Ang Babae sa Kabilang Classro...

By juanmandaraya

19.5K 325 65

Heto na ang prequel ni Juan ng "Ang Babae sa Kabilang Pinto" Tunghayan ulit ang love story ni Juan na hindi m... More

Ang Babae sa Kabilang Classroom
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter

Chapter 15

491 7 5
By juanmandaraya

Lumipas ang ilang araw matapos ang eksena sa NSTP, lalong hindi naging maganda ang pagkikita namin ni Lyla. Kung dati’y nagagawa niya pang ngumiti at tumango, ngayon, umiiwas na siya. Malayo pa lang, iniiwasan na niya ang landas ko. At kung hindi man magawang makaiwas, bibilisan nito ang paglalakad. Minsan nakayuko at nakatitig lang sa cellphone, para lang maiwasan ako. Pag tinawag ko naman, mabilis lang siyang tatango, sabay iwas.

            Badtrip.

            Hindi ko alam kung tama ang kutob ko. Simula kasi nung huling magkasama kami sa Iram, nagbago na ang approach niya sa’ken. Lalo siyang nailang. Sa ibang dyip siya sumakay. Hanggang makababa, hindi nya ko kinibo. Tinawag ko siya para magpaalam pero hindi niya ko nilingon. Hindi ko alam kung nagselos ba siya kay Rica.

            Pero malabo yun. Wala namang dahilan para magselos siya.

            Pero bakit bigla din siyang lumayo ng ipakilala kong ex ko si Rica?

 

            Pusang gala! Baka nga nagselos siya?

            Ibig sabihin, may gusto din sya sa’ken?

            Wag kang assuming, gago. Baka mapahiya ka.

            Baka nga. Baka nga na-misinterpret ko lang ang kinilos niya.

            E pano kung tama nga ang hinala ko?

            Bahala na nga.

 

 

*          *          *

“Lagyan mo kasi ng pulbos kamay mo bago ka tumira,” sabi ni Bryan sa’ken. Kasalukuyan kaming nagbo-bowling. P.E. subject. Mahadpi na ang hinlalaki ko sa sikip ng butas ng bola. Ang bigat pa. Muntik ko na ngang maitira patalikod yung bola kun’di ko lang nakontrol.

            “Sa’n ba yung pulbos?”

            Itinuro nito ang maliit na kahong gawa sa kahoy malapit sa cashier. Simula ng mag-bowling kami e hindi ako naglalagay ng pulbos dahil, hindi ko alam na pwede pala yun. Yung lane kasi na dati naming nilalaruan, sinakop ng ibang grupo.  E yun pa naman yung kaisa-isang lane na may bolang trip ko at nakikisama sa’ken. Parusa yung lane ko ngayon. Kun’di masakit sa daliri, mabigat. Badtrip dahil karamihan ng tira ko e halos diretso ng canal. Sumpa ata ang araw ko ngayon. Di gaya nung mga nakaraan, halos 80% ng tira ko e strike.

            “Naka-strike ka na ba?” tanong ni Bryan matapos akong makapaglagay ng pulbos. Hindi ko alam kung nagaalala ba siya sa score ko o nang-iinsulto.

            “Mamaya, manuod ka.”

            Halos sinakop na ng school namin ang buong bowling center. Halatang may nangyayaring klase dahil lahat kami naka-uniform. Maya’t maya pa kung manita si Sir Moran na para bang sasabak kami ng Olympics. Yung mga hindi kabilang at outsider, waiting sa mga lamesa na malapit sa videoke. Para hindi mainip, kumanta na lang yung ilan at nag-inom. Medyo bulahaw nga lang yung boses dahil sa pagpipilit maabot ang boses ni Bon Jovi.

            Magkakasama ang mga graduating sa P.E. ngayon. Halo-halo ang course. Gaya ng NSTP, pinagsama-sama ang mga graduating. Karamihan tuloy sa minor subject ko e nasa hapon. Yung mga major subject, sa umaga. Kaya imbes na matapos agad ang klase, dumadami ang breaktime.

            “Malas ba kamay mo ngayon o nadi-distract ka lang sa kanya?” sabay nguso nito sa pwesto nila Lyla. Dulong lane sila, limang lane ang pagitan namin.

            Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako.

            Puwede kong sisihin ang kamay ko ngayon kung bakit halos hindi ako maka-strike. Puwedeng dahil sa ayaw makisama ng bola. O puwede ring dahil kay Lyla.

            Ewan, pero pakiramdam ko nga nako-conscious ako pag ako na ang titira. Nanlalamig ako pag hawak ko na ang bola. Feeling ko e nakatingin sya sa’ken, kahit hindi naman. Pero isang beses nahuli ko siyang nakatingin sa’ken pagtapos kong tumira. Yun nga lang, umiwas din agad.

            Hindi naman ako dating ganto. Okey lang kahit alam kong nakatingin sa’ken si Lyla. Swabe mga tira ko nun. Ngayon, hirap akong mag-focus. Ang alat ng strike sa’ken. Nakakahiya, tatlong sunod na canal ang tira ko. Nasita na nga ako ni Sir kanina. Palitan ko daw ang bola ko, baka sakaling tumama sa mga pin.

            “Yung violet ang gamitin mo, medyo magaan yun,” suggestion ni Bryan sa’ken matapos siyang tumira. Dalawang ikot pa bago ulit yung tira ko. Limang tao kasi sa isang lane.

            “Ginamit ko na yun. Wala, malas ata talaga ako ngayon,”

            “Wag ka kasi ma-conscious, sus. Babae lang yan,” sabay tapik sa balikat ko.

            “Alat nga mga tira ko ngayon. Parang may magnet yung kanal,”

            “Maligo ka kasi,”

            “Pakyu,”

            Hindi uso sa’ken ang pagdadasal pagdating sa sports. Pero kung ganto ng ganto, baka simulan ko ng humingi ng request galing sa taas na alalayan ng mga anghel ang kamay ko sa pagtira. Kung hindi, iyak ako sa midterm. Mahigpit pa naman si Sir, lalo pa na graduating kami. Nasampulan na nga yung isang kaklase ko. Kaisa-isang estudyante na bagsak nung prelims.

            Mabuti na lang at puwedeng maghubad ng polo. Baka makatulong, maka-strike man lang. Pitong set na lang ang natitira sa’ken. Kelangang sa pitong yun e maka-iskor ako na hindi bababa sa pitong pin bawat set. Swerte na kung maka-strike.

            Ayokong isipin na malas ang araw ko ngayon dahil lang sa hindi nakikisama ang bola sa’ken. Baka lang may mali sa tira ko. O hindi na epektib ang technique. Baka kelangan ng magpalit ng style. Ibahin ang strategy. Back to basic.

            Napatingin tuloy ako sa katabi kong lane. Dalawang magkasunod na strike ang tira niya, kahit medyo comedy yung paghawak niya ng bola. Simpleng-simple pero epektib.

 

            E ano naman? Atlis strike siya!

            Si Paeng Nepomuceno kaya…meron din kaya siyang sikretong ritwal? Si Mike Tyson? Meron din kayang sikreto si Pacquiao?

            Si Efren ‘Bata’ Reyes, sa pagkakaalam ko e hindi naliligo pag meron siyang laban. Hindi ko alam kung paraan nya yun para hindi maalis ang nakakapit na ispiritu ng tisa sa kanya. Puwedeng strategy yun para ma-distract ang kalaban niya sa amoy niya. Hindi rin siya nagpu-pustiso. Baka nga naman makaapekto yun sa paglamas-masok ng oxygen sa baga niya. Pero mukhang epektib naman kasi ilang beses na siyang nag-champion pagdating sa billiard.

            Si Michael Jordan naman, sinusuot pa din ang isang pares ng ‘lucky shorts’ na ginamit pa nya nung college (University of North Carolina). Meron kasi itong kakaibang aroma at ispiritu na naiiwan sa short na kaya halos lahat ng laro niya ay suot-suot yun, hanggang sa makarating siya ng NBA. Puwedeng isipin na suwerte nga yun dahil sa anim na championship ring.

            Ang weird di ba?

            Pero may mas weird pa pala sa ganung superstitions. Si Mike Bibby (NBA player) e may cool at weird na paniniwala. Pinagdidiskitahan lang naman niya yung kuko niya. Everytime na magta-timeout, pinuputol nito ang kuko sa pamamagitan ng pagkagat-kagat, habang nanenermon si coach. May ilang kasamahan nito ang nakahalata sa ‘mannerism’ ng player kaya automatic na itong inaabutan ng nail-cutter tuwing timeout para hindi na ito mahirapang magbawas ng kuko gamit ang ngipin.

            At kung sa tingin mo e kadiri ang pagu-ulit ng medyas, nagkakamali ka. Dahil si Serena Williams (tennis superstar) e nagu-ulit ng medyas. Hindi lang isa, dalawa o tatlong beses. Imagine, buong tournament---as in buong tournament---iisang pares lang ng medyas ang sinusuot niya. Take note, isa lang. Kung ano man ang mamuong amoy dun, hindi ko na alam. Patunay lang yan na hindi lahat ng mayayaman at sikat e malinis sa katawan.

            *          *          *

Malas nga ata ako. Ni isang strike, wala akong nakuha. Natapos ang buong set nang hindi man lang ako nakakuha ng maganda-gandang iskor. Mabuti na lang at hindi mainit ang ulo ni Sir pagkatapos ng buong laro.

            “O yung polo mo baka makalimutan mo,” paalala sa’ken ni Bryan. Hindi ko nga pala suot ang polo ko. Hindi naging epektib ang superstition. Sayang.

            Tapos na ang klase. Uwian na. Yung iba, nagpaiwan. Magpa-praktis daw. Yung iba nauna na. Masakit ang kanang braso ko. Para akong nag-gym. Naninigas ang mga daliri ko. Medyo may tuklap yung hinlalaki. Hindi umepekto yung pulbos. Mahapdi. Parusa sa paggigitara to.

            “Una na ko p’re, sunduin ko pa tsiks ko,” sabay alis ni Bryan matapos umapir. Naiwan naman akong pinagdidiskitahan ang mahapding daliri. Masakit talaga. Parang ayoko ng um-attend ng P.E. next week. Magdadahilan na lang ako. Siguro naman okey ng ebidensya ang sugat ko. E pano kung pagamitin sa’ken ang kaliwang kamay ko? Tsk tsk tsk…

            Tumayo na rin ako. Halos lahat ng mga kasama ko naglabasan na. Dumiretso muna ko ng banyo para hugasan ang sugat at dyuminggel. Konting hilamos na rin. Dali-dali kong binalot ng panyo ang daliri ko matapos mahugasan. Sakto namang nagkasalubong kami ni Lyla paglabas ng banyo.

            “Uy, uwi na?” tanong ko. Ewan pero automatic na lumabas na lang yung tanong sa bibig ko.

            Hindi siya sumagot. Tumango lang. Magandang pagkakataon to. Sasabayan ko na siya hanggang labasan.

            “Hatid na kita,” alok ko. Hindi siya sumagot. Hindi ko tuloy alam kung okey lang o hindi puwede. Pero mukhang okey naman kasi magkasabay na kaming lumakad.

            “No nangyari diyan?” tanong niya pagkababa namin.

            Himala to! Kinibo ako! At hindi basta-basta kibo, nagtanong siya. It means, gusto niya rin akong kausap! So, hindi na siya galit sa’ken? Baka nga. Sana nga.

            “Alin?” kunwari hindi ko alam. Para magsalita siya ulit.

            “Diyan sa kamay mo,”

            “Ah…eto? Nagsugat dahil sa bola. Bigat e,” tinanggal ko sa pagkakabalot yung daliri. Napangiwi siya ng makita ang hiwa ng sugat.

            “Tsk tsk tsk…malaki din pala. Di ka ata naglagay ng pulbos,”

            “Naglagay ako, kasi huli na. Nagsugat na bago ko naisip lagyan,”

            “Ba’t di ka namili ng mas okey na bola kase?”

            “Yun nga e. Walang okey. Napunta ko sa malas na lane,”

            “Malas…?”

            “Di ako naka-strike kahit isa,”

            “Ah…okey.”

            Daanan na ng dyip ang labasan ng bowling center kaya hindi na rin kami mahihirapang sumakay. Yun nga lang, hindi siya pumapara ng dyip.

            Baka magta-tricycle? O may ibang lakad pa?

            “Anong yung sinabi mo kanina?” tanong niya.

            “Hatid na kita kako, kung okey lang,”

            Hindi siya agad nakasagot. Tiningnan ang oras sa relo saka nagsalita. “Sige, pero lakad lang.”

            “Hanggang terminal?”

            “Di naman malayo e. Pero ikaw, kung ayaw mo,”

 

            Ay pusang gala! Gustong-gusto ko tong trip na to! Not holding hands while walking!

            Pero hindi ako nagpahalata na natuwa. Siyempre, kelangan medyo magpa-cute.

            “S-sige…ikaw bahala,” at nagsimula na nga kami maglakad.

            Maganda naman ang panahon. Maulap. Walang senyales na uulan. Ilang araw na kasing naguuulan. Baka nagsawa na rin ang langit. Okey na rin mag-walkathon.

            “Naka-ilang strike ka ba?” tanong ko.

            “Tatlo,” matipid niyang sagot.

            “Tapos pitong kanal?”

            Nangiti siya. Ngayon ko na lang ulit nakita ang ngipin niya. “Wala akong kanal no, baka ikaw. Nakatatlo ka kaya,”

            Teka, ba’t alam niyang nakatatlo ako?

            “Huh? Pano mo naman nalaman?”

            Hindi siya nakasagot. Bahagya siyang ngumiti.

            Siguro nga pinagmamasdan niya ang lahat ng tira ko. Ang galing naman niyang manghula, kung hula man yun. Yun nga siguro dahilan kung bakit na-conscious ako kanina. Sabi ko na e, tinitingnan nya rin ako.

            “Puwede ba kitang tanungin ng medyo seryosong tanong?” kasabay nun ang pagseryoso ng boses ko. Ibahin na ang topic. Sumasama lang ang loob ko pag naaalala ko ang tatlong kanal.

            Pero hindi ulit siya sumagot. Ewan kung hindi nya naintindihan o inaantay niya lang na ituloy ko ang sasabihin ko. Gusto ko sana ulitin yung tanong, ang kaso biglang nanigas ang dila ko. Wag na lang. Di naman ganong mahalaga tanong ko.

            “Kala ko magtatanong ko?” tanong niya makalipas ang ilang minutong hanging moment. Inantay nga lang niya na ituloy ko ang sasabihin ko.

            “Kala ko kasi di mo narinig,” umubo-ubo ako kahit hindi naman kelangan, saka nagpatuloy. “Wala naman. Tatanong ko lang sana kung…galit ka sa’ken,”

            “May dahilan ba para magalit ako?” sumeryoso na rin siya.

            “Wala naman, pero nahalata ko lang na iniiwasan mo ko. Last time na magkasama tayo ng NSTP, hindi ka na kumibo…”

            “Wala yun. Wag na lang pansinin,”

            “Ba’t ka umiiwas?”

            “Wala…yaan mo na,”

            “Puwede ba namang wala?” sandali kaming napahinto sa tapat ng pedestrian lane. Pinanuod ang mga nagdaraang sasakyan.

            “Ano naman sa’yo kung iniiwasan kita? Parang affected na affected ka naman,”

            Bang! Lakas ng backfire. First time kong nakarinig sa kanya ng maanghang na sagot. Medyo nakaramdam ako ng ilang.

            “Wala…sige...yaan na nga lang,” napahiya ako. Di ko in-expect na ganun ang isasagot niya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng makatiyempo ng walang dumadaang sasakyan pagkatawid.

            “Sori,”

            “Para san?”

            “Sa sinagot ko,”

            “Okey lang,”

            “Sori ulit,”

            Hindi na ko sumagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Aaminin ko, medyo napahiya ako. Hindi ko talaga expected na makakapagsalita siya ng ganun. Alam kong medyo may katarayan siya, pero this time, medyo foul na talaga.

            “Di ka na kumibo diyan?”

            “Wala naman. Baka kasi mapahiya na naman ako,”

            “Ganun? Ang sensitive mo naman. Sori na nga e,”

            Ang cute niya pala minsan magtaray. FYI, sa’yo lang ako sensitive!

 

            “Okey nga lang. Yaan mo na.”

            “Ngumiti ka nga kung okey lang?”

            Medyo natawa ako. Ang cute ng eksena namin. Para kaming timang na praning. Ngumiti na rin siya sabay mahinang suntok sa balikat ko, “Wag ka masyadong seryoso, di bagay sayo…”

            Mark the calendar mga dude! Sinuntok ako sa balikat na may kasamang lambing! Hayup talaga! A-attend na ko lagi ng P.E. kahit magsugat-sugat pa lahat ng daliri ko!

            “Teka, maiba ako,” medyo okey na ko kaya nakabuwelo na ulit ako ng tanong. “Pano mo nalamang nakatatlong kanal ako?”

            “Wala, hula lang yun,”

            “Hanep, galing mo namang manghula? Talagang sakto a,”

            “Hula nga lang yun,”

            “Sus…maniwala ako,”

            Medyo natawa siya. “Okey…fine. Siyempre nakita ko. Ang OA mo kasing bumato ng bola,”

            “Pano naging OA yun? E ikaw nga wala man lang kaarte-arte yung posisyon mo,”

            “Atlis nakaka-strike,”

            “Ikaw na naka-strike,”

            Hindi na siya nagsalita. Pangiti-ngiti na lang. Ngiting parang nung una ko siyang nakitang ngumiti.

            Malapit na rin kami sa terminal. Habang papalapit kami sa bus, nalulungkot ako. Ewan. Kung kelan naman nagiging okey na usapan namin. Ngayon ko na lang ulit kasi sya nakausap ng maayos-ayos. With matching suntok pa.

            Hindi ko alam kung right timing na. Pero bago pa mahuli ang lahat, at bago ko pa pagsisihan ang lahat, sisimulan ko na ang misyon ko. Wala ng atrasan ‘to. Come what may!

           

            "Alam ko laos na 'tong tanong na 'to...pero tanong ko na din," huminto ako sa paglalakad saka lumingon-lingon sa paligid, baka may makakitang kaklase na tsismoso't tsismoso. Mahirap na, baka maging topic ako sa classroom.

            “Oh?” medyo takang tanong niya sa’ken. Napahinto na din siya sa paglalakad. Inayos ang pagkakasukbit ng shoulder bag sa balikat. Pakiramdam ko alam na niya yung tanong ko. Pero para hindi mapahiya at magmukhang assuming, alam kong aantayin pa rin niya ang tanong ko.

            “May…g-gawin ka ba sa sabado?”

            “Meron, NSTP. Bakit?”

            “I mean, pagtapos nun…”

            “Wala, uuwi na. Bakit?”

            Madali naman talaga ang itatanong ko, pero para akong beybi na first time magsasalita. Literal na umuurong ang dila ko. Dumadaloy na ang pawis sa kili-kili ko. Nanlalamig ako. Naramdaman ko pang nanginginig ang kamay ko kaya mabilis akong namulsa. Nagsimula na ring kumabog ang dibdib ko. Nagrarambulan na ang mga daga.

            “Ano? Okey ka lang?”

            Tumango lang ako. Pumwesto na ang bus na sasakyan niya. Nagsimula ng mag-akyatan ang mga pasahero. Nanatili namang nakatayo si Lyla---inaantay ang karugtong ng sasabihin ko. Pero pusang gala talaga, ayaw makisama ng bibig at dila ko! Parang huminto lahat ng organ ko sa katawan.

            “Sakay na ko…” akma na siyang lalakad ng bigla ko siyang hinawakan sa balikat para pigilan. Napahinto naman siya at nakatingin lang sa’ken. Saglit na eye to eye contact. Pero mabilis din siyang umiwas. Tumingin sa relo. Pahiwatig na gusto na rin umuwi.

            “Y-yayain sana kitang…ano…kumain sa l-labas. K-kung ayos lang…” pusang galang dila to!

            “Kakain? Bakit?”

            “W-wala naman. Gusto lang kita makakwentuhan…ganun.”

            “E bakit kakain pa sa labas? Kwentuhan lang naman?” nangiti siya. Nagmaang-maangan kunwari.

            Napangiti ako. “Payag ka ba o hindi?”

            Napaisip siya. Kumunot ang noo, saka nagsalita. “Hindi ako puwede gabihin,”

            “So…?”

            “Payag ako,” saka diretsong umakyat ng bus. Naiwan naman akong nakalutang ang paa habang kumakaway sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
3M 84.4K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...