ni Spade sa ina ni Margarette na si Lucylle.

Tumango si Neo at binalikan ng tingin si Margareth bago pihitin ang seradura ng pintuan.

"Neo... 'wag mo 'kong iwan..." umiiyak si Margareth, nasa panaginip lamang 'to pero lumuluha 'to.

Binalikan 'to nang tingin ni Neo.

"Hindi ako tutol sa 'yo kay Margareth, 'wag mo siyang saktan... unawain mo sana siya..."Imbis na si Neo ang umalis ay si Spade na tinapik pa siya sa balikat bago sumara ang pintuan.

"Mahal na mahal kita..."

Natawa ng pagak si Neo, saka bumagsak ang luha.

Marahil naging kahinaan niya talaga ang pag-ibig pero hindi niya pipiliing hindi nakilala si Margareth dahil ito ang nagbigay liwanag sa kanya.

Humakbang siya palapit dito at sakto naman na nagmulat 'to ng mata at marahang bumangon. Nagtama ang tingin nila. Bumagsak maging ang luha ni Margareth nang makita siya at kahit hinang-hina 'to ay bumaba 'to sa kama at tumakbo palapit sa kanya at umiyak 'to habang mahigpit na yakap-yakap si siya.

"Nagkamali ako, mahal na mahal kita... kahit hindi ko 'yon madalas sabihin sa 'yo, natatakot ako, pero hindi ko gustong malayo sa 'yo, I'm sorry... hindi ako nagtiwala, na sagana ko sa salita, pero hindi ko natupad na ikaw ang una kong pakikinggan. Neo, kahit pa totoo o hindi na itinadhana tayo, manatili ka sa 'kin, may kumaya ngang kalabanin ang tadhana, kakayanin din natin 'yon," napahigpit ang kapit ni Margareth sa kasuotan ni Neo dahil 'di 'to umiimik.

"Pagsubok lang 'to, Neo..." pilit ni Margareth, pakiramdam niya kasi binibitiwan na siya nito.

Naramdaman niyang hinawakan nito ang buhok niya at hinaplos 'yon.

"Kahit sinasabi nilang matanda na 'ko mag-isip, hindi ko pa rin maiwasang maguluhan. Pero sigurado ko na mahal kita, mahal na mahal kita... Ayokong malayo sa 'yo, marami na 'kong pangarap kasama ka, sa 'yo ko na inilaan ang mga sandali ko, gusto kong lumaban para sa 'tin, gusto kong lumaban para sa 'yo, hindi na 'ko mag-iisip pa, mas magtitiwala na 'ko sa 'yo..." tumingala 'to at luhaan.

"Hindi mo na ba 'ko gusto?" hindi naman naawat ang luha ni Margareth.

"Tumahan ka na," pinahid ni Neo ang luha niya, "Nasasaktan ako na makitang nasasaktan ka."

"Hindi mo naman ako iiwan..."hinawakan niya ang palad ni Neo habang patuloy pa rin ang mga 'di naaawat na luha.

"Paano ko iiwanan ang buhay ko?" ngumiti si Neo.

Nakagat ni Margareth ang ibabang labi niya.

"Kahit anong mangyari, hindi kita iiwanan. Pero kung masasaktan ka sa 'kin, matatakot at hindi mapapalagay, handa 'kong lumayo basta makita lang kitang maayos kahit hindi ko alam kung paano ko tatanggapin sakaling may iba ng humawak sa 'yo..."

Hinawakan ni Margareth ang mukha ni Neo at pinahid ang luhang bumagsak dito. "Mahal na mahal kita, iba ang nararamdaman ko sa 'yo sa mga lalaking nakikilala ko. Palagi akong napapangiti at pinakakaba ng pangalan mo, hindi ko na gustong sukatin ang lalim ng pagmamahal ko sa 'yo, dahil nasisiguro ko na ikalulunod ko lang 'yon. Patawad, kung hindi ko natupad ang pangako ko sa 'yo," muli niyang nakagat ang ibabang labi, "Sabi ko pagtitiwalaan kita, at paniniwalaan pero hindi..."yumugyog ang balikat niya at mas napalakas ang pag-iyak niya nang yakapin siya nito.

"Hindi mo 'ko binigo, hindi mahalaga kung tuparin mo o hindi ang mga salita mo, manatili ka lang sa 'kin,sapat na 'yon para magpatuloy ako."

"Hindi mo 'ko iiwan..."—Margareth

"Hindi kita iiwanan..." ---Neo

"Mahal na mahal kita..."

"Margareth, kaya kong ibigay ang buhay ko sa 'yo, ikaw ang pinakamahalaga sa 'kin. Kung tungkol sa 'yo, handa kong maging pinakamabuti o pinakamasama para sa 'yo."

Nang maghiwalay ang katawan nila'y inangkin ni Neo ang labi niya.

Nagpula ang mga mata ni Margareth, nakadarama siya ng pagkauhaw kaya nilabanan niya ang halik nito na nauwi sa pagkagat sa labi nito na nalasahan niya ang dugo. Nang maghiwalay ang labi nila'y hinawakan ni Neo ang labi niya't hinaplos 'yon. Naupo 'to sa gilid ng kama habang nakatayo si Margareth na ilang beses lumunok.

Muling hinaplos ng hinlalaki ni Neo ang mapulang labi ni Margareth na hindi na nakapagpigil at kinagat niya ang daliri nito na kaagad may dugong dumaloy. Dinilaan niya 'yon nang hindi naghihiwalay ang tingin nila.

Marahan nitong hinawakan ang ulo niya patungo sa maputi't makinis na leeg nito.

Pakiramdam ni Margareth nakaamoy siya nang pinakamabangong dugo.

Unang bumasa sa leeg nito ang dila niya, minamarkahan ang parteng napili niya. Ilang beses niya 'yong hinalikan bago pinalitan ng dila na nagbigay nang bolta-boltaheng sensyasyon kay Neo. Napahigpit ang kapit niya sa balakang ni Margareth. Alam niya ang uri ng pangangailangan ng mga Vampires—marami na siyang nalalaman na kung dugo ng minamahal nila ang unang didilig sa lalamunan ng mga ito, may kasamang init na dumadaloy sa kaibuturan ng mga ito na madalas ay nagdudulot ng pakikipag-isa sa kapareha. Pero nangako siya sa mga Pureblood na hindi niya 'to mamarkahan ng maaga.

Paano niya pipigilan ang mapanuksong halik nito sa leeg niya, maging ang punong tainga niya'y inabot ng malambot ng labi nito.

"Ang init ng pakiramdam ko," namumulang mukha ni Margareth ang humarap sa kanya. Maging ang labi nito'y mas tumingkad ang pagkapula kapares ng mata nito.

Humaplos ang palad nito sa dibdib niya na lalong nagpahirap sa paghinga niya kaya hinuli niya 'yon at hinalikan. "Kahit gaano ko kagustong mag-isa tayo dahil nakakadarang ka, kailangan kong pigilin..."

Umiling si Margareth, "Ang init ng pakiramdam ko,"naiiyak na anito.

Nginitian niya 'to at marahang hinawakan sa likuran ng ulo at inilapit sa leeg niya.

Nahalina muli si Margareth at sa pagkakataon na 'yon ay ibinuka na niya ang bibig at ibinaon ang pangil niya sa leeg nito. Habang tumutusok 'yon, mabilis na kumalat ang lasa ng dugo sa bibig niya. Nagsimula siyang sipsipin 'yon hanggang ang dugo ay naging mas nakakadarang kaya ilang beses niya 'tong kinagat sa iba't ibang bahagi kasunod ng pagsipsip dito at pagdaan ng dila niya.

"Margareth," nagbabago ang mga mata ni Neo sa berde't matang ahas. Bumuka ang pakpak niya, tila nais lumaban sa panghihina pero hindi niya magawang patigilin si Margareth. Nanatili 'tong kumakagat sa leeg niya at sinisipsip ang dugo niya patungo sa balikat niya na sinira ng humaba ng kuko nito.

Hindi napansin ng dalawa ang berdeng ahas na hindi kalakihan na pumulupot kay Margareth at pumasok sa loob ng katawan nito.

Naramdaman ni Margareth na sapat na ang nakuha niyang dugo kay Neo kaya tumungo siya sa labi nito at hinalikan 'to—mas marubdob, mas nagnanasa at mas nagmamahal.

Naglaho na rin ang pakpak ni Neo pero ang dugo niya'y naging mabango sa paligid.

Lumayo si Margareth dito, ang ngiti niya'y napalitan ng pag-aalala ng makita ang namamasang leeg nito at balikat.

"Gagaling kaagad 'yan,"hinalikan siya ni Neo sa noo.

"Pero—"

Iniharang nito ang hintuturo sa labi niya.

"Dugo ko lang, Margareth..."

"Dugo mo lang, Neo..."

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 250 18
Naranasan mo na bang maabutan ng sobre ng isang badjao habang naka-upo sa loob ng pampasaherong dyip? Aminin kadalasan ito’y iyong tinatangihan. Ibin...
15M 482K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
Tropa By MYK

Teen Fiction

12.8K 404 34
Isang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita nila ulit ang mga lumang kaibigan kanila n...
116K 2.3K 35
Author's Note: Hi! This is the second time I'm revising this story after years of putting this on hold. Some of the chapters were written by 13 year...