RBW series 6: THE NECROMANCER...

By Misa_Crayola

17.4K 850 75

"Ginawa ko ang lahat para maperpekto ang nekromansiya. Sa lahat ng tagumpay ko umpisa pa lang umasa na 'ko sa... More

The Necromancer's Heart
K1
K2: NEO
K3: Margareth
K4: MARKA
K5: Bagong Daigdig
K6: Selos
K7: SINO
K8: THE VOW
C10: PALAISIPAN
C11: LUCYLLE at TAM
K12: KAARAWAN
K13: PAMILYA
K14: BAKIT?
K15: CAN'T HELP FALLING...
K16: HORUS
K17: HINDI NABABAGAY
K18: PINTUAN
K19: Nagmamay-ari
K20: Galit
K21: KATOTOHANAN
K23:UHAW
EPILOGUE
HULING BAHAGI ( SEVENTH )

K22: PAGSUKO?

420 19 4
By Misa_Crayola


Margareth

Namulat ako sa isang estrangherong k'warto.

"Neo," napabalikwas ako nang maalala ko na iniwan ako ni Neo sa k'warto niya at hinabilinang 'wag akong aalis doon.

"Margareth," nakangiting bati ni Lucylle sa 'kin.

"Bakit mo 'ko dinala rito?!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Hindi mo ba naalala ang pinag-usapan natin," aniya na palapit sa 'kin. Hindi nagkakalayo ang itsura namin kaya hindi ko maiisip na siya ang ina ko, imortal tayo, ano pa ba ang dapat kong ipagtaka?

"Kung ikaw ang tunay kong ina, hindi ko naman 'yon ikasasama ng loob. Alam ko ang pinagdaanan mo base sa mga k'wento mo, pero bakit kailangan mong sabihin na nililinlang lang ako ni Neo?"hindi ko mapigil ang lakip na sama ng loob.

"Margareth, makinig ka..." naupo siya sa tabi ko at ginagap ang palad ko at pinagkatitigan ako. "Si Seventh mismo ang nagsabi, kahit hindi ko gusto si Neo dahil pareho tayo na umiibig sa hindi dapat noon, nauunawaan kita... At hindi ko gustong masaktan ka, pero iba ng usapan kung sinalamangka ka lang niya para mahumaling ka sa kanya, masama siya..."

"Nasasaktan ako..." binawi ko ang kamay ko. Nangingilid ang luha ko pero pinilit kong 'wag silang bumagsak. "Hindi totoo na sinalamangka niya 'ko, minahal ko siya dahil napapahanga niya 'ko at gusto ko siya noon pa, hindi biglaan ang naramdaman ko. Dumaan 'to sa proseso, at hindi 'yon magagawa sa 'kin ni Neo..."hindi ko na mapigilan ang mga luha kong nag-unahan, masakit na matutulan, pero mas masakit na pinagbibintangan ang lalaking mahal ko, nang mismong magulang na ngayon pa lang nagpapakilala sa 'kin.

"Margareth,"

Ihahawak niya ang kamay niya sa mukha ko pero sa iba ko lumingon at pinahid ang luha ko. "Totoo ang nararamdaman ko, hindi ko alam bakit kailangan pang sirain si Neo sa 'kin, ano bang kasalanan niya? "Babalik na 'ko..." aalis ako nang higaan ko ng bumukas ang pintuan at naroon ang isang lalaking isa rin sa nakilala kong may perpektong anyo, may pilak siyang buhok na katulad ng sa 'kin ngayon na hindi ko pala naitago. Pero bakit gano'n? Wala akong kagayang damdamin sa kanya kagaya kay Lucylle? Iyong magaan at nagtitiwala? Marahil dahil sa lisik ng mata niya.

"H'wag mong suwayin si Lucylle, totoo na hindi ka totoong mahal ni Neo. Tanggapin mo ang katotohanan na nais ka lang niyang kainin at maging dagdag kalakasan niya. Maraming naghahangad sa mga Wolveus, at noon pa man alam na niya kung sino ka. Mas magiging mabango ang dugo mo sa tulad niyang halimaw kung mararating mo na ang ikalabing-walo mo... Hinihintay ka lang niyang mamukadkad bago ka niya paslangin..." hindi siya kumurap man lang.

"Hindi ka namin pagsisinungalingan, para saan? Kami ang pamilya mo, hindi ka namin ipapahamak, hindi mo ba gustong makasama kami? Ngayon, handa na kami para sa 'yo, hindi ka na namin pababayaan..." s Lucylle na umiiyak na ring katulad ko, niyakap niya 'ko at lalo kong 'di mapigil ang pagbaha ng luha ko.

Naramdaman ko rin na yumakap sa 'min ang nakatayong si Seventh na walang dudang ama ko, kulay pa lamang ng buhok niya, may ikapagtataka pa ba 'ko? Marahil, iba lang talaga kapag si Lucylle, dahil pareho kaming babae kaya mas nadarama ko sa kanya ang kakalmahan kumpara sa 'king ama.

Matagal kong ninais makilala ang sarili ko. Ngayon na nakilala ko na, nakasama at alam ko na bago lang kami nagkakasama pero hindi ko mapigilang isipin si Neo, baka hinahanap niya 'ko, baka isipin niya na tumakas ako, o nag-aalala siya sa 'kin. Ayoko pa ring maniwala na totoo ang sinasabi ng mga magulang ko, pero bakit nga ba nila 'ko pagsisinungalingan?

Nanatili ako sa poder nila sa mansion na 'to na wala man lang naliligaw na ibang nilalang maliban sa 'min tatlo. Nasa gitna kami ng mga nagsisibulang mga bulaklak at kahit anong haba ng nilakad ko, hindi ko pa rin matanaw ang ibang lugar na tila walang hangganan ang nilalakad ko.

Naiilang pa rin ako pero pinilit kong makisama sa kanila. At naging masaya naman ako lalo pa't nakakalapit ko madalas si Lucylle, hindi pa rin ako komportable na tawagin siyang 'mommy' marami siyang k'wento sa 'kin na nagpatunay na siya nga ang aking ina, at ngayon nga, tila lumalabas na talaga ang kakayahan ko dahil naaamoy ko na si Lucylle maliban sa 'king ama na madalas ay nasa ibang k'warto at nagpapahinga. Maging si Lucylle hindi niya alam kung paano 'to nakabalik matapos mamatay sa Underground, pero kahit ano pa mang dahilan, tatanggapin nito si papa, iyon ang sabi niya.

"Nasaang lugar ba tayo?" hindi ko mapigil na tanong nang inaayos niya ang kama na hihigaan namin.

"Sa papa mo 'to, siya ang nakakaalam ng lugar na 'to at kailangan natin 'tong ilihim dahil nasisiguro niya na hahanapin ka ni Neo para paikutin pa at sumama ka sa kanya."

May kurot akong naramdaman sa puso pero pinanindigan ko na lang na 'wag ng sumagot.

Madalas kong iniisip si Neo bago 'ko matulog, at hindi ko mapigilan na mapaluha ng tahimik, hindi ko pa rin gustong paniwalaan na hindi totoo ang pinagsamahan namin dahil may motibo lang siya. Pero pinaniniwala nila kong dalawa sa motibo ni Neo sa 'kin at nasasaktan akong isipin na maaaring tama sila, at maaaring hindi nga totoo ang ipinakita ni Neo sa 'kin pero tila kinukuyumos naman ang puso ko sa isiping hindi ko pinagtitiwalaan ang lalaking mahal ko. Pero paano ko aalamin ang totoo? Kung hindi ko alam paano ako aalis sa lugar na 'to?

Sa loob ng maraming araw na nakakulong ako sa lugar na wala akong ideya kung saan, nagkaroon ako ng panaginip na hinahanap ako ni Neo at nakita kong nahihirapan siya, nagbabasag, at tila masisiraan na sa katatawag sa 'kin. Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko habang nakikita ko siyang nagdurusa ng gano'n.

"Neo..." nilapitan ko siya sa panaginip ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatungo sa dalawang palad niya. Bago ko siya maabot may lumabas na ahas sa likuran niya at galit na galit ang malaking itim serpyente sa 'kin at nagbadyang tutuklawin ako kaya napaatras ako.

"Nangako ka na hindi mo ko iiwanan, pero saan kita hahanapin? Bakit ka sumama nang hindi ako hinihintay. Tama ba si Sarah, sinasakal kita at hindi mo 'ko nais? Margareth, buong buhay ko kaya kong ibigay sa 'yo, hindi man kapani-paniwala ngunit totoong labis ang naramdaman ko para sa 'yo..."

Natakpan ko ang bibig ko at nag-unahan ang mga luha ko. Nakita ko siyang lumuluha habang tila hindi malaman kung paano iikutin ang k'warto niya bago niya sinuntok ang salamin sa k'warto niya kasabay ng pagdurugo ng kamao niya at sobrang sakit na makitang paulit-ulit niya 'yong ginawa habang lumuluha na tila gumuguho na ang daigdig niya habang paulit-ulit akong tinatawag at pinababalik.

"Patawad..." gusto ko siyang hawakan pero muling nagpakita sa 'kin ang ahas at humarang kaya naman lumakas lang ang pag-iyak ko.

Bakit ako nagpapaapekto? Naramdaman kong mahal niya 'ko, iningatan at inilagaan...

"Margareth, bakit pinahihirapan mo 'ko nang ganito? Hindi ba talaga ako katiwa-tiwala? Bakit kahit minsan, hindi mo tinawag ang pangalan ko, kung nasaan ka man, paano kita matatagpuan? O' tuluyan mo na 'kong kinalimutan?"

"Hindi..." gusto kong sumagot pero nagliwanag na ng pula ang mata ng serpyente at nabalikwas ako ng bangon at luhaan akong napatingin sa singsing ko na ang kulay ay naging itim. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilin mapahagulgol.

Babalik ako. Babalikan ko siya.

Hindi siya dapat nasasaktan, lahat ginawa niya para sa 'kin, bakit kailangan kong paghinalaan ang katapatan niya kung palagi kong nakikita at naririnig ang takot niya na mawala ako?

"Neo," inilapit ko sa labi ko ang singsing kahit pa tila na 'yon batong itim. "Patawad, palagi ka pa ring nasa puso ko. Pakiusap, 'wag kang mangamba... Ligtas ako, at hindi kita bibitiwan... Pangako..." rumagasa na ang luha ko, at nagising ko no'n si Lucylle na niyakap ako at hindi na nagtanong pa.

"Kung mahal mo 'ko, hayaan mo 'kong makausap si Neo. Nag-aalala siya sa 'kin, nahihirapan siya at kailangan niya 'ko, mas kilala ko siya higit kaninuman sa inyo. Totoo ang nararamdaman niya sa 'kin,"

"Margareth, hinahanap ka lang niya dahil may pangangailangan siya sa 'yo, imulat mo ang sarili mo sa katotohanan. Alam mo na hindi kailanman naging mabuting nilalang si Neo, isa siyang taksil sa lahi nila, at paano—"

"Tama na!" hindi ko mapigil itulak siya na ikinabigla ko rin pero masakit ang mga sinabi niya. "Nakasama ko siya, maraming kaarawan ko ang kasama ko siya, maging ang pagsasama namin. Mahal niya 'ko, at kung salamangka 'to hindi ko dapat nararamdaman na unti-unti akong nahulog sa kanya. Dahil kung salamangka 'to, dapat kaagad ko naramdaman at napagtanto gaano ko siya kagusto! Tama na! Nasasaktan ako sa mga salitang binibitiwan mo sa kanya! Hindi siya taksil, at marami na siyang pinatunayan sa 'kin, bakit kailangan ilagay mo sa puso ko na hindi ko dapat pagtiwalaan ang lalaking pinili ng puso ko? Mahal ko siya! Maging anuman siya! Palagi siyang nangangamba kahit paulit-ulit kong ipinapangako sa kanya hindi kailangan 'yon, pero narito ako, mas iniisip na nililinlang lang niya 'ko at balak patayin kahit nakita ko at naramdaman ko kung gaano niya 'ko kamahal! Bakit hindi ninyo maunawaan 'yon!"

Nakita kong nagitla siya.

Tumayo ako at lumabas ng k'warto. Dala ko ang sakit sa puso ko at pangungulila kay Neo, gusto kong ipaalam sa kanya kung gaano ko siya kamahal bago siya ilayo sa 'kin ng kaalamang iniwan ko siya at tuluyang kinalimutan.

"Margareth..."

Nabigla ako nang paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Neo at sabay-sabay namang pinalibutan siya ng mga naglalakihang asong itim na may pulang-pula't nanlilisik na mga mata at may naglalakihang pangil pero hindi ako nakakita ng pagkabahala kay Neo.

May liwanag na pula sa daliri niya at ganoon din sa 'kin, nagliliwanag ang mata ng singsing naming ahas. Marahil iyon ang dahilan kung paano siya nakarating dito .

"Neo..." nangiti ako, at kaagad ding binalot ng lungkot ng makita kong puno nang kakaibang kalungkutan ang mga mata niya kahit pa nakangiti siya't inilalahad ang palad niya sa 'kin.

"Ako ang pipiliin mo, hindi ba?" naroon pa rin ang ngiti na humihiwa sa puso ko, dahil pakiramdam ko sobrang sakit ng dinadala niya na kitang-kita sa mga mata niya.

"Paslangin ninyo siya!" isang malakas na sigaw ang gumulantang sa 'kin na sinundan naman ng mga alulong ng naglalakihang aso na nasa anim na talampakan ang mga laki at doble naman ang haba niyon.

"Papa, 'wag!" pigil ko nang makita ko si papa na minamaniobra ang mga hayop.

"Margareth, bumalik na tayo..." hindi 'yon pinansin ni Neo at nakalahad pa rin ang kamay sa 'kin. Ang kamay niyang may marka at singsing ng sumpaan namin.

"Pero... Neo!" sigaw ko nang biglang may sumakmal sa katawan niya. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla. Nakita kong may mabilis na kumakalat na dugo sa loob ng kasuotan niya pero nanatili siyang 'di pinapansin ang paligid at hinihintay akong iabot ang kamay ko.

"May lason sila na papatay sa 'yo," tumawa si Seventh at tumungo sa 'kin kasunod ng pag-akbay. "Hindi mo na makukuha si Margareth, dahil nakalaan na siya sa iba, mas mataas sa 'yo at mas malakas sa 'yo..." ngisi ni Seventh.

"Anong—" hindi na 'ko nakapagsalita dahil nakita kong dinakot ni Neo ang asong kumagat sa kanya at sumabog na 'yon sa mismong kamay nito na ikinakalat ng laman niyon. Lumabas ang magic circle na pula sa paanan nito kasabay ng paglabas ng sandata sa palad nito na isang schythe pero hindi niya inaalis ang tingin niya sa 'kin. Isang wasiwas lang niya no'n kahit 'di nakatingin ay lumikha na 'yon ng humahagupit na hangin na tumama sa mga asong sumugod muli rito at nagkahati-hati ang mga ito.

"Neo, 'wag kayong maglaban!" sigaw ko.

"Sabihin mo sa kanya Margareth, nang hindi na siya umasa pa, na may lalaki ka nang nais noon pa. Mas higit sa kanya, Fallen ang ngalan niya hindi ba? Saksi ang 'yong ina sa ilang ulit ninyong pagsasama sa Horus, kaya bakit pinaaasa mo pa si Neo? Pero napahulog mo nga ang kalaban natin..." ngisi niya.

Anong sinasabi niyang kasinungalingan? Hindi 'yon totoo!

"Seventh!" may pagsaway sa boses ni Lucylle na dumating at nabigla rin nang makita si Neo roon.

"Margareth..." puno nang sarkasmo at pagkadismaya ang boses ni Neo. "Totoo ba 'yon?" mahinang tanong niya.

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin, tinignan ko si Lucylle at nakita kong wala siyang balak tulungan ako sa kasinungalingan ng aking ama.

"Totoo ba?!"

Nagitla ako sa lakas ng boses ni Neo. Nakita ko na malapit na siya sa 'kin at hindi ko namalayan kung anong ginawa niya para gumuho ang mansion namin at tumalsik si papa.

"Seventh!" kaagad 'tong dinaluhan ni Lucylle.

"Bakit, Margareth,"hinawakan niya ang mukha ko.

Umiling ako, ginagap ko ang palad niya. Nangingilabot ako, natatakot, hindi ko mapigilan ang panginginig ng palad ko.

"Ibibigay ko naman sa 'yo ang lahat,"mapait na aniya. "Nasaan ang mga salita mo?"tila punong-puno siya nang pagdaramdam.

Inilikod niya 'ko bigla sa kanya dahil pasugod si Seventh. At nakita kong naging asong lobo siyang kulay itim at mas malaki na 'to kay Neo. Pinigilan naman 'to ni Neo ng Schyte na may magic circle na pula ang lumabas at nagliyab 'yon para ikalayo ni Seventh sa kanya. Pero may ilang magic circle ang lumabas sa paanan ni Neo at nakita ko si Lucylle na umuusal ng spell –nakita ko sa Horus 'yon, may liwanag siyang tatagos sa katawan ng biktima at magiging solidong bagay 'yon na sa isang iglap ay nakasaksak na sa biktima.

"Neo!" Tumungo ako sa harapan niya at iniharang ko ang sarili't mga braso ko na ikinatigil ni Lucylle. "Pakiusap, itigil natin 'to," naiiyak kong wika. Lahat sila mahalaga sa 'kin, ayoko silang magkasakitan.

Muling sumugod si Seventh mula sa unahan at siya namang paglipad ni Neo at sa tuktok ay maraming crystallized na matutulis na bato ang nakahinto sa itaas at Ikinumpas nito ang Schyte paturo kay Seventh na nabigla rin.

"Neooo! Itigil mo 'yan!"sigaw ko sa sobrang takot na mapatay niya ang ama ko.

Natigil sa ere ang mga bato at may isang halos pumasok na sa mata't lalamunan ni Seventh sa anyong lobong itim. Hindi ko alam bakit nagbago siya ng anyo, marahil natutunan niya 'yon, maraming sulatin na hindi isang pangkaraniwan sa mga Wolveus ang mag-anyong lobo.

Tinignan niya 'ko mula sa itaas. Tingin na tila walang sasantuhin. Nakapinid ang labi niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya dahil tila nababalot siya ng galit at kung magkakamali ako ng salitang bibitiwan, papatayin niya talaga ang ama ko. Alam ko na nanghihina si Seventh, sabi niya ay hindi niya talaga kaya si Neo, dahil marami na siyang kakayahang nawawala.

"Mahal na mahal kita..." bigkas ko.

Hindi ko nakitang may nag-iba sa reaksiyon niya.

"Walang katotohanan ang sinabi niya, wala akong iba, at ikaw lang ang pipiliin ko. Isinusumpa ko na hindi ako tumingin kahit minsan sa iba, simula pagkabata ko, gusto kita, hindi ako naniniwala na salamangka ang nararamdaman ko para sa 'yo, pinipili kita maging kabiyak ng puso ko. Nag-uumpisa pa lang tayo, pasusukuin ba tayo ng pagsubok na 'to?!" sigaw ko, nakagat ko ang ibabang labi ko ng tumingin siya sa itaas at sinabayan 'yon ng kulog at kidlat.

"Mamamatay ka!" sigaw ni Seventh kay Neo na ikinabigla ko.

Nag-apoy ang mga batong nakatutok sa kanya at mas naging mas malaki siya na tila halimaw at bumuga ng apoy. Pero kitang-kita ko nang itapat ni Neo ang schythe niya sa apoy na tila naging ipo-ipo na nawalan ng apoy sa gitna at puro gilid lang kung saan asintado niya ang gumawa ng pag-atake maging ako nagulat ng magsama-sama ang maliliit na piraso ng batong matutulis at naging isang malaki 'yon na sumugod kay Seventh at sumaksak sa katawan nito pasadsad sa lupa.

"Seventh!" si Lucylle na lalapit dito pero malakas ang hangin na nagtaboy dito mula kay Neo na bumaba at naglaho ang mga pakpak. Lumapit 'to kay Seventh at hinugot ang malaking tipak ng bato na ikinakalat lalo ng dugo nito at ang iba'y tumalsik kay Neo.

"Mahina ang nilalang na nagpadala sa 'yo." Aniya bago tuluyang tapusin si Seventh gamit ang nagliliyab na apoy mula sa inilabas ng Schythe nito. Narinig namin ang palahaw ni Seventh kasabay ng palahaw ni Lucylle at ako na hinang-hinang napaupo sa nasaksihan ko.

Kitang-kita ko nang maging abo si Seventh.

Napalingon sa 'kin si Neo at lumapit.

"Bumalik na tayo," inilahad niya ang duguan niyang kamay sa 'kin.

Hindi magawang bumagsak ng luha ko dahil tila 'ko nahihipnotismong tumingin sa mga mata niyang tila kapos sa ningning at kaitsura ng sa ahAS ang berde ngayong mata niya.

Tinabig ko ang palad niyang may dugo pa ni Seventh, doon na bumagsak ang luha ko. Nakita kong bumalatay ang sakit sa mga mata niya at binawi ang palad niya.

"Magbabayad ka!" sigaw ni Lucylle na naglabas ng isang malaking circle at nanlilisik ang mga mata.

"Lucylle, nakakaawa ka para maniwala sa laruang kinasama mo. Paano mabubuhay si Seventh kung nasa katawan mo siya? Paano magiging si Seventh ang isang mahinang nilalang na 'yon, hindi ko akalain na mababaw ang pag-ibig mo para sa kanya para hindi madama na hindi siya ang kasama mo!" Sa 'kin siya nakatingin at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Pakiramdam ko gusto niya ring sabihin sa 'kin na napakababaw ng pag-ibig ko para sa kanya.

Natigil si Lucylle at nanghihinang napaluhod at mas malakas na napaiyak.

"Alam mo na may kakaiba sa kanya, binalewala mo dahil nangungulila ka. Mali ang ginawa mo, Lucylle." si Neo na tinalikuran na 'ko. "Mag-ingat kayo kung saan man kayo patungo," aniya na para sa 'kin marahil dahil mahina 'yon at hindi maririnig ni Lucylle. "Mahal kita, at kahit buhay ko handa kong ibigay sa 'yo, pero napagtanto ko na takot lang ang nadarama mo para sa 'kin, simula ng dumating ako rito, takot lang ang nakita ko sa mga mata mo. Pinalalaya na kita, marahil nga pinaglaruan lang ang tadhana natin."Naglaho siya at sa isang iglap naiwan kaming dalawa ni Lucylle, nabago na rin ang lugar namin at nauwi 'yon sa isang lugar sa tuktok ng bundok at wala na rin ang mansion at mga bulaklak na nangangahulugang isa lamang 'yong ilusyon.

Hindi ko namamalayan na bumabaha na ang luha ko. Nahihirapan akong huminga kaya sinuntok ko nang ilang ulit ang bahagi ng puso ko. Halos ibuka ko ang bibig ko para sumagap ng hangin. Paulit-ulit na tumakbo sa isip ko ang mgasalita ni Neo na dinudurog ako nang paulit-ulit.

"Mahal kita, at kahit buhay ko handa kong ibigay sa 'yo, pero napagtanto ko na takot lang ang nadarama mo para sa 'kin, simula ng dumating ako rito, takot lang ang nakita ko sa mga mata mo. Pinalalaya na kita, marahil nga pinaglaruan lang ang tadhana natin."

Continue Reading

You'll Also Like

245K 12.3K 92
[[COMPLETED]] Minsan ba naisip mo kung ano ang mga pinag-uusapan sa isang chatroom? E paano kung chatroom ng NCT? Tunghayan ang kanilang magulong usa...
243K 6K 33
Angel With A Shotgun Series #1: Julianne, The Beautiful Cop Julianne is a cop. Yes, even it looks like a boyish-type of job, gustong-gusto niya ang a...
15.4K 1.9K 40
With a single gaze, he will deliver you straight to death. Don't look back! Your mind will be driven to insanity and your eyes will be the worst caus...
116K 2.3K 35
Author's Note: Hi! This is the second time I'm revising this story after years of putting this on hold. Some of the chapters were written by 13 year...